Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

School bus sa Argentina bumaliktad, 15 patay

$
0
0

LABINGLIMA ang namatay makaraang maaksidente ang isang bus na may lulang mga estudyante, magulang at mga guro.

Galing sa dance school ang nasabing bus nang maaksidente ito sa kanlurang bahagi ng Buenos Aires.

Sa 15 namatay ay siyam ang mga bata.

Namatay din ang driver ng bus ayon kay local health minister Claudia Najul.

Dinala naman sa ospital ang 21 nasugatan.

Ayon sa mga nakaligtas, mabilis ang andar ng bus na mayroong 50 pasahero dahilan para bumaliktad sa palikong bahagi ng kalsada. JOHNNY ARASGA


Bungangerang lola, kinatay ng kapatid

$
0
0

PIDIGAN, ABRA – Dahil sa sobrang pagkabungangera, isang lola ang pinatay ng kanyang kapatid kahapon (June 26) sa Brgy. Alinaya, Pidigan sa nasabing lalawigan.

Kinilala ng Pidigan police ang biktimang si Rosita Bandiez, 63, ng nasabing barangay.

Habang ang suspek ay si Gertrudiz Elpa, 70, kapatid ng biktima, ng nasabing ring barangay.

Sa inisyal na ulat, dumating ang suspek sa kanilang bahay nang salubungin ng pagbubunganga ng suspek.

Dahil dito, nagtungo si Elpa sa kusina at kumuha ng itak at doon pinagtataga ang biktima sa ulo hanggang sa bumagsak ito na agad namang dinala sa ospital ngunit binawian na rin ng buhay.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasong homicide na nakakulong na sa Pidigan detention cell. ALLAN BERGONIA

Ballot printing ipagpaliban muna — Sen. Chiz

$
0
0

DAPAT ipagpaliban muna ang pagsisimula sa pag-iimprenta ng mga balota para sa barangay elections.

Ito ang iginiit ni Sen. Chiz Escudero, kasunod ng panawagan ng Commission on Elections (Comelec) sa Kongreso na agarang magdesisyon hinggil sa pagpapaliban ng barangay at SK elections.

Ayon kay Escudero, malabong makapagpasya ang Kongreso at makapaghain ng batas ukol dito dahil naka-recess pa ang sesyon.

Dagdag pa ng senador, ang tangi lamang nilang gagawin sa pagbabalik ng sesyon sa Hulyo 24 ay ang makinig sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Payo ni Escudero, dapat magsagawa ng back channelling ang Comelec para malaman kung ano ang kagustuhan ng administrasyon sa usapin. JOHNNY ARASGA

Eastern Samar at Bataan nilindol

$
0
0

INUGA ng magnitude 2.7 na lindol ang Eastern Samar at Bataan kaninang umaga, Martes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig sa silangan ng Guiauan, Eastern Samar dakong 7:03 ng umaga.

Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 042 kilometer.

Samantala, naitala naman ang 2.9 magnitude na lindol sa kanluran ng Morong, Bataan dakong 1:55 ng madaling-araw.

Ang origin ng pagyanig ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 024 kilometer.

Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershock sa naturang lindol. SANTI CELARIO

5 miyembro ng pamilya, minasaker sa Bulacan

$
0
0

MINASAKER ng hindi nakikilalang salarin ang limang miyembro ng pamilya sa San Jose del Monte, Bulacan kaninang Martes ng umaga.

Sinabi ni San Jose del Monte acting Police Chief Fitz Macariola, kinabibilangan ang mga biktima ng isang lola, ginang at tatlong kabataan na pawang hindi pinangalanan.

Wala pa aniyang ideya ang kanyang mga imbestigador kung sino ang nasa likod ng pagmasaker pero tiniyak na ang motibo sa krimen ay pagnanakaw.

Maaring ginahasa rin ang ilan sa mga biktima dahil sa may nakitang bahid ng dugo sa kanilang masesealang bahagi ng katawan.

Mismong ang ama ang nakatuklas sa krimen dakong 9:00 ng umaga sa kanilang bahay sa Brgy. Sto Cristo, San Jose del Monte.

Ayon sa tatay, isang security guard, galing siya sa duty at pagbalik niya sa kanilang bahay ay nabulaga dahil tumambad sa kanya ang mga bangkay ng kanyang nanay, misis at tatlong anak na may mga saksak sa katawan.

Isa sa tinitingnang anggulo ay pagnanakaw lalo’t nangyari ang krimen habang wala sa bahay ang security guard na mister.

