Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

Comelec janitor na pasado sa bar exam, ‘election officer’ na

$
0
0

GANAP nang election officer ng Commission on Elections (Comelec) ang dati nilang utility personnel o janitor na pumasa sa nakalipas na bar examination.

Matatandaang si Atty. Ramil Comendador ay ilang taong naging all around helper sa Comelec, partikular na sa tanggapan ni dating Comm. Rene Sarmiento.

Kahit hirap sa gawain, nagtiyaga itong mag-aral at nang makatapos sa kolehiyo ay kumuha ng abogasya hanggang sa makapasa sa nakaraang pagsusulit ng mga law students.

Kinumpirma naman ni Comelec Chairman Bautista ang impormasyon at sinabing itinalaga si Comendador bilang election officer IV.

Nabatid na inaprubahan ng Regional Selection Promotional Boards ang pagtatalaga sa dating utility worker. BOBBY TICZON


Kolehiyala, natagpuang patay sa motel

$
0
0

BUMUBULA ang bibig at wala nang buhay nang matagpuan ang isang 20-anyos na babaeng estudyante sa loob ng isa sa mga kuwarto ng isang hotel sa Caloocan City, kahapon.

Sa ulat nina SPO2 Frederick Manansala at PO3 Michael Olpindo, natagpuan ang katawan ng biktimang si Lexlyn Joy Bautista, ng 388 Caypombo, Sta. Maria, Bulacan dakong 5:00 ng hapon sa loob ng Room 304 ng Hotel Sogo sa Monumento Circle ng hotel’s attendant na si Quimar Margas, 29, at kanyang supervisor.

Base sa pahayag ng hotel telephone operator na nakilala lang sa “Carmina”, tinatawagan niya ang biktima upang ipaalala na oras na ng kanyang paglabas subalit hindi ito sumasagot kaya pinuntahan ito ng room attendant kasama ang kanyang supervisor at kinatok ito.

Nang hindi pa rin tumutugon ang biktima, nagpasya na si Margas at kanyang supervisor na gumamit ng duplicate na susi at nang mabuksan ang pintuan ay nadiskubre ng mga ito si Bautista na walang malay habang nakahiga sa kama at bumubula bibig.

Kaagad isinugod sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktima subalit namatay na rin ito dakong 6:21 ng gabi.

Nagsagawa naman ng pasisiyasat ang mga tauhan ng Northern Police District Crime Laboratory Office (NPD-CLO) sa pinangyarihan ng insidente upang makakita ng mga ebidensyang makakapagbigay linaw sa naturang insidente.

Inaalam din ng mga awtoridad kung may kasama ito nang mag-check-in sa naturang hotel. RENE MANAHAN

Digong nabisita na ang Marawi City

$
0
0

SA wakas at sa kauna-unahang pagkakataon habang nagpapatuloy ang bakbakan sa Marawi City ay nabisita na rin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nasabing lungsod.

Dumiretso si Pangulong Duterte sa Camp Ranao upang magbigay ng ‘word of encouragement‘ sa mga sundalo at tiniyak na buo ang kanyang suporta sa mga ito.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang mga sundalo.

Habang nasa loob ng kampo ang Pangulong Duterte ay matindi ang bakbakan sa labas.

Bukod pa sa may ilang lugar ang nadadaanan ng ligaw na bala.

Samantala, nawala ang communication signal sa nasabing lugar ng alas-2L99 ng hapon at bumalik na lamang bandang alas-4:30 ng hapon.

Matatandaang dalawang beses na nagtangka ang Pangulo na bisitahin ang Marawi habang nagaganap ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute group subalit naunsiyami dahil sa sama ng panahon. KRIS JOSE

Aquino, nanindigang hindi nakipagsabwatan kina Purisima, Napeñas

$
0
0

PINANINDIGAN ni dating Pangulong Benigno Aquino III na walang sabwatang nangyari kaugnay ng nabulilyasong operasyon sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 na Special Action Force (SAF) commandos.

Sa kanyang inihaing motion-for-reconsideration sa Ombudsman, iginiit niyang walang nangyaring “conspiracy” sa pagitan nila nina dating Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Alan Purisima, at dating SAF chief retired Director Getulio Napeñas.

