Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

3 drug suspect, tumba sa buy-bust ops

$
0
0

TATLONG drug suspects ang patay sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa sementeryo sa Sta. Cruz at sa tabing-ilog sa Quiapo, Maynila matapos manlaban.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)- homicide section, nakilala ang mga napatay na suspek na sina Alex Isidro, 44, ng 6209 Manalac St., Brgy. Poclacion, Makati City; Leover Miranda, alyas ‘Bong,’ 39, ng 154 Tendido St., San Jose, Quezon City; at Aries Bajacal, 36, ng 2nd St., Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Manila.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jonathan Ruiz, unang napatay si Isidro sa isang buy-bust operation na ikinasa ng MPD-Station 3 sa tabing-ilog sa Ducos St., Quiapo.

Nakahalata umano ang suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kaya bumunot ng baril ang mga ito ang nagpaputok.

Isang homemade na kalibre .38 revolver na may apat na bala, isang sachet ng shabu at P100 marked money ang nakuha sa suspek.

Dakong 7:00 naman ng gabi ay nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng MPD-Station 3 sa loob ng Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, kung saan napatay ng mga sina Miranda at Bajacal.

Nabatid na nakatanggap ang mga pulis ng tip hinggil sa bentahan ng shabu sa loob ng naturang sementeryo kaya’t kaagad na nagkasa ng operatsyn.

Gayunman, nakahalata ang suspek na pulis ang kausap kaya’t kaagad nagpaputok na ginantihan naman ng awtoridad na ikinamatay ni Miranda.

Naalarma naman si Bajacal nang makarinig ng putukan sa lugar kaya’t mabilis itong bumunot ng baril at rumesponde upang tulungan si Miranda at tinangkang paputukan ang back-up cop na si PO1 Richard Alvarado ngunit naunahan siya ng pulis at napatay.

Narekober sa mga suspek ang isang kalibre .45 pistola, isang kalibre .38 revolver at isang sachet ng shabu. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Sumukong adik, kritikal sa pamamaril

$
0
0

NASA kritikal na kalagayan ang isang hinihinalang magnanakaw na ngayo’y lumipat sa pagiging drug pusher matapos itong pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay ng dalawang maskarado at armadong suspek kagabi, Huwebes, sa Malabon City.

Si Jerick Solibaga, 26, ng 649 Sitio 6 Gulayan, Brgy. Catmon ay nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na kasalukuyang agaw-buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Insp. Paul Dennis Javier, hepe ng investigation ng Malabon police, nasa loob ng kanyang bahay ang biktima nang biglang pinasok ng dalawang suspek na pawang nakabonet pasado alas-7:00 ng gabi at walang sabi-sabing pagbabarilin.

Sa kabila ng mga tama, tinangka pa ni Solibaga na tumakas pero isa sa suspek ang muling bumaril dito at sa pag-aakalang patay na ito ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang agad namang dinala ng kapatid ang biktima sa nasabing ospital.

Ayon kina PO2 Diego Ngippol at PO2 Allen Brent Dulnuan, si Solibaga ay nakulong noong 2009 sa Malabon City Jail sa kasong pagnanakaw at nakalaya lamang ito noong 2012.

Hindi nagtagal, nasangkot naman ito sa iligal na droga kaya ito’y sumuko sa police Oplan Tokhang. ROGER PANIZAL

Tiwaling taxi driver, sanhi sa pagdami ng Grab, Uber

$
0
0

MAS maraming pasaway na driver at may ilang masamang karanasan sa taxi ang pangunahing dahilan kung bakit nagsilipatan ang mga pasahero sa Grab at Uber, ayon kay Sen. Grace Poe kahapon.

Sinabi ito ni Poe sa kanyang opening statement sa ginanap na pagdinig sa Senado hinggil sa sigalot sa pagitan ng Land Transportation and Franchising Board at Transport Network Vehicle Service (TNVS) and Transport Network Companies tulad ng Grab at Uber.

Aniya, dapat pasalamatan ng gobyerno ang Grab at Uber dahil tinugunan nito ng kakulangan ng pamahalaan sa pagtatayo ng mahusay, mabilis at ligtas na sistema ng transportasyon dahil hindi na maaari pang sumandig sa mga taxi.

“Ligtas at kumbinyente ang ibinigay ng TNVS na ating hinahanap sa public transportation. Siguro, dahil ilang beses na rin naging hindi maganda ang karanasan natin sa mga taxi, nagsawa na rin ang regular nitong mga pasahero at lumipat na sa Grab at Uber,” ani Poe.

