Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

Fake rice hindi kalat sa merkado – NFA

$
0
0

KINUMPIRMA ng National Food Authority (NFA) na walang matibay na ebidensyang kumakalat na at ibinebenta na sa merkado ang mga pekeng bigas.

Ayon kay Rebecca Olarte, NFA Assistant for Public Affairs, regular ang monitoring nila at wala naman silang nakikitang problema sa merkado.

Apela ng ahensya sa publiko, iwasan na ang pagkakalat ng maling balita dahil nakakalikha lamang ito ng takot.

Nagbibay naman ng payo ang NFA sa kung paano malalaman ang kaibahan ng totoong bigas sa pekeng bigas.

Una, ang tunay na bigas ay may paumbok na bahagi ang butil at parang may kanal na nakaukit.

Pangalawa, magkakaiba ang hugis ng mga butil.

Pangatlo, oblique o patagilid na patusok ang hugis ng kabilang dulo nito.

Pang apat, wala itong kakaibang amoy kapag niluto. At panglima wala itong foam-like substance sa ibabaw ng lutong kanin.

Una nang sinabi ng NFA na kukuha muna sila ng sample ng inirereklamong bigas para isailalim sa pagsusuri ng Food Development Center NFA.

Matatandaang batay sa reklamo, iba ang lasa ng bigas na nabili sa isang pamilihan at noong iluto na ay mahirap din nguyain dahil parang goma ito na sobrang kunat.

Bukod sa fake rice issue ngayong taon, noong 2015 ay napaulat din ang pagkalat ng pekeng bigas sa Tanauan, Batangas subalit matapos suriin ng NFA ay napag-alaman na hindi ito peke.

May kumakalat ding video sa internet na ipinakita na matapos lutuin ang pekeng bigas at binilog-bilog ito ay tumalbog nang ihulog sa sementadong sahig. JOHNNY ARASGA


5 sangkot sa droga, pinatay sa Navotas

$
0
0

LIMANG kataong hinihinalang drug personalities kabilang ang 16-anyos na dalagita ang napatay ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin sa magkahiwalay na lugar kaninang madaling-araw, June 20, sa Navotas City.

Natagpuan ang bangkay ni John Mark Banares, 25, ng Tumana St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), at kanyang kasintahan na si Lizell Lemet, 16, ng 616 Peskador St., Bangkulasi pasado alas-3:00 kaninang madaling-araw ng mga barangay tanod na may mga tama ng bala ng baril sa ulo at sa katawan sa kanto ng Road 10 at Pescador St., Brgy. Bangkulasi.

Ayon kay Navotas police chief S/Supt. Allen Ocden, nakarekober ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng siyam na empty shells ng caliber .45 pistol habang isang pen gun at dalawang sachet ng shabu ang nakuha kay Banares at isa pang sachet ng shabu ang nakuha naman sa kay Lemet.

Sinabi ng mga kamag-anak ng dalagita na sinundo ni Banares si Lemet Lunes ng gabi subalit hindi na nakabalik hanggang sa mabalitaan na lamang na natagpuan ang bangkay nito ‘di kalayuan sa kanilang bahay.

Pasado alas-3:40 ng madaling-araw, isang Ace John Atok, 20, ang natutulog sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Hasa-Hasa St. nang pasukin ng mga armado at maskaradong suspek at saplitang giniba ang kanilang pinto saka pinagbabaril sa ulo na agad nitong ikinamatay. Isa pang kasama nito sa bahay ang namatay din na kinilala lamang sa pangalang Valquitco.

Dalawang empty shells at dalawang deformed slugs ng 9mm. pistol ang narekober sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy ang follow-up investigation ng mga awtoridad upang matukoy kung sangkot si Atok at Valquitco sa illegal drug activities.

Sa Brgy. Tangos naman, naglalakad si Virgilio dela Cruz sa kahabaan ng F. Abiola St. nang biglang pagbabarilin ng mga suspek na pawang nakabonet na agad nitong ikinasawi.

Apat na empty shells ng cal. 45 pistol ang narekober sa pinangyarihan habang tatlong sachet ng shabu ang nakuha sa bulsa nito. ROGER PANIZAL

OFW Jennifer Dalquez, absuwelto na sa bitay

$
0
0

KINUMPIRMA ngayon ng pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jennifer Dalquez na ligtas na ito sa bitay dahil sa bagong ruling ng korte sa United Arab Emirates (UAE).

Matatandaang hinatulan ng bitay si Dalquez dahil sa pagkakapatay nito sa kanyang employer na nagtangkang manghalay sa kanya noong 2014.