Muli ring nanindigan si Aquino na lahat ng kanyang mga naging hakbang at desisyon niya kaugnay ng Oplan Exodus ay naaayon sa kanyang kapangyarihan noon bilang pangulo, at Commander-in-Chief.

Paliwanag pa ni Aquino, maari siyang direktang mag-utos o makipag-ugnayan sa sinoman, kabilang ang mga taong nagsisilbing resource persons na nakapagbibigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang police operation.

Una nang sinabi ni Aquino na ang tanging naging partisipasyon lamang ni Purisima ay magsilbing resource person.

Ang nasabing mosyon ay bilang tugon ni Aquino sa desisyon ng Office of the Ombudsman na dapat siyang makasuhan ng usurpation of authority at graft kaugnay ng naging papel niya sa operasyon. JOHNNY ARASGA

Pag-angkat ng karneng baka mula Brazil, itinigil

$
0
0

ITINIGIL muna ng Pilipinas ang pag-import ng karneng baka mula sa Brazil dahil sa pangamba sa negatibong epekto nito sa kalusugan.

Kasunod na rin ito ng pag-ban ng Amerika sa fresh Brazilian beef nang bumagsak sa safety check ang malaking porsyento ng shipments nito.

Ayon kay Agriculture Sec. Emmanuel Piñol, lilipad pa-Brazil ang food safety team ng Pilipinas sa July 26 para inspeksyunin ang mga pasilidad at meat exporters.

Hindi aniya dapat makumpromiso ang kalusugan ng mga Pilipino kayat kailangang matiyak na ligtas ang mga aangkating karne partikular ng karneng baka.

Anim na porsyento ng mga ini-import na karne ng Pilipinas ay nagmumula sa Brazil na itinuturing na top exporter ng beef at poultry. JOHNNY ARASGA

Pangulong Duterte pinaba-ban sa White House

$
0
0

HINILING ng isang US Congressman ang pagbabawal sa Pangulong Rodrigo Duterte na tumuntong sa White House.

Ayon kay Massachusetts Rep. Jim McGovern, tila walang pagpapahalaga ang Pangulong Duterte sa karapatang pantao dahil sa patuloy na pangangalandakan sa mga napapatay na suspek sa kampanya ng administrasyon nito kontra iligal na droga.

Sa isinagawang pagdinig ng Tom Lanston Commission sa War on Drugs ng Pangulong Duterte, tiniyak ni McGovern ang pangunguna sa protesta kapag inimbitahan sa White House ang Pangulo ng Pilipinas.

Kasabay nito, tinawag ni McGovern, co-chair ng Human Rights Commission na badly-managed ang patuloy na bakbakan ng militar at Maute group sa Marawi City. -30-

DUTERTE: NAUPO AKO NA ANG BANSA AY PUNO NG PROBLEMA

DUTERTE: PAGSAWATA SA KRIMEN AT ILIGAL NA DROGA, DAAN SA PAG-UNLAD


Trike driver binaril sa mukha, kritikal

$
0
0

KRITIKAL ang isang tricycle driver matapos barilin sa mukha ng kanyang matagal nang kaalitan habang isang 16-anyos na dalagita ang nasugatan matapos tamaan ng ligaw na bala Biyernes ng gabi, July 21, sa Malabon City.

Si Nilo Cabotaje, 43 ,ng Blk. 3, Pampano St., Dagat-Dagatan Brgy. Longos ay nagtamo ng isang tama ng bala sa mukha habang si Sophia Ann Pagunsan, estudyante, ng Lot 124, Phase 3, Hasa-Hasa Alley ay tinamaan ng ligaw na bala sa kaliwang paa na kasalukuyang ginagamot sa Tondo Medical Center.

Ayon kina Malabon police homicide investigators SPO1 Rolando Hernando at PO2 Diego Ngippon, nasa loob ng computer shop ang biktima nang biglang dumating ang suspek na nakilalang si Elizer Tagalog, ng Blk. 3, Pampano St., Brgy. Longos, at agad pumasok sa nasabing shop pasado alas-9:15 ng gabi at walang sabi-sabing binaril ito sa mukha.

Agad nabulabog ang mga customer sa nasabing computer shop kaya nag-unahang lumabas ang mga ito kung saan nahagip ng ligaw na bala sa kaliwang paa si Sophia.

