Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

BIFF bomb-maker, dedo sa Maguindanao raid

$
0
0

NAPATIMBUWANG ng awtoridad ang isang mataas na opisyal ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa inilunsad na law enforcement operation nitong Martes ng gabi sa probinsya ng Maguindanao.

Namatay noon din sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ibrahim Ali alyas Kumander Ibs, bomb-maker at trainer ng BIFF.

Ayon kay 6th Infantry Division spokesman Captain Arvin Encinas, nagsagawa ng law enforcement operation ang pinagsanib na puwersa ng 19th IB, 603rd Brigade Philippine Army, DOS PNP at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-ARMM) malapit sa isang gasoline station sa Brgy. Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nang mamataan si Kumander Ibs.

Nang sitahin, nagtangka itong lumaban kaya napatay ito. Nakuha rito ang isang kalibre .45 na pistol at mga bala.

Sinasabing matagal nang pinaghahanap ng militar at pulisya si Kumander Ibs batay sa kautusan ng Department of National Defense (DND) alinsunod sa idineklarang Martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

Sa ngayon ay pinaigting pa ng militar at pulisya ang kanilang operasyon laban sa mga terorista at ilang armadong grupo na banta sa seguridad ng mamamayan. BOBBY TICZON


Optimizing Your Business with Digital Solutions: the DIGITS Trading Corporation Success Story

$
0
0

WHO would have thought that a humble computer shop would transform into one of the most successful tech giants in the Philippines? DIGITS Trading Corporation began as a modest computer shop sidelining as a gadget assembling hub. Charles Paw started the company back in 2002, carrying only his passion and grit, and envisioning a company that would become the foremost hub of gadgetry in the Philippines.

In time, the business included retail in its portfolio by launching Beyond the Box, which is an Apple Premium Reseller and Authorized Service Provider, and Digital Walker, which is the premier hub of gadgets and accessories in the Philippines. Additionally, DIGITS supplies to different dealers and organizations like Globe, Astrovision, and Lazada.

Despite its current status, the path to success wasn’t easy. Glenn Richmond Ong, DIGITS’ Vice President for Customer Experience and Information Systems Management, says they faced various challenges, but the toughest and by far the most ironic was a backlog in their technology. Describing how their situation used to be, he talks about their cashiers still using manual receipts and their IT teams receiving hundreds of tickets a month regarding unstable Internet connection.

When it was made clear that Internet connectivity was the most pressing issue, they decided as a company that investing in a stable and strong Internet connection was a must. Thus, they did a scan of four vendors selling network connectivity solutions, before finally deciding to go with Globe Telecom’s offered solutions. Globe’s Managed Wi-Fi and wired connection were installed in their head office, a process which Globe took care of through network rehabilitation of the entire building.

The company also subscribed to many other digital solutions, such as service units relying on Globe postpaid, the use of G Suite (which Google hosts in partnership with Globe), and managed CCTV in their warehouses.

Besides the effectiveness of these solutions, what appealed to Glenn was the convenience. He shares, “I only had to speak to one company, and they were able to provide a lot of different solutions that really helped us. We really see how happy the employees are now. I think it’s my way of also changing the culture. If you are a digital company, and within your company you aren’t digital yet, how do you live out the digital lifestyle?”

More than anything, having reliable Internet connection has worked wonders for DIGITS’ owner and its employees. It provides them with a sense of assurance that whenever they work on something, the work that they have put effort into won’t go to waste. Glenn states that this has improved productivity and allowed them to look forward to optimizing their other business operations through digitization.

“It all starts with having happy employees internally,” Glenn says, stating that everyone around them deserves to be catered to – including fellow employees, whom he considers internal customers. “That’s why I’m focused on resolving the pain points that we have in the head office. If the employees are happy, then the outputs that they will give out are better, which eventually will echo to the external customers who are visiting our stores.”

More than just technology, it’s human capital that makes digitization effective. Glenn describes how some people in the company weren’t tech-savvy prior to utilizing these solutions, and how he trained them to use solutions like G Suite and a Managed Wi-Fi system.

“For us, technology just helps efficiency, but [what’s] more important for us is the people,” he says. “So as long as we have the right people, combining it with the right process and coupling it with good technology, that’s when the company will really blaze a trail.”

When asked about his advice to other businesses looking into digital solutions, he urges them to be open to new things. Some people can become close-minded once they are asked to invest in something, so he encourages them to take a look and understand how even expensive products can benefit their businesses.

“If we try to be open about what’s new and always on the lookout for tools that can help us be more efficient, we’ll have a culture where people are always hungry for innovation,” he says.

Taking a page from DIGITS founder Charles Paw’s book, he also states that business owners shouldn’t be afraid of failure, as mistakes are something anyone can learn from and improve on.

Finally, he adds that it’s important to focus on the people you work with. When you’re a leader, you need to be on the same level as your team and understand their pain points, so that you know the issues that need to be addressed.  He also encourages his fellow leaders to talk to their people – not just to follow up about work, but to ask them how they are, understand what motivates them, and get their feedback.

These things, he says, were the key to DIGITS’ success.

Pulis dinukot ng NPA sa Cotabato

$
0
0

DINUKOT ng New People’s Army (NPA) rebels ang isang pulis sa probinsya ng Cotabato kaninang umaga, Miyerkules.

Nakilala ang biktimang si PO1 Bristol Catalan, nakatalaga sa Makilala Municipal Police Station (MPS) sa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Hinahanting na ngayon ng awtoridad mahigit sa 10 mga rebelde at armado ng malalakas na kalibre ng baril.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 7 a.m. sa Brgy. Katipunan, Kidapawan City.

Bago ito, lulan ng motorsiklo ang biktima nang pagsapit sa lugar ay hinarang ng mnga rebelde at sapilitang tinangay.

Hindi pa malaman ang motibo sa pagkidnap sa biktima pero malamang na may malaking atraso ang biktima sa mga rebelde. BOBBY TICZON

Cavite shooting incidents, 7 dedo

$
0
0

PITONG katao ang nalagas sa magkakahiwalay na pamamaril at police operation sa lalawigan ng Cavite, mula Martes – Miyerkules ng umaga.

Isa sa mga napaslang ay nakilalang si Joey Miday, 35, construction worker, matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakikipag-inuman sa Pasong Buaya II-Ilaya sa Imus, Cavite nitong Martes ng gabi.

Sugatan naman ang mga kainuman ni Miday na sina Arnold Lustre, 24; Crisanto Iglesia, 32; Allan Detalo, 20; at isang 16-anyos na lalaki na hindi napangalanan.

Samantala, binaril naman ng hindi nakilalang suspek ang 70-anyos na si Abelardo Sarreal habang sakay ng owner-type jeep sa katabing barangay ng Bucandala Uno.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima na nasa drugs watchlist.

Pinagbabaril din ang isang Rosendo Bulaon, 50, sa loob ng isang computer shop sa Veraville Subd., Brgy. Dulong Bayan, Bacoor.

Bibili lang si Bulaon ng inumin sa tindahan nang sundan siya at pagbabarilin ng dalawang lalaking naka-itim na jacket at puting helmet.

Dead-on-the-spot si Bulaon habang tumakas naman ang mga gunman sakay ng motorsiklo.

Namatay rin dahil sa pamamaril ang isang mag-asawa na lumikas sa General Mariano Alvarez mula sa Marawi City na kinubkob ng mga terorista.

Lulan ng motorsiklo ang gunman na pumaslang sa mag-asawang Ernest at Rona Jacob.

Humantong naman sa engkuwentro ang paghahanap ng pulisya sa dalawa sa limang presong tumakas mula sa Rosario lock-up cell nitong nakaraang linggo.

Natunton ng mga pulis ang mga puganteng sina Josefino Abad at Lindon “Dokeng” Bartolo sa tabing-dagat ng Brgy. Muzon II.

Pinaputukan at hinagisan umano ng granada nina Abad at Bartolo ang mga operatiba at nang gumanti ng putok ay mapatay ang mga pugante.

Nakuha sa dalawa ang ilang armas at limang pakete ng hinihinalang shabu habang pinaghahanap pa rin ang tatlong preso. BOBBY TICZON

Drayber ng cement mixer na dumagan sa kotse, kinasuhan na

$
0
0

KINASUHAN na ng awtoridad ang driver ng cement mixer na dumagan sa isang kotse sa Mindanao Ave., Quezon City kahapon, Martes.

Kasong reckless imprudence resulting in damage to property with homicide at multiple physical injuries ang isinampa laban sa cement truck driver na nakilalang si Jason Muleta, 27.

Nakadetine na ngayon ang suspek sa Quezon City Police Traffic Sector 6 sa Camp Karingal.

Dakong 4:30 ng hapon nang maganap ang aksidente sa Mindanao Ave. sa tapat ng gusali ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Brgy. Bahay Toro.

Sa inisyal na ulat, nawalan ng preno ang cement mixer kaya nagdesisyon ang suspek na isampa sa center island ang kanyang sasakyan.

Pero imbes tumigil, tumagilid ang trak at nabagsakan ang puting kotse na may sakay na limang pasahero.

Namatay sa aksidente ang driver na nakilalang si Ulysses Ramos habang isinugod naman sa pagamutan ang apat pang pasahero kabilang ang tatlong bata.

Nakalabas na ng ospital ang mga biktima, habang ang burol ni Ramos ay sa Funeraria Paz sa G. Araneta sa Quezon City.

Sa nakitang kopya ng OR/CR, nakarehistro sa isang Sonny Nicario ng Olongapo City, Zambales ang cement mixer pero nakalagay sa markings ng truck ang Topstar Ready Concrete, Inc. na may address sa Mindanao Ave., Brgy. Ugong, Valenzuela City. BOBBY TICZON

Taxi may mobile app na

$
0
0

TULAD ng alok ng ride-sharing networks Uber at Grab, magkakaroon na rin ng mobile app ang mga Metro Manila taxi, ayon sa pahayag kaninang umaga ng isang transport group.

Sinabi ni Philippine National Taxi Operators (PNTOA) na ang naturang hakbang na tinawag na “My Cab” application kung saan maari nang magpa-book rides ang mga commuter at nakatakda itong umpisahan sa loob ng isa’t kalahating buwan.

Sinabi ni Suntay na humingi ng permiso ang PNTOA sa gobyerno para makagamit ng isang upfront pricing scheme na magpapakita sa mga pasahero ng eksaktong presyo ng kanilang biyahe bago pa magpa-schecule ng kanilang biyahe.

“Ang proposal namin sa LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board), ‘pag street-hailed, pinara sa kalsada, metro ang tatakbo,” pahayag ni Suntay.

“Pero kapag app-hailed, kung papayag sila, fixed pricing — iyung parang ginagawa ngayon sa Japan para alam na ng pasahero kung magkano ang total fare, whether humaba ang ruta na kinuha o naipit sa traffic.”

Inilunsad na anya ng PNTOA, na nagsu-supervise ng 12,000 ng kabuuang 42,000 taxi units sa buong bansa, ang MyCab app sa Cebu at Iloilo nitong nakaraang Hulyo.

Ang mga taxi na laging naaakusahang nagtataas ng kanilang singil o nang-iisnab ng mga pasahero, at nakikipag-kompetisyon sa Uber at Grab, ay nagpapatupad na rin ng dynamic fare pricing schemes at ang mga commuters ay maari na rin na magpa-book sa pamamagitan ng kanilang mobile phones.

Magkagayunman, kapwa nahaharap ngayon ang ride-sharing firms, sa sigalot laban sa LTFRB kaugnay sa lawak ng regulasyon ng kanilang serbisyo, na nagpasiklab para sa maglatag ng imbestigasyon ang Senate at House of Representatives.

Naunang pinagbayad ng LTFRB ang Uber at Grab ng tig-P5-million dahil sa pagoperasyon ng may 50,000 behikulo nang walang kaukulang permiso.

