Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

GoWiFi introduces 3-day Free Trial of GoWiFi Auto

$
0
0

GoWiFi, the public WiFi hotspot service of Globe Telecom, is pleased to announce a milestone in the deployment of its network – surpassing 10,000 access points in major malls, coffee chains, convenience stores, transport hubs, schools, hospitals, and many other locations across the country.
The popular Free GoWiFi service provides users with free internet minutes daily to browse social media, check e-mails, watch videos, and download files at high speed.

‘Surf All Day’ with the New GoWiFi Auto

GoWiFI introduces GoWiFi Auto, an affordable paid service for customers to continue browsing once their daily allowance of free WiFi minutes is fully consumed. Beyond just extending WiFi access time, GoWiFi Auto allows customers who have purchased a package to automatically connect to the GoWiFi Auto network without having to login again even when transferring between multiple locations. Customers can enjoy fast uninterrupted browsing, no ads, no timeouts, and no need to remember username and passwords.

To enjoy GoWiFi Auto, customers simply connect to the @GoWiFi_Auto network, wait for the GoWiFi Auto portal to pop up (or open the browser) and sign up with a mobile number. GoWiFi Auto’s affordable plans start at P15/day for 500MB. Larger plans, specifically a P50 plan offering 1.5GB of data for 3 days and a P99 plan, also with 1.5 GB of data, but valid for 30 days, are also available.

As a special treat, GoWiFi is offering a trial promo which entitles new users free access to GoWiFi Auto for a period of 3 days from the moment of successful activation. The Free 3 Day Trial promo runs until August 31, 2017.

In line with Globe’s aspiration to make high quality internet access available to all, GoWiFi Auto is open to customers of any local mobile network provider.

“The GoWiFi network allows us to provide everyone with dependable connectivity even when they are on-the-go. We continue to connect more establishments with GoWiFi, prioritizing key areas such as malls, hospitals, schools, government offices and transportation facilities.GoWiFi is built on carrier class secure infrastructure, available to all users regardless of network provider, and is compatible with any WiFi-enabled device. Globe looks forward to the continued expansion of this important new internet access network”, says Globe Chief Commercial Officer, Albert de Larrazabal.


Here’s your chance to catch The Chainsmokers live in Manila!

$
0
0

AFTER a sold-out concert at the Mall of Asia Arena in 2016, the international EDM-Pop duo The Chainsmokers will be coming back to Manila on September 13, 2017 at the Mall of Asia Arena as part of their Memories…Do Not Open world tour.

Globe, the #1 mobile brand in the country and the preferred digital brand of Filipinos, is behind many of the premier concerts featuring top international acts including Madonna and Coldplay. And once again, it elevates the entertainment landscape of the Philippines by bringing back the The Chainsmokers to Manila.

In late June, Globe held an exclusive ticket pre-sale for its customers giving them exclusive first access to reserve and purchase tickets. The excitement doesn’t stop there as Globe is giving all its customers a chance to win tickets to the concert! Tickets will be up for grabs for customers who will avail any GoSURF promo or any Globe At Home plan. Every P5 spent these subscriptions is equivalent to one raffle entry, which earns them a chance to win VIP Standing or Lower Box A concert tickets!

To join, Prepaid customers may register by texting RAFFLE REG <Name/Address/Email/Age/Gender> to 2363, while Postpaid and Platinum customers can simply text RAFFLE REG YES to 2363. Globe At Home customers meanwhile are automatically entered into the promo. Draw date is on August 31, 2017. Fifteen (15) lucky winners will experience their best night ever at The Chainsmokers Memories Asia Tour 2017!

3 OFW sa Saipan, tepok sa toxic gas

$
0
0

TEPOK ang tatlong overseas Filipino worker (OFW) sa Saipan matapos makalanghap ng toxic fumes sa septic tank.

Kinilala ng mga awtoridad ang dalawa sa mga biktima na sina Amid Tapon, 41, at Ricky Quijano, 47, kapwa empleyado ng USA Fanther Corporation.

Ayon sa report ng Department of Fire and Emergency Medical Services ng Saipan, nangyari ang insidente nang pumasok si Quijano sa 24 na talampakang lalim ng septic tank kung saan ito nawalan ng malay at tinangka namang sagipin ni Tapon at isa pang OFW na kalauna’y nawalan din ng malay.

