Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

3 rinatrat sa gang war

$
0
0

TATLONG katao ang sugatan kabilang ang 15-anyos na binatilyo matapos ang pamamaril ng hinihinalang kalabang grupo ng kabataan sa Navotas City kaninang madaling-araw, Sept. 2.

Sina Genes Sese, 23, ng Kapalaran 3, Brgy. Daanghari; Clemento Lozado, 33, at kanyang 15-anyos na pinsan, kapwa ng Rd. 10, cor. C3 Rd., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ay ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 12:45 ng madaling-araw, nag-iihaw ng isda si Lozado at kanyang menor-de-edad na pinsan sa harap ng kanilang bahay nang dumating ang grupo ng kabataan na sakay ng tricycle at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga ito.

Tinamaan si Lozado sa kaliwang tainga habang ang kanyang pinsan ay tinamaan naman sa kanang at paa, habang si Sese na nasa harap ng gate ng Navotas Fish Port ay nahagip naman ng ligaw na bala sa kaliwang braso.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Paniwala ng mga biktima na may kinalaman umano ang insidente sa away sa pagitan ng grupo ng mga kabataan ng Sawata kontra sa grupo ng mga teenagers sa Sitio Puting Bato. ROGER PANIZAL


Sundalo nalunod sa talon, dedo

$
0
0

HINDI sa pakikipagbakbakan sa mga terorista kundi namatay ang isang sundalo sa simpleng pagligo lamang sa falls sa Lamitan City sa Basilan kaninang Sabado ng umaga.

Ayon sa pulisya, nakilala ang biktimang si Corporal Mark Pascual, 33, ng Brgy. Sunrise, Isabela City.

Si Pascual ay miyembro ng 74th Infantry Batallion ng Philippine Army.

Wala pang kumpletong inilabas na detalye ang kapulisan at militar sa Basilan kung paano nangyari ang pagkalunod ng biktima.

Nakatakdang iuwi ang labi ng nasawing sundalo sa kanilang tahanan sa Isabela City.

Ikinalungkot naman ng pamilya at mga kaibigan abg trahedyang nagyari sa biktima.

Ayon sa kanila, lagi nilang pinaalalahanan ang biktima na mag-ingat lagi sa tuwing humaharap ito sa pakikipaglaban ngunit sa pagkalunod pala ito mamamatay. BOBBY TICZON

Druglords, smugglers, natutuwa sa Trillanes vs Gordon – Poe

$
0
0

IKINALULUNGKOT ni Sen. Grace Poe na baka natutuwa ang mga druglord at smugglers sa away nina Senador Antonio Trillanes at Richard Gordon dahil naibabaling ang isyu sa kanila kaysa katiwalian sa Bureau of Customs (BOC).

Sa panayam, sinabi ni Poe na puwede naman pag-usapan ang sigalot sa pagitan nina Trillanes at Gordon upang hindi na maulit muli hangga’t umayos ang sitwasyon sa kanilang dalawa.

“Siyempre nakakalungkot rin ang nangyaring ‘yan dahil mga kasama ko ‘yan, pero ang ninanais ko sana, hindi na humantong ito sa isang ethics hearing o ethics complaint–na pwede nang pag-usapan nang maayos kasi importante na maobserbahan natin talaga ang decorum at paggalang sa ating mga pagdinig,” giit ni Poe.

Aniya, importanteng maobserbahan ang pananaw ng bawat isa na kahit salungat man sa sinuman.

“At importante rin na obserbahan natin ang pananaw ng bawat isa, salungat man sa atin. Isa pa, mas maganda sana na pag-usapan nila nang maayos, wala ng complaint na papasok para hindi na rin mabawasan ang oras ng bawat senador sa iba pang mga trabaho namin,” aniya.

Sinabi ni Poe na kung ganito ang nangyayari, malaki ang posibilidad na natutuwa ang mga druglord at smugglers kabilang ang kanilang kasabwat sa katiwalian sa BOC dahil nalilihis ang isyu sa away ng dalawang senador.

“At isa pa, hindi kaya mas matutuwa pa ang smuggler at drug pusher na nakatuon ang isyu dito sa internal na pag-aaway imbes na nakatuon sa talagang isyu na dapat maalis ang katiwalian dito sa mga ahensya ng gobyerno,” giit ni Poe.