Ayon kay Alicia Dalquez, ina ni Jennifer, itinawag sa kanila ang impormasyon ng opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA), matapos ang pagbaba ng desisyon ng hukuman.

Sa kabila naman nito, makukulong pa rin so Dalquez ng limang taon bago makauwi ng Pilipinas. BOBBY TICZON

Exoplanets nadiskubre ng NASA

$
0
0

NASA 219 na mga ‘exoplanets’ ang nadiskubre ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) kung saan 10 sa mga ito ang maituturing na kahalintulad ng Earth.

Ayon sa NASA, nadiskubre ng kanilang Kepler mission na 10 sa mga ‘exoplanet’ ang halos kasinglaki ng mundo at halos tama lamang ang distansya sa araw na kanilang iniikutan.

Paliwanag ni Mario Perez, Program scientist ng Kepler mission, nangangahulugan lamang ito na may posibilidad na nagtataglay ng liquid water ang mga naturang planeta.

Dahil sa panibagong mga discoveries, umaabot na sa 4,034 na planet candidates ang naitatala ng NASA na 2,335 sa mga ito ang kumpirmado bilang exoplanets o mga planeta na nasa labas ng Solar system.

Nasa 50 naman sa mga exoplanet ang kasinglaki ng Earth, ayon sa NASA. -30-

Eton Centris sa QC, lockdown sa nag-amok na sekyu

$
0
0

ISINARA ang lahat ng exit at entry points sa isang gusali sa Eton Centris sa Quezon City.

Ito’y dahil sa isang guwardya na armado ng baril at nagkulong sa isang opisina sa Cyberpod.

Ayon sa mga awtoridad, armado ng short firearm ang guwardya.

May problema umano sa pamilya ang suspek at lango ito sa alak.

Dahil sa nasabing insidente, pinalibutan ng mga miyembro ng SWAT team at mga ambulansya ang nasabing gusali sa Eton Centris.

Hindi rin muna pinapasok sa gusali ang mga nagtatrabaho roon na karamihan ay call center agents. JOHNNY ARASGA

Buntis dedbol sa bugbog ng ka-live-in

$
0
0

DEDBOL ang isang apat na buwang buntis matapos bugbugin ng kanyang live-in partner sa lungsod ng Muntinlupa.

Kinilala ang biktimang si Cecilia Galicia, 19, ng Brgy. Alabang habang hindi pa nagpapakita ang suspek na si Carl David Asehan, 19.

Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente sa Studio One Condo at sa tindi umano ng bugbog na inabot ng biktima ay binawian ito ng buhay habang ginagamot sa Asian Hospital sa Alabang.

Ayon kay Mang Alex dela Plata, amain ng biktima, posibleng hindi lang bugbog ang inabot ni Cecilia dahil maaaring inuntog pa umano ito ng suspek na pinaniniwalaang nagdulot ng matinding head injuries sa biktima.

Nakitaan din ng mga pasa sa mukha at hita ang katawan ng biktima.

Pinaniniwalaang tumakas ang suspek matapos isagawa ang insidente habang dumulog agad sa himpilan ng pulisya ang mga magulang ng biktima.

Isasailalim pa sa autopsy ang bangkay upang matukoy kung ano ang tunay nitong ikinasawi. JOHNNY ARASGA

Karnaper tigok sa parak

$
0
0

PATAY ang isang karnaper nang manlaban matapos sitahin ng pulisya kagabi sa Sampaloc, Maynila.

Nakatakas naman ang apat pang kasamahan nito na sakay din ng motorsiklo nang magkapalitan ng putok ng baril sa mga awtoridad.

Nakilala lamang ang suspek sa pangalang ‘Ngongo’ na agad bumunot ng baril na noo’y lalapitan pa lamang ng mga awtoridad sa Retiro at Obarra Sts., Sampaloc, Maynila.

Ayon kay S/Insp. Pidencio Saballo, Jr., hepe ng Sampaloc Police Investigation Section, modus ng grupo ng suspek na paikutan ang target nilang motorsiklo na nais nilang kunin at tatakutin ang may-ari na kanilang papatayin saka sapilitang tatangayin ang motorsiklo.

Naispatan umano ang mga suspek sa lugar habang naghahanap ng bibiktimahin kaya agad sinita ng pulis ngunit inunahan sila nitong paputukan dahilan para gumanti ang awtoridad na nagresulta ng kanyang pagkamatay.