Hindi na umabot nang buhay ang tatlong OFW nang isinugod sa ospital matapos makuha ang mga ito sa septic tank.

Inako ng employer ang lahat ng gastusin maging ang pagpapalibing sa mga biktima.

Makatatanggap naman mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng tig-P200,000.00 ang pamilya ng mga nasabing OFW bukod pa sa education assistance sa kanilang mga anak. JOHNNY ARASGA

10-year validity ng lisensya, pirma na lang ni Digong ang hinihintay

$
0
0

PIRMA na lamang ni Pangulong Duterte ang hinihintay upang tuluyan nang magkabisa bilang batas ang 10-year validity ng driver’s license, ayon kay Senador Grace Poe kahapon.

Sinabi ni Poe, chairman ng Senate committee on public services, malapit nang mabigyan ng kaginhawahan ang mga driver sa pagkuha o pag-renew ng lisensiya dahil aabot na sa 10 taon ang validity nito.

Aniya, isinumite na sa tanggapan ni Duterte ang panukala noong pang Hulyo 11 matapos aprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang batas noog Mayo 31.

Sakaling mabigong pirmahan ni Pangulong Duterte ang panukala, magiging batas ito pagkalipas ng 30-araw alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas.

Aniya, mahigpit na makikipagtulungan ang kanyang tanggapan sa Department of Transportation at Land Transportation Office (LTO) sa pagbubuo ng implementing rules and regulars na ipinatutupad sa loob ng 30 araw matapos maging batas ang panukala.

Sa inisyal na pagkuha ng lisensiya, kailangan personal na magtungo ang motoristaa sa tanggapan ng LTO.

Inaatasan naman ang LTO ng batas na magtayo ito ng online registration process sa loob ng isang taon matapos maging batas ito.

Alinsunod sa batas, pagmumultahin ng halagang P20,000 ang aplikatne na maglalagay ng maling impormasyon sa application, makikipagsabwatan ang mga opisyal, pagamit ng pekeng dokumento at hindi na sila pwedeng mag-aplay sa loob ng dalawang taon.

“Dahil nagbibigay tayo ng kaluwagan, kailangan rin natin ng regulasyon para tiyaking hindi ito maaabuso. Mahal ang multa para sa mga magsisinungaling, mandadaya, at mamemeke sa aplikasyon ng lisensya sa ilalim ng batas na ito,” banta ni Poe.

Inatasan din ng batas ang LTO na bawiin ang lisensiya sa loob ng apat na taon kapag ang driver ay nasangkot sa aksidente na ikinamatay o nalumpo ang biktima.

Sinabi pa ni Poe na inatasan din ang local government units, the Metro Manila Development Authority at iba pang ahensiya na nagbibigay ng violation receipts na magbigay ng report sa ahensiya hinggil sa traffic violations.

Bukod sa pag-isponsor, awtor naman ng batas sina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto and Senators Richard Gordon, Joseph Victor Ejercito at Joel Villanueva—na layuning amyendahan ang Section 23 ng Republic Act No. 4136, as amended by Batas Pambansa Blg. 398 at Executive Order No. 1011 o ang Land Transportation and Traffic Code. ERNIE REYES

May-ari ng paupahan, kritikal sa tenant

$
0
0

ISANG 30-anyos na kasera ang nasa kritikal na lagay matapos saksakin ng kanyang nagungupahan matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo hinggil sa bayarin sa kanila, Huwebes ng hapon, July 27, sa Malabon City.

Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center si Lesviminda Aloran, ng No. 4 Kapitan Tiago St., Brgy. Acacia sanhi ng saksak sa katawan habang agad namang naaresto ni PO1 Rocky Tagundat at Po1 Jesus Mercado ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 4 ang suspek na si Raymond Onlan, 28, delivery boy, pasado alas-4:00 ng hapon matapos na singilin umano ng biktima ang suspek sa upa ng kanilang tinitirahan.

Sa halip na magbigay ng paunang bayad sa pagkakautang ay nagalit pa umano ang suspek hangang sa humantong sa pagtatalo.

