Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

Takatak boy inutas sa Kyusi

$
0
0

UTAS ang isang cigarette vendor matapos pagbabarilin ng hindi kilalang salarin sa loob ng palengke sa Novaliches, Quezon City kagabi, Hulyo 13, Huwebes.

Nakilala ang biktimang si Ronnie Gactalla, 45, binata, tubong Leyte, ng 1013 Quirino Highway, Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Bumulagta noon din ang biktima sa pinangyarihan ng insidente matapos ang pamamaril.

Ayon sa Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang krimen dakong 11:15 ng gabi sa loob ng Star Market sa 1027 Quirino Highway, Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Sinabi ng witness na isang vegetable vendor kay PO3 Roldan Cornejo, ng CIDU, natutulog siya sa kanyang stall sa loob ng nasabing palengke nang magising sa sunod-sunod na putok ng baril.

Nang silipin at puntahan niya ang pinanggalingan ng mga putok, dito na niya nadiskubre ang nakabulagtang bangkay ng biktima.

Lumilitaw naman sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na nagtamo ang biktima na maraming tama ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan. SANTI CELARIO


Bulacan massacre suspect, positibo sa rape

$
0
0

KINUMPIRMA ng pulisya na hinalay ng massacre suspect na si Carmelino “Miling” Ibañes ang isa sa limang biktima sa San Jose del Monte, Bulacan slays, at hindi ito nag-iisa sa krimen.

“Based on findings of forensic exams, talagang itong si Miling, talagang na-consummate niya ang pag-rape kay Estrella [Dizon],” pahayag kaninang Biyernes ng umaga ni Bulacan provincial police director S/Supt. Romeo Caramat III sa isang press conference sa Regional Police Office 3 headquarters sa Camp Olivas sa Pampanga.

Maliban kay Estrella, 38, kasamang minasaker ang nanay nitong si Auring Dizon, 56; at ang tatlong anak ni Estrella na sina Donny, 11; Ella, 7; at Dexter Jr., 1.

Sinabi ni Caramat, ang DNA sample sa vaginal swab na nakuha mula kay Estrella ay nagtugma sa DNA sample na nakuha kay Ibañes.

Sa kaso naman ni Auring, nabigo ang police investigators na makakuha ng anomang semen sa ari nito kaya naniniwala ang pulisya na hindi ginahasa ang matanda.

Gayunman, nilinaw ni Caramat, na “It is not penetration alone that will dictate na mayroon rape. Nakita naman po natin ang victims, nakahubad sila. Even the touching of labia or some parts of vagina can be considered rape.”

Samantala, sinabi ni Supt. Fitz Macariola, San Jose del Monte City police chief, na walang nakitang DNA profiles ng persons of interest (POIs) sa crime scene.

“But it does not exclude them [from becoming suspects just because of] the result of the DNA [test] alone,” paliwanag ni Macariola.

Ayon naman sa Crime laboratory technicians, lumabas na sa apat sa limang biktima ay pinatay gamit ang isang kutsilyo habang ang panglimang biktima na si Donny ay sinsaksak gamit ang ibang panaksak.

Sinabi ni Caramat na sa kabila ng DNA test results na nagdidiin kay Ibañes, iimbestigahan pa rin nila ang mister ni Estrella na si Dexter Carlos, na siyang nakadiskubre sa krimen.

“Pero malayo sa katotohanan na itong si Dexter Carlos ay magiging suspect. We just want to put on record para ma-establish ang kinaroroonan niya when the crime was perpetrated,” dagdag pa nito. BOBBY TICZON

Kending may marijuana, pinangangambahang kumalat

$
0
0

PINANGANGAMBAHAN ng ilang mambabatas na kumalat na sa mga bata ang kendi na may halong marijuana.

Naalarma si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee in Dangerous Drugs, na maging biktima ang mga mag-aaral ng kending may halong marijuana matapos maaresto ang dalawang indibidwal na gumagawa ng ganitong uri ng kendi.