Nabatid din na ang mga biktima ay may maliit na negosyo na pagtitinda ng tubig. BOBBY TICZON

83-anyos ginahasa ng manugang

$
0
0

SWAK sa rehas na bakal ang isang lasenggerong mister matapos gahasain ang 83-anyos nitong biyenan kagabi, June 26, sa Malabon City.

Nadakip ang suspek na Erenesto Dulep, 50, ng pinagsanib na puwersa ng Malabon Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) at Police Community Precinct (PCP) 1 sa kanyang bahay sa 135 P. Yanga St., Brgy. Maysilo, matapos matuklasan ng kanyang hipag ang umano’y pangagahasa nito sa biktima.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente pasado alas-6:00 ng gabi sa loob ng kuwarto ng matandang biktima.

Ayon sa anak ng biktima na si Emily, 52, nakita nito ang kanyang bayaw na galing sa kuwarto ng kanilang nanay at nang pumasok siya ay nakitang walang saplot at may sugat ang biktima.

Ayon pa kay Emily, ipinagtapat sa kanya ng ina ang kahayupang ginawa ng suspek na sapilitang hinatak ang kanyang mga paa at kamay at saka hinubaran hanggang sa siya’y babuyin na.

Sa pahayag naman ng suspek, hindi raw niya alam ang pangyayari dahil lasing siya.

Itinanggi rin ng suspek na adik siya at handa umanong magpa-drug test para patunayan ito.

Napag-alamang hiwalay na ang suspek sa kanyang asawa siyam ng taon na ang nakararaan. ROGER PANIZAL

Globe files civil case vs Dasmarinas Village resident for preventing cell site construction

$
0
0

Globe Telecom filed a civil suit against a resident of Dasmarinas Village, claiming moral damages amounting to P5 million, for preventing construction of cell sites that kept the telecommunications operator from improving mobile services within the exclusive subdivision.

Globe filed the case against Betty Aw before the Regional Trial Court of Makati Branch 59 last June 13, 2017. Aside from moral damages, Globe is also claiming exemplary damages of 500,000 plus attorneys’ fees.

Globe said that prior to the installation and operation of its outdoor distributed antenna system or ODAS in Dasmarinas, the company sent a letter to the Dasmarinas Village Association Inc. (DVAI) President Bernie Lichaytoo manifesting its intention to install and establish ODAS sites in the village. Globe said that when DVAI scheduled the company’s request for a referendum to obtain the necessary vote approving the construction of ODAS tower, Aw, “with manifest intention to prevent the referendum from taking place, started to spread rumors in the neighborhood, making unsubstantiated statements about the health risk brought about by the radiation emitted by telecommunications antennas.”

According to Globe, Aw also “distributed materials containing false information against the officers of DVAI, Globe and even handed a prepared but unaccomplished undertaking or affidavit with a strong request for homeowners to sign and say they are against the construction and installation of ODAS in the subdivision.”

Globe said she also “coaxed homeowners and residents to stage rallies against Globe and oppose installation of ODAS facilities,” setting aside an actual measurement survey done by the Center for Device Regulation, Radiation Health and Research. The agency’s measurement survey concluded that the results of the radio frequency radiation (RFR) measurements show that the measured power density levels from Globe ODAS do not exceed the limit set by the Center for Device Regulation, Radiation Health and Research for the public, Globe said.

According to Globe, “the actuations of Aw in circulating false and unsubstantiated information regarding the installation and operation of the company’s ODAS is a clear abuse of her right as she did not act with justice, gave Globe, the DVA and its officers as well as homeowners and residents their due. Neither did she observe honesty and good faith.”

The company emphasized that Ms. Aw “acted irresponsibly in failing to verify the truth of the nature and effects of the operation of telecommunication facilities and ODAS prior to making unfounded statements regarding radiation being emitted by telecommunication antennas and spreading the same in the community as gospel truth as to sow fear, and thus, unduly preventing the installation and operation of the company’s ODAS to the prejudice of homeowners and residents in Dasmarinas Village.”

“The malicious and false rumors were made by Ms. Aw with no other intention than to tarnish the good image of Globe. Since defendant made the statements and circulated the same in the village, the company has been receiving queries and angry calls from the homeowners and residents, government officials and influential businessmen,” Globe emphasized.