Sa gitna ng bungangaan, biglang bumunot ng patalim ang suspek at dalawang ulit na sinaksak ang biktima. ROGER PANIZAL

NPA top official, 3 pa, dedo sa Sorsogon encounter

$
0
0

ISANG top official at tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nalagas nang makipagsagupaan sa tropa ng pamahalaan sa Brgy. Trece, Martires, Casiguran, Sorsogon kaninang Biyernes ng umaga.

Sinabi ni B/Gen. Fernando Trinidad, commander ng 903rd Infantry Brigade, Philippine Army, na pinuno ng mga rebelde sa Sorsogon ang isa sa mga namatay na nakilalang si alyas Ka Magno habang wala pang identity ang tatlo nitong kasamahan.

Sa kabutihang-palad, wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa panig ng awtoridad.

Nagsagawa na ng hot-pursuit operation laban sa iba pang kasamahan ng napatay na mga rebelde.

Bago ito, nagsagawa ng combat operation ang pinag-isang puwersa ng mga pulis at sundalo nang makatanggap ng impormasyon mula sa mga residente sa lugar na may mga presensya ng mga rebelde sa lugar.

Tawag ng tungkulin, pinuntahan ng mga sundalo ang nasabing lugar at nadatnan ang mga rebelde na nagresulta sa palitan ng putukan.

Nabatid din na makailang ulit na ring naaresto si Ka Magno dahil sa patong-patong na kasong kinakaharap nito subalit nang makalaya, ay muling bumalik sa kabundukan upang pamunuan ang NPA.

Ito rin anya ang tumatanggap ng pera mula sa isinasagawa nilang extortion sa nasabing lalawigan. BOBBY TICZON

Bulacan massacre suspect, nagpasok ng not guilty plea

$
0
0

SA pagdinig ng kanyang kaso, nagpasok ng not guilty plea kaninang Biyernes ng umaga ang pangunahing suspek sa pagmasaker sa isang pamilya sa San Jose del Monte, Bulacan, nitong nakaraang buwan.

Ang suspek na si Carmelino Ibañes alyas Miling, construction worker, ay inakusahan na pumatay sa tatlong magkakapatid, nanay at lola noong Hunyo 27. Tatlo pang kalalakihan na isinasangkot sa pagpatay ang natagpuang patay sa magkakahiwalay na lugar.

Sa nasabing pagdinig, nagsampa ang defense ng urgent motion para masuspinde ang pagdinig, pero ibinasura ng Bulacan Regional Trial Court Branch 78, ayon pa sa ulat.

Magkagayunman, pinayagan ng korte ang kahilingan ng depensa na isailalim si Ibañes sa psychiatric evaluation dahil nakitaan ito ng pagkakaroon ng mental problem base sa kanyang ikinikilos at kung paano siya magsalita.

Samantala, sinabi ng prosecutors mula sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na ang psychiatric evaluation ay gawa-gawa lamang ng depensa para maantala ang pagdinig. Naniniwala sila na si Ibañes ay matino at alam ang nangyayari sa sarili.

Ang resulta ng psychiatric evaluation kay Ibañez ay inaasahang isusumite sa susunod na pagdinig sa August 11. BOBBY TICZON

2 pulis arestado sa pangongotong

$
0
0

INARESTO ng mga tauhan ng Counter Intelligence Task Force (CITF) ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang pulis dahil sa pangongotong sa Caloocan City, kagabi.

Kinilala ni Caloocan police deputy chief for administration at kasalukuyang head of Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) C/Insp. Ilustre Mendoza ang mga naarestong pulis na sina PO2 Jaypee John Pagarigan at PO1 Christian Panganiban, kapwa nakatalaga sa Caloocan Police Community Precinct (PCP) 3 Drug Enforcement Unit (DEU) na pinamumunuan ni C/Insp. Ronald Cayago.

Ayon kay C/Insp. Mendoza, noong July 23 nang maaresto ng dalawang pulis si Isindro Denaga, 47, ng Phase 7B Package 49, Blk. 31, Lot 49, Bagong Silang dahil sa pagkaka-krus sa kanilang lugar.

Sa halip na kasuhan ay hiningian umano ng dalawang pulis ang mga kaanak ni Denaga ng P10,000 para sa kalayaan nito kaya humingi ng tulong ang kanyang pamilya sa mga tauhan ng CITF.