Samantala, sinabi ni Poe na wala pang umiikot na papel upang papirmahan sa kanila hinggil sa kasong isasampa sa Ethics committee laban kay Trillanes, at kung mayroon man, hindi siya pwedeng lumagda dahil miyembro siya nito.

“Sa alam ko wala pang iniikot na papel na pinipirmahan, pero para sakin, ako kasi miyembro ng ethics committee kaya hindi siguro ako pwedeng pumirma muna doon hangga’t hindi ko nadidinig, pero gaya nga ng sinabi ko hindi na sana humantong ito sa ethics committee kasi importante sa lahat, hindi naman dahil sa katiwalian ang nagiging isyu sa kahit na sinong senador,” ayon pa sa senadora. ERNIE REYES

2 inambus sa Malabon, patay

$
0
0

ISANG 33-anyos na lalaki na sinasabing sangkot sa illegal drugs at ang kasama nitong babae ang napatay matapos ambusin ng apat na kalalakihan kagabi, Biyernes, sa Malabon City.

Dead-on-the-spot si Edmund Villaflor Cruz, 33, ng Martinez St., Brgy. San Jose, Navotas City sanhi ng mga tama ng bala sa katawan at ulo habang ang kasamahan nitong nakilalang si Angelica Maicah Sanchez Feliciano, 22, ay hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center.

Ayon kay Malabon police duty desk officer Insp. Ferdinand Espiritu, sakay ang mga biktima ng motorsiklo at tinatahak ang kahabaan ng E. De Jesus St. pasado 11:40 ng gabi nang biglang harangan ng maroon na Mirage car sa kanto ng C. Arellano St., Brgy. Concepcion.

Tatlong suspek ang bumaba sa kotse at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima saka mabilis na tumakas patungong Brgy. San Agustin.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Aaron Blanco, si Cruz ay may dating kasong paglabag sa R.A. 9165 o the Comprehensive Dangerous Drug Act sa Navotas City Prosecutors Office matapos itong maaresto noong 2014 ng Navotas city police.

Matapos itong makalabas sa kulungan ay bumalik sa kanyang pagtutulak ng ilegal na droga,

Nakarekober ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) mula kay Cruz ng isang kalibre .45 pistol, Alcatel phone, P30,000 cash at siyam na empty shells at deformed slug ng kalibre .45 na ginamit sa krimen.

Agad namang nagsagaa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Operatives of Malabon Police Community Precinct (PCP) 7 subalit bigong maaresto ang mga ito. ROGER PANIZAL

Sa pagsisimula ng ‘ber’ months, Manila police inalerto ni Erap

$
0
0

INALERTO na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) dahil sa inaasahang pagtaas ng krimen sa lungsod sa mga susunod pang mga linggo dahil sa pagsisimula ng “ber” months.

Inatasan na rin ni Estrada si MPD director Chief Supt. Joel Coronel na bumuo na ng security plans upang maprotektahan ang publiko laban sa snatching, holdup, at pickpockets na karaniwang laganap kapag papalapit na ang Pasko.

Ipinag-utos din nito kay Coronel na magsagawa ng information campaign upang turuan ang publiko sa iba’t ibang modus operandi ng mga kriminal groups tulad ng Salisi Gang, Laglag-Barya Gang, Tutok-Kalawit Gang, at Ipit-Taxi Gang.

Ayon kay Coronel, dadagdagan na lang nila ang mga police assistance desks na tinayo nila sa mga pampublikong lugar tulad ng shopping malls, terminals, mga paaralan, at simbahan.

Aniya, makikipag-ugnayan din sila sa mga security unit ng mga establisyemento upang mapangalagaan ang seguridad ng publiko.

Ayon pa kay Coronel, bumaba nang 40 porsyento ang bilang ng street crimes sa lungsod tulad ng snatching at holdup nitong huling dalawang linggo ng Agosto ngunit inaasahan nilang tataas ito pagpasok ng Oktubre.

“Based on records and crime data, crimes versus property normally tumataas pagpasok ng October, so we really have to prepare for that, as directed by Mayor Erap,” anang director. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Trike driver, utas sa babang pasahero

$
0
0

UTAS ang isang 41-anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi kilalang babaeng gunman na nagpanggap na pasahero Linggo ng gabi, Sept. 3, sa Malabon City.

Dead-on-the-spot si Wilberto Felix, ng Doña Juana Subd., Dampalit, sanhi ng tama ng bala sa kaliwang sentido.

