Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

Maynila protektado sa anumang gulo – Erap

$
0
0

PROTEKTADO ang lungsod sa anomang kaguluhan tulad ng insidenteng nangyari sa Resorts World Manila (RWM) na ikinamatay ng 38 katao.

Ito ang tiniyak ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa ginanap na media presentation ng 30 kandidata ng Miss Manila 2017 sa Manila Hotel.

Bagama’t mahirap aniyang hulaan kung may magaganap na pag-atake, handa naman palagi ang 4,600 kapulisan ng Manila Police District (MPD).

“Let’s just hope and pray. But rest assured that Manila is well-protected. Our police force is always on alert 24/7,” pahayag ni Estrada sa media.

Ilang oras lang matapos kubkubin ng mga Islamist militants ang Marawi City noong Mayo 23, agad inatasan ni Estrada ang MPD na higpitan pa ang seguridad sa lungsod.

Agad pinaligiran ng MPD ang Malacañang ng security checkpoints at 24-hour patrols habang mahigpit ding binantayan ang mga pangunahing government installations at commercial districts sa lungsod.

Hanggang kasalukuyan ay nasa full-alert status pa rin ang MPD, ayon kay Estrada.

Bukod pa rito, pinaplantsa na umano ng MPD ang pakikipag-ugnayan nito sa mga security officers ng malalaking establisyimento sa lungsod upang mapigilan ang anomang insidente tulad ng nangyari sa Resorts World Manila, dagdag pa ng alkalde.

Kamakailan lang ay bumili muli si Estrada ng P20-milyong halaga ng mga bagong sandata upang palakasin pa ang kakayahan ng MPD na labanan ang kriminalidad sa lungsod.

Sa gaganaping Grand Coronation Night ng Miss Manila 2017, sinabi ni Estrada na nakikipag-ugnayan na si MPD director C/Supt. Joel Coronel sa mga pageant organizer, security units ng Philippine International Convention Center (PICC) at sa Pasay City police para sa seguridad nito.

Ang Miss Manila 2017 ang highlight ng isang linggong selebrasyon ng ika-446 taong Araw ng Maynila sa Hunyo 24. Binalik ito ni Estrada nitong 2013 upang aniya’y mapalakas lalo ang turismo sa lungsod at maibalik ang dating ganda nito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


3 de-motorsiklong carjackers, dedo sa barilan

$
0
0

BUMULAGTA sa may 15-minutong engkwentro ang tatlong hinihinalaang carjackers matapos kumasa sa pulisya nitong Huwebes ng gabi sa Quezon City.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay noon din ang mga hindi nakikilalang suspek. Narekober sa tatlo ang tatlong de-kalibreng baril.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 11 p.m. sa Brgy. Sauyo, Novaliches, Q.C.

Ayon sa apat na pulis na hindi nakuha ang mga pangalan, nagroronda sila sa bahagi ng Brgy. West Fairview nang maispatan at sitahin ang tatlong lalaking sakay sa isang motorsiklo na walang suot na helmet at wala rin plaka ang motorsiklo.

Imbes na huminto, humarurot ang mga suspek saka pinagbabaril ang mobile patrol ng mga pulis na nagresulta sa pagkabasag ng windshield.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis na ikinamatay agad ng tatlong suspek.

Ayon kay S/Insp. Manuel dela Cruz, Jr., dahil armado, posibleng sangkot ang tatlo sa mga insidente ng carjacking sa lugar. BOBBY TICZON

Rider patay sa tandem sa Tondo

$
0
0

PATAY ang isang 39-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Tondo, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jessie Villanueva, ng Bldg. 16, Room 320, Katuparan, Viats, Tondo.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, alas-6:50 ng gabi nang maganap ang insidente sa hara ng Fortune Dragon Bldg. sa 1440 Antonio Rivera St., Tondo.

Ayon kay Chairwoman Analyn Mallari na siyang nakasaksi sa insidente, lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo nang barilin ito ng magka-angkas na suspek.