Agad ikinasa ng mga tauhan ng CITF sa pamumuno ni Supt. Bonifacio Araña ang entrapment operation kontra sa dalawang pulis.

Nang tanggapin na umano ng mga suspek ang marked money mula sa kaanak ni Denaga dakong 10:15 ng gabi ay agad inaresto ng mga operatiba ng CITF ang dalawang pulis. RENE MANAHAN


Drug campaign, mas lalong pinaigting ng Duterte admin

$
0
0

GAGAMIT na ng kamay na bakal ang pamahalaan sa mas lalong pinaigting na drug campaign nito.

Sinabi ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na hindi na nagustuhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may ilang personalidad pa rin ang patuloy sa kanilang iligal na gawain.

Nauna nang nagsagawa ng raid ang Philippine National Police (PNP) sa residente ng Parojinog na nagresulta sa pagkakaaresto kay Osamiz Vice-Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez at iba pa.

Ang Parojinogs, ay kabilang sa listahan ng mga personalidad ni Pangulong Duterte na sangkot sa iligal na droga.

Nakatakda namang magpalabas ng updates ang kinauukulan sa lalong madaling panahon.

Sa ulat, hindi bababa sa 12 katao ang patay sa sa isinagawang drug raid ng Philippine National Police (PNP) sa San Roque Lawis, Ozamis City.

Kabilang sa mga nasawi ang mayor ng lungsod na si Reynaldo “Aldong” Parojinog, Sr.

Ayon kay Timoteo Pacleb, Northern Minanao Police Chief, maghahain lang sana ng search warrant ang PNP sa tahanan ng mayor at iba pang miyembro ng pamilya Parojinog nang biglang nagkaroon ng patukan pasado 2:30 ng umaga.

Una raw na nagpaputok ang kampo ni Parojinag dahilan para gumanti ng putok ang mga tauhan ng PNP.

Ayon pa kay Pacleb, patay din ang asawa ni Mayor Parojinog na si Susan at si Misamis Occidental Board Member Octavio Parojinog, Jr.

Patuloy naman na inaalam ang pagkakakilanlan ng siyam na iba pang patay.

Samantala, ang anak ni Mayor Reynaldo na si Vice Mayor Nova Parojinog Echaves ay arestado naman at kasalukuyang nakaditene sa provincial office ng CIDG.

Nabatid na may koneksyon umano ang pamilya Parojinog sa mga local officials na miyembro ng isang malaking sindikato ng droga sa bansa.

Una na ring tinanggi rin ni Parojinog, Sr. na wala silang ugnayan ng druglord na si Herbert “Ampang” Colangco na sinasabing karelasyon ng kanyang anak na si Nova Princess.

Nasamsam naman sa naturang drug raid ang ilang high powered firearms at shabu.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng SOCO sa pangyayari. KRIS JOSE

Typhoon Gorio, pa-Taiwan na

$
0
0

NAPANATILI ng Typhoon Gorio (International name Nesat) ang kanyang lakas at direksyon, pero papunta na itong Taiwan mamayang Sabado ng gabi, pahayag ng PAGASA sa isang pinakahuling weather bulletin.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 265 kilometers north northeast ng Basco, Batanes, na may maximum winds na 145 kph at pagbugsong umaabot sa 180 kph. Inaasahan kikilos ito ng northwest sa vilis na 15 kph at lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Linggo ng umaga.

Nananatili ang tropical storm warning signal no. 2 sa Batanes Islands, na inaasahang magkakaroon ng stormy weather at 61 – 120 kph na hangin sa susunod na 24 oras.

Nananatili namang nakataas ang signal No. 1 sa Babuyan Group of Islands, na inaasahan na makararanas ng 30 = 60 kph gusty winds sa loob ng 36 oras.

Sinabi ni PAGASA’s weather forecaster Robbe Gille sa isang press briefing, si patuloy na palalakasin ni Gorio ang Southwest Monsoon na aapekto sa western areas ng Luzon.

Samantala, ang tropical depression na nasa West Philippine Sea ay huling namataan sa 435 km west ng Laoag City, Ilocos Norte, na nasa labas pa ng PAR.

