DALAWANG pulis ang namatay habang apat pa ang nasugatan matapos ang pakikibakbakan laban sa New People’s Army rebels sa Viga, Catanduanes kaninang Huwebes ng umaga.
Sinabi ni S/Insp. Maria Luisa Calubaquib, Region 5 Police spokesperson, na nakatanggap sila ng ulat na sina Senior Police Officer 1 Marwin de Vera at 2 drug surrenderers ay tinatahak ang national highway ng Brgy. Sagrada nang sumabog ang isang improvised explosive device.
Kasabay nito, ang tatlo ay pinaputukan at nasugatan. Dinala sila sa ospital para sa kaukulang medical attention.
Nang malaman naman ni S/Insp. Ernesto Montes, Jr., Viga chief of police; Senior ang insidente, pinadala niya sina PO2 Bienvenido Trinidad; SPO 1 Erwin Pichuela, PO1 Eva Torcilino, at PO3 Joseph Tupue para rumesponde sa lugar.
Nang marating nila ang lugar habahg lulan ng isang privbadong behikulo, naka-engkwentro nila ang may 20 hinihinalang miyembro ng NPA.
Napatay agad sina Torcilino at Tupue at ang bangkay nila ay nasa lugar pa. Si Montes naman ay ginagamot sa ospital sanhi ng tama ng baril sa likod.
Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa panig ng mga rebelde. BOBBY TICZON