Nito namang nakaraang Lunes, sinuspinde ng ahensya ang operasyon ng Uber ng isang buwan dahil sa pagsuway sa isang moratorium dahil sa pagtanggap ng bagong mga drayber. BOBBY TICZON

Smartmatic, pinasususpinde ni Sen. Binay

$
0
0

NANAWAGAN si Sen. Nancy Binay sa Commission on Elections (Comelec) na suspendihin ang Smartmatic na lumahok sa mga susunod na halalan hangga’t hindi nito nalilinis ang mga kontrobersiyang bumalot sa nakaraang eleksyon upang matiyak ang integridad ng electoral process.

Sa pahayag, hinikayat din ni Binay ang agarang pagpupulong ng Joint Congressional Oversight Committee on Automated Election System upang imbestigahan ang nakaraang halalan.

Ipinanawagan ito ni Binay matapos makasuhan ang ilang opisyal ng Smartmatic at tauhan ng Comelec hinggil sa hindi awtorisadong pagpapalit ng script sa Transparency Server sa kasagsagan ng transmisyon ng boto nooong 2016 Presidential Elections.

Aniya, nahaharap din ang Smartmatic ng ilang pang kasong criminal hinggil sa isinagawang halalan noong 2010 at 2013.

“Masyadong maraming isyu ang lumutang laban sa Smartmatic kahit noon pang 2010 at 2013 elections, at dahil sa accountability and transparency, dapat suspendihin muna ang Smartmatic at hindi payagan na lumahok sa mga susunod na halalan sa 2019 habang hindi nareresolbahan ang kasong isinampa laban sa kanila,” giit ni Binay.

Iginiit pa ni Binay na kailangan din na imbestigahan ng Kongreso ang alegasyon laban sa Smartmatic dahil niyuyurakan nito ang Demokratikong proseso ng ating bansa.

“Ito ang dahilan kung bakit ko inihain ang Resolutiion No. 376 noong nakaraang Mayo na kaagad pulungin ang Joint Congressional Oversight Committee (JCOC) on the Automated Election System upang imbestigahan ang May 9, 2016 elections,” aniya.

Aniya pa, inaatasan ng Republic Act No. 9369 ang JCOC – na may tig-pipitong miyembro mula sa Senado at House of Representatives – na magsagawa ng pagrerebyu sa implementasyon ng AES at maghain ng rekomendasyon sa Kongrego tuwing ika-12 buwan matapos ang huling halalan.

Nanawagan din si Binay, miyembro ng JCOC, sa naturang resolusyon, sa Comelec Advisory Council na kaagad magsumite ng report hinggil sa nakaraang eleksiyon na dapat ginawa anim na buwan pagkatapos ng halalan.

Anito, chairman at vice chairman ng JCOC sa Senado sina Senador Leila de Lima at Francis Pangilinan, samantalang sina Reps. Sherwin Tugna and Luisa Lloren Cuaresma para sa House of Representatives.

Idinagdag pa ng senador na kapag nakapagpulong ang JCOC sa AES upang maisapubliko ang mga maraming isyu na bumalot sa pagsasagawa ng halalan noong nakaraang taon.
Kailangan din umanong maipatupad ang mga reporma hindi lamang sa batas hinggil sa automated elections kundi sa Comelec mismo upang maitama ang mga pagkilos ng mga opisyal na ibinibigay ang pagkontrol sa halalan sa Smartmatic.

“It’s our right to suffrage that is at stake here and Smartmatic has been the service provider since 2010 and until now issues are being raised and filed against it. Prudence dictates that we should not allow Smartmatic to tinker with our elections until all issues against it are resolved,” giit niya. ERNIE REYES

Parking boy sa Port Area, dedo sa pamamaril

$
0
0

DEDO ang isang parking boy matapos tambangan sa kanto ng R.S. Oca at Delgado St., Pier South, Port Area, Manila.

Kinilala ang biktimang si Rodrigo Angeles, 45, na nakatambay lamang sa tapat ng isang karinderya habang nanonood ng OTB nang tambangan ng ‘di pa nakikilalang suspek.