Gayunman, sinabi ng PAGASA na posible itong lumakas at tinatayang kikilos malapit sa northwest boundary ng PAR bago pumunta ng Taiwan. BOBBY TICZON

Ozamis City mayor, misis at 5 pa, dedo sa drug ops

$
0
0

HUMANTONG sa madugong bakbakan ang pagsisilbi ng search warrants nang kumasa sa mga miyembro ng Regional Criminal Investigation Detection Group (RDIDG) ang mga tauhan ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog kaninang Linggo ng madaling-araw.

Sinabi ni Misamis Occidental Provincial Police Office chief S/Supt. Jaysen de Guzman, pawang namatay noon din sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang naturang mayor, asawa nitong si Susan, board member na si Octavio Parojinog at limang mga miyembro ng civilian volunteer organization na nakilalang sina Miguel del Victoria, Nestor Cabalan, Daniel Vasquez, at dalawang hindi pa nakikilalang lalaki.

May ilang kapulisan naman ang nasugatan sa pagsabog at ngayo’y nagpapagaling na lamang sa pagamutan.

Binitbit naman sa presinto ang vice mayor ng lungsod at anak ni Reynaldo na si Nova Princess Parojinog Echavez at ilan pang indibidwal at ngayo’y isinasailalim sa interogasyon.

Nakatakas naman at ngayo’y pinaghahanap ng pulisya ang isa pang board member na nakilalang si Ricardo Parojinog.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 2:30 a.m sa residential compound ng mga Parojinog sa Brgy. San Roque Lawis.

Bago ito, dumating sa residential compound ni Parojinog ang mga tauhan ng RCIDG para isilbi ang kanilang dala na anim na search warrants dahil sa pagtatago ng loose firearms.

Pero imbes makipag-usap o kwestiyunin ang hakbang, sinalubong ang mga pulis ng mga putok ng baril habang sila’y pumapasok sa compound ni Parojinog.

Dito na napilitang gumanti ng putok ang kapulisan na tumagal nang halos dalawang oras bago napasok isa-isa ang mga bahay ni Parojinog.

Sa inilatag na clearing operation, natagpuan ang bangkay ng mag=asawang Parojinog at iba pang mga biktima sa magkakahiwalay na bahay.

Ayon kay Supt. Lemuel Gonda, spokesman ng Police Regional Office 10, may natangggap siyang ulat na may 12 – 13 katao ang namatay sa insidente pero bineperipika pa ito.

Nakumpiska sa mga bahay ni Parojinog ang ilang piraso ng granada, M79 rifles, .45 pistols, at hindi malamang halaga ng shabu at pera.

Nakumpiska naman sa bahay ni dating board member at kasalukuyang city councilor Ardot Parojinog ang isang shotgun, tatlong rocket propelled grenade launchers, dalawang hand grenades, walong M79 bullets at isang M79 riffe, shabu paraphernalia, at mga shabu. Hindi ito inabutan sa kanyang bahay.

Ang operasyon ay pinangunahan ni C/Insp. Jovie Espenido, Ozamiz City police chief.

Matatandaang si Espenido rin ang hepe ng pulisya ng Albuera, Leyte, na ang dating mayor na si Rolando Espinosa, ay napatay ng mga pulis sa loob ng kulunngan nito noong nakaraang Nobyembre.

Naging laman din ng mga pahayagan ang pangalan ni Parojinog matapos makasama sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga pulitikong sangkot sa illegal drugs trade. BOBBY TICZON

Impeachment complaint vs Sereno, isasampa

$
0
0

NAKAUMANG na magsampa ng impeachemnt complaint ang isang abogado laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno hinggil sa pagbili ng P8-million luxury vehicle at oagpalya umanong ihayag ang milyon halaga ng kanyang kinita mula sa kanyang previous stint bilang isang abugado.

Ito ang inihayag ni Lawyer Lorenzo “Larry” Gadon, na natalo sa May 2016 senatorial elections, sa ginanap na isang press briefing sa Quezon City kaninang Sabado ng umaga.

“Gusto ko i-expose ang kanyang pagiging unreasonable and whimsical dito sa ‘pag procure ng official car for her use using Supreme Court funds na isang Toyota na nagkakahalaga na P5.1-million. This is not just the total cost of that vehicle because there is an additional of more or less P3-million for the bullet proofing of this vehicle,” pahayag ni Gadon.

Sinabi ni Gadon na ang pagbili ni Sereno ay isa lamang “total waste of funds” habang nananawagan si President Rodrigo Duterte sa mga government officials na iwasan ang paggamit ng luxury vehicles.

“Kahit pa sabihin na ito ay dumaan sa proseso ng COA (Commission on Audit), ng kanilang procurement processes sa Supreme Court, ito pa rin ay isang hindi magandang halimbawa ng isang pagtitipid sa gobyerno lalung lalo pa at merong more than 100 or halos 200 na petitions for suvivorship benefits ng mga pamilya ng mga namatay na justices at judges,” pahayag ni Gadon.

“Kaya ako ay nagpaplano na mag-file ng impeachment case against her sapagkat bukod dito sa bagay na ito ay marami pa akong nadiskubre sa aking pagsasaliksik na si Justice Sereno ay maraming ginawang kamalian diyan sa Supreme Court,” he added.

Sinabi ni Gadon na pagbili ni Sereno ng mamahaling sasakyan ay babagsak sa sa ilalim ng impeachable ground ng “betrayal of public trust.”

“Sapagkat sa panahon ngayon na marami ang naghihirap, sa panahon ngayon na maraming mga sakuna at disgrasya hindi nararapat na gumastos ng pagkalakilaking milyun-milyon para sa sasakyan lamang ng isang justice ng Supreme Court, considering na meron naman nang ginagamit na dati,” dagdag ni Gadon.

Binanggit din ni Fadon ang pagpalya ni Sereno na ideklara ang kanyang Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) hinggil sa kanyang kinita noong siya ay isa pa lamang abogado para sa Philippine International Airport Terminals Co. (PIATCO) sa isang kaso ng paggawa ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal III.

Sinabi ni Gadon na ang pagpalya ni Sereno na ilagay sa kanyang SALN ang “millions of pesos” worth of attorney’s fees mula sa PIATCO ay kahalitulad ng ground na nagresulta sa pag-impeach sa kanyang predecessor, na si Renato Corona.

“Isa pa ngang nangyari rito ‘yung ginawa nila kay Chief Justice Corona ay naging… ‘yung isang dahilan na SALN na dati naman hindi naman talaga impeachable ground dati ay pero ginawa nilang impeachable ground… Kaya yung SALN ay gagamitin ko na rin na ground na impeachment sa kanya sapagakat milyun-milyon ang hindi niya dineclare sa kanyang SALN na kaniyang kinita sa kaso ng PIATCO at ako ay may hawak na mga papeles diyan,” pahayag nito. BOBBY TICZON

Bangka lumubog, 3 nalunod, 1 nawawala

$
0
0

TATLO ang nalunod habang isa naman ang iniulat na nawawala nang lumubog ang kanilang sinasakyang bangka sa karagatan ng Palanan town sa Isabela matapos itong lamunin ng malakas na alon na sanhi ng masamang panahon dulot ng Habagat.

Sinabi ni P/S Insp. Mariano Manalo, Palanan police chief, nakilala ang mga biktimang sina Joel Tuppil at Dimasalang Valenzuela ng Cauayan City; at Mylene Silva ng Bataan. Nawawala pa rin hanggang ngayon ang isang nagngangalang Ronald Silva.

Sa inisyal na imbestiasyon, kabilang ang mga namatayo sa 51 pasahero at anim na crew members ng bangka.

Ayon sa pulisya, nasira ang makina ng bangka pagdating ng Bangka sa Sitio Divinisa sa Brgy. Culasi sa Palanan town.

Sa ulat, umalis ang Bangka sa Culasi village port at tinatahak ang Dilasag town sa Aurora province nang makaengkwentro ang malakas na hangin at alon.

Nasagip naman ng mga rescuers ang 53 katao kabilang ang lahat ng boats crew members.

Inilatag na ang search operation para sa nawawalang si Silva. BOBBY TICZON

P2.7M halaga ng iPhone, nakumpiska sa NAIA

$
0
0

TIMBOG ang isang Chinese National matapos magtangkang ipasok sa bansa ang mga smuggled Iphones na aabot sa 2.7 milyong piso ang halaga.