Hinihinala naman ng pulisya na nakaw ang dalang motorsiklo ng suspek dahil ang susing nakuha sa suspek ay hindi ang orihinal nitong susi. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Civil war ibinababala vs Maute

$
0
0

MAWAWALAN ng kinabukasan ang Pilipinas gayundin ang susunod na henerasyon nito sakaling hindi pa rin madurog ang Maute terror group na naghahasik ng karahasan sa Mindanao.

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nang kanyang bisitahin ang mga bakwit sa Iligan City kahapon sa harap na rin ng nararanasang krisis doon.

Ayon sa Pangulo, dalawa lamang ang pagpipilian ng mga taga-Mindanao kung hindi matatapos ang problema sa Maute group dahil tiyak na mamamayani ang kasamaan ng mga ito.

Nakiusap din ang Pangulo sa mga mamamayan ng Marawi City na makipagtulungan sa mga sundalo upang matapos na ang kasamaan ng Maute Group.

Kung hindi aniya ito maagapan, ibinabala ng Pangulo na posibleng mauwi ang karahasan ngayon sa civil war. -30-


Los Baños niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

$
0
0

NIYANIG ng magnitude 4.5 na lindol ang Los Baños, Laguna, Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol alas-9:18 ng umaga sa 3 kilometers west ng Los Baños.

Dahil sa nasabing lindol, naramdaman ang intensity 4 sa Los Baños at Alaminos, Laguna; Malvar, Batangas; at Tanauan City, Batangas.

Intensity 3 naman ang naramdaman sa Lipa, San Rafael, at Santo Tomas, Batangas.

Habang intensity 2 sa Tagaytay City at Cuenca, Batangas.

Unang iniulat ng Phivolcs na sa Malvar sa Batangas ang epicenter ng nasabing lindol at 3.2 lamang ang magnitude.

Pero kalaunan, naglabas ito ng ikalawang impormasyon at itinaas ang magnitude ng pagyanig at sinabing sa Los Baños tumama ang lindol. -30-

Kelot nakuryente sa banyo, tepok

$
0
0

BINALONAN, PANGASINAN – Patay ang isang aircraft mechanic ng isang aviation school matapos itong makuryente sa banyo ng kanyang dormitory sa Brgy. Linmansangan, Binalonan sa nasabing lalawigan.

Nakilala ang biktimang si Mark Sheen Anthony Pingkian, 20, aircraft mechanic ng WCC Aviation School, ng Brgy. Bil-locia, Batac City, Ilocos Norte.

Sa imbestigasyon, nakita ang bangkay ng biktima ng kanyang dormmates na sina Ervi Salipot at Aron Abucay, kapwa niya aircraft mechanics.

Ayon kina Salipot at Abucay, maaaring nakuryente si Pingkian dahil sila mismo ay nakaranas ng kunting pagkakuryente noong sila ay naliligo sa kanilang banyo.

Natagpuan ang katawan ng biktima sa loob ng banyo habang ito’y naliligo. ALLAN BERGONIA

Magkapatid dedo sa buy-bust ops

$
0
0

DEDO ang isang magkapatid na kabilang sa drug watchlist ng pulisya matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela city, kahapon.

Kinilala ni Valenzuela deputy police chief for operation Supt. Rey Medina ang mga nasawing sina Larry Guache, 47, at kanyang kuya na si Eddie, 50, habang ang umano’y kasabwat ng mga ito na si Jessica Casimiro, 20, lahat ng Phase 5, Meyland Subd., Lawang Bato ay naaresto rin sa operasyon.

Ayon kay Medina, dakong 2:11 ng hapon nang magkasa ng buy-bust opetation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kontra sa mga suspek sa Brgy. Lingunan.

Habang iniabot ni PO1 Leo Angelo Loyola na umaktong poseur buyer ang P300 marked money kay Casimiro kapalit ng isang sachet ng shabu ay natunugan ng magkapatid na Guache na pulis ang kanilang katransaksyon kaya agad naglabas ng baril ang mag-utol at pinaputukan ang mga operatiba saka tumakbo.

Nakorner ang mga magkapatid sa bahay ng isang Dona Lyza subalit, sa halip na sumuko ay nakipagbarilan pa rin ang mga ito hanggang sa tamaan ang mga suspek na naging dahilan upang mabilis na isugod sa Valenzuela Emergency Hospital pero hindi na rin umabot nang buhay.

Narekober ng pulisya sa mga suspek ang kalibre .38 revolver, kalibre .22 magnum, pitong sachet ng shabu at drug paraphernalia. RENE MANAHAN

1 sundalo patay, 4 pa sugatan sa bakbakan vs NPA

$
0
0

PATAY ang isang sundalo habang apat naman ang sugatan nang magka- engkuwentro ang militar at New People’s Army (NPA) sa bayan ng Labo, Camarines Norte.

Sinabi ni Col. Boots Rehencia, commander ng 902nd Infantry Battalion (IB), 9th Infantry Division, Philippine Army, tumagal nang halos isang oras ang palitan ng putok sa pagitan ng dalawang panig na ikinamatay ng isang hindi pa pinapangalanang sundalo habang kritikal naman ang lagay ng isa sa apat na nasugatan.

Sumiklab aniya ang bakbakan dakong 8 a.m. nang maghagis ng improvised hand grenade ang mga pinaniniwalaang miyembro ng NPA sa patrol base ng naturang batalyon sa Brgy. Dumagmang.

Nagpapatuloy pa ang pursuit operation ng 902nd IB laban sa mga nakatakas na rebelde na pinaniniwalaang marami rin ang nasugatan dahil sa mga bakas ng dugo na naiwan sa encounter site.

Paliwanag ng opisyal, CAFGU detachment ang dating nakabase sa nabanggit na barangay kung kaya malaki ang posibilidad na nagulat ang NPA na mga regular na tropa na pala ng 902nd IB ang kanilang kinakalaban.

Ayon pa kay Rehencia, resulta ang bakbakan ng ‘frustration’ ng NPA sa kagustuhan nitong makasama ng mga tropa ng gobyerno sa pakikipaglaban sa Maute Group sa Marawi City na una nang tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte. BOBBY TICZON

3 drug suspect, utas sa parak

$
0
0

PATAY ang tatlong hinihinalang sangkot sa iligal na droga matapos ang magkahiwalay na shooting encounter habang isa ang nakatakas sa Caloocan City, kaninang madaling-araw.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Joel Acle, 37, at Ericson Lakbayin, 35, kapwa ng Brgy. 176, Bagong Silang habang pinaghahanap pa ang isa pang kasama ng mga ito na si Baltazar Acle, Jr. alyas John John.

Ayon kay Caloocan police chief Sr. Supt. Chito Bersaluna, dakong 12:05 ng gabi, nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga operatiba ng PCP-3 sa kahabaan ng Phase 9, Bagong Silang nang mapansin ng mga ito ang tatlong lalaki walang mga suot na helemt habang sakay sa isang motorsiklong walang plaka.

Nang pahintuin ng mga pulis, mabilis na humarurot ang mga suspek dahilan upang habulin hanggang sa makorner ang mga ito sa bahay ng magkapatid na Acle subalit sa halip na sumuko ay nakipagpalitan ng putok sina Joel at Lakbayin sa mga operatiba na nagresulta ng kanilang kamatayan habang nagawa namang makatakas ni Baltazar sakay ng motorsiklo.

Narekober ng pulisya kay Joel ang kalibre .38 revolver at dalawang sachet ng shabu habang nakuha naman kay Lakbayin kalibre .38 revolver at limang sachet ng shabu.

Ala-1:00 naman ng madaling-araw, rumesponde naman ang mga operatiba ng PCP 3 upang biripikahin ang kanilang natanggap na tawag mula sa concerned citizen hinggil sa nagpapaputok ng baril sa Phase 2, Package 1, Block 14, Lot 20, Brgy. 176, Bagong Silang.

Pagdating sa naturang lugar, nagpakilala ang mga pulis subalit, naglabas ng baril si Lemon Gonzales alyas “Monmon”, 34, at pinaputukan ang mga pulis bago tumakbo papasok sa kanyang bahay kaya napilitan namang gumanti ng putok ang mga operatiba na nagresulta sa kamatayan nito.

Nakuha kay Gonzales ang isang kalibre .38 revolver at plastic sachet ng shabu habang ayon sa pahayag ng kanyang asawa na si Ma. Cristy Gonzales, sangkot ang kanyang mister sa kalakaran ng iligal na droga. RENE MANAHAN

Tserman rinatrat ng tandem, malubha

$
0
0

ISANG barangay chairman ang pinagbabaril ng riding-in-tandem kagabi habang sakay ng kanyang sasakyan sa Malate, Maynila kagabi.

Kinilala ang biktimang nagtamo ng limang tama ng bala sa kaliwang balikat na si Kristo Hispano, 37, tserman ng Brgy. 459 Zone 68, Distrito 5 at taga-Bagong Lupa, Baseco, Port Area, Manila.

Sa ulat ng MPD-Police Station 9, sakay ng kanyang Toyota Fortuner (ZPR 158) ang biktima nang pagsapit sa kanto ng Roxas Blvd. at P. Quirino Avenue ay dinikitan ng mga suspek sa kaliwang bahagi ng sasakyan nito saka sunod-sunod na pinagbabaril alas-9:30 ng gabi.

Tiyempo namang nakatalaga bilang route security marshalls para sa ASEAN sa Baywalk area partikular sa Roxas Blvd. sina PO1 Anthony Abobo at PO1 Napjohn Velasco, RPSB NCRPO nang makarinig ng putok ng baril.

Agad rumesponde ang mga pulis at nakita pang nakatutok ang baril ng isang suspek sa biktima kaya agad nilang pinaputukan ang mga ito ngunit mabilis ding nakatakas.

Dinala sa San Juan de Dios Hospital ang biktima para lapatan ng lunas na kalauna’y inilipat din sa Ospital ng Maynila kung saan ito nagpapagaling. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Victoria Towers sa QC, binulabog ng bomb threat

$
0
0

BINULABOG ng bomb threat ang Victoria Towers sa Timog Avenue, Quezon City kaninang Huwebes ng umaga.

Dakong 10:55 a.m. nang kumalat ang balitang may bomba sa naturang condominium kaya agad na pinalikas ang mga taong nasa commercial area ng gusali.

Agad namang rumesponde ang Quezon City Police District sa nasabing banta pero nagnegatibo naman ito.

Ayon kay Supt. Peter Sanchez, hepe ng Kamuning police station, nakatanggap sila ng tawag ukol sa banta at “unusual activity” sa ikalawang palapag ng gusali.

“Mayroon lang anyang report sa amin na pinapa-verify ito. Mayroong unusual activity sa 2nd floor, so far wala naman.”

Ininspeksyon naman agad ang ikalawang palapag ng gusali na sinasabing nakalagay ang bomba, ngunit wala namang natagpuan.

Idineklara ng pulisya na ligtas ang gusali bandang alas-11:30 ng umaga at pinayagan na muling bumalik ang mga tao sa loob. BOBBY TICZON


29 kaalyado ng Abu Sayyaf, timbog sa Sulu

$
0
0

NASA 29 na mga hinihinalang tagasuporta ng Abu Sayyaf Group ang inaresto ng puwersa ng gobyerno sa lalawigan ng Sulu.

Ayon sa militar, pinaniniwalaang mga kasapi ng Ajang-Ajang group ang mga naarestong mga suspek sa bayan ng Patikul.

Ang Ajang-Ajang group ay kaalyado umano ng Abu Sayyaf at nag-o-operate sa naturang lugar.

Apat sa mga suspek ang sinasabing sangkot sa kidnapping sa negosyanteng si Denery Tan noong June 2016 at pagpatay sa isang Lydia Julkanain noong May 30, 2017.

Ang buong Mindanao region ay nasa ilalim ng Martial law bunga ng pagsalakay ng Maute terror group sa Marawi City. -30-

Security Bank, nagkaproblema na rin

$
0
0

PINALAWIG kahapon ang banking hours ng Security Bank Corporation matapos makaranas ng delay sa posting ng kanilang banking transactions.

Sa abiso ng nasabing bangko, nagsagawa sila ng system maintenance activities para matugunan ang naging problema.

Tiniyak naman ng Security Bank na ang delay sa posting ng mga transaksyon ay hindi makaaapekto sa financial integrity ng kanilang mga kliyente.

Bagaman na-delay ang ilang serbisyo, patuloy naman umanong naka-access sa kanilang savings ang mga customer.

Humingi naman ng paumanhin ang Security bank sa nangyari.

Ang Security Bank na ang ikatlong bangko na nakaranas ng problema sa kanilang sistema sa loob lamang ng tatlong linggo.

Ang BDO ay nakaranas ng ‘localized skimming attack’ habang ang Bank of the Philippine Island (BPI) ay nakaranas naman ng internal data processing error. JOHNNY ARASGA

8-anyos, hinalay ng pipi’t bingi

$
0
0

CABUGAO, ILOCOS SUR – Inaresto kahapon (June 21) ang isang pipi’t binging lalaki matapos gahasahin ang isang walong-taong gulang na babae sa Cabugao sa nasabing lalawigan.