Globe piloted the use of the ODAS technology in Dasmarinas as part of efforts to further improve mobile experience of its customers residing in the upscale subdivision. The ODAS technology is a network of small cell sites, instead of typical macro cell sites, with shared equipment connected through fiber optic links. The solution makes use of a specialized lamp posts with radio signal transmission capability deployed along sidewalks.

For many years now, Globe has been experiencing difficulty in securing permits from villages, which is one of the 25 permits necessary for the telecommunications provider to put up one cell site. The permitting process for establishing a cell site could take at least 8 months to complete. The adamant refusal of some homeowners resident groups to allow the deployment of telecom facilities, such as cell sites, continues to deprive many Globe customers of reliable mobile services.

LRMC also extends hours, adds trips on weekends, holidays

$
0
0

Light Rail Transit 1 (LRT-1) operator Light Rail Manila Corporation (LRMC) today announced that it is also extending the hours and adding more trips to its weekend and holiday operations.

This is following the new timetable that is now being implemented during weekdays in the 20-kilometer train line running from Baclaran to Roosevelt.

According to LRMC President and Chief Executive Officer Rogelio L. Singson, “This new scheme will aid in enhancing LRT-1’s service by cutting passengers’ waiting time and lessening the crowds on the platforms even on weekends and holidays”.

Under the new timetable, first trip on weekends and holidays will be earlier at 4:30 am, compared to the previous 5:00 am. The number of trips on Saturdays and holidays will increase from 423 to 472, while Sunday trips will increase from 323 to 353.

LRMC shares that the move to extend the hours and add trips on weekends and holidays was also driven by the positive feedback garnered from the current new timetable during weekdays. In the new weekday schedule, LRT-1 service is available as early as 4:30 am and as late as 10:15 pm. Number of  daily  trips increased from 512 to 554.

Dry runs for the new holiday and weekend schedule will be done on June 24 to 25 and July 1 to 2.  Full implementation will begin on July 8.


Gaming stakeholders advocated to keep it fun

$
0
0

“Gaming” is defined in several ways, among which are – an act of playing games; the practice of gambling; playing electronic games, whether through consoles, computers, mobile phones or another medium altogether.  Whatever the definition, a person indulges in gaming to be entertained.  It is on this premise that the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) set the byword of its Responsible Gaming Program – Keep it fun.

When the lone gunman that caused the June 3, 2017 Resorts World Manila tragedy was identified as a gambling addict, the public asked PAGCOR if it had systems in place which could have prevented it.  Last May 24, 2017, PAGCOR issued an Advisory to its Licensees in the light of the terrorist activities in Mindanao to increase security preparedness to insure safety in their properties.  But as early as 2013, PAGCOR created and implemented the Responsible Gaming (RG) Code of Practice.  It also set up the web address keepitfun@pagcor.ph to make application forms for player exclusion available to anyone around the world who intends to have himself or his immediate relative barred from gaming establishments in the Philippines.  PAGCOR and its Licensees may also enter information on players into a database of persons prohibited from playing.  From September 2013 to the end of May 2017, a total of 748 have been banned.  With the expiration of 342, 406 remained in the list as of May 31, 2017.

Player Exclusion is just one of the measures included in PAGCOR’s RG Program.  It likewise imposes limited access to gaming facilities.  As provided by law, persons under 21 years old, government officials and members of the Armed Forces of the Philippines are prohibited from playing.   To maintain the integrity of the conduct of games, PAGCOR has added employees of Licensees and the immediate relatives of government officials among those not allowed to play.

An awareness campaign is also required from gaming operators to educate both its employees and patrons about problem gambling.  Since 2013, casino licensees have set up RG signages, collaterals, notices in their player membership booklets and pages in their official websites.  On the other hand, managers and staff of all gaming operators are obliged to undergo seminars to be educated on the RG Program, how to spot a problem gambler and what to do when confronted by problem gamblers or relatives.

Advertisements must not suggest that gambling is a solution to financial problems.

It is evident in researches that problem gambling is a pathological condition that must be treated properly.  Unfortunately, there is no treatment center in the Philippines exclusive to such ailment.  There are, however, private “life coaches” such as Life Change Recovery Center and Roads and Bridges to Recovery that rehabilitate problem gamblers together with addicts in other forms (i.e. drugs, alcohol and internet) through medical, psychological and spiritual processes.  PAGCOR’s Casino Filipino and its major licensees have tied up with these centers to treat gamblers who willingly seek help with their addiction.