Lumalabas sa imbestigasyon nina Malabon police homicide investigators PO2 Rockymar Binayug at PO1 Junny Delgado, dakong 8:10 ng gabi, sakay ng biktima sa kanyang pinapasadang tricycle ang hindi kilalang babae na nagpanggap na pasahero at habang binabagtas nito ang C. Arellano St., Brgy. Baritan ay bigla na lamang naglabas ng baril ang suspek at pinutukan sa kaliwang sentido si Felix.

Bumaba ang suspek at muling pinutukan ang biktima saka naglakad na sinundan naman ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo kung saan inabot ng babaeng gunman ang ginamit nitong armas sa nakaangkas bago ito sumakay sa pampasaherong dyip.

Ayon pa sa pulisya, tila nakikita na raw ng biktima ang marahas niyang kamatayan matapos umanong sabihin sa kanyang asawa Sabado ng gabi na baka may papatay sa kanya.

Patuloy naman ngayon ang masusing imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek at ang tunay na motibo sa insidente. ROGER PANIZAL

EMQ and GCash Partnership to Boost Remittance Services across The Philippines

$
0
0

EMQ and Globe Telecom’s mobile commerce subsidiary G-Xchange Inc.(GCash), today announced a partnership that would further expand EMQ’s reach in the Philippines as well as offer greater flexibility and convenience to overseas workers.

“Remittances provide a lifeline for millions of households and drive financial inclusion in the developing countries such as the Philippines, currently the third largest recipient of remittances according to the World Bank,” said Max Liu, Co-founder and CEO of EMQ. “Our expansion with GCash complements our existing capabilities in the Philippines, while offering the best possible choices and flexibility for the overseas workers to send money home effortlessly within minutes.”

With the partnership, EMQ users can now send funds to GCash account holders who in turn can use their mobile money to pay bills and make online purchases, buy load or cash out at over 12,000 GCash Partner Outlets across the Philippines.

“We always strive to create the highest customer value with our innovative solutions and EMQ shares our passion,” said GCash President and CEO Abet Tinio. “Our strategic partnership with EMQ would further boost mobile wallets usage and accelerate local economic growth. But most importantly, we want to ensure that Filipinos who rely on remittances from their loved ones overseas will receive their money fast and securely without any hassle.”

EMQ currently has footprints in Hong Kong, Taiwan, Indonesia, Vietnam, and the Philippines, with plans underway to expand across other key business markets first in Asia and then globally, covering North America, Europe, and the Middle East. GCash international partners have over 1,000,000 outlets worldwide with over 12,000+ GCash Partner Outlets across the Philippines.

Hurricane Irma sa Miyerkules ang landfall; ‘worst scenario’ ibinabala

$
0
0

PINAGHAHANDAAN ng mamamayan at mga opisyal sa mga lugar na nakatakdang hagupitin ng Hurricane “Irma” ang “worst case scenario” sa idudulot nitong pinsala.

Ito’y matapos lumakas pang lalo ang naturang hurricane na umabot na sa Category 4 na storm.

Sa pinakahuling forecast, sinasabing patungong kanlurang direksyon sa Atlantic Ocean ang super-typhoon kaya nagdeklara ng state of emergency sa Florida at Puerto Rico.

Batay sa impormasyon, bagama’t hindi pa tiyak ang mga lugar na tutumbukin ni Irma, nagbabanta itong tumbukin ang Florida sa US.

Una nang naglabas si Florida Governor Rick Scott ng executive order na nagdedeklara ng state of emergency sa lahat ng 67 countries sa nasabing estado na unang nagtaas ng abiso si Puerto Rico Gov. Ricardo Rossello.

Ayon naman kay Scott, mas pinaigting pa ang kanilang paghahanda kahit hindi sigurado kung saan ang eksaktong lugar na tatahakin ni Irma.

Nag-usap na rin sina Scott at US President Donald Trump kung saan nag-paabot umano si Trump ng “full resources” ng federal government sa paghahanda ng Floridians sa Hurricane Irma.

Samantala, kanselado na rin ang klase sa mga pampublikong paaralan, at ang Unibersidad sa Puerto Rico, base naman kay Puerto Rico Gov. Rossello.