Mabilis na tumakas ang suspek ang pamamaril nito.

Napag-alamang ang biktima ay matagal nang kaalitan ng suspek dahil umano sa hindi nababayarang utang. ROGER PANIZAL

DUTERTE: LABAN VS ILIGAL NA DROGA HINDI HIHINTO SA KABILA NG BATIKOS

DUTERTE: HINDI KO PABABAYAANG MASIRA ANG KABATAAN AT KANILANG KINABUKASAN

DUTERTE SA MINING OPERATORS: TIGILAN ANG IRESPONSABLENG PAGMIMINA

Cagayan inuga ng 2.4 magnitude na lindol

$
0
0

INUGA nang dalawang ulit na 2.4 magnitude na lindol ang Cagayan kaninang umaga Hulyo 24, Lunes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang naramdaman ang pagyanig dakong 11:06 ng umaga sa kanluran ng Calayan, Cagayan.

Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 022 kilometro.

Sinabi pa ng Phivolcs sa ikalawang pagyanig naramdaman naman ang 2.4 magnitude na lindol dakong 11:06 ng umaga.

Naramdaman ang pagyanig sa kanluran ng Calayan, Cagayan at ang origin ng pagyanig ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 022.

Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa dalawang magkasunod na lindol. SANTI CELARIO

2 preso, dedo sa MPD detention cell

$
0
0

DAHIL sa sobrang siksikan sa kulungan, nalagutan ng hininga ang dalawang preso ng Manila Police District (MPD) sa Malate kaninang Lunes ng madaling-araw.

Sinabi ni SPO2 Charles Duran, imbestigador ng kaso, ang mga biktima ay nakilalang sina Michael Justinlave, 44, ng Quezon City at Rolly Olarte, 37, ng Pasay City.

Isa pa aniyang inmate na nakilalang si Ronaldo Maniquis ang itinakbo naman sa pagamutan sanhi ng paninikip ng dibdib.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 1:55 a.m. sa loob ng Malate police station sa may United Nation’s Avenue, Malate, Maynila.

Ang sobrang siksikan ng kulungan ang dahilan ng pagkamatay ng mga inmates na mayroong kabuuang 114 na inmates ang nakapiit na para lamang sa 70 katao.

Noon lamang nakaraang Mayo ay isang inmates ang namatay dahil din sa init sa loob ng piitan. BOBBY TICZON

Erap, nanawagan ng suporta sa SONA ng Pangulo

$
0
0

HABANG abala si Pangulong Duterte sa paglaban sa mga Islamic militants na kumukubkob sa Marawi at ang sunud-sunod na pag-atake ng mga rebeldeng komunista sa puwersa ng pamahalaan, nanawagan muli sa publiko si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na suportahan ang lider ng bansa.

Kahapon, isang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Duterte, sinabi ni Estrada na mas kailangan ngayon ng pangulo ng suporta ng mga Filipino.

“We have to be one. Let’s support the President and all his policies. As president of the republic, we must support him all the way. Let’s leave it up to him. He needs the solid support of every Filipino,” ani Estrada.

Ayon pa kay Estrada, ginagawa naman ni Duterte ang lahat ng kanyang makakaya upang maresolba ang krisis sa Marawi na pinalalala pa aniya ng sunud-sunod na opensiba ng New People’s Army (NPA).

Tiniyak ni Estrada na isa siya sa milyun-milyong Filipino na sumusuporta sa kampanya ni Duterte na labanan ang terorismo at kriminalidad sa bansa.

Tama lamang naman aniya ang pagpapatupad ng Martial law sa Mindanao dahil alam naman ni Duterte ang kanyang ginagawa.

“There’s no substitute for peace and order. Without peace and order, no country will ever succeed,” pahayag ni Estrada. JAY REYES


Bagyong ‘Gorio’ nasa PAR sa loob ng 24-oras

$
0
0

INAASAHANG papasok sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ang isang low pressure area (LPA) sa susunod na 24 oras.

Sinabi ni PAGASA forecaster Samuel Duran, unti-unting lumalakas ang LPA na namataan sa silangang bahagi ng Visayas.