Ang pangamba ay ginawa ni Barbers kasunod ng pagkaaresto noong nakalipas na Sabado sina Bobby Albert Bobcock at Jan Allen Ledesma dahil sa paggawa ng candies na may halong marijuana na ibinebenta sa mga estudyante sa kolehiyo.

Kinalampag na rin ng kongresista ang mga concerned agencies na kumilos upang agad masugpo kung meron pang kakutsaba ng mga naunang nahuli.

Binigyang-diin ni Barbers na hindi alam ng isang bata kung may halong droga ang kendi kanilang nabili o ibinigay sa kanila.

Base aniya sa mga pag-aaral, ang pagkain ng marijuana ay mayroong mas malalang epekto kaysa sa pagsindi nito.

Pinaalalahanan nito ang mga magulang na maging mapagbantay at sabihan ang mga anak na iwasan ang pagbili o pagtanggap ng mga kendi na may kakaibang balot o walang tatak.

Dapat aniyang bantayan ng mga magulang o kanilang tagabantay ang aktibidades ng mga bata sa lahat ng oras kung maaari.

Samantala, muling nanawagan ang mambabatas na isabatas na ang panukalang pagbalik ng parusang bitay kung saan isa siya sa ma co-sponsor, lalo na sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga na sangkot ang mga bata. MELIZA MALUNTAG

Dalagita minolestiya ng 28-anyos

$
0
0

KULONG ang isang 28-anyos na pintor matapos gapangin at dakmain ang maselang bahagi ng katawan ng 14-anyos na kapitbahay sa Caloocan City kaninang madaling-araw, Biyernes.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610 o Child Abuse Law si Joey Silorio, ng Kabulusan St., Brgy. 23.

Sa imbestigasyon ni PO3 Dery Charito ng Caloocan Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), lasing ang suspek na pumasok nang walang pahintulot sa loob ng bahay ng Grade 9 na estudyanteng kapitbahay na itinago lang sa pangalang “Gina” dakong 3:00 ng madaling-araw.

Nang makita ng suspek ang natutulog na biktima ay nilapitan nito at may pagnanasang dinakma ang maselang parte ng katawan ng dalagita na kaagad namang naalimpungatan nang maramdaman ang humahaplos na kamay sa kanyang kaselanan.

Napabalikwas ng bangon ang dalagita at napasigaw nang makita ang mukha ni Silorio na mabilis namang lumabas ng bahay matapos mag-eskandalo ang biktima.

Kaagad humingi ng tulong kina Jose Arcenal at Rolando Savilla, kapwa barangay tanod sa kanilang lugar, ang biktima dahilan upang maaresto ang suspek. RENE MANAHAN

Petisyon ni Imee, sasagutin ng kongreso

$
0
0

HANDA ang Malaking Kapulungan ng Kongreso na sagutin ang petisyon ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa sandaling hingiin na ito ng Korte Suprema.

Siniguro ito ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas matapos maghain ng Omnibus Petition si Marcos sa Korte Suprema para sa inhibition, Writ of Amparo at Writ of Habeas Corpus.

“The reaction or answer to the petition filed by the petitioners in the Supreme Court will be answered by us before it, if and when the SC requires such. It cannot be made through the Press,” ani Fariñas.

Kinumpirma rin ng kongresista ang panibagong akusasyon ni Marcos na imbitado si Fariñas nang ipamigay ang sasakyan sa mga barangay.

Subalit ani Fariñas, wala pa siyang impormasyon ng mga panahong iyon na ginamit sa pagbili ng sasakyan ang pondo ng tabako, ito’y binili sa pamamagitan ng cash advances, walang public bidding at P465,000 ang bawat isa.

“I have distributed multicabs to the barangays in my district at the following prices: pickups like those shown in the pictures being distributed at P180,000 each; pickups with canopy for its bed – P200,000; at pickups with canopy for its Bec and glass windows to make it a closed van – P250,000.”

Samantala, binanatan naman ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Johnny Pimentel ang gobernadora kasunod ng petisyon nito sa SC.

Kung talaga aniyang inosente ang gobernadora at walang kinatatakutan ay bakit hindi nito magawang humarap sa imbestigasyon ng Kamara.

Ani Pimentel, kahit isa siyang Marcos, hindi nangangahulugan na makapangyarihan ito at pwede na itong lumabag sa batas.

Sa pasaring ni Gov. Imee na may hostage crisis sa Kamara, sinabi ni Pimentel na may malinaw na paglabag na ginawa si Marcos at ang isyu dito ay ang iregular na paggamit ng pondo na dapat sana’y para sa mga tobacco farmers at hindi ang pinalulutang ng gobernadora na walang ghost projects sa kanilang lalawigan. MELIZA MALUNTAG

Pagsasampa ng kaso ng Ombudsman kay Aquino, nirerespeto ng Palasyo

$
0
0

IGINAGALANG ng Malacañang ang desisyon ng Ombudsman na kasuhan si dating Pangulong Benigno Aquino III dahil sa umano’y kaugnayan niya sa nabulilyasong operasyon sa Mamasapano noong 2015.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, inirerespeto nila ang mandato ng Ombudsman na imbestigahan ang mga opisyal ng pamahalaan.

Kinikilala aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaka-bayani ng 44 na nasawing Special Action Force (SAF) commandos sa naturang operasyon.

Dahil dito, kaisa aniya ang pangulo sa mga humihiling na mabigyang hustisya ang mga biktima at pamilya ng Fallen 44.

Magbibigay aniya ito ng closure sa pangyayari, na isang bahagi ng healing process na pinagdaraanan ng mga kaanak ng mga nasawing SAF. JOHNNY ARASGA

Binatilyo kulong sa panghahalay ng pinsan

$
0
0

SWAK sa kulungan ang isang binata matapos ireklamo ng 18-anyos na estudyanteng pinsan ng suspek na umano’y humalay sa kanya Sabado ng madaling-araw, July 15, sa Navotas City.

Sa pahayag ng Grade II na biktimang itinago sa pangalang “Salve” sa Navotas Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), nasa harap umano siya ng kanilang bahay alas-3:00 ng madaling-araw nang puwersahan siyang hatakin ng kanyang pinsan na si Kim Francis Antonio, 21, sa loob ng kanilang tirahan.

Ayon pa sa biktima, sinakal at tinakot siyang papatayin habang puwersahang hinuhubad ang kanyang damit hanggang tuluyan na umano siyang halayin.

Sa panayam naman sa suspek sa loob ng Navotas Police Detention Cell, tinanggi niya ang naturang bintang at sinabing gawa-gawa lamang umano ng kanyang pinsan ang akusasyon laban sa kanya.

Sinabi pa niyang imposible ang binibintang sa kanya ng pinsan dahil nasa itaas lamang ng kanilang bahay ang kanyang mga magulang ng oras na sinasabing nangyari ang panghahalay.

Idinugtong niya na kusang pumasok sa loob ng kanilang bahay ang pinsan para magtago matapos siyang hanapin ng kapatid dahil hindi pa siya umuuwi.

Handa aniya niyang patunayan na hindi niya kinaladkad papasok ng bahay ang pinsan dahil may CCTV camera sa kanilang lugar na posibleng nakakuha sa tunay na pangyayari. ROGER PANIZAL

Globe Business to redefine how businesses work

$
0
0

Through the years, Globe Business has been a trusted name by corporations for its innovative approach to enterprise information and communications technology. As it continues to provide quality service and groundbreaking technology, it is redefining how businesses work, asserting that it goes beyond functions, numbers, and performance through the right technology, infrastructure, and know-how.

This commitment is highlighted in its new tagline, “Create. Beyond business,” which emanates from Globe Business’ efforts to transcend being just a solutions and services provider of the top 5,000 Philippine companies, and in fulfilment of the company’s vision of a Philippines where businesses flourish and the nation is admired.

It aims to raise the bar by offering world-class products and solutions, and using its passion to create sound business advice and wonderful experiences for enterprises, and in turn, their customers. All these are anchored by Globe Business’ various advocacies for nation building.

Globe Business is committed to environmental sustainability and encourages enterprises to reduce their carbon footprint through conservation, energy optimization and waste management initiatives. Its teleconferencing solutions and collaboration tools help cut down on carbon dioxide emissions and its Canvas software promotes a paperless workplace, saving trees and eliminating trash.

In 2014, Globe Business launched Project 1 Phone, a wide-scale e-waste recycling program in partnership with its clients. The program raised P8 million in funds, which were used to rebuild schools in Haiyan-struck Aklan.

Globe Business is also deeply involved in cybersecurity. Just this year, it launched the Globe Advanced Security Operations Center (ASOC), offering customer service platform management, threat detection, threat hunting, and incident response for its own network and the network of its customers.  It is linked to Trustwave’s global network of nine federated ASOCs from around the world. Globe Business complemented this with a partnership with Singtel to harness its best-of-breed suite of cybersecurity solutions.

Another advocacy is #1stWorldInternetPH, a campaign to address the government red tape issue that prevents millions of Filipinos from experiencing world-class Internet. For Globe Business, this is an effort to improve the capacity and capability of connectivity through investments in international cables specifically the most recent South East Asia-United States cable system and the corporate data network modernization and expansion.

To further help the government in nation-building, Globe Business launched e-Governance, a response to the government’s call for greater private sector participation. The program works closely with the national government to provide transparent, accessible, and better public services to agencies involved in taxation, procurement, customs, manpower, statistics, business processing, and transportation.

“Globe Business’ brand refresh is a testament to our deepening relationship with our partners in the ever-changing landscape of digitalization. More importantly, our new battle cry ‘Create. Beyond business’ serves as a reminder that we are driven by a passion to create tailor-fit and purposeful business solutions that enable companies to succeed and create an impact,” shares Globe Business Senior Vice President Peter Maquera.

More importantly, it goes beyond business to create meaningful experiences for its clients, their customers, and ultimately, the nation.

For more information about Globe Business, visit the website at www.business.globe.com.ph/.


Training ng TESDA ilalapit sa tao

$
0
0
UPANG mas higit pang maabot ang mga taong gustong magkaroon ng sapat na kasanayan ay ilulunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang Mobile Training Laboratory (MTL) na layuning mapuntahan at mabigyan ng skills training ang mga naninirahan sa malalayong lugar sa bansa.
 
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, sa pamamagitan ng MTL ay hindi na kinakailangan magtungo ng mga gustong magkaroon ng kasanayan sa mga training institutions dahil mismong ang ahensiya na ang magtutungo sa kanilang mga lugar.
 
Aniya, sa darating na Miyerkules (July 19) ay ipamamahagi na ang MTL sa sampung napiling mahihirap na probinsiya sa bansa ito ay kinabibilangan ng Apayao, Masbate, Northern Samar, Eastern Samar, Zamboanga del Norte, Camiguin, Lanao del Sur, Maguindanao, Northern Cotobato at Saranggani.
 
“The MTL are training facilities can be easily transported from one place to another within the province. It is composed of four movable compact boxes on a trailer that includes tools, equipment, training package and multi-media equipment and accessories”, saad pa ni Mamondiong.
 
Gaganapin ang turn over ceremony ng mga MTL sa Iligan City National High School na matatagpuan sa Mahayahay, Iligan City kasabay din ng paglulunsad ng iba’t-ibang programa ng TESDA tulad ng Massive Skills Training at TESDA Emergency Program for TVET Trainers and Assessors (TEPTTA).
 
Magiging katuwang ng TESDA sa programang ito ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na siyang nagbigay ng pondo upang magkaroon ng katuparaan ang proyektong ito.
 
Kabilang sa mga training programs na ipagkakaloob sa mga residente ng sampung nabanggit na probinsiya ay ang Appliance Repair, Bread and Pastry, Cookery, Electrical Installation and Maintenance, Food Processing, Plumbing at Small Engine Repair.
 
“The Mobile Training Laboratory (MTL) is a training delivery model designed to implement technology-based training programs in far-flung communities of the country’s 10 poorest provinces in terms of poverty incidence through portable boxes containing tolls and equipment, mock-ups and training packages in designated places in the community as a venue of training. A total of sixty (60) MTLs at six (6) MTLs for each province shall be fabricated and delivered to the beneficiary provinces”, nakasaad pa sa program description ng proyektong ito.

SM North EDSA, nasunog

$
0
0

ISA sa tinitingnan ng awtoridad na problema sa electrical wiring ang isa sa mga sanhi ng apoy na tumupok sa bahagi ng isang kilalang mall sa Quezon City bandang alas-8:00 ng gabi.

Sinabi ni F/Insp. Rodelio Bernabe ng Quezon City Fire Department, nagsimula ang apoy sa bodega ng mga laruan na nasa ika-apat na palapag ng department store sa SM North EDSA.

Kaagad namang kumilos ang pamunuan ng SM at ang emergency response team nito, katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) para sa full evacuation ng mga mamimili ng department store upang matiyak ang kaligtasan nila.

Aminado naman si Bernabe na nahirapan sila na pasukin ang nasunog na bahagi ng mall dahil sa kapal ng usok.

Kinailangan pang butasin ang bubong nito upang makalabas ang usok dahil walang maayos na bentilasyon ang bodega.

Dagdag pa ni Bernabe, natagalan bago gumana ang water sprinkler ng bodega kaya naman umabot sa ikatlong alarma ang sunog dakong 8:48 bago tuluyang naapula ganap na alas-10:30 ng gabi.

Dahil dito, may ilang empleyado at bombero na kinailangan dalhin sa ambulansya matapos mahirapang huminga.

Samantala, wala namang nasugatan o namatay sa sunog. BOBBY TICZON

Barangay secretary dedo, driver sugatan sa tandem

$
0
0

BUMULAGTA sa kalsada ang isang barangay secretary at ang drayber nito matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Cotabato kaninang Lunes ng umaga.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang makilalang si Faizal Madendog, 34, may asawa, sekretarya ng Brgy. Central Labas, Midsayap, Cotabato.

Nasa kritikal na kondisyon naman sanhi ng tama ng bala sa ulo ang driver nitong si Herman Eduarte, 40.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 7:25 a.m. sa Brgy. Poblacion 8 sa Midsayap.

Ayon kay Midsayap chief of police, Supt. Bernard Tayong, lulan ng isang XR-200 na motorsiklo ang mag-amo nang pagsapit sa naturang barangay ay pinagbabaril ng mga suspek gamit ang kalibre .45 na baril.

Blangko pa ang pulisya kung ano ang motibo sa pamamaril sa mga biktima pero isa sa sinisilip ay mau kaugnayan sa trabaho ng biktima. BOBBY TICZON

NPA manggugulo sa Davao bago mag-SONA

$
0
0

INANUNSYO ni Philippine National Police chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na may natanggap silang impormasyon na may planong manggugulo ang New People’s Army (NPA) sa Davao bago ang pangalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Meron lang kaming namonitor dun sa kabila, sa kaliwa, sa NPA that they will make some pre-SONA attacks, harassment sa Davao na-uncover ‘yan. Guguluhin nila ‘yung Davao before SONA,” pahayag ni Dela Rosa sa isang press conference matapos ang PNP flag ceremony sa Camp Crame headquarters.

“We are preparing for that,” dagdag nito.

Sinabi ng PNP chief na wala silang na-monitor na iba pang pagbabanta pero hindi nila maaring ipagkibit-balikat na lang ang posibilidad na totoo ang pagbabanta. “Hindi natin madi-discount (ang possibility), pero sa ngayon walang specific kaming natanggap, na-monitor na terror attack,” pahayag ni Dela Rosa.

Kasabay nito, hiningi ni Dela Rosa ang kooperasyon ng publiko para matiyak na mapatupad ang peace and order sa kanilang komunidad.

“Sana naman mag-cooperate ‘yung public na we are facing some degree of threats so mag-adjust sana ang publiko na magtulungan tayo para mabantayan natin ang katahimikan ng ating paligid,” pahayag nito.

Patuloy naman aniya ang pagpupursige ng pamahalaan na maabot ang peace agreement sa rebel groups, ayon sa PNP chief.

“Our quest for peace is never ending. Kung ma-achieve natin ang peace talks mas maganda. Pero kung hindi sila sinsero, wala tayong magawa kung hindi sila sinsero. Giyera, ganon talaga. Hard realities in life,” pahayag nito.

Ang resulta aniya ng pag-uusap ay nakadepende sa rebel groups, pahayag ni Dela Rosa at sinabi na ang kapulisan ay gagampanan ang kanilang tungkulin para maoritektahan ang publiko. BOBBY TICZON

Buto ng tao, natagpuan sa Maynila

$
0
0

ILANG mga buto ng tao ang isinama at natagpuan ng mga basurero sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Milbert Balinggan ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 4:10 ng madaling-araw noon pang July 11 nang natagpuang ang ilang buto ng tao sa kanto ng Dimasalang at Amparo St., Sta. Cruz, ngunit dakong 4:50 kahapon lamang ng madaling-araw ini-report ito sa pulisya.

Ayon kay Joel Rosales, 37, isang garbage collector ng IPM at residente ng Bldg. 28 Unit 412, Permanent Housing, Tondo, nangongolekta sila ng basura sa nasabing lugar nang nahalukay nila ang ilang piraso ng buto ng tao, kabilang ang bungo na umano’y may ilang buhok pang natitira, ilang buto mula sa itaas at ibabang bahagi na katawan ng tao, at nilagay ito sa isang kahon saka ibinigay kay Chairwoman Lourdes Egea ng Brgy. 371 Zone 31 na siyang nag-report sa MPD-Police Station 3.

Gayunman, kahapon lamang ito ini-report sa MPD-homicide kung saan nagsagawa ng imbestigasyon. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Klase sa QC, suspendido sa SONA

$
0
0

UPANG hindi maapektuhan ang mga mag-aaral ng pagsisikip ng daloy ng trapiko dulot ng kilos-protesta, kinansela ng Quezon City government ang pasok ng mga estudyante sa darating na Lunes, July 24, sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni QC Mayor Herbert Bautista, sakop ng kanselasyon ang pasok ng mga mag-aaral sa public at private schools sa lungsod.

Idinahilan na tuwing may nagaganap ang SONA sa Batasan Complex sa QC ay nagkakaroon ng mga kilos-protesta at pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa lunsod.

Noong nakaraang taon ay nagdeklara rin ang QC government ng pagkansela sa pasok ng lahat ng mag-aaral sa QC dahil sa SONA ng chief executive. SANTI CELARIO

Extension ng Martial law, suportado ng Kamara

$
0
0

SUSUPORTAHAN ng mga kongresista sakaling hilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang 60 araw na Martial law.

Ipinaliwanag nina Deputy Speakers Fredenil Castro at Gwendolyn Garcia na nagtitiwala sila sa liderato ni Pangulong Duterte at sa pagtaya nito sa pangangailangan ng pagpapalawig ng Martial law.

Binigyang-diin ni Castro na kailangang malinaw na ang rason ng proklamasyon ay matagumpay na naipatupad dahil hindi nangangahulugan na tapos na ang rebelyon kapag naging minsanan na ang putukan sa Marawi City.

Aniya, nakasaad sa Martial law na kailangang masugpo ang lahat ng galamay ng rebelyon at ang kaguluhan at dapat maibalik ang kapayapaan.

“Well I can only surmise that lawmakers are out to support the president’s request because if they support it the proclamation of martial law and the bases of martial is till there, then I don’t see any reason why the Senate and House of Representatives will withhold its support for an extension requested by the president,” ani Castro.

Sinabi naman ni Garcia na maraming impormasyon ukol sa rebelyon sa Mindanao na ang pangulo lamang ang naka-aalam at nararapat bilang commander in chief ng Armed Forces of the Philippines.

Giit pa ng kongresista na nagtitiwala ang Kamara sa anumang magiging desisyon ng presidente.

The House of Representatives has shown its full support and full confidence in the wisdom of the leadership of our commander in chief. And so whatever the president may deemed necessary for the good of the country the HOR will stand fully of its decision,” ani Garcia. MELIZA MALUNTAG


Pulis-Malacañang, pisak sa 10-wheeler truck

$
0
0

ISANG pulis na nakatalaga sa Presidential Protection Unit ang patay matapos magulungan ng 10-wheeler truck malapit sa Nagtahan Bridge sa Maynila.

Kinilala ni PO3 Gerald Gonzales, imbestigador ng Manila Traffic Bureau, ang biktimang si SPO1 Emmanuel de Jesus.

Hawak naman ng traffic bureau ang driver ng trak na si Philip Nino Saralde, 36, binata, ng no. 1003 A. Domingo Santiago St., Brgy. 576.

Nabatid na ala-1:50 ng hapon nang mangyari ang insidente sa kanto ng Dragon at Otis St., malapit sa Nagtahan Bridge.

Minamaneho ni Saralde ang trak (PJT 876) sa nasabing lugar nang sabay silang lumiko ng biktima dahilan para mahagip at magulungan pa ang siansakyang motorsiklo nito na may plakang 7444 PO.

Nagulungan ang ulo ng biktima na nagresulta ng agaran nitong pagkamatay.

Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng trak. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Karagatan sa Russia, niyanig ng magnitude 7.8 na lindol

$
0
0

TUMAMA ang malakas na magnitude 7.8 na lindol sa karagatan na sakop ng Russia.

Sa ulat ng USGS, may lalim na 300 kilometers ang lindol at naitala sa 234 kilometers ng Nikol’Skoye, Russia.

Nagpalabas naman ng tsunami advisory ang National Weather Service ng US sa mga residente na naninirahalan malapit sa Aleutian Islands, Alaska.

Naitala ang lindol malapit sa Bering Strait na naghihiwalay sa Russia at Alaska.

Samantala, pinawi naman ng Phivolcs ang pangamba na ang nasabing lindol ay magdudulot ng tsunami sa Pilipinas. JOHNNY ARASGA

Mga kaso kay Aquino sa Mamasapano incident, ‘di uusad – Duterte

$
0
0

SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘di uusad ang mga kasong isinampa laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng nabulilyasong operasyon ng Special Action Forces (SAF) sa Mamasapano.

Ito ang naging reaksyon ng pangulo tungkol sa pagsasampa ng Ombudsman ng kasong usurpation of authority at graft laban kay Aquino dahil sa naging partisipasyon niya sa naturang operasyon.

Ani Duterte, isa itong “silly charge” na nakatakdang pumalya, kasunod ng pagsasabing “bulok” ang naging desisyon tungkol dito.

Sa opinyon ni Duterte, hindi niya masasabing may usurpation of authority na naganap dahil bilang pangulo, may kapangyarihan si Aquino na tawagan ang sinuman para tulungan siya sa isang criminal operation.

“Hindi mo masabi na usurpation of authority because lahat ng sinabi nila ay merged in the president. He can call anybody to help him to fight a criminal operation there,” ani Duterte”

Dagdag pa niya, wala namang karanasan sa militar si Aquino kaya normal na hihingi siya ng payo mula sa mga propesyunal, tulad na lamang ng noo’y suspended na si dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima.

Paliwanag pa ni Duterte, walang makakapigil sa pangulo kung magdesisyon itong humingi ng payo sa ibang tao at wala siyang nakikitang mali tungkol dito.

Hindi rin aniya dapat kasuhan si Aquino dahil sa pagkabigo ng nasabing operasyon, dahil kasama naman talaga sa reyalidad ng mga operasyon ang mga pagkakamali.

Gayunman, sinabi rin ni Duterte na may pagkukulang din sa bahagi ni Aquino dahil walang dumating na assistance at reinforcements.

“The shortcoming is the burden of Aquino. May shortcoming dun. There was no assistance, reinforcements, air assets, the canons which reach [the area],” paliwanag ng pangulo.

Pero ani Duterte, kung siya man ang nasa posisyong iyon, hindi siya maguutos ng operasyon sa isang lugar kung saan tiyak na may masasawing mga sibilyan. JOHNNY ARASGA

2 tigok sa buy-bust ops sa Pandacan

$
0
0

TIGOK ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa isang bahay sa Callejon Dos St., Pandacan, Maynila.

Nilusob ng mga operatiba ang lugar na sinasabing drug den at bentahan ng iligal na droga.

Kinilala ang mga napatay na sina Jay-Ar Geneblazo at Ryan Salcedo, alyas ‘Bait’.

Hindi naman malinaw kung paano napatay ang mga suspek dahil tumangging na magbigay ng pahayag ang mga pulis, gaya sa mga nagdaan nilang mga operasyon.

Ayon sa Homicide Division ng Manila Police District, nakuha sa kamay ng mga napatay ang dalawang caliber .38 na revolver, at hindi malamang bilang ng sachet ng shabu.

Nagkagulo naman ang mga residente pagkaalis ng mga pulis at pagkalabas ng bangkay matapos magwala ang isang lalaki.

Muntikan pang magkaroon ng stampede dahil masikip ang eskinita at nagtakbuhan ang mga tao.

May dala umanong itak ang lalaking kinilala lamang sa pangalang ‘Jan-Jan’ at nagbantang papatayin ang lahat.

Ayaw na ring magsalita ng mga residente sa nasabing pangyayari. JOHNNY ARASGA

Kagawad kinasuhan sa bantang paghagis ng granada

$
0
0

KINASUHAN ang isang barangay kagawad matapos itong ireklamo ng sa bantang paghahagis ng granada sa mga obrero na nagtitibag ng pader sa Quiapo, Maynila.

Nahaharap sa kasong grave threat, grave coercion at tresspassing ang isinampa laban kay Rowell Peno, kagawad ng Brgy. 386, taga-438 J. Nepomuceno St., Quiapo, Maynila dahil sa reklamo nina Angelita Aquino, 40, mango dealer, ng 429 Balmes St., Quiapo, Maynila, at Manuel Tabasa, construction worker, 45.

Dakong alas-11:00 kaninang umaga nang magbanta ang opisyal ng barangay habang tinitibag nila Tabasa ang ‘firewall’ sa nabiling pag-aari ni Aquino.

Sa imbestigasyon ni SPO2 James Poso, imbestigador ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), dumating ang suspek at sinabihan ang mga construction worker ng “’pag hindi kayo tumigil diyan ga-granadahin ko kayo.”

Dahil sa takot, nagtakbuhan ang mga construction worker at nagsumbong kay Aquino.

Agad na pinuntahan ni Aquino ang lugar ngunit maging siya ay pinagbantaan din ng kagawad na hahagisan ng granada dahilan para magreklamo sa Barbosa Police Community Precinct (PCP) at kalauna’y pinalipat siyang magreklamo sa MPD-GAIS.

Sa pulisya, mariin namang itinanggi ng suspek na hahagisan nito ng granada ang mga complainant. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>