Kaugnay nito, ayon sa National Hurricane Center, nasa 660 kilometro silangan ng Isla ng Leeward si Irma na nagtataglay ng hangin na 220 kph patungong kanluran sa bilis na 20 kph.

Sinabi ng mga eksperto, asahan itong magla-landfall sa Miyerkules sa isla ng Anguilla.

Itinuturing na isang classic “Cape Verde hurricane,” si Irma, o ang bagyong nabuo sa far eastern Atlantic malapit sa Cape Verde Islands o mas kilala bilang Cabo Verde Islands, bago tumungo sa bahagi ng Atlantic.

Ang Cape Verde storms ay madalas na nagtataglay ng malalaki at mas malakas na hurricanes katulad na lamang ng Hurricane Hugo, Hurricane Floyd at Hurricane Ivan. BOBBY TICZON


‘Kiko’ balik-LPA, signal #1 nakataas sa 2 lugar

$
0
0

MAGIGING isang low pressure area (LPA) na lamang ang tropical depression Kiko kapag tumama ito ng kalupaan.

Gayunman, sinabi ng Pagasa na napanatili pa rin ang kanyang lakas habang kumikilos patungong dulo ng Northern Luzon.

Sinabi ni Pagasa Weather Specialist Nikos Peñaranda, na nasa 55 kph pa rin ang lakas ng hangin ng naturang bagyo at may pagbugsong aabot ng 65 kph.

Huling namataan ang tropical depression sa layong 350 km silangan ng Tuguegarao, Cagayan.

Bumilis naman ang bagyo na mula 15 kph ay naging 17 kph na ito. Nagbago rin ito ng direksyon mula west north-west ay naging northwest ito.

Dahil dito, hindi na tutumbukin ng bagyo ang Cagayan dahil lumihis na ito at patungo na ng Batanes kaya’t tinanggal na rin ang tropical cyclone warning signal sa ilang lugar.

Sa ngayon ay nakataas na lang ang atropical cyclone warning signal no. 1 sa Cagayan, Batanes at Babuyan Group of Island at natanggal na rito ang Ilocos Norte at Apayao.

Samantala, asahan pa rin ang biglaang malakas na pag ulan sa gabi at madaling-araw sa Metro Manila. BOBBY TICZON

Ex-ARMM Gov. Misuari, pinaaaresto

$
0
0

PINAAARESTO ng Sandiganbayan 3rd Division si dating Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) Governor Nur Misuari.

Kaugnay ito sa tatlong bilang ng kasong graft at tatlong bilang ng kasong “malversation of public funds through falsification.”

Matatandaang inakusahan si Misuari kaugnay sa “textbook scam” o maanomalyang pagbili ng mga kagamitang pang-edukasyon na nagkakahalagang P115.2-milyon noong 2000 at 2001.

Iniutos din ng korte ang pag-isyu ng warrant sa mga dating opisyales ng ARMM Department of Education at mga pribadong indibidwal tulad nina Leovigilda Cinches, Pangalian Maniri, Sittie Aisa Usman, Alladin Usi, Nader Macagaan, Cristeta Ramirez at Lolita Sambeli.

Nais ng korte na magbigay ang prosekyusyon ng karagdagang katibayan laban kina Misuari at Usman.

Taong 2004 nang magsumite ng reklamo laban kina Misuari sa Office of the Ombudsman. Natapos ang audit report noong 2007.

Tinatag naman noong 2013 ang Ombudsman panel of investigators bago opisyal na kasuhan ang mga akusado sa Sandiganbayan nitong 2017.

Kilala si Nur Misuari bilang tagapagtatag ng samahang Moro Islamic Liberation Front (MILF). BOBBY TICZON

Trillanes kakasuhan sa ethics committee

$
0
0

INIHAYAG ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na nakatakdang kasuhan si Sen. Antonio Trillanes IV sa ethics committee sanhi ng unparliamentary behavior ng mambabatas sa isinagawang imbestigasyon sa P6.4B shabu na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC).

Sa panayam, sinabi ni Pimentel na si Sen. Richard “Dick” Gordon ang magsasampa ng ethics complaint laban kay Trillanes dahil binalewala umano ng huli ang kapangyarihan ng una bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ang naturang komite ang nag-iimbestiga sa P6.4B shabu na nakapuslit sa BOC na sinasabing may ayuda ng Davao Group.

“Si Senador Gordon ang magpa-file ng ethics complaint at isasailalim namin ito sa proseso,” ayon kay Pimentel.