Taliwas umano sa mga taxi operator, ang Uber at Grab ay may complaint mechanism at pinapayagan ang pasahero na magbigay ng ratings sa driver hinggil sa kanilang karanasan sa pagsakay.

Inamin naman ni Poe na may ulat din na ilang driver ng Uber at Grab ang nang-aabuso ng pasahero, pero kakaunti lamang ito kumpara sa mga taxi.

Sinabi ni Poe na kasalukuyang kumikilos ang LTFRB na magkaroon ng mobile service sa mga taxi.

“Maganda ito, pero dahil kailangan palitan naman nila ang kanilang sasakyan at turuan ang mga driver na maging mas magalang. Mahalaga ang ugali sa lahat hindi lamang sa taxi drivers,” ayon kay Poe.

Dapat din umanong tumutugon agad ang taxi operator sa mga reklamo na ibinabato laban sa mga tiwaling driver.

“Iyan ang pangunahing dahilan kung bakit mas gusto ng taumbayan ang Grab at Uber dahil madaling nagrerelbahan ang kanilang reklamo at isyu,” ani Poe.

Noong Hulyo 21, 2016, ipinatigil ng LTFRB ang pagproseso sa TNVS applicants kaya umalma ng taumbayan dahil marami pang operator ang nakabili ng sasakyan na umaasang mabibigyan sila ng provisional authority (PA) o certificate of public convenience (CPC) upang makapag-operate. ERNIE REYES

Nasarapan sa GRO, lolo dedo

$
0
0

PINANINIWALAANG inatake sa puso ang isang lolo matapos makipagtalik sa bitbit nitong Guest Relation Officer (GRO) sa Butuan City nitong Biyernes, alas-6:00 ng gabi.

Ayon kay P/S Insp. Paul Paden, Officer-in-charge ng Butuan City Police Station 1, nakilala ang biktimang si Bernabe Maglupay, 61, ng Brgy. Baan-km3, Butuan City.

Hinahanap na ngayon ng pulisya ang babaeng kasama ng biktima na tumakas para makapagbigay-linaw sa tunay na nangyari sa biktima.

Bago ito, bandang ala-1:00 kahapon nang pumasok ang biktima sa nasabing apartelle kasama ang isang babae sakay ng motorsiklo.

Dahil lumampas na sa short time, kinatok ng room boy ang lolo at nang walang sumasagot ay sapilitan itong binuksan.

Natagpuan ang biktima na nakadapa sa kama habang sapo ang kanyang dibdib.

Teyorya naman ng pulisya na posibleng natakot ang babae kung kaya’t bigla itong nawala sa inuupahang kuwarto dahil pinaniniwalaang namatay ang biktima sa atake sa puso. BOBBY TICZON

Anti-Epal Bill, binubuhay

$
0
0

HINDI na kailangan pang buhayin ang panukalang batas para sa mga epal na politiko. Kasunod ito ng pagbuhay muli sa Senado ng Anti-Epal Bill.

Sinabi ni Deputy Speaker Miro Quimbo na hindi na kailangan isabatas ang anti-epal bill para lang maiwasan ang mga ganitong klase ng mga pulitiko.

Aniya, makabubuting ipaubaya na lamang sa publiko ang paghahatol sa mga epal politicians sa pamamagitan ng pag-educate sa mga tao at hindi pagboto sa mga ito.

Binigyang-diin naman ni CIBAC PL Rep. Sherwin Tugna na handa naman nilang suportahan ang ganitong panukala.

Iginiit ng kongresista na ang mga government projects at programs ay pondo naman ng taumbayan at hindi ng mga politiko.

Sinabi naman ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin na tama lang din ang pagbabawal sa mga epal na politiko dahil unethical na maituturing ang ginagawa ng marami sa kanila na inilalagay ang pangalan sa mga proyektong pinondohan ng pamahalaan.

Isinusulong ni Sen. Manny Pacquaio ang panukala na nagbabawal sa mga politikong ibandera ang mga mukha at pangalan sa mga proyekto at mahaharap ang sinumang pulitiko na lalabag sa parusang multa na P1-milyon o ‘di kaya ay pagkakasibak sa puwesto.

Sa Kamara ay nauna na itong naihain ni Surigao Rep. Robert Ace Barbers noong 1st regular session kung saan ang parusa sa mga politikong epal ay anim na buwang pagkakakulong o kaya’y multang P100,000 – P1-milyon. MELIZA MALUNTAG

Butuan City judge dedo, misis sugatan sa ambush

$
0
0

INAMBUS ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang isang hukom at kanyang asawa sa Butuan City kaninang Sabado ng umaga.

Namatay noon din sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang nakilalang si Godofredo Abul, Jr., 68, presiding judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 4 ng lunsod.

Habang isinugod naman sa Butuan Medical Center ang asawa ng huwes na nakilalang si Bernarditha, 67, sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.

Blangko pa ang kapulisan kung sino ang nasa likod ng pang-aambus at kung ano ang motibo sa krimen.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9 a.m. sa tapat ng bahay ng magasawa sa Purok 16 Alviola village sa Brgy. Baan.

Ayon sa pagsisiyasat ng Butuan City Police Office (BCPO), bago ang pamamaril ay minamaneho ng naturang hukom ang kanyang puting Mitsubishi Montero kasama ang kanyang misis.

Pero pagkalabas pa lamang ng mag-asawa ng kanilang garahe ay biglang sumulpot ang mga suspek lulan ng motorsiklo saka pinagbabaril ang kanilang sasakyan.

Ayon sa mga kasamahan ng mag-asawa sa Free Methodist Church na pastor din si Judge Abul, mabubuting tao ang mag-asawa. BOBBY TICZON

Sigang pusher, tepok sa parak

$
0
0

TEPOK ang isang drug pusher na si alyas “Pechay”, matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa loob ng Market 3 Fishport sa Navotas City.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng sumbong na may mga armadong kalalakihan sa loob ng Market 3 kaya’t kanila itong nirespondehan.

Pagdating sa lugar ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Navotas City PNP, bigla na lamang silang pinaputukan ng mga suspek.

Dito na gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ni “Pechay”, habang nakatakas naman ang dalawa pa nitong kasamahan.

Sinabi naman ni Roseta Opiasa, pangulo ng “Guardians” sa Market 3 Fishport na ang napatay na suspek ay isang tricycle driver na nagsa-sideline bilang drug pusher.

Kilala rin aniya ang suspek na laging nasasangkot sa mga kaguluhan at nasa drug watchlist ng mga awtoridad.

Narekober Kay pechay ang apat na sachet ng hinihinalang shabu at isang cal. 38 na revolver na may mga bala. JOHNNY ARASGA

Southern Mindanao inuga ng magnitude 5.9 quake

$
0
0

INUGA ng magnitude 5.9 na lindol ang southern Mindanao kaninang alas-8:30 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang epicenter ng lindol sa layong 22 kilometro, silangan ng Malapatan, Sarangani.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 30 kilometro.

Naramdaman ang intensity 5 sa Malapatan at Alabel, Sarangani; at General Santos City, intensity 4 sa Digos City at Kiamba habang intensity 3 sa Davao City at Lebak, Sultan Kudarat.

Sinabi ng Phivolcs na asahan ang aftershocks bunsod ng naturang pagyanig. JOHNNY ARASGA


153 sasakyang na-impound ng MMDA, isusubasta

$
0
0

NASA 153 sasakyan ang nakatakdang ipasubasta ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa darating na August 29.

Mayroong hanggang alas-2:00 ng hapon sa nasabing araw ang mga may-ari upang tubusin ang mga sasakyan na nakumpiska dahil sa iba’t ibang paglabag.

Ayon kay MMDA operations supervisor Bong Nebrija, ilan sa mga sasakyan na kasulukuyang nakalagi sa mga impounding centers sa Ultra, Pasig at Tumana, Marikina ay nandoon na taong 2007 pa at kinakalawang na.

Per kilo ang magiging bayaran para sa mga sasakyang lagpas 10 taon na at hindi na magagamit.

Ang auction na isasagawa mula August 29 ay sinasabing isa sa mga pinakamalaking auction na gagawin ng MMDA.

Bahagi ito ng mga pagkilos para linisin ang mga impounding sites at para mapaglagyan ng mga bagong sasakyan na makukumpiska dahil sa illegal parking.

Ayon sa MMDA, aabot na sa 25,715 ang motoristang lumabag sa illegal parking sa mas pinaigting na road clearing operations ng mga awtoridad sa Metro Manila. JOHNNY ARASGA

Canadian PM Trudeau, pinadadalo ni Duterte sa ASEAN Summit

$
0
0

PORMAL nang inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Canadian Prime Minister Justin Trudeau para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Nobyembre.

Kinumpirma ni Foreign Affairs Spokesperson Robespierre Bolivar na nagbigay na ng imbitasyon si Duterte kay Trudeau para maging kanyang guest.