Huling natukoy ang lokasyon ng LPA sa layong 425 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Sa ngayon, naghahatid na ito ng pagulan sa Eastern Visayas at Caraga regions.

Kung ganap na magiging bagyo, bibigyan ito ng local name na “Gorio.” BOBBY TICZON

2018 budget, isinumite na ni PDu30

$
0
0

PLANO ng Malaking Kapulungan ng Kongreso na tapusin ang deliberasyon at debate sa 2018 national budget sa buwan ng Oktubre pa lamang.

Inihayag ito ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa press conference bago pa man mag-SONA ang pangulo sa hapon at pagkatapos suspendihin ang umagang sesyon para bigyang-daan ang joint session sa hapon.

“Sa panibagong budget for next year, ang target namin dito is within the month of October kailangan tapos na. Kung mapapaaga, mas mabuti,” ani Alvarez.

Pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte ay personal nitong isinumite sa Kongreso ang may P3.767-trilyong panukalang badyet para sa 2018.

Sinabi ni Davao Rep. Karlo Nograles, chairman ng House Committee on Appropriations, ang badyet para sa 2018 ay mataas nang 12.4 porsyento kumpara sa General Appropriations Act nitong 2017.

Ayon sa kongresista, pangunahing pinaglaanan ng may pinakamalaking pondo ang Department of Education na P691-bilyon.
Ang malaking alokasyon sa badyet ng DepEd ay para sa pagpapatayo ng may 47,000 na classroom at rehabilitasyon ng 18,999 na silid-aralan pa rin.

Sa panukalang badyet ay humihingi ang pangulong Duterte ng 10.3 porsyentong dagdag para sa Mindanao Logistics Infrastucture Network mula sa P21.4-bilyon ngayong 2017 ay gagawin itong P23.6-bilyon para sa susunod na taon.

Sa hinihinging pagpapasa sa tax reform package, sinabi ni Nograles na “these (new taxes) are painful but necessary steps that President Duterte and Congress must take so that we can fulfill our covenant for national reformation with the Filipino people.” MELIZA MALUNTAG

Gov. Imee nag-sorry sa mga kongresista; Ilocos 6 mapapalaya na

$
0
0

NAPILITANG humingi ng paumanhin sa mga kongresista si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa sinabi niyang may P100-milyong ibinigay sa mga mambabatas upang siya ay ipakulong.

Ito ay nang sapilitang tanungin ni Majority Leader Rodolfo Fariñas kung sino ang source nito kaugnay sa P100-milyon dahil nagmumukha aniyang bayaran ang mga mambabatas.

“Now if you will apologize at sabihin ninyong hindi totoo na may nagsabi sa inyo at siguro ay nahilo-hilo lang kayo at nagawa ninyo ang kwento ay okey na po sa amin iyon pero kung sasabihin po ninyo na merong nagsabi pero ayaw ninyong sabihin ay hindi naman po yata tama iyon dahil andun pa rin iyong cloud of doubt,”ang naunang banta ni Fariñas.

Hinarap din ni Marikina Rep. Miro Quimbo ng Liberal Party si Marcos at tinanong nito ang ukol sa ipinaikot umanong P100-milyon ang LP para tiyakin na maipakulong ang gobernadora.

Sa huli ay kumambyo si Marcos matapos ang ilang minutong suspension ng pagdinig upang kunsultahin ang kaniyang tumatayong legal counsel na si dating senador Juan Ponce Enrile.

“For that I apologize and withdraw the statement. It is my smear suspicion and given that the sources uncertain, I withdraw the accusation to the integrity and the honor of the House (of Representatives)but the P100-million circulate. Hindi po totoo iyon at ako’y nagpapaumanhin kung aking nasaktan ang ibang miembro ng ating Kongreso,” ani Marcos.

Itinanggi rin ni Quimbo na may kaugnayan ang isyung ito si Vice President Leni Robredo.

Itinanggi rin ni Farinas na kailanman ay wala siyang balak makipaglaban sa politika sa mga Marcos o maging kaaway man ng mga ito.

“Ako po’y takot na takot na lumaban sa mga Marcos,” ani Fariñas.

Sa kalagitnaan ay hindi napigilan nina Farinas at Imee Marcos na magkainitan ngunit sa huli ay humupa rin matapos ang paghingi ng paumanhi ng gobernadora.