Sinabi ni Pimentel na idadaan na pangkaraniwang proseso ang reklamo laban kay Trillanes.

“Babasahin po natin ‘yun at saka hihintayin natin ‘yung investigation at recommendation ng committee. It will be processed normally, just like any complaint,” paliwanag ni Pimentel.

Aniya, walang magagawa ang Senado kundi pakinggan ang reklamo ni Gordon dahil masyado hindi maganda ang nangyari.

“Wala tayong magawa, hindi maganda ‘yung nangyari, so dapat talaga maresolve na,” giit ni Pimentel.

Nitong nakaraang linggo, nagkasagutan sina Gordon at Trillanes hinggil sa paratang ng huli na isa lamang itong comite de absuelto dahil tila nag-aabogado ang hepe ng Blue Ribbon sa mga akusado na pawang kamag-anak ni Pangulong Duterte.

Pinabulaanan ni Gordon ang paratang ni Trillanes sa pagsasabing wala siyang utang na loob kay Duterte upang paligtasin nya ang kaanak na sumasabit sa pagpupuslit ng P6.4B shabu.

Sa panayam ng Remate, sinabi ni Sen. Joel Villanueva na karamihan sa miyembro ng Mataas na Kapulungan ay naniniwalang may hindi magandang nangyari sa oras na imbestigasyon.

“Maraming naniniwala na may pagkakamali siya,” ayon kay Villanueva na tumutukoy kay Trillanes.

Nitong Lunes, natuklasan naman ng umabot na sa 14 senador ang pabor na kasuhan si Trillanes sa Ethics Committee na pinamumunuan ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III.

Kasama rin si Sotto sa nakipagtalo kay Trillanes sa sigalot nito kay Gordon. ERNIE REYES

‘Wag ilihis ang atensyon sa P6.4B shabu sa BOC‘ – LP

$
0
0

BINATIKOS kahapon ng Liberal Party (LP) ang administrasyon matapos pagbintangan ang partido ni dating Pangulong Noynoy Aquino na may balak silang patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagkus, sinabi ni LP President, Senator Francis “Kiko” Pangilinan na “isa na naman kahibangan ang sinasabing balak na pagpapatalsik ng LP sa Pangulo.”

“Sinuman ang nag-imbento ng kwentong ito ay desperadong ilihis ang atensyon ng taumbayan at media sa kontrobersyang P6.5-bilyong shabu smuggling na kinasasangkutan ng Davao Group,” ayon kay Pangilinan.

Sinabi ni Pangilinan na ngayon, ang pinakamahalagang isyung may pambansang interes ay ang paratang na pinayagan ng Davao Group ang pagpasok ng bilyun-bilyong pisong halaga ng mga iligal na droga sa pakikipagkaugnay ng mga opisyal ng BoC at mga sindikato sa droga sa kabila ng tinatawag na war on drugs.

“Dapat nilang harapin ang isyu,” ayon kay Pangilinan.

Kamakailan, natuklasan ng Bureau of Customs (BOC) na dating pamumuno ni Commissioner Nicanor Faeldon ang 600 kilong shabu sa isang bodega sa Valenzuela City na sinasabing naipalusot sa green lane ng ahensiya.

Wala pang nakakasuhan sa pagkakatuklas ng P6.4B halaga ng shabu sa naturang lungsod, ngunit tanging caretaker lamang ang nasampahan ng kaso at nakalalaya pa ang mga may-ari ng lugar.

“Kailangan nating malaman ang katotohanan dahil kung totoo ang mga paratang, peke ang war on drugs,” ayon kay Pangilinan. ERNIE REYES

Ex-PDEA officer huli sa buy-bust ops, P1.5M shabu kumpiskado

$
0
0

SWAK sa kulungan ang isang dating Dangerous Drug Regulation Officer (DDRO) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos madakip sa Tacloban City matapos magbenta ng shabu nitong nakalipas na Linggo.

Kinilala ni PDEA Officer-in-Charge Jesus A Fajardo ang suspek na si Julius KatangKatang, 35, ng Brgy. San Roque, Jaro, Leyte.

Si KatangKatang ay dating nagtrabaho sa PDEA Regional Office VIII (PDEA ROVIII) bilang DDRO na ang kanyang trabaho ay kabilang ang evaluation at processing ng lisensya ng medical practitioners at registered stakeholders na nag-aaplay ng issuance ng controlled precursors at essential chemicals (CPECs) at dangerous drugs licenses.