Nakatakdang maganap ang ASEAN Summit sa November 10 – 14 dito sa Maynila.

Bukod kay Trudeau, sinabi na rin noon ng Malacañang na kasama sa kukumbidahin ng pangulo sa Summit si US President Donald Trump. -30-

Ill-gotten wealth ni Bautista, iimbestigahan ng NBI

$
0
0

IIMBESTIGAHAN na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ibinunyag ng asawa ni Comelec chairman Andres Bautista na mayroon itong P1-bilyong ill-gotten wealth habang nanunungkulan sa gobyerno.

Sa inilabas na Department Order 517 ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre, inatasan nito ang NBI na busisiin ang inihaing affidavit ni Patricia Paz Bautista noong nakalipas na Agosto 1 hinggil sa umano’y mga passbook, bank accounts, at property documents ng Bautista na hindi nito isinama sa kaniyang Statement of Assets and Liability and Net Worth (SALN).

Inatasan din ni Aquirre ang NBI na makipag-ugnayan sa Anti-Money Laundering Council para alamin kung may nilabag ang poll chief sa Anti-Money Laundering Act at sa iba pang batas.

Sinasabing inihain ni Ginang Bautista ang affidavit sa NBI matapos umano niyang matagpuan ang mga bank account at property documents sa pangalan ni Andres Bautista na hindi nakasaad sa SALN ng opisyal.

Sinasabing limang araw bago isumite ni Mrs. Bautista ang kanyang affidavit sa NBI, nakipagkita ito kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang noong Hulyo 26.

Sa nasabing pagpupulong, sinabi nito sa pangulo ang tungkol sa bank passbooks at iba pang dokumento na naglalaman ng mga detalye ukol sa bank accounts at real estate properties na nakapangalan kay Chairman Bautista at sa iba niyang kamag-anak na nagkakahalaga ng P300-milyon na mas mataas sa idineklara ng huli sa kanyang SALN na P158.5-milyon.

Kabilang sa mga asset umano ni Bautista ay ang isang condominium unit sa San Francisco, California na hindi nito alam. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

BOC officials sa “suhol” pinangalanan na

$
0
0

PINANGALANAN na ng isa sa mga testigo sa imbestigasyon ng House Committee on Dangerous Drugs kaugnay sa naipuslit na P6.5 halaga ng shabu ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na umano’y tumatanggap ng suhol.

Ito’y matapos mabigyan si Mark Taguba ng legistlative immunity ng Kamara at siya’y patayuin ni Deputy Speaker Fredinel Castro upang isa-isang ituro ang nasabing mga Customs’ officials.

Kasama sa mga itinuro ni Taguba sina Customs Deputy Commissioner Atty. Teddy Raval, Director Col. Niel Estrella, Director for Import and Assessment Service Milo Maestrecampo, District Collector Atty. Vincent Philip Maronilla at Teodoro Sagaral – MICP District Intelligence Officer.

Pinasalamatan ni Castro si Taguba dahil siguradong malalagay sa panganib ang kanyang buhay.

Agad namang pinabulaanan ni Raval na nagkita na sila nang personal ni Taguba na nagsabing hindi niya kailanman nakausap si Raval kundi isang Gerry lamang na nagte-text sa kanya.

Binigyang-diin din ni Raval na sa apat niyang staff ay walang nagngangalang Gerry.

Pinabulaanan din ni Maronilla ang akusasyon sa pagsasabing wala siyang pinahihintulutang kumuha ng anumang halaga para sa kaniya.

Itinanggi rin nina Maestrecampo, Estrella at Sagaral.

Hindi naman sumipot si Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon dahil sa dental emergency na wala namang makapagpaliwanag kung bakit.

Nagsabi naman si Maestrecampo na handa siyang magbitiw sa kanyang puwesto matapos idawit ang pangalan niya sa korapsyon.

“I maybe a rebel but I am not a thief. I am willing to submit everything. And myself to any investigation,” ani Maestrecampo.

Batay sa testimonya ni Taguba, umaabot sa P34,000 ang tara o suhol na napupunta sa mga Customs’ personnel na ayon sa mga kongresista ay dodoble sana ang koleksyon ng BOC kung walang mga palusot na kargamento at nasisingil ng tama ang buwis. MELIZA MALUNTAG

Nakaaway ang kinakasama, 22-anyos nagbigti

$
0
0

NAGBIGTI ang isang 22-anyos na babae sa loob ng construction barracks ng isang pampublikong high school matapos na makipagtalo sa kanyang kinakasama sa Tondo, Maynila.

Nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Jessa Mae Perrin, huling nanirahan sa Caloocan City Medical Center, sa loob ng construction barracks ng Tondo High School sa Tondo.

Sa ulat ni Jonathan Bautista, ng Manila Police District (MPD)- homicide section, nabatid na dakong 9:00 ng umaga nang dumating sa naturang paaralan ang biktima, kung saan nagtatrabaho bilang timekeeper ang kanyang live-in partner na si Arnel Pol, 24.

Makalipas ang isang oras ay dumating na si Pol karga ang kanilang apat na buwang gulang na anak na si Althea Jane, at inimpormahan umano siya ni William Isaga, 39, guwardiya ng paaralan, na nasa loob ng construction barracks si Perrin.

Pinuntahan naman umano ng live-in partner ang biktima ngunit laking gulat nito nang makitang nakabigti na ang babae gamit ang isang itim na extension cord.

Kaagad namang humingi ng tulong si Pol mula kay Isaga at isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang kinakasama ngunit idineklara na itong patay dakong 11:10 ng umaga.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng mga awtoridad na bago nag-suicide ay nagkaroon ng argumento sa pagitan nina Perrin at Pol hinggil sa bisyo ng lalaki na pag-inom ng alak at madalas na paglabas kasama ang kanyang mga kaibigan.

Sinabihan pa umano siya ng biktima na alagaan na lamang niya ang kanilang anak, dahil mas gusto pa niyang uminom ng alak at makasama ang kanyang mga kaibigan, sa halip na silang mag-ina.

Ito ngayon ang tinitingnan ng mga awtoridad na posibleng dahilan ng suicide ngunit iniimbestigahan pa ito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Oil price hike ulit, ipinatupad

$
0
0

SA ikatlong sunod na linggo, muling nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa kanilang mga produktong petrolyo epektibo ngayong araw.

Pinangunahan ng kumpanyang Flying V ang dagdag-presyo na P1.00 kada litro sa gasolina, P0.80 kada litro ng diesel at P0.85 kada litro ng kerosene epektibo alas-12:01 ngayong madaling-araw.

Sumunod naman ang kompanyang Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum Philippines, PTT, Eastern Petroleum at iba pang kumpanya ng langis sa pagpapatupad ng dagdag-presyo sa kahalintulad na halaga na naging epektibo dakong alas-6:00 ngayong umaga.

Inaasahan naman na susunod maglabas ng anunsyo ang iba pang kumpanya sa bansa sa pagpapatupad ng oil price hike sa kanilang produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na oil price hike ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaang nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng dagdag-presyo ang mga kumpanya ng langis na P0.35 kada litro sa gasolina, P0.50 kada litro ng diesel at P0.40 kada litro ng kerosene. JAY REYES

Special child swak sa estero, tigok

$
0
0

ISANG 11-anyos na special child ang namatay matapos mahulog sa isang estero at malunod habang nilalaro ang mga alagang manok ng kanilang kapitbahay sa Paco, Manila kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Rovin Dequiro, 11, ng 1268 Interior 5, Burgos St., Paco, nang maiahon ng mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, posibleng nangyari ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling-araw sa Estero de Concordia, sa Burgos St.

Ilang residente sa lugar ang nakakita na pabalik-balik at tumatakbo sa lugar ang biktima malapit sa estero ngunit nakita naman ito ng kanyang ama at kaagad na pinauwi ng bahay.

Gayunman, lingid sa kaalaman ng mga magulang, muling nakalabas ng bahay ang bata at huli umanong nakitang buhay ng isa pang kapitbahay habang nilalaro at hinihimas ang kanilang mga alagang manok malapit sa estero.

Kaagad namang hinanap ng mga magulang sa naturang lugar ang paslit ngunit laking pagkabigla ng mga ito nang makitang palutang-lutang at wala nang malay ang biktima sa estero.

Agad isinugod sa Ospital ng Maynila ang paslit ngunit hindi na rin ito umabot nang buhay.

Hinala ng mga awtoridad na aksidenteng nahulog ang biktima sa estero habang naglalaro. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Mga sundalo sa Marawi, pagbabakasyunin sa Hong Kong

$
0
0

PINAPLANO ngayon ng Pangulo na pagbakasyunin ang mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi City sa sandaling ganap na matapos ang giyera laban sa grupong Maute.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalong nakausap nito sa Marawi City.

Ayon sa Pangulo, bibigyan niya ng premyo ang mga sundalong may medal of valor sa pamamagitan ng bakasyon sa Hong Kong.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na maaari nilang isama ang kanilang asawa o partner sa pagbabakasyon.

Nangako ang Presidente na maraming sorpresang darating para sa mga sundalo kaya umaasa itong ligtas ang lahat hanggang matapos ang krisis sa Marawi. -30-

Kolumnista, dedo sa hired killlers

$
0
0

PINATIMBUWANG ng motorcycle-riding gunmen ang isang journalist sa Sultan Kudarat province kaninang Lunes ng umaga.

Namatay noon din sanhi ng tama ng bala sa katawan ang biktimang si Leodoro Diaz, may column sa Sapol News at Tacusong-based radio reporter.

Hinahanting na ngayon ng pulisya ang mga suspek na pinaniniwalaang mga hired killer para panagutin sa krimen.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9 a.m. sa Brgy. Kalanawi, President Quirino town.

Bago ito, lulan ng motorsiklo ang biktima at halos kaaalis pa lamang ng kanyang bahay nang pagbabarilin ng mga suspek. BOBBY TICZON

Aaron Carter umaming bisexual

$
0
0

IBINUNYAG ng American singer na si Aaron Carter na siya’y isang bisexual.

Sa kanyang Twitter account, inamin nitong naramdaman ang nasabing ugali noong siya’y 13-anyos pa lamang.

Ang bisesexual ay nagkakagusto sa babae at maging sa kapwa lalaki.

Sinabi pa nito na ilang beses na rin siyang nakipagtalik sa kapwa lalaki na kanyang katrabaho at mga kasamang lumaki.

Hindi naman ikinahiya ng 29-anyos na singer ang naramdaman at sa halip ay pinagmalaki pa ito.

Si Aaron ay nakakabatang kapatid ni Nick na dating miyembro ng BackStreet Boys, ilan sa mga awiting pinasikat nito noong kabataan ay ang “Crush On You”, “I’m Gonna Miss You Forever”, “I’m All About You” at maraming iba pa. BOBBY TICZON

2 lindol yumanig sa Pililia, Rizal

$
0
0

DALAWANG lindol ang yumanig sa bayan ng Pililia sa Rizal kaninang madaling-araw.

Unang iniulat ng Phivolcs ang magnitude 4.1 na lindol sa Mabitac, Laguna kaninang 12:31 ng hatinggabi.

Ngunit itinama ito at na-downgrade sa magnitude 3.9 na sa Pililia, Rizal na may lalim na 9 kilometro.

Pagsapit naman ng 1:28 ng madaling-araw, niyanig ulit ng lindol ang Pililia na umabot sa magnitude 4.1 na naramdaman sa iba pang bahagi ng Rizal, Laguna at ilang lungsod sa Metro Manila.

May lalim ang naitalang lindol na 5 kilometro.

Naitala ang intensity 4 sa Pililia, Rizal; Intensity 3 sa San Mateo at Montalban, Rizal; habang Intensity 1 naman sa Quezon City.

Naramdaman ang pagyanig sa Makati, Maynila, Marikina, at Parañaque.

Wala naman nang inaasahan pang aftershocks matapos ang naturang pagyanig ayon sa Phivolcs. JOHNNY ARASGA

Duterte ‘hands-off’ sa ill-gotten wealth issue ni Bautista

$
0
0

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte na paiiralin niya ang “hands-off” approach sa umusbong na isyu kaugnay ng umano’y ill-gotten wealth ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Duterte, hindi niya pakikialaman o pipigilan ang anumang kasong kriminal na maaring maisampa laban kay Bautista, matapos ibunyag ng kanyang dating asawa na si Patricia Bautista na mayroon siyang P1-bilyong halaga ng ill-gotten wealth.

Ani Duterte, magkakaroon talaga ng case field kaya ayaw na lang niyang ma-preempt ang anumang magiging hakbang ng Office of the Ombudsman o ng Kongreso.

Wala aniya siyang hurisdiksyon sa kaso kaya mananahimik na lang siya.

Maaari aniyang imbestigahan ng Ombudsman ang kaso, at hindi na rin siya mag-aabala pa tungkol dito dahil hindi naman siya mambabatas para magsampa ng impeachment case.

Gayunman, nag-alok si Duterte ng tulong kay Patricia para makahanap ng abogado sakaling itutuloy niya nga ang pagsasampa ng kaso laban sa Comelec chairman. JOHNNY ARASGA

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>