Ayon sa kinakasama ng biktima na si Annie, nasa kalapit na tindahan lang siya nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.

Aminado ang ginang na gumagamit ng iligal na droga ang kanyang asawa, pero wala naman umano itong kaaway.

Ayon sa ilang mga nakasaksi, naglalakad lamang ang nag-iisang suspek.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente ng pamamaril. JOHNNY ARASGA


1.5 kilo ng shabu, nasabat sa Taguig

$
0
0

NASABAT ng pulisya ang may isa’t kalahating kilo ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Maguindanao St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

Arestado sa naturang operasyon ang apat na sina Don Kadatuan at Ibrahim Kadtugan, kabilang ang dalawang magkapatid na menor-de-edad.

Nakatakas naman ang mga magulang ng mga menor-de-edad na sina alyas ‘Elmer’ at ‘Diana’ na target ng nasabing operasyon.

Narekober mula sa mga suspek ang walong malalaking sachet ng hinihinalang shabu na aabot sa isa’t kalahating kilo ang timbang.

Bukod pa rito, isang rifle replica, samu’t saring mga bala at drug paraphernalia ang nakumpiska sa mga suspek.

Mahaharap ang mga nahuling suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. JOHNNY ARASGA

5 tigok sa buy-bust ops sa Maynila

$
0
0

TIGOK ang limang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang mga namatay na sina Lexter Montaniel, Edgardo Española, Godfrey Gutierrez, Rolly Mangilin at isang alyas “Boy” na siyang target ng operasyon.

Ayon kay S/Insp. Ana Lourence Simbajon ng Sta Cruz Police Station, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya laban sa target na si alyas ‘Boy’ sa Elias St., pasado alas-8:00 ng gabi ng Miyerkules.

Nang magkaabutan ng shabu at buy-bust money ay nakatunog daw ang suspek kaya bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Napilitan namang gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkakapatay sa mga suspek.

Itinakbo pa sa ospital ang mga suspek, pero binawian rin ng buhay.

Narekober sa crime scene ang limang cal. 38 na revolver at ilang sachet ng hinihinalamg shabu.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) sa nasabing insidente. JOHNNY ARASGA

Mga mambabatas, ‘di pabor sa rejection ng CA kay Taguiwalo

$
0
0

HINDI pabor si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa ginawang pagbasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) kay Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo.

Malaking kawalan ayon kay Zarate sa Duterte administration si Taguiwalo dahil isa itong competent at dedicated na kalihim.

Sinabi ni Zarate na ang maapektuhan sa nangyari ay ang mga mahihirap na pinaglilingkuran ng DSWD.

Naniniwala rin si Zarate na hindi kakayahan at integridad ang naging isyu ng CA kay Taguiwalo kundi sadyang may ibang agenda ang mga miyembro ng komisyon.

Aniya pa, iyong mga gustong mangbomba at pumatay ay madali umanong nakakalusot sa CA pero ang totoong naglilingkod ay rejected dito.

Pero ayon kay Zarate, mukhang masyadong mahusay at matino si Taguiwalo para sa mga miyembro ng makapangyarihang komisyon.

Samantala, ikinalungkot rin ng ilang mga senador ang kabiguan ng CA na kumpirmahin ang ad interim appointment ni Taguiwalo.

Ayon kay Senate Pro Tempore Ralph Recto, maituturing umano na ‘complete package’ para sa posisyon si Taguiwalo dahil na rin sa kaniyang galing, dedikasyon at commitment sa trabaho.

Nanghihinayang din si Sen. Kiko Pangilinan sa rejection ng CA kay Taguiwalo kahit na apat sila na miyembro ng LP ay bumoto pabor kay Taguiwalo.

Samantala, nahaharap umano sa mabigat na pagsubok ang magiging kapalit ni Taguiwalo sa DSWD.