Nasibak siya sa trabaho dahil umano sa madalas na pagliban ng walang kaukulang official leave (AWOL) simula Pebrero 2017.

Nitong nakalipas na Agosto 29, 2017 dakong alas 8:45 ng gabi ang pinagsanib na element ng PDEA ROVIII sa ilalim ni Director Edgar Jubay, Tacloban City Police Office-CPDEU at 8th MIB, Philippine Army ay nadakip si KatangKatang sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. 33, P. Burgos St., Tacloban City.

Nakumpiska sa suspek ang pitong transparent plalstic sachets na naglalaman ng shabu, na may timbang na 300 gramo at may market value na P1,500,000 at iba’t ibang drug paraphernalia.

Nahaharap ngayong sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs),Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II of Republic Act 9165, na mas kilala sa the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang suspek. SANTI CELARIO

Bentahan ng manok sa Pampanga, normal na

$
0
0

NASA normal na ang bentahan ng manok sa loob at labas ng Pampanga matapos itong maideklarang bird flu free ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Agriculture Usec. Ariel Cayanan, tumaas na sa P110 ang kada kilo ng manok sa mga pamilihan mula sa dating P100 kada kilo.

Sinabi ni Cayanan na malaya at ligtas nang nakakapagbiyahe ng poultry products ang mga taga-San Luis, Pampanga at Jaen at San Isidro sa Nueva Ecija.

Samantala, kinumpirma ni Cayanan na naipamahagi na ng lokal na pamahalaan sa 30 apektadong poultry owners sa bayan ng San Luis. JOHNNY ARASGA

Residential area sa Maynila, nilamon ng apoy

$
0
0

NATUPOK ng apoy ang isang residential area na ikinadamay din ng dalawang gusali at kaninang umaga sa San Andres, Maynila.

Ayon kay Manila Fire District Marshall Supt. Antonio Razal, Jr. nagsimulang sumiklab ang sunog dakong 8:07 ng umaga sa ikalawang palapag ng bahay na pagmamay-ari ni Selpa Garcia sa 1858 Estrada St., San Andres Bukid, Manila.

Gawa umano sa light materials ang mga kabahayan sa lugar kaya agad itong inakyat sa ikatlong alarma, at idineklarang fireout dakong 9:14 ng umaga.

Umabot sa P100,000 ang kabuuang halaga ng nasunog na ari-arian at wala namang naiulat na nasugatan sa 15 bahay na nilamon ng apoy.

Ayon sa mga imbestigador ng Arson, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Samantala, nagpadala naman si Manila Mayor Joseph ng relief workers upang tulungan ang mga nasunugan.

Partikular na inatasan ni Estrada ang Manila Department of Social Welare (MDSW) na maghanda ng mga pagkain at pangangailangan ng mga apektadong pamilya. JOCELYN TABANGCURA- DOMENDEN


15 tutulog-tulog na pulis-Maynila, sinibak

$
0
0

SINIBAK sa puwesto ang 15 pulis nang mahuling natutulog sa Gagalangin Police Community Precinct (PCP) sa Tondo, Maynila.

Epektibo ngayong araw ang relieve order sa mga pulis na nakilalang sina PCP Commander P/S Insp. Anthony Co, PO3 Nelson DG. Geronimo, PO3 Avelino T. Guibao, Jr., PO3 Geronimo M. Ramo, PO2 Carlito V. dela Cruz, PO1 Percival F. Doroja, PO1 Aladin P. Arguelles, PO1 Arnold S. Regala, PO1 Cathlyn C. Cauan, PO1 Joe Ronie A. Obillo, PO1 Romeo M. Balagtas, Jr., PO1 Carlo L. Farmis, PO1 Janette G. Banatao, PO1 Leo Dave A. Legaspi, at PO1 Beatriz R. Danguilan.

Ani Albayalde, dumulog sa NCRPO si John (hindi tunay na pangalan) matapos na hindi ito tulungan ng mga nasabing pulis, nang magpunta siya sa Gagalangin-PCP upang ireklamo ang tinangay niyang motorsiklo.