PAGCOR admits that it does not have the expertise to provide counseling and proper medical treatment to problem gamblers.  Nonetheless, it commits to strengthen awareness on its RG Program and to further improve it, hopefully, to deter similar incidents from happening again.

For the complete Player Exclusion procedure and RG guidelines, visit www.pagcor.ph/regulatory/cop.php.

Kabataang “manunulat” makikipagtagisan ng galing sa Switzerland

$
0
0

Inilahok ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang liham ng labing-tatlong taong gulang na batang si Clarence Christian Chua ng Grace Christian College sa Quezon City upang katawanin ng Pilipinas sa 46th International Letter Writing Competition ng Universal Postal Union (UPU) sa Berne, Switzerland.

Opisyal na tinanggap ni Giselle Coron, Communication and Events Programme Director ng UPU International Bureau ang lahok ni Clarence Christian Chua, matapos na magwagi sa lokal na patimpalak na inorganisa ng PHLPost na nilahukan ng 71 na kabataang “letter writer” sa buong bansa. Nagwagi si Chua ng P5,000, katibayan ng pagkilala at PHLPost Philatelic Presentation frame para sa kanyang paaralan.

Tampok sa taunang patimpalak ang tema na: “Imagine you are an advisor to the new UN Secretary-General; which issue would you help him tackle first and how would you advise him to solve it?”

Sa kanyang pambungad na liham: “I used to hear these words from my mother “Finish your food”. Out of curiosity, he asked, why”” his mother replied, “Because there are street children out there who have nothing to eat. He obediently finished his food, not sparing a grain of rice on the plate. From that day on, He realized the reality of a hungry world and the growing problem of food insecurity in our world today.”, pahayag ni Chua.

Tinatayang 1.5 milyon na kabataan sa buong mundo ang sasali sa patimpalak na inorganisa ng UPU, isang ahensya sa ilalim ng United Nations (UN).

Itinatag ang UPU noong 1969 Tokyo Congress at unang inilunsad ang “International Letter Writing Competition” noong 1971.

Inaasahan ng pamunuan ng PHLPost na malampasan ng Pilipinas sa pamamagitan ni Clarence Chua ang  bronze medal na pinagwagian ni Ashley Nicole Abalos ng PAREF-Woodrose School ng Muntinlupa City noong 2014 edition ng naturang patimpalak sa Switzerland.

Obrero nahulog sa rooftop ng iskul, tigok

$
0
0

NAHULOG mula sa rooftop ng ikalimang palapag ng gusali ng Jose Abad Santos High School sa Binondo, Maynila ang isang 42-anyos na obrero.

Namatay noon din ang biktimang si Manuel Gabriel alyas “Manny”, stay-in construction worker sa JASHS, at taga-928 Estankilo St., Sta. Ana, Bulacan na nagkalasog-lasog ang katawan.

Sa ulat ng Manila Police District-homicide section, dakong 4:45 ng hapon nang naganap ang insidente sa gymnasium ng nabanggit na paaralan.

Sa imbestigasyon, inililipat ng biktima ang yero sa rooftop ng gym nang aksidente itong madulas at mawalan ng balance saka dire-diretsong bumulusok sa sementadong canopy sa unang palapag ng gusali at tuluyang nawalan ng malay.

Kaagad naman sumaklolo ang kasamahan nitong si Reynaldo Concepcion, 59, pero wala nang buhay ang biktima kaya tumawag na lamang ang security guard sa San Nicolas Police Community Precinct (PCP) na siyang tumawag sa homicide division. JOCELYN TABABGCURA-DOMENDEN

Duterte nangakong ibabalik muli ang sigla ng Marawi

$
0
0

DETERMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na ibabalik sa dati nitong sigla at gilas ang lungsod ng Marawi na sentro ngayon ng bakbakan sa pagitan ng Maute terror group at puwersa ng gobyerno.

Sa kanyang pangunguna sa Eid’l Fitr celebration sa Malacañang kagabi, sinabi ng pangulo na kanyang tatapusin ang puwersa ng Maute at muling pasisiglahin ang buhay sa lungsod.

“But one thing I will promise you, my brother Moro, I will see to it that Marawi will rise as a prosperous city again,” ani Duterte.

“I will rebuild Marawi because if not, I will remain forever the villain,” dagdag pa nito.

Bilang bahagi ng rehabilitasyon, inanunsyo rin ng pangulo ang pagpapalabas ng P20-bilyon para sa muling pagsasaaayos ng siyudad na dating sentro ng ekonomiya ng lalawigan ng Lanao del Sur.

Gayunman, iginiit ng pangulo na hindi rin aniya siya nasisiyahan na lubhang naaapektuhan ang mga Maranao sa gulo sa Marawi.

“I am not happy that the Maranaos are dying. I am not happy with the hardships you are facing. I see no satisfaction even in winning the war,” pag-amin ng pangulo.

“I just want this thing over, and these radicals and extremists out of the Muslim world.”

Aminado rin ang pangulo na nasasaktan siya sa tuwing makikita na halos madurog ang ilang lugar sa lungsod sanhi ng bakbakan. JOHNNY ARASGA

Miyembro ng Maute na napatay sa Marawi, pinsan ni Digong

$
0
0

IPINAHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga dumalo sa post-Eid’l Fitr celebration sa Malacañang na mayroon siyang pinsan na sumabak din sa bakbakan sa Marawi City.

Gayunman, ibinunyag niyang lumaban ito bilang kasapi ng Maute Group, at napatay din sa bakbakan.

Ayon sa pangulo, tumungo dun ang mga pinsan niya sakay ng isang truck.

Sinubukan aniya niyang kumbinsihin ang mga ito na huwag nang sumabak sa bakbakan pero tumuloy pa rin ang mga ito para lamang sa “adventure.”

Dagdag ng pangulo, hindi siya masaya na nagdurusa ngayon ang mga Maranao at hindi niya nakikitaan ng anomang satisfaction ang pagkapanalo sa giyera.

Saad pa ng pangulo, nais lang niyang matapos na ito at maalis na ang mga radicals sa mundo ng mga Muslim. -30-

4 miyembro ng pamilya, timbog sa drug buy-bust ops

$
0
0

TIMBOG ang apat na miyembro ng isang pamilya matapos na gawing hanapbuhay ang pagbebenta ng iligal na droga.

Timbog sa loob mismo ng kanilang bahay sa 8th Ave. ang mag-aamang sina Freddie de Guzman, Sr., 63, dalawang anak nitong sina Freddie Jr., 40, Zaldy, 36, at asawa ni Freddie na si Angelica.

Aminado si Mang Freddie na matagal na siyang ‘tulak’ ng iligal na droga hanggang sa mamana ito ng kanyang mga anak.

Kahirapan umano ang nagtulak sa kanya para magpabayad siya ng P20 sa kanilang parokyano para magamit na ‘drug den’ ang kanilang bahay.

Nasamsam sa mag-aama ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P50,000.

Ayon kay P/S Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan PNP, tumugon sila sa natanggap na tip ng isang residente hanggang sa ikasa ang operasyon at maaresto ang mag-anak na De Guzman na nasa drug watchlist ng Caloocan City police. JOHNNY ARASGA

China nagbigay ng P15M donasyon sa Marawi

$
0
0

NAGKALOOB ng P15-milyon ang China sa Pilipinas bilang donasyon para sa relief operations at rehabilitation ng Marawi City.

Personal na iniabot ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang tseke kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabing donasyon ay isa lamang halimbawa ng tumitibay at lumalalim na ugnayan ng dalawang bansa sa kabila ng agawan sa Spratly Islands.

Tinatayang P85-milyon na ang gastos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa libu-libong apektadong pamilya. JOHNNY ARASGA


2-day number coding scheme, pinag-aaralan na

$
0
0

PINAG-AARALAN na Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang posibilidad ng pagpapalawig sa number coding scheme upang mabawasan ang volume ng mga pribadong sasakyan sa mga pangunahing kalsada.

Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim, dapat mabawasan ang dami ng mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila dalawang beses kada linggo.

Ipinunto ng MMDA na mayroong 2.6 na milyong sasakyan sa Metro Manila at sa oras na magsabay-sabay ang mga ito sa mga kalsadang tulad ng EDSA ay tiyak na magdudulot ito ng napakatinding daloy ng trapiko.

Aminado si Lim na hindi naman maaaring makompromiso ang public transport system sa pinalawig na number coding scheme dahil magkakaroon ito ng malaking epekto sa mga commuter. JOHNNY ARASGA

Lola timbog sa shabu

$
0
0

SAN NICOLAS, ILOCOS NORTE – Arestado ang isang 63-anyos na lola matapos mahuli na nagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang anti-drug operation sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte kahapon, June 27.