Paliwanag ni Sen. Bam Aquino, dapat na matugunan ng papalit kay Taguiwalo ang pagpapatuloy at lalo pag pagpapalakas ng ng 4Ps program upang maibigay ang pangangailangan nang mahihirap na mga Pinoy. JOHNNY ARASGA

3 miyembro ng KFR group, tigbak sa Cavite

$
0
0

TATLONG hinihinalang kidnapper ang patay makaraang makipagbakbakan sa mga awtoridad sa boundary ng mga lalawigan ng Cavite at Laguna.

Ayon kay S/Supt. Glenn Dumlao, pinuno ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP–AKG), nangyari ang bakbakan sa bahagi ng Southwoods nang magkasa ng rescue operation ang mga awtoridad hinggil sa isang hinostage na Indian national.

Buhay at nasa ligtas na kalagayan na ngayon ang hinostage na Indian national ngunit hindi muna ito pinangalanan sanhi na rin ng usaping pangseguridad.

Kinilala ang dalawa sa mga suspek na sina Inderjit Singh o Manjit Singh at Wilbert Ong.

Samantala, isa pa sa mga suspek ang hindi pa nakikilala na Indian national.

Batay sa paunang impormasyon ng pulisya, naglalaro sa P20-milyon ang hinihinging ransom ng mga kidnapper kapalit ang kalayaan ng nasabing hostage. JOHNNY ARASGA

Bureau of Immigration, gagawing Commission on Immigration

$
0
0

APRUBADO na sa House Committee on Justice ang pagbuwag sa Bureau of Immigration (BI) upang palitan na ito ng Commission on Immigration.

Sa substitute bill na ito ay pinalakas at mas pinalawak ang kapangyarihan at mandato ng CI upang ito’y ma-professionalize.

Ang substitute bill na tinawag na “Philippine Immigration Act” ay pinagsama-samang House Bills 162, 327, 435, 1305, 1697 at 3005 na pangunahing inakda nina Reps. Feliciano Belmonte, Jr.(Quezon City), Xavier Jesus Romualdo (Camiguin), Evelina Escudero (Sorsogon), Leopoldo Bataoil (Pangasinan), Maximo Rodriguez, Jr.(Cagayan de Oro City), at Winston Castelo ng Quezon City.

Nakadeklara sa polisiya ng bagong itatatag na CI na sa pakikipag-relasyon sa ibang estado ay dapat unang maikonsidera ang “national sovereignty, territorial integrity, national security, national interest, the right to self-determination, the enhancement of economic diplomacy, and the protection of overseas Filipinos in destination countries, as it adheres to the policy of peace, cooperation and amity with all nations.”

Ang panukalang Commission on Immigration ay siyang pangunahing mananagot sa pangangasiwa at pagpapatupad ng Philippine Immigration Act, at “the implementation of all laws, rules, regulations or orders of any competent authority concerning the entry and admission into, stay in, and the departure from the Philippines of all persons.”

Ang komisyon ay pamumunuan ng Board of Commissioners sa pangunguna ng isang Commissioner bilang Chairperson at dalawang Deputy Commissioners bilang mga miembro na pawang mga appointee ng pangulo ng Pilipinas na ang sahod ay katumbas ng sahod ng Department Undersecretary at Department Assistant Secretary.

Ito ay mananatiling nasa ilalim ng pamumuno ng Department of Justice (DOJ). MELIZA MALUNTAG

Bagong narco-list ni Duterte, hawak na ni Bato

$
0
0

KINUMPIRMA ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na nasa kanya na ang “updated” na kopya ng narcotics drugs personality list ni President Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Bato na nakikipag-koordinasyon na siya sa PNP’s intelligence group at aaralin na niya ang updated version ng narco-list sa lalong madaling panahon.

Ang bagong listahan aniya ay makapal at naglalaman ng mga bagong pangalan ng personalidad na sangkot sa illegal drugs operations.

“Makapal ‘yun… Mayro’ng nabawas o mayro’ng nadagdag. Parang ganon ‘yun, updated,” pahayag ni Dela Rosa.

Gayunman, nilinaw ng PNP chief na hindi nagbigay ng direct orders si Pangulong Duterte para magsagawa ng mga pagpatay habang isinasagawa ang mga illegal drugs operations.

