NAKAHANDANG tumulong ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang makabangon ang mga kababayan nating apektado ng kaguluhan sa Marawi City sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t-ibang programa na makapagbabago sa kanilang kabuhayan.
Nitong Miyerkules (July 19) ay inilunsad ang Marawi Crisis Massive Skills Training for Internally Displaced Persons (IDPs) na ginanap sa Iligan City National High School na matatagpuan sa Mahayahay, Iligan City.
Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga residenteng apektado ng kaguluhan na mabigyan ng skills training sa Phase 1 (Livelihood/Short Courses) at Phase 2 (Construction-related and other in-demand courses).
Kabilang sa mga training programs na kasama sa Phase 1 ay ang Massage Therapy, Food Processing, Bread and Pastry Production, Cookery, Haircutting at Beauty Care habang sa Phase 2 naman ay ang kursong Carpentry, Electrical Installation and Maintenance, Pipefitting, Masonry, Plumbing at Welding.
Nais ng TESDA na makapagbigay ng 4,500 benipisyaryo sa Iligan City habang 900 naman sa Cagayan de Oro City para sa programang ito.
Kasabay din nito ang pagsisimula ng TESDA Emergency Program for TVET Trainers and Assessors (TEPTTA) sa naturang lugar na layuning makakuha ng magagaling na trainers at assessors upang higit pang mapaangat ang tech-voc sa bansa.
Sa ngayon target ng TESDA na makakuha ng 3,004 trainers at 2,725 assessors habang 4,735 trainers naman ang kinakailangang makapag-renew ng kanilang National TVET Trainers Certificate (NTTC).
Ipinamahagi na rin sa sampung napiling mahihirap na probinsiya ang Mobile Training Laboratory (MTL) na layuning makapagbigay ng libre at dekalidad na skills training sa malalayong lugar na kinabibilangan ng Apayao, Masbate, Northern Samar, Eastern Samar, Zamboanga del Norte, Camiguin, Lanao del Sur, Maguindanao, Northern Cotabato at Saranggani.
Kabilang sa mga training programs ng MTL ay ang Appliance Repair, Bread and Pastry, Cookery, Electrical Installation and Maintenance, Food Processing, Plumbing at Small Engine Repair.
“The Mobile Training Laboratory (MTL) is a training delivery model designed to implement technology-based training programs in far-flung communities of the country’s 10 poorest provinces in terms of poverty incidence through portable boxes containing tools and equipment, mock-ups and training packages in designated places in the community as a venue of training. A total of sixty (60) MTLs at six (6) MTLs for each province shall be fabricated and delivered to the beneficiary provinces”, nakasaad sa program description ng MTL.
Sinimulan na rin noong July 16 ang Psychosocial Intervention for the IDP Youth Project sa 2,000 evacuees sa Iligan City. Sa pamamagitan nito, bibigyan ng cultural integration, Islamic teachings, peace advocacy at livelihood training ang mga apektadong residente na may edad na 15 hanggang 20-anyos upang mawala ang kanilang “traumatic experience sa digmaan.
“Our brothers and sisters are scared, their spirits broken. To rebuild Mindanao and re-establish the community’s faith in law and order, we need to start with treating emotional wounds. People’s damaged psychological conditions, whether they care to admit them or not, will need to be addressed before the actual rebuilding can begin,” sabi pa ni TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong.