Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

LPA, binabantayan sa Batanes

$
0
0

ISANG low pressure area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine area of responsibility.

Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa 415 kilometers East Northeast ng Basco, Batanes.

Ayon sa PAGASA, sa ngayon ay maliit pa naman ang tyansa na ito’y maging isang ganap na bagyo.

Sa forecast ng weather bureau ngayong araw ay makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Caraga.

Isolated na pag-ulan naman at thunderstorms ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa. JOHNNY ARASGA


Negosyanteng bumbay, sekyu kritikal sa pamamaril

$
0
0

KRITIKAL ang isang negosyanteng Indian national nang barilin sa harap ng kanyang establisyimento sa Quiapo, Maynila.

Inoobserbahan ngayon sa Metropolitan Hospital ang mga biktimang sina Ashur Kumar, 60, may-ari ng JSM Optical Supply sa kanto ng Evangelista at E. Paterno St., Quiapo, Maynila dahil sa tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan at dalawang tama ng bala sa dibdib.

Sugatan din at nagtamo ng tama ng bala sa hita ang guwardiyang si Jonathan Mesa, nasa hustong edad.

Inilarawan naman ang suspek na naka-pulang polo, pantalon at nakatakip ang mukha na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-Plaza Miranda PCP, nangyari ang insidente dakong 10:00 ng umaga sa harap ng establisimiyento na pag-aari ni Kumar.

Nabatid na papasok pa lamang ang biktima sa nasabing establisyimento nang barilin ito ng nag-iisang suspek sa likurang bahagi ng katawan.

Hindi pa nasiyahan ang suspek at muling binaril sa dibdib ang biktima.

Tinangka namang saklolohan ng guwardiya si Kumar kaya bumunot ng baril at pinaputukan ang suspek ngunit hindi nito tinamaan.

Dito na gumanti ng putok ang suspek kaya tinamaan sa hita ang guwardiya.

Napag-alamang dati na ring may nagtangka sa buhay ni Kumar kung saan hinagisan ng granada at binaril ang kanyang tindahan subalit nakaligtas ito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Pro MMA fighter dedo sa kawatan

$
0
0

INIIMBESTIGAHAN ng awtoridad ang pagkamatay ni Aaron Rajman, 25, na teammate ng ilang UFC superstars sa American Top Team (ATT) gym.

Ayon sa Palm Beach County Sheriff’s Office, pinasok ng mga hindi nakikilalang suspek ang bahay ni Rajman sa Boca Raton, Florida.

Napag-alamang ilang kalalakihan ang nakikipagtalo kay Rajman saka pinaputukan ito bago tumakas.

Wala namang nakikita pang ibang motibo ang pulisya sa pagpaslang sa biktima. BOBBY TICZON

Runway ng NAIA, isinara

$
0
0

PANSAMANTALANG isinara ang runway 06/24 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaugnay sa isasagawang repair nito.

Sinimulan kahapon ng umaga ang runway repair at tinatayang matatapos hanggang ala-1:00 ng hapon, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Nanatiling bukas ang domestic runway para sa flight operations kung saan nakakalapag ang maliliit na eroplano hanggang Boeing B737 at Airbus A320 series.

Ayon sa MIAA advisory, limitado lamang ang NAIA mga maliliit na eroplano at papayagan lamang na lumapag sa NAIA ang mga international flights kung ang mga eroplano ay A320 series.

Humihingi naman ng pang-unawa ang MIAA sa publiko sa pangyayari.

Umabot naman sa siyam na international flights and na-divert sa Clark International Airport at Davao International Airport dahil sa pangyayari.

Pitong papaalis at walong parating ang nabalam dahil na rin sa pansamantalang pagsasara ng runway.

Nito lamang buwan ng Mayo, isinara ng MIAA ang runway 06/24 makarang madiskubre ng operations at engineering team ng MIAA ang malaking butas na matatagpuan sa duong bahagi ng naturang runway ng paliparan. BENNY ANTIPORDA

CSC cites GSIS for exemplary service

$
0
0

State pension fund Government Service Insurance System (GSIS) garnered the most number of Citizen’s Satisfaction Center Seal of Excellence for exemplary frontline service in Region 3 in simple ceremonies held in Pampanga last Friday.

The five branch offices that earned the coveted Seal are Bulacan, Cabanatuan, Pampanga and Tarlac as well as the Iba extension office.

GSIS Chairman Francisco Duque III received the recognition on behalf of the pension fund.

The branch offices garnered an ‘Excellent’ rating (90 to 100% with passing marks in all sub-areas) under the Anti Red Tape Act – Report Card Survey (ARTA-RCS) and passed the two levels of validation conducted by the Civil Service Commission.

ARTA-RCS rates agencies based on clients’ perception and feedback on the quality, efficiency and adequacy of different frontline services of government agencies. It also checks if agencies comply with ARTA provisions including the observance of the No Noon Break Policy, no fixing activities, wearing of easy-to-read IDs or nameplates by frontline service providers, and presence of public assistance and complaints desk. Feedback on customer satisfaction is also obtained through ARTA-RCS.

“It has been a remarkable journey for GSIS.  From a Failed rating of 74% in 2012, it topped the back-to-back ARTA surveys in 2014 and 2015 when GSIS earned the highest percentage of offices nationwide that have been rated Excellent,” Chairman Duque said.

GSIS Bulacan, Pampanga and Cabanatuan branch offices merited a five-star rating each with Php100,000 cash reward and wall-mountable plaque. Tarlac branch office earned four stars receiving Php25,000 cash and wall-mountable plaque. Iba extension office  is a three-star awardee with wall-mountable plaque.

“Our Bulacan branch miserably failed in 2012 and had the second lowest rating in Northern Luzon. Now it’s already a hall of famer having earned three Seals,” Duque said.

To date, 50 GSIS branch offices have received the Seal for exemplary service delivery and strict adherence to the provisions of ARTA.

Chairman Duque said that GSIS will “never be complacent and is poised to rise even higher as it competes in the global arena” in the next six years.

“Our new vision benchmarks GSIS as one of the top three defined-benefit pension fund institutions in the ASEAN region by pursuing service quality and sound financial management.”

GSIS offers P66M emergency loan for members, pensioners in 3 VisMin areas

$
0
0

The Government Service Insurance System (GSIS) earmarked a total of Php66.36 million in emergency loans for active members and old-age pensioners in the municipalities of Kalilangan in Bukidnon, who were hit by a magnitude 6 earthquake, and those in Carmen and Compostela in Cebu, who were affected by Tropical Depression Crising.

Active members are qualified to apply for the loan if they are residing or working in the calamity-declared area, are not on leave of absence without pay, have no arrears in paying premium contributions, and have no unpaid loans for more than six months. Deadline for filing of loan application for Kalilangan is on July 7; and for Carmen and Compostela on July 14.

Those applying for the first time may avail of a Php20,000 loan, while those with existing emergency loan may borrow up to Php40,000, from which their outstanding balance will be deducted.

Active members may apply through the GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosk located in all GSIS branch and extension offices; provincial capitols; city halls; selected municipal offices; large government agencies such as the Department of Education; Robinsons Malls; and selected SM City branches in North EDSA, Manila, Pampanga, Cebu, and SM Aura in Taguig.

Old-age pensioners must apply in person at any GSIS office to avail of the Php20,000 emergency loan. Pensioners who are also active members may apply for the loan  only once.

Emergency loan is payable in 36 equal monthly instalments at six percent interest rate per annum. It is covered by a loan redemption insurance, which deems the loan fully paid in case of the borrower’s demise, provided that loan repayment is up to date.

Loan proceeds are electronically credited to the borrower’s GSIS electronic card (eCard) or unified multipurpose identification (UMID) card.

For more information, interested members may visit the GSIS website, www.gsis.gov.ph; email, gsiscares@gsis.gov.ph; or call the GSIS Contact Center at 847-4747.

Globe #makeITsafePH campaign: keeping businesses and consumers safe online

$
0
0

As a purveyor of digital lifestyle, Globe Telecom takes it upon itself to ensure that society as a whole remains safe from numerous threats facing anyone using the internet – from viruses, Trojan, and Ransomware which put multi-million-peso businesses at risk, hacking attempts for illicit purposes, and cases of cyber bullying to name a few.

This concern gave birth to the #makeITsafePH campaign under Globe Telecom’s CyberPinoy cyber wellness program. The campaign covers all stakeholders such as big corporations, small and medium-scale enterprises, government agencies, colleges and universities, and the general public.

For businesses and the government, the unprecedented growth of technology has made data protection and safety a bigger challenge more than ever. This prompted Globe Business, the enterprise information and communications technology (ICT) arm of Globe, to take a more proactive stance.

“The frequency and sophistication of cyber attacks and breaches across all industries are on the rise.  While we take a holistic approach to address these using our managed security services solutions, we also understand the need to continue informing our clients on how to keep their valuable data safe,” said Albert de Larrazabal, Globe Chief Commercial Officer.

Globe Business is spearheading the campaign for businesses by providing practical tips and easy-to-digest information about the various threats one organization may face. It is also a move to empower Globe Business clients and help them ensure that employees are aware of their responsibility to safeguard sensitive data and to protect company resources.

At the same time, the #makeITsafePH campaign for consumers takes off from earlier Globe efforts to promote online vigilance among the public and protect them from becoming victims of online hacking, identity theft and other cybercrimes.

“We are working towards the goal of transforming the Philippines into a digital nation but at the same time, we want to instill awareness on the dangers that people could fall vulnerable to in this digital age.  This cannot happen overnight.  We need to constantly remind and educate them if we are to make a difference,” added de Larrazabal.

The #makeITsafePH campaign for consumers will particularly reach out to young school children and their families as well as millennials who are most susceptible to the negative aspects of the Internet.

Globe will also seek support from schools and teachers through the adoption of the Digital Thumbprint Program (DTP).  DTP teaches students how to understand the impact of their online behavior and how to be safe and responsible for their online activities. Through three workshops, the students learn how to discern proper online behavior, be aware of technology’s impact on their social activities, and develop skills on how to use technology to help them achieve life goals.

2 drug syndicate sa Mexico nagbarilan, 14 dedo

$
0
0

PATAY ang halos 14 katao sa Chihuahua, Mexico matapos magbarilan ang dalawang grupo na kapwa sangkot sa droga.

Sa ulat, hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng mga namatay pero sila’y mula sa magkabilang panig.

Tatlong katao naman ang kasalukuyang nakadetine at nakumpiska ng mga pulis ang tatlong sasakyan, matataas kalibre ng mga baril at mga granada.

Ang nasabing insidente ang pinakahuling kaso na may kinalaman sa awayan ng mga “gang” ganun na rin ang mga pulis, tungkol sa droga sa bahagi ng Chihuahua sa Mexico.

Noong nakaraang linggo, 19 gunmen naman ang namatay sa shootout sa pagitan ng mga pulis sa Sinaloa state, kung saan nakatira ang kingpin na si Joaquín “El Chapo” Guzmán. BOBBY TICZON


Paggamit ng 500-lbs. bombs sa Marawi, ibinabala

$
0
0

PARA matapos na ang kaguluhan, ibinabala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paggamit ng mas malalakas na bomba sa natitirang ‘stronghold’ ng ISIS-Maute terror group sa Marawi City.

Sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, nakadepende ito sa desisyon at assessment ng ground commander kung kinakailangang gamitan ng mas malakas na bomba ang kanilang kalaban.

Ayon kay Gen. Padilla, may mga target na nangangailangan ng mas malalakas na bomba lalo sa ilang gusaling matitibay at hindi agad nasisira ng ordinaryong pampasabog.

Magugunitang lumabas ang balitang posibleng gamitan na ng militar ng 500-pound (227 kgs.) ang huling balwarte ng mga terorista.

Ang nasabing klaseng bomba ay ginamit ng Estados Unidos nang bombahin ang mga Taliban fighters sa Afghanistan. BOBBY TICZON

Klase sa Ormoc at Tacloban, kanselado sa lindol

$
0
0

KINANSELA ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa Ormoc at Tacloban City.

Ito’y matapos yanigin ng 6.5 magnitude na lindol ang Jaro, Leyte alas-4:00 ng hapon, Huwebes.

Ayon kay Tacloban City Mayor Cristina Gonzales, magsasagawa muna ng inspeksyon ang mga engineer sa mga school building upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Dagdag ni Gonzales, bukod sa mga eskwelahan, iinspeksyunin din ang lahat ng gusali sa lungsod.

Samantala, sinabi naman ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na magsasagawa rin sila ng inspeksyon sa mga gusali kung kaya sinuspinde rin ang pasok bukas sa lahat ng lebel.

Bukas na rin aniya ang Incident Command Center sa Ormoc City Hall grounds. JOHNNY ARASGA

Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong buwan

$
0
0

MAKARARANAS na naman ng dagdag-singil sa kuryente ang mga consumer ng Meralco.

Sa abiso ng Meralco, P0.08 kada kilowatthour (kWh) ang itataas sa singil sa kuryente.

Naibawas na sa halaga ng dagdag-singil ang P0.79 per kilowatt hour na refund sa mga consumer.

Kung wala ang refund, mas malaki pa sana ang mararamdamang taas-presyo.

Dahil sa nasabing power rate hike, ang mga kumokonsumo ng 200 kWh sa isang buwan ay magkakaroon ng dagdag na P16 sa kanilang bill ngayong July.

Nasa P24 naman ang dagdag para sa mga kumokonsumo ng 300 kWh.

Kung 400 kWh naman ang konsumo sa isang buwan, P32 ang madaragdag sa bill at P40 na dagdag kung ang konsumo ay 500 kWh. -30-

Palitan ng piso kontra dolyar lalong humina

$
0
0

LALO pang humina ang palitan ng piso kontra dolyar sa pagsasara nito kahapon sa P50.670.

Nananatili pa rin itong halos dikit na sa 11-year low matapos itong magsara sa P50.600 noong isang araw.

Nagbukas ito sa antas na P50.530 kada dolyar, na bahagyang mas malakas kumpara sa pagsasara noong Miyerkules.

Naitala ang intraday low sa P50.695 at intraday high na P50.530 sa Philippine Dealing System.

Malaki naman ang ibinaba ng kabuuang trade volume sa $430-million mula sa $507-million na naitala noong Miyerkules.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Nestor Espenilla, ang paggalaw sa palitan ng piso ay sanhi ng “prevailing market conditions,” pati na ng “underlying economic fundamentals” alinsunod na rin sa exchange rate policy ng BSP. -30-

Binatilyo rinesbakan ng sumbak, saksak sugatan

$
0
0

INOOBSERBAHAN ngayon sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang isang 19-anyos na lalaki nang sumpakin at saksakin ng dating nakaalitan habang nagba-basketball kaninang madaling-araw sa Port Area, Maynila.

Isasailalim sa operasyon sa nasabing pagamutan ang biktimang si Jessie Mendoza, 19, binata, ng Baseco Cmpd., Port Area, dahil sa mga tama ng bala ng sumpak at mga saksak sa leeg at baba.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Michael Castro, 27, ng nasabi ring lugar.

Sa ulat, dakong 1:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Amadon basketball court sa Baseco cmpd.

Kasama umano ng kanyang kaibigan ang biktima nang dumating ang suspek at walang sabi-sabi siyang pinaputukan.

Matapos sumpakin ay sinaksak pa nang tatlong beses ang biktima bago tuluyang tumakas.

Agad namang isinugod ng mga kaibigan sa ospital ang biktima upang agad na malapatan ng lunas ang mga tinamo nitong saksak sa leeg.

Ayon sa pulisya, maaring may matinding galit ang suspek at niresbakan ang biktima.

Gayunman, inaalam pa ang totoong motibo sa krimen habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2nd day ng ADDA Law, 129 huli

$
0
0

NASA kabuuang 129 motorista na ang naitalang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang lumabag sa ikalawang araw pa lamang na pagpapatupad sa Anti-Distracted Driving Act (ADDA) Law o Republic Act 10913 kahapon.

Ayon sa MMDA, sa unang araw pa lamang ng implementasyon ng ADDA Law nitong Huwebes ay nasa 114 motorista na ang nahuling lumabag sa pamamagitan ng No-Contact Apprehension Policy matapos na maispatan ang mga ito sa Metrobase Command Center gamit ang CCTV cameras.

Ani MMDA liaison officer Victor Nuñez, nakatulong ang massive public information campaign sa naturang batas-trapiko, kaya’t bumababa ang bilang ng mga violator.

“Mas marami nang nakakaalam ngayon ng ADDA kasi nagkaroon na ng massive information drive,” ani Nunez.

Nabatid sa MMDA na 15 lamang na motorista ang naitalang lumabag sa ADDA law kahapon kung saan ang karamihan sa mga violator sa kabuuang bilang ay mga motorcycle rider. JAY REYES

Mahigit 250 aftershocks, naitala sa Leyte

$
0
0

NAKAPAGTALA ng mahigit 250 aftershocks ang ang Phivolcs sa magnitude 6.5 na lindol Huwebes ng hapon sa Jaro, Leyte.

Sinabi ni Phivolcs Dir. Renato Solidum, pasado alas-6:00 ng umaga ay umabot na sa mahigit 250 ang bilang ng naitalang aftershocks.

Normal ayon kay Solidum ang makaramdam pa ng magkakasunod na pagyanig sa Leyte.

Aniya, pwedeng umabot sa hanggang 5.5 ang pinakamalakas na magnitude ng aftershock.

Ani Solidum, ang Leyte segment ng Philippine fault mula Ilocos hanggang Davao Oriental ang gumalaw kahapon.

Taong 1947 nang huling gumalaw ang nasabing fault na ang lakas ay naitala sa magnitude 6.9.

Dagdag pa ni Solidum, ang nangyari kahapon ay paalala sa publiko na seryosohin ang paghahanda sa lindol. JOHNNY ARASGA


Birthday girl nagpatiwakal

$
0
0

PIDDIG, ILOCOS NORTE – Nabalot ng kalungkutan ang sana masayang selebrasyon nang isang ginang ang nagpakamatay sa kanya mismong kaarawan sa pamamagitan ng pagbibigti sa Pidding sa nasabing lalawigan kahapon, July 6.

Kinilala ng Piddig Police ang biktimang si Antonia Salvador, ng Brgy. Lagandit ng nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, nakatakda sanang i-celebrate ng mga kaanak ng biktima ang kanyang kaarawan nang makita ang kanyang katawan na nakabitin sa kanyang kuwarto gamit ang isang nylon cord.

Sa imbestigasyon, kalalabas lang sa ospital noong isang araw ng biktima dahil sa isang sakit.

Noong gabi ng Miyerkules (July 5) nang huling makitang buhay ang biktima sa pagpasok nito sa kanyang kuwarto kung saan kinaumagahan nang makita itong nakabitin sa kanyang kuwarto.

Wala namang alam ang pamilya ni Salvador na dahilan upang magpakamatay ito kaya sa ngayo’y nagsasagawa ng follow-up investigation ang Piddig police hinggil sa insidente. ALLAN BERGONIA

Cum laude binaunan ng bala sa ulo, malubha

$
0
0

AGAW-BUHAY ngayon ang isang working student na dalaga na kandidato pa sa pagka-cum laude matapos barilin ng hindi nakilalang suspek sa Otek St., Baguio City kahapon, July 6.

Kinilala ang biktimang si Jenalyn Rosimo, 21, service crew ng isang hotel sa Baguio City, at taga-Poblacion, La Trinidad, Benguet.

Sa imbestigasyon, ayon sa kapatid ng biktima na si Rebecca Rosimo, hanggang sa ngayon ay nasa kritikal na kondisyon pa rin ang kanyang kapatid dahil sa tama ng bala sa ulo.

Paralyzed din ang kalahating katawan ng biktima dahil sa tingga ng bala na bumaon sa ulo nito.

Bago ito, naglalakad ang biktima sa Otek St. nang biglang binaril sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo sa hindi pa malamang dahilan.

Nakatakdang magtapos bilang cum laude sa Benguet State University ang biktima. ALLAN BERGONIA

Ambulansya vs PNR train, 5 sugatan

$
0
0

LIMA ang sugatan na agad itinakbo sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) matapos mabangga ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang isang ambulansya ngayong hapon lamang, Biyernes, sa Blumentritt St., Maynila.

Ayon sa isang nakapanayam na pulis, kabilang sa sakay ng ambulansya ang dalawang lalaki at tatlong babae nang mangyari ang insidente dakong 3:45 sa LRT-Blumentritt station.

Binabagtas umano ng rescue ambulance (NI 4366) ng Brgy. 167, Caloocan City ang northbound lane ng Rizal Ave. nang maabutan ito ng tren mula Tutuban.

Sa lakas ng impact, nagmistulang yuping lata ang ambulansya at nagsitilapunan ang mga pasahero nito.

Ayon sa ilang mga nakakita sa pangyayari, buntis ang isa sa pasahero na noo’y dadalhin na sa ospital.

Sinasabing dahil sa mga nakahambalang na tricycle sa lugar ay hindi na nagawa pang makaiwas ng ambulansya kaya tuluyan itong nabangga ng tren. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

P1M halaga ng shabu, nakuha sa 3 tulak

$
0
0

UMABOT sa P11-milyong halaga ng shabu ang narekober ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa tatlong lalaking hinihinalang mga tulak ng ipinagbabawal na droga na nag-o-operate sa Caloocan at Quezon City kaninang madaling-araw.

Nakakulong na ngayon ang mga naarestong sina Darwin Lazarte, 29, ng A-104, El Pueblo 1, Quezon City; Junmar Gopo, 37, ng 614 NPC Rd., Caybiga, Brgy. 166; at Eugene Ludovice, 30, ng Maypajo, Caloocan City.

Nabatid na bago ang operasyon isang hindi pinangalanang impormante ang nagbigay ng impormasyon hinggil sa ginagawa ng mga suspek sa tanggapan ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (NPD) kung saan tinukoy nito ang condo unit ni Lazarte na siyang pinagkukuhanan ng shabu.

Dakong 12:10 ng madaling-araw kanina nang isagawa ang nasabing operasyon sa bahay ni Lazarte kung saan nagpanggap na buyer si PO2 Rolando Tagay.

Nang makabili ng halagang P6,000 shabu si Tagay ay agad na itong inaresto ng mga awtoridad kasama ang dalawa pang suspek kung saan nakumpiska dito ang 4.6 kilo ng shabu na tinatantyang nagkakahalaga ng P11-milyon. RENE MANAHAN

Pacquiao, namudmod ng pera sa sa GenSan

$
0
0

TILA panalo pa rin si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa katatapos na laban kay Jeff Horn sa Australia sa pamamahagi nito ng kanyang kinitang pera sa mga kapitbahay sa General Santos City.

Sa isang video na naka-post sa kanyang Facebook account, makikita na namimigay si Pacquiao ng pera sa mga kabataan.

Mapapanood sa video ang mga nakapilang bata kung saan ang iba pa dito’y kasama ang kanilang magulang sa harapan ni Pacquiao.

Maririnig pa ang pambansang kamao na sinabi ang mga salitang “this is why I fight” habang nagbibigay ng pera.

Matatandaang naging kontrobersyal ang pagkatalo ni Pacquiao sa laban nila ni Horn sa Brisbane, Australia kung saan unanimous ang naging desisyon ng mga hurado.

Matapos ang nasabing laban, agad na dumiretso si Pacquiao sa GenSan na kanyang hometown. -30-

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>