“Si Presidente walang instructions sa akin na pumatay nang marami. Ako wala rin akong instructions sa tao ko na, ‘Pumatay kayo nang marami dahil buhay ‘yan ng tao.’ Sagrado ‘yan kahit masasamang tao man ‘yan, gaano kasama. To kill a person unjustifiably is wrong so walang order,” pahayag ni Dela Rosa. BOBBY TICZON

Sabong sinuspinde sa Pampanga sa bird flu outbreak

$
0
0

PINASUSPINDE ng Department of Agriculture (DA) kaninang Huwebes ng umaga ang cockfighting o sabong sa Pampanga sa loob ng dalawang linggo habang ang health at veterinary experts ay tinatangkang pigilan ang pagkalat ng avian flu sa probinsya.

Ang pag-anunsyo ni Agriculture Sec. Emmanuel Piñol sa suspension order ay isinagawa sa pag-inspeksyon niya sa isang processed food factory sa Pampanga.

Ang naturang probinsya ay inalagay sa ilalim ng state of calamity matapos pumatay ang avian disease ng halos 40,000 na ibon sa 36 farms.

Naunang nang ipina-ban ni Piñol ang pagdeliber ng poultry mula Luzon at sa ilang parte ng bansa at iniutos ang pagkatay sa may 600,000 fowls para masawata ang pagkalat ng sakit.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pa namang naitalang kaso ng human transmission.

Kung sa loob ng 35 na araw ay walang naitalang bagong kaso ng sakit, idedeklara ang Pampanga ng bird-flu free, pahayag ni Piñol. BOBBY TICZON


72 kinatay na aso, nabuko sa sumalpok na trak

$
0
0

DAHIL sa aksidente, nadiskubre ng mga awtoridad ang nasa 72 kinatay na aso lulan ng isang pick-up truck matapos itong sumalpok sa Imus, Cavite kahapo ng umaga, Agosto 17.

Ikinagulat ng mga awtoridad ang mga namataang mga labi ng aso na hinihinalang kinatay at ibibiyahe upang ibenta sa mga kanilang mga parukyano sa Northern Luzon.

Ayon kay Supt. Norman Ranon, hepe ng Imus police, naunang nasangkot sa aksidente ang trak na may plakang RFG-527 nang makabanggan nito ang isa pang sasakyan sa Aguinaldo Highway sa Bgy. Anabu, 2-D.

Ngunit bago pa man dumating ang mga pulis, tumakas na ang hindi nakilalang driver ng trak.

Nang inspeksyunin ang nilalaman nito, laking gulat ng mga pulis nang tumambad sa kanila ang 72 patay na aso.

Sa loob ng sasakyan, nadiskubre ang isa pang plaka ng sasakyan na ZGM 395 na nakarehistro sa La Trinidad, Benguet.

Napapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung sino ang may-ari ng sasakyan at panagutin ang mga sangkot sa krimen.

Sa ilalim ng Republic Act 8485 o Animal Welfare Act, mariing ipinagbabawal ang pagkatay at pagbebenta ng karne ng aso. JOHNNY ARASGA

Pamilyang Pinoy, sugatan sa Barcelona attack

$
0
0

APAT na miyembro ng pamilyang Pinoy ang iniulat na nasugatan matapos ang pag-araro ng isang van sa mga namamasyal sa Barcelona, Spain.

Ayon kay Consul-General, Dr. Emmanuel Fernandez, Consul-General ng Philippine Embassy sa Madrid, isang mag-asawa at dalawa nilang anak ang mga nasugatan.

Sa ngayon, nasa maayos na kondisyon na aniya ang ama, ina at anak na babae habang under observation pa ang limang-taong gulang na anak na lalaki.

Nabatid na nasa naturang bansa ang pamilya para ipagdiwang ang kaarawan ng limang-taong gulang na bata.

Tubong Cebu aniya ang pamilya pero sa Ireland na sila naninirahan at citizen na doon.

Maliban sa apat, wala pa aniyang natatanggap na ulat ang embahada kung mayroon pang ibang Pinoy na nasugatan.

Ani Fernandez, matagal na ang mahigpit ang seguridad na ipinatutupad ng Spanish police dahil sa mga posibilidad na pag-atake.

Ginagawa rin aniya ng mga awtoridad ang lahat upang makontrol ang sitwasyon.

Sa pinakahuling datos, 13 ang patay, at nasa 100 ang sugatan sa nasabing pag-atake. -30-

Uber, dapat sumunod sa batas – Poe

$
0
0

MAKARAANG ipagtanggol noong Lunes nang suspendihin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng Uber sa loob ng isang buwan, nanawagan si Senador Grace Poe sa Uber na sumunod sa batas.

Ito’y matapos suwayin ng transport network group ang kautusan ng LTFRB sa pansamantalang pagpapatigil sa accreditation ng mga bagong driver at mga kotse habang hindi pa nareresolba ang mga problema.

Ayon kay Poe, dapat ay maging mapagkumbaba ang Uber kahit na alam ng kumpanya na maraming commuter ang umaasa sa serbisyo nito.

Gusto man ng pamahalaan na maiwas ang publiko sa ‘inconvenience’, hindi raw dapat abusuhin ng Uber ang simpatyang nakukuha nito mula sa mga tao.

Aniya, nasa 200,000 pasahero ang gumagamit ng Uber at nanawagan ang senadora sa LTFRB na ikonsidera ang pagbibigay ng multa sa TNC at huwag nang patagilin ang suspensyon nito.

Kung sakaling mabigyan ng pagkakataon at muling gumawa ng kalokohan, doon na aniya nararapat na patawan ng suspensyon ang Uber.

Muling iginiit ni Poe ang pagkakaroon ng mas malinaw na guidelines sa mga ride-sharing services. JOHNNY ARASGA

VP Leni, dismayado sa pagsirit ng mga ‘napapatay’

$
0
0

IKINADISMAYA ni Vice President Leni Robredo ang biglaan umanong pagsirit ng mga napapatay sa mga operasyon ng pulisya sa Bulacan na 32 suspek ang napatay, at sa Maynila kung saan 26 naman ang napatay sa magdamag.

Aniya, matagal nang tinutuligsa ng sambayanan ang culture of impunity, at hindi dapat hayaang bumalik ito.

Giit ng pangalawang pangulo, dapat panagutin sa pamamagitan ng due process ang mga kriminal.

Dagdag ni Robredo, sa mga insidenteng gaya nito, hindi na nasisiguro na umiiral ang hustisya para sa lahat.

Sa ikinasang anti-drug operations ng Bulacan police noong Lunes nang gabi hanggang Martes nang umaga, umabot sa 32 drug suspects ang napatay habang 107 naman ang naaresto.

Sa anti-drug operations naman ng Manila police mula Miyerkules nang gabi hanggang Huwebes nang tanghali, hindi bababa sa 26 ang mga napatay na suspek. JOHNNY ARASGA

Lola dinos-por-dos ng may sayad, patay

$
0
0

ARINGAY, LA UNION – Patay ang isang 69-anyos na lola matapos hampasin ng dos-por-dos sa ulo ng isang lalaking umano’y may diperensya sa pag-iisip sa Brgy. San Simon East, Aringay sa nasabing lalawigan kahapon, Agosto 17.

Nakilala ang biktimang si Felomina Viniegas, ng Brgy. San Simon East ng nasabing bayan, habang ang suspek ay nakilala namang si
Christopher Labadero, 30, binata, ng nasabi ring lugar.

Sa imbestigasyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang suspek at biktima kaya agad kumuha ng dos-por-dos si Labadero at hinampas sa ulo ang biktima.

Agad na itinakbo ang biktima sa ospital ngunit hindi na rin ito umabot nang buhay dahil sa pagkabasag ng bungo nito.

Napag-alaman namang sumasailalim sa psychological test sa Baguio City General Hospital (BCGH) ang suspek dahil sa diperensya sa pag-iisip. ALLAN BERGONIA

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>