 Ayon sa Bureau of Customs, ang pasahero na kinilala sa pangalang ‘Wen Congkai’ ay lulan ng Xiamen Airlianes Flight 8667 at napag-alamang mayroong 61 iPhone units sa kanyang bagahe.

Ayon kay Major Jaybee Raul Cometa, pinuno ng X-Ray Inspection Project Unit walang naipakitang mga dokumento ng cellphones ang Chinese National kabilang ang importation documents at permit mula sa National Telecommunications Commission o NTC.

Inirekomenda ni Cometa ang paglalabas ng warrant of seizure and detention sa paglabag ni Wen sa Customs Modernization and Tariff Act at NTC memorandum circular.

Ayon sa BOC, magdadagdag pa sila ng 19 na bagong X-ray machines sa tatlong terminal ng NAIA para masugpo ang smuggling.

Sa kasalukuyan, mayroon lamang tig-isang X-ray machines ang BOC sa NAIA Terminal 1 at 2 at dalawang x-ray machines sa Terminal 3.  JOHNNY ARASGA

7 bangkay ng loggers na kinidnap ng ASG, narekober

$
0
0

NABUBULOK na nang marekober ang bangkay ng pitong loggers na pawang dinukot at pinugutan ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan ng  Basilan kaninang umaga, Lunes.

Sinabi ni  C/Insp. John Cundo, hepe ng Maluso municipal police station, na unang narekober nitong Linggo ang bangkay ng mag-ama na nakilalang sina Nestor Divinagracia, 50, at ang kanyang anak na si Ily, 25, sa bulubunduking bahagi ng Campo Barn sa munisipyo ng Lantawan.

Sunod namang natagpuan ang mga bangkay ng lima pang biktima na nakilala namang sina Berto Lacastesantos, 48; Hernando Sally, 53; Renato Casiple Jr., 36; Rene Sanson, 28, at si Mamerto Falcasantos, 55.

Ang mga biktima ay kinilala mismo ng kanilang mga pamilya at kaanak sa pamamagitan ng kanilang mga kasuotan na damit.

Sinasabing ang mag-ama ay mga power saw operators sa lugar ay unang dinukot ng mga Abu Sayyaf noong Hulyo 20 matapos sunugin ang kanilang bahay sa may Barangay Lower Mahayahay, Maluso.

Sa parehong araw ay puwersahan ding dinala ng mga bandido ang lima pang mga biktima sa kabilang munisipyo naman ng Lantawan.

Nabatid na nagtanim pa ng bomba ang mga bandido malapit sa kinaroroonan ng mga bangkay na masuwerte na lamang at walang natamaan nang sumabog.

Ayon sa opisyal na lahat ng mga narekober na bangkay ay pugot na ang mga ulo at posible sunud-sunod na silang pinugutan noong araw nang dukutin sila dahil lahat ay nasa stage of decomposition at halos buto at balat na lamang ang natira.

Nauna na rito, napag-alaman pa na may ilan sa mga bangkay ay hiwa-hiwalay din ang parte ng katawan habang dalawa rin sa mga cadaver ang hindi pa nakita ang mga ulo.

Grupo ng Abu Sayyaf na pinamumunuan umano ng isang Pasil Bayali at Otoh Dobol ang itinuturong responsable sa pagdukot at pagpatay sa mga biktima.

Inaalam pa ng awtoridad kung may kinalaman ang pagiging mga logger ng mga biktima sa pagdukot at pagpatay sa kanila ng mga bandido.

Isa sa pitong mga biktima ay ama ng isang miyembro ng media sa Zamboanga City. BOBBY TICZON


Bagyong Huaning e-exit na

$
0
0

PAPALABAS na ng bansa ang tropical storm Huaning na may international name na Haitang.

Huling namataan ang bagyo sa layong 525 kilometers North northwest ng Basco, Batanes.

Ayon sa PAGASA, humina ang bagyo at taglay na lamang nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kph at pagbugsong aabot sa 80 kph.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong north northwest sa bilis na 24 kph.

Inalis na rin ng PAGASA ang public storm warning signal na naunang itinaas sa Batanes.