Tinangka pa umano ni Villanueva na tumakbo ngunit sinundan pa rin ito ng mga suspek saka muling binaril hanggang sa bawian ng buhay at mabilis na sumibat.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang motibo ng pamamaril sa biktima.

Dinala sa Archangel Funeral Parlor ang labi ng biktima para sa autopsy. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Death toll sa Marawi siege umakyat na sa 313

$
0
0

UMAKYAT na sa 313 ang bilang ng mga namatay sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa kasama sa nasabing bilang, 59 na napatay mula sa tropa ng pamahalaan na kinabibilangan ng mga sundalo at mga pulis.

Pinakahuli sa mga nadagdag sa listahan ng casualties si Lt. Junrich Legada na miyembro ng Special Forces Operations Group ng Philippine Army at tubong Midsayap, North Cotabato.

Sa kabuuan, sinabi ni AFP Spokesman BGen. Restituto Padilla na umakyat na sa 228 ang bilang ng mga napatay na miyembro ng Maute Terror Group at Abu Sayyaf Group.

Nanatili naman sa 26 ang bilang ng mga patay na sibilyan ayon sa tala ng AFP at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa kanyang ulat, nauna nang sinabi ni Health Sec. Paulyn Ubial na umakyat na sa 59 ang mga namatay sa iba’t ibang mga evacuation centers na pinagdalhan ng mga inilikas mula sa Marawi City.

Karamihan sa mga ito ay namatay dulot ng kanilang mga sakit ayon pa sa opisyal. JOHNNY ARASGA

Airstrike sa Marawi, tuloy pa rin

$
0
0

TULOY pa rin ang pagkakasa ng airstrike sa Marawi City kung kinakailangan.

Binigyang-diin ito ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brigadier General Restituto Padilla sa gitna na rin ng mga panawagan ng ilang grupo na itigil na ang airstrike at magpatupad na lamang ng ceasefire.

Sinabi ni Padilla, malaya ang ground commander na magpasya kung anong diskarte ang ipatutupad nito sa clearing operations batay sa pangangailangan ng sitwasyon.

Hindi naman masabi ni Padilla kung ginagamit na muli sa airstrike ang SF-260 air asset ng Philippine Air Force (PAF). JOHNNY ARASGA

Mahigit 600 kaso ng HIV, naitala noong Abril

$
0
0

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mahigit 629 na kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) noong Abril.

Mas mababa ito kumpara sa 772 kaso na naitala noong April 2016.

Kaugnay nito, 84 dito ang naging Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).

Umabot naman sa 17 ang namatay kaugnay ng AIDS ang naitala sa kaparehong buwan.

Nasa 95 porsyento o 596 dito ang lalaki habang 33 ang babae kung saan mayorya dito ang mula sa Metro Manila na sana 234 na sinundan ng 109 sa CALABARZON at Central Visayas sa 71.

Nanatiling ang sexual contact ang nangungunang kaso ng HIV transmission na nasa 343 dito ang kaso ng lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki. JOHNNY ARASGA

DOLE, pinaigting ang kampanya kontra child labor

$
0
0

PINAIGTING ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang pagbabantay sa mga business establishments upang mahinto ang child labor pagdating ng taong 2025.

Ayon kay DOLE Planning Service Director Adeline de Castro, masusi silang nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan hanggang sa mga barangay.

Aniya, nasa isang-milyong kabtaan ang kanilang layon na mapalaya mula sa child labor lalo na iyong mga nasa sektor ng agrikultura at pagmimina.

Sinisiguro naman ng mga inspection team ang pagsunod ng mga establisiyemento sa iba’t ibang panuntunan.

Ito’y para mabantayan ang maipatupad ang mga kasama na ang batas na nagbabawal sa child labor. JOHNNY ARASGA

UMak, bukas sa mga estudyante mula Marawi

$
0
0

NAKABUKAS ang University of Makati (UMak) at nag-aalok ng scholarship sa mga estudyante mula Marawi City at sa mga anak ng mga sundalo namatay sa bakbakan.