Kinilala ng San Nicolas police ang suspek na si Carmen Alcantara, ng Brgy. 16, San Marcos ng nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, si Alcantara ay nasa drug watchlist kung kaya gumawa ang mga awtoridad ng isang surveillance laban sa kanya.

Naaresto ang suspek matapos iabot ang shabu sa isang undercover agent ng San Nicolas anti-drug unit.

Nakuha sa suspek ang ilang tea bag ng shabu at marked money na ginamit sa bust-bust operation.

Si Alcantara ay nakakulong ngayon sa San Nicolas jail at kasong anti-illegal drug act ang isinampa laban sa kanya. ALLAN BERGONIA

6 tiklo sa drug ops

$
0
0

ARESTADO ang anim na katao isinagawang drug operations ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila.

Kinilala ang mga naarestong sina Gian Carlo Pajarillo, 18, at kasamahan niyang 17-anyos na lalaki, kaya’t hindi na pinangalanan, kapwa ng Sta. Cruz; Martin Vandong, 28; Wendy Castillo, 24; Marnico Gampis, 25; at Mary Jane Bautista, 34; pawang mga taga-Malate.

Naaresto ng mga tauhan ng MPD-Station 3 ang mga suspek sina Pajarillo alas-11:00 ng gabi kasama ang menor-de-edad sa Oroquieta St.

Namataan ang dalawa habang nasa aktong nagpapalitan ng kontrabando, na kalauna’y natukoy na shabu pala kaya’t kaagad na dinakip.

Nakumpiska mula sa kanila ang tatlong sachet ng shabu.

Samantala, dakong 5:00 ng madaling-araw naman nang maaresto ng mga tauhan ng MPD-Station 9, sina Vandong, Castillo, Gampis at Bautista sa isang buy-bust operation sa Leveriza St. sa Malate.

Nakumpiskahan ang mga ito ng 14 na sachet ng shabu at P200 marked money.

Ang mga suspek ay pawang nakadetine na at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

34 na Pinoy namamatay araw-araw sa road accidents

$
0
0

NASA 34 Pinoy ang namamatay araw-araw dahil sa aksidente sa kalsada.

Sinabi ni Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, chairman ng House Committee on Transportation, maiiwasan sana ang mga aksidente sa kalsada kung naipapatupad lang ang mga basic at standard rules.

Kabilang dito ang tamang screening ng mga drivers, inspeksyon ng mga sasakyan at striktong implementasyon ng road safety laws.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), ang karaniwang nagiging sanhi ng aksidente sa kalsada ay human error, mechanical defects at faulty road structures.

Binigyang-diin ni Sarmiento na dapat hindi pinapayagan ng Land Transportation Office (LTO) na marehistro ang isang sasakyan kapag nabigo itong makapasa sa roadworthiness test.

Unang layunin ng pagpaparehistro ng sasakyan ay para matukoy, ma-inspect at masigurong ligtas ito, kaya mayroong motor vehicle inspection report.

Kaya kung hindi roadworthy ang sasakyan ay hindi dapat ito irehistro ng LTO.

Sa isyu naman ng kapabilidad ng driver, sinabi ni Sarmiento na ang batayan dapat ng LTO sa pag-iisyu ng drivers’ licenses ay hindi ang dami o volume ng inisyung lisensiya kundi ang usapin na karapat-dapat na bigyan ang aplikante.

Samantala, pinayuhan naman ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel si LTO Chief Assistant Sec. Edgar Galvante na magsagawa ng isang nationwide information campaign ukol sa Anti-Distracted Driving Act, na nakatakdang ipatupad sa Hulyo 6, 2017. MELIZA MALUNTAG

Hapilon nasa Marawi pa, target dead or alive

$
0
0

SENTRO ng operasyon ng militar ngayon na makuha buhay man o patay si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon sa Marawi City.

Ito’y taliwas sa naunang iniulat na nakalabas na ng Marawi si Hapilon na lider ng emir ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa Asia.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Restituto Padilla, na batay sa kanilang impormasyon o pagkakaalam ay nasa Marawi pa si Hapilon.

Ayon kay Padilla, mahalagang makuha si Hapilon pero kung sakaling nakalabas na nga, pagpapakita ito ng pagiging duwag dahil sa pag-abandona sa kanyang mga kasamahan.

Naniniwala rin si Padilla na hindi na kakayaning makapaglunsad pa ng panibagong Marawi siege si Hapilon sa ibang lugar matapos ang tinamong pinsala ng grupo. BOBBY TICZON

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>