Maliban sa bagyo, apektado pa ng Habagat ang western section ng Northern at Central Luzon.

Ngayong araw, sinabi ng PAGASA na makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley at mga lalawigan ng Zambales at Bataan.

Isolated rainshowers o thunderstorm naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. JOHNNY ARASGA

P2.7M halaga ng iPhone, nakumpiska sa NAIA

$
0
0

TIMBOG ang isang Chinese National matapos magtangkang ipasok sa bansa ang mga smuggled iPhones na aabot sa P2.7-milyon ang halaga.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), ang pasahero na kinilala sa pangalang ‘Wen Congkai’ ay lulan ng Xiamen Airlianes Flight 8667 at napag-alamang mayroong 61 iPhone units sa bagahe.

Ayon kay Major Jaybee Raul Cometa, pinuno ng X-Ray Inspection Project Unit, walang naipakitang mga dokumento ng cellphones ang Chinese national kabilang ang importation documents at permit mula sa National Telecommunications Commission (NTC).

Inirekomenda ni Cometa ang paglalabas ng warrant of seizure and detention sa paglabag ni Wen sa Customs Modernization and Tariff Act at NTC memorandum circular.

Ayon sa BOC, magdadagdag pa sila ng 19 na bagong X-ray machines sa tatlong terminal ng NAIA para masugpo ang smuggling.

Sa kasalukuyan, mayroon lamang tig-isang X-ray machines ang BOC sa NAIA Terminal 1 at 2 at dalawang X-ray machines sa Terminal 3. JOHNNY ARASGA

Pari na naaresto sa Marikina, sisibakin ng simbahan

$
0
0

ITINUTURING na malaking iskandalo sa hanay ng Simbahang Katolika ang pagkakaaresto kay Father Arnel Lagarejos ni Linyagen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz.

Si Father Lagarejos ay dinakip ng operatiba ng Eastern Police District, Sabado ng umaga dahil sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act nang tangkain umano nitong isama sa motel sa Marikina City ang isang menor de edad na babae.

Ayon kay Archbishop Cruz na dati ring pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), may sariling “tribunal” ang simbahan para imbestigahan ang kanilang kasapi na nasasangkot sa kontrobersiya.

Kung sakali man aniyang mapatutunayan na nagkasala si Father Lagarejos ay maaring siyang mapatawan ng parusa tulad nang pagkatanggal sa pagkapari.

Sinabi naman ni Archbishop Cruz, ang isyu kay Father Lagarejos ay hindi na bago sa kanilang hanay dahil noon pa mang panahon ni Hesukristo sa mundo ay may mga nanghudas na sa panginoon. JOHNNY ARASGA

10 batalyon ng PNP–SAF itatapat sa NPA

$
0
0

AABOT sa 10 batalyon ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na itapat sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Kasunod ito ng naging pahayag ng Pangulo na isusunod ng gobyerno ang paglipol sa mga NPA dahil sa patuloy na pamemerwisyo sa publiko at sa mga tropa ng pamahalaan.

Ayon sa Pangulo, kasama ang PNP sa mga dadagdagan niya ng puwersa kaya’t iniutos na ang pag-recruit ng tinatayang 30,000 – 40,000 mga sundalo at pulis.

Sinabi ng Presidente na kaya SAF ang gusto nitong ipangtapat sa mga NPA ay sa dahilang sanay ang mga ito sa urban warfare at sa mga kabundukan.

Matindi ang pinagdaraanang training ng SAF kaya’t sila ang ipapantapat sa mga rebeldeng komunista. -30-

Mga sakit sa tag-ulan, muling ipinaalala ng DOH

$
0
0

PINAALALAHANAN ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat sa mga sakit na nakukuha sa panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Health Assistant Sec. Dr. Eric Tayag na apat na uri ng sakit ang malimit na nakukuha sa panahon ng tag-ulan at mula sa tubig-baha.

Kabilang dito ang mga sakit na may acronym na “WILD” – o Waterborne Diseases, Influenza, Leptospirosis at Dengue.

Mahalaga aniyang mapanatili ang kalinisan para makaiwas sa mga nabanggit na sakit dahil hindi biro ang matamaan ng sakit sa mga panahong ito. -30-

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live