Kinilala ng Cabugao police ang suspek na si Roland Allen Rabor, 23, ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Cabugao police commander C/Insp. Agosto Cabello, ayon sa biktimang si Anna (hindi tunay na pangalan), bago ginawa ng suspek ang panggagahasa, nilamas muna niya ang mga maseselang bahagi ng katawan nito.

Matapos ang panggagahasa, dali-daling umalis ang suspek at isinumbong agad ng biktima ang kahalayan ng suspek sa kanyang magulang na nagtungo agad sa himpilan ng Cabugao Munisipal Police Station upang maghain ng reklamo.

Agad namang nagresponde ang mga pulis at inaresto si Rabor sa kanyang bahay habang nagpapahinga ito.

Napag-alamang hindi ito ang unang panggagahasa ng suspek sa biktima dahil lumabas sa imbestigasyon ng medical experts na apat na beses umanong ginagasa si Anna.

Ayon sa mga doktor, may mga indikasyon ng old and new lacerations ang biktima sa kanyang ari tanda sa siya’y positibong ginahasa.

Ang pipi at bingi na suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Cabugao jail at sinampahan ng kasong four counts of rape. ALLAN BERGONIA

Chapel volunteer, natagpuang patay

$
0
0

DAHIL sa masangsang na amoy, natagpuan ang wala nang buhay at naagnas nang bangkay ng isang chapel volunteer sa loob ng kanyang kuwarto sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni PO3 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District (MPD)-homicide section, ang biktimang si Jennifer Reyes, 40, walang hanapbuhay, nakatira sa ikalawang palapag ng Hesmie Hospital Equipment Supplies, sa 1650 San Lazaro kanto ng Oroquieta, Manila.

Ayon kay Cayabyab, dakong 2:00 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto sa naturang tindahan ng hospital equipment, na pagmamay-ari ng biyenan ng biktima na si Juan Reyes, Jr.

Sa salaysay ng saksing si Cesario Hecto, 50, empleyado ng Hesmie, nabatid na bago nadiskubre ang bangkay ay nakaamoy sila ng masangsang mula sa loob ng establisimyento kaya’t hinanap ang pinagmumulan nito.

Natunton naman nila na nanggagaling ang mabahong amoy mula sa kuwarto ng biktima kaya’t sinilip ito at nakita ang naaagnas na bangkay na nakahiga sa kanyang kama at nilalangaw na.

Kaagad namang ini-report ng mga ito kay Reyes ang insidente, at tinangka nilang buksan ang kuwarto ngunit nakakandado ang pinto nito mula sa loob kaya’t hinintay na lamang ang mga alagad ng batas upang siyang magbukas nito.

Ayon sa mga empleyado ng tanggapan, huli nilang nakitang buhay ang biktima dakong 9:00 ng umaga noong Hunyo 19, matapos na bumili ng pagkain at magkulong ng kanyang kuwarto pagkatapos magtungo sa UST Chapel, kung saan siya nagsisilbi bilang chapel volunteer.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang dahilan ng kanyang pagkamatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

P46M withdrawal sa BPI, error

$
0
0

UMABOT sa P46-milyon ang nagkamaling nai-withdraw sa BPI sa kasagsagan ng computer breakdown ng BPI at ATM skimming sa BDO.

Sa pagdinig ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries ay humarap ang mga opisyal ng nasabing bangko na sina BPI President at CEO Cesar Consing at BDO President at CEO Nestor Tan.

Ang komite na pinamumunuan ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ay inatasan ng liderato ng Malaking kapulungan ng Kongreso na magsagawa ng motu propio investigation sa nabanggit na insidente noong June 7 at 8.

Inamin ni Consing na nagkaroon ng data processing error sa nabanggit na mga petsa na nagbigay ng pangamba sa publiko na aniya’y bunga ng human error at hindi ng hacking.

Siniguro rin nito sa komite na nananatili ang data security ng mga deposito ng mga customer at ng buong banking industry.

“P46-million were mistakenly withdrawn. There were misposting, and because of this, there was an amount that was mistakenly withdrawn,” ani Consing.

Ito aniya’y inaayos na dahil may 1.5-milyon sa kabuuang walong-milyong kliyente ang apektado.

Giit naman ni Rep. Edgar Sarmiento, dapat ay agad nagsagawa ng pagsisiyasat ang mga bangkong nabanggit nang hindi na ito nagbigay pangamba sa publiko.

“There should have been a check system,” ani Sarmiento matapos mapag-alaman na isang babaeng programmer ang nakagawa ng posting error. MELIZA MALUNTAG

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live