Nangako rin si Farinas na bago matapos ang pagdinig ay imomosyon sa House Committee on Good Government and Public Accountability na tapusin na ang contempt nang sa gayun ay makauwi na ang Ilocos 6.

Ito’y matapos magsalita ang anim na empleado ng Ilocos Norte government at sumagot sa bawat katanungan ng mga kongresista kaugnay sa paggamit ng P66-milyon na pondo mula sa excise tax. MELIZA MALUNTAG

‘The Big One’, kakayanin ng Maynila

$
0
0

PUSPUSAN na ang paghahanda at pagbili ng modernong kagamitan ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa anumang kalamidad lalo na ang “The Big One”.

Sinasanay na rin maging ang mga rescuers ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) gayundin ang mga volunteer members ng Manila Community Emergency Response Teams (MCERTs) na binuo sa bawat barangay upang maging first responders sa anumang uri ng emergency.

Tiwala naman si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na magiging maayos ang pagresponde ng mga rescuer ng lungsod sakaling tumama na sa Kamaynilaan ang kinatatakutang “The Big One”, o ang 7.2 magnitude na lindol.

“But we won’t stop here,” pagdidiin ni Estrada. “We still have so much things to do and prepare. In fact, we will be procuring more state-of-the art equipment and tools to deal with any disasters,” dagdag pa niya.

Ang ilan sa mga bagong kagamitan na binili ng pamahalaang lungsod ay ang P30-milyong mobile command center o Incident Command Unit, Hazmat (hazardous material) vehicle, mga heavy duty rescue truck, amphibious truck, at isang mobile kitchen at dadagdagan pa ito para italaga sa bawat distrito ng lungsod.

Ayon naman kay MDRRMO chief Danny Yu, nirekomenda na nila kay Estrada na bumili pa ng 12 rescue trucks.

Ayon sa 2004 Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS) ng Japan International Cooperation Agency (JICA), 35,000 katao agad sa Metro Manila ang mamamatay sa unang isang oras pa lamang, habang 100,000 ang sugatan at 500 sunog agad ang magaganap kapag tumama ang ‘The Big One’.

Dahil tinuturing na lumang siyudad na ang Maynila at karamihan sa lupain nito ay below sea level, tinagurian itong “most vulnerable” sa malalaking sunog, pagbaha, at mga tsunami mula sa Manila Bay, ayon pa sa naturang pag-aaral.

Ayon pa rito, ang pinakalubhang maapektuhan ng malakas na lindol sa Maynila ay ang Manila North Port Area, South-Eastern Manila, at Central Manila Bay Area. Dito ay 170,000 na kabahayan agad ang guguho habang 1,710 ektarya ng lupain ang lalamunin ng apoy, na magreresulta sa karagdagan pang 18,000 katao na mamamatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

World tour ni Justin Bieber sa Pinas kinansela

$
0
0

KINANSELA ng pop singer na si Justin Bieber ang nalalabing bahagi ng kanyang “Purpose” world tour.

“Unforeseen circumstances” lamang ang idinahilan ng kaniyang publicist base sa inilabas na pahayag.

Apektado ng kanselasyon ang mga shows ni Bieber sa North America at Asya hanggang sa October 10.

Ayon sa pahayag, mahal ni Bieber ang kanyang fans at ayaw niyang ma-disappoint ang mga ito, pero matapos ang masusing konsiderasyon, nagpasya silang ihinto na ang world tour para sa nalalabing mga petsa.

Wala nang ibang detalyeng ibinigay kung ano ang nagbunsod sa kanselasyon.

Ang world tour para sa kanyang album na “Purpose” ay inumpisahan noong March 2016 at umabot na sa mahigit 150 ang kanyang shows sa Europe, Africa, South America, Australia at ilang bahagi ng Asya.

Kabilang ang Pilipinas sa nakatakda sanang puntahan ni Bieber para sa kaniyang “Purpose” tour.

Sa September 30 ang nakatakda niyang concert sa Pilipinas at noong July 9 inumpisahan ang pagbebenta ng ticket.

Tiniyak naman ng kampo ni Bieber na ibabalik ang perang ibinayad ng mga nakabili na ng tickets. JOHNNY ARASGA

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>