Sa halip umanong tugunan ng mga pulis ang reklamo patungkol sa ninakaw na motor ay pinagalitan pa raw siya ng mga natutulog na pulis kaya’t imbes na magpa-blotter ay kinuhanan niya na lamang ng litrato ang mga natutulog na pulis at inireklamo ang mga ito sa NCRPO.

Naka-assign sa night shift ng Gagalangin-PCP ang 15 pulis na sinibak sa puwesto at sasailalim sila sa retraining at naka-floating ang status nila ngayon sa NCRPO habang iniimbestigahan ang kaso.

Ayon sa Manila Police District (MPD) na nakasasakop sa Gagalangin PCP, magkakaroon ng panibagong balasahan sa kanilang mga istasyon bunsod ng insidente.

Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga nasibak na pulis kaugnay ng insidente, ayon sa NCRPO. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Biyuda nabiktima ng budol-budol

$
0
0

NATANGAYAN ng P500,000 ang isang biyuda ng miyembro ng Budol-Budol Gang sa Ermita, Maynila.

Kinilala ni P/C Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang biktimang si Tessie Tuba, 53, ng 456-1 Romero Salas St., Ermita, Maynila.

Limang lalaki naman ang inireklamo ng ginang na siyang nanggoyo at tumangay aniya ng kanyang pera.

Napag-alamang dakong 12:05 ng madaling-araw, kumatok sa bahay ng biktima ang anim na suspek, at nagpanggap na ‘buyer’ ng ibinibentang resort sa Batangas.

Ayon kay Tuba, dakong 10:00 ng umaga nang mag-alok ang mga suspek na makisosyo sa kanilang bibilhing bulto ng produkto kung saan kikita umano ng P100,000 ang biktima.

Sanhi ng baon sa utang at kailangan ng dagdag na panustos, napapayag ang biktima na makipagsosyo sa kanila.

Iniwan umano ng mga suspek sa bahay ng biktima ang dala nilang pera at sinabing babalikan sa kanilang bahay sa sandaling mai-withraw na ang pera ng biktima.

Gayunman, nang maiabot na ng biktima ang pera sa mga suspek, kaagad na nagpaalam ang mga ito at nagdahilang hahabulin pa nila ang bilihan ng produkto at babalik na lamang sa bahay ng biktima para ibigay ang tubo.

Pumayag naman ang biktima sa pag-aakalang tunay na pera ang iniwan ng mga suspek pero laking panlulumo ng biktima nang buksan ang iniwang bag ng mga suspek dahil ginupit na diyaryo lamang ang laman nito.

Nagpunta si Tuba sa MPD-GAIS upang ireklamo ang pangyayari at mahanap ang anim na suspek, na ayon sa kanya ay makikilala niya kung muling makikita. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

854,520 sa barangay nagnanais magkaroon ng skills training sa TESDA

$
0
0
UMABOT  na sa 854,520 indibidwal mula sa iba’t-ibang barangay sa bansa ang nagnanais na magkaroon ng skills training na ipinagkakaloob ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pamamagitan ng programang Barangay Kasanayan para sa Kabuhayan at Kapayapaan (BKKK) o Skills Mapping.
 
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, ang nasabing bilang ng aplikasyon ay nagmula sa 23,350 barangays na tumugon sa programa ng ahensiya na layuning makapagbigay ng skills training sa lahat ng barangay sa buong bansa partikular na sa mga malalayong lugar.
 
Napag-alaman na ang Pilipinas ay binubuo ng 42,036 barangay kung saan ay mahigit na sa kalahati ng mga ito ang tumutugon sa programa ng TESDA para sa skills mapping at inaasahan na sa 2018 ay lulubo pa ang bilang ng mga aplikasyon sa 200%.
 
Mula naman sa kabuuang bilang ng mga nagnanais na magkaroon ng skills training sa TESDA na nanggaling sa mga barangay sa buong bansa ay umabot na sa 515,457 sa mga ito ang naiproseso na para sa skills mapping.
 
“As we want to make sure that everybody who wants to have skills training is given the opportunity, we have adopted two other modes of scholarship availment to democratize access to TESDA’s program and services such as online application and walk-in application”, sabi pa ni Mamondiong.
 
Sa kasalukuyan ay umabot na sa 40,662 aplikante mula sa online ang naitala habang 62,363 naman ang mga walk-in applicants at inaasahan pa na patuloy ang pagtaas ng bilang na ito dahil na rin sa isinasagawang skills mapping.
 
Ang skills mapping ay isang paraan kung saan ay inaalam ng TESDA ang skills training na dapat na ipagkaloob sa mga residente ng isang barangay o lugar na siyang magagamit ng mga ito sa pagpapaunlad sa kanilang komunidad. 

Three lucky ticket holders win ultra lotto and 6/42 jackpot

$
0
0

LAST night’s PCSO Ultra Lotto6/58and 6/42drawshas produced three millionaires. The lucky numbers 3-27-17-12-20-6 with a jackpot prize of P 256,832,816.00 were matched by 2 Ultra Lotto tickets which were sold in Pasay City and Nueva Ecija. The jackpot prize will be a two-way split of P128,416,408 each. The jackpot had grown since no one had matched the numbers since March 31, 2017.

The last Ultra Lotto pot which amounted to P286,007,372.00 was shared by three winners last March 28, 2017 taking home a whopping more than 95M each. However, PCSO has yet to identify the 3rd winner of this jackpot since only two winners had come forward to claim their fortune. Winners are reminded that they only have one year to claim their prize from the date of the draw.

Meanwhile, the 6/42 lotto which had a total prize of P44,419,960.00 was scooped by a single ticket which was purchased in Pasig City. The winning combination42-39-5-29-6-12 was matched by a lone bettor. Since January of this year, the 6/42 lotto game has produced 15 millionaires including last night’s winner.

The Ultra Lotto is played every Sunday, Tuesday and Friday while 6/42 Lotto is played every Tuesday, Thursday and Saturday.

 

GSIS cuts retirement, loans processing time

$
0
0

Clark, Pampanga. In his first ever consultation with GSIS stakeholders, Chairman Francisco T. Duque III engaged more than 500 members and pensioners in the province of Pampanga, to hear their concerns and inputs on how the state pension fund could further improve its services.

During the dialogue, Duque bared the new thrusts that GSIS is implementing this year including the reduction in the processing period for retirement and life insurance, motor vehicle and service loans, and the conduct of financial literacy programs for new government entrants and retiring members.

“Retirement and life insurance claims are now being processed within 30 days from 90 days, even shorter than the prescribed 90-day processing time under the law.”

GSIS also reduced the processing period for motor vehicle claims from 45 days to 40 days, as well as all service loans including the conso-loan or salary loan, to three days from five days.

“We  will further help our members protect their hard-earned retirement benefits through the conduct of financial literacy programs in cooperation with the Civil Service Institute, the Philippine Deposit Insurance Corporation and other known financial literacy experts”.

The Chairman also unveiled the new vision of GSIS that is anchored not only on providing excellent service but on the aspiration to be among the top three defined-benefit pension fund institutions in the ASEAN region.

“The new Board demands that GSIS surpass its achievements in the last six years and level up by competing in the international arena.”

Duque is confident that GSIS will realize its new vision citing that as then Chairman of the Civil Service Commission (CSC), he has witnessed the pension fund’s transformation from a “poster child of complaints to the leading exemplar in service delivery under the Anti-Red Tape Act (ARTA) customer feedback survey”.

He stressed however that GSIS has no room for complacency with even more challenges to face. Duque said that one of these concerns is the need to improve the loan collection efficiency of agencies, particularly the Department of Education (DepEd), whose personnel accounts for more than half of the GSIS membership.

“We are discussing a new program with DepEd that will help improve the financial capability of its personnel, and we hope to launch it within the year.”

In this connection, Duque welcomed the issuance of DepEd Order No. 38, which prioritizes the payment of GSIS premium and loan payments over all other private lenders.

“We are heartened by the quick response of Secretary Leonor Briones who tasked the department’s liaison and agency authorized officers (AAOs) to ensure that the Php4,000 net take home pay under the General Appropriations Act is observed, after GSIS loan amortizations are deducted.”

AAOs are responsible for approving the loans of agency personnel  before endorsing the application to GSIS for processing.

The Commission on Audit also heeded the request of GSIS to ensure the prompt collection of premium and loan repayments.

Under COA Memorandum No. 2017-15, Chairman Michael Aguinaldo ordered all auditors  to report delinquent agencies that are remiss in paying premium and loan amortizations and those that fail to remit on time.  These will be included in COA’s Annual Audit Report so that penal sanctions may be imposed upon the responsible officials  and employees who violated the law.

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>