Ayon kay Makati City Mayor Abigail Binay, tutulungan ng lokal ng pamahalaan ang mga kabataang naapektuhan ng nagaganap na bakbakan para mapagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo sa kabila ng naturang krisis.

Dagdag pa ni Binay, kanila ring tutulungan ang mga anak ng mga sundalong nagsakripisyo ng buhay para bayan.

Nakahanda na ang help desk sa Admissions Office nito para tulungan ang mga estudyante na gustong magpatuloy ng kanilang pag-aaral.

Sinabi naman ni UMak Center for Guidance, Admission, Testing and Scholarships (CGATS) Director Annaliza Arcega na patuloy silang tatanggap ng mga estudyante kahit lagpas na ng June 19, ang unang araw ng klase ng nasabing unibersidad. JOHNNY ARASGA


June 26, holiday sa Eid’l Fitr

$
0
0

PORMAL nang idineklara ng Malakanyang na regular holiday ang Hunyo 26, 2017 (Lunes) bilang paggunita sa Eid’l Fitr (Feast of Ramadhan).

Batay sa ipinalabas na Proclamation 235, malinaw na nakasaad dito na regular holiday sa nasabing petsa.

“The entire Filipino nation should have the full opportunity and celebration Eid’t Fitr,” saad sa Proclamation 235.

Sa ilalim ng Republic Act 9177, idinideklara ang Eid’l Fitr bilang regular holiday sa buong bansa.

“In order to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr to the fore of national consciousness, it is necessary to declare Monday, 26 June 2017, as a regular holiday throughout the country,” ayon pa sa Proclamation 235. KRIS JOSE

1 sa 6 na bihag ng ASG, nasagip sa Basilan

$
0
0

NASAGIP ng mga sundalo ang isa sa anim na Vietnamese nationals na dinukot ng Abu Sayaff sa kasagsagan ng opensiba ng militar sa Basilan.

Ayon kay Col. Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force Basilan, kinilala ang nasabing bihag na si Hoang Vo na nasagip alas-8:00 ng umaga kahapon.

Nakahanap umano ng pagkakataon ang biktima na makatakas mula sa mga bandido na may mga sugat sa katawan ngunit nasa stable nang kondisyon.

Gayunman, nilapatan pa rin ng agarang lunas ang nasagip na bihag na dinukot nuong Nobyembre ng nakalipas na taon habang dumaraan sa karagatang sakop ng Sibago Island. JOHNNY ARASGA

Trak nang-araro, 5 dedo, 17 sugatan

$
0
0

LIMA ang iniulat na nalagas habang 17 iba pa ang malubhang nasugatan nang araruhin ng isang 10-wheeler container truck ang terminal ng tricycle at ilang tindahan sa Taytay, Rizal nitong Biyernes ng gabi.

Namatay noon din sanhi ng tinamong pinsala ang mga biktima na hindi nakuha ang mga pangalan.

Isinugod naman sa Manila East Medical Center ang apat sa mga biktima habang ang 13 iba pa kabilang ang isang paslit ay itinakbo sa Taytay Emergency Hospital.

Sa ulat ng Taytay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (TMDRRMO) chief director Elmer Espiritu, naganap ang insidente dakong 9:45 kagabi sa Cabrera Road.

Lumabas sa kuha ng isang CCTV footage na nawalan ng kontrol ang trak na may (TBP 967) matapos unahan ang isang tricycle.

“Base sa recording ng CCTV, ‘yung container truck pababa siya… sa unahan niya may dalawang tricycle. Ngayon nandito na sa may baba diyan sa may puno ng Acacia, iniwasan niya ‘yung tricycle sa unahan niya. Pag-iwas niya ng pakanan, nahagip pa rin niya [ang tricycle] tapos hindi niya na nabawi, dumiretso na d’yan sa mga tindahan,” pahayag ni Espiritu. BOBBY TICZON

Dengue cases sa Phl bumaba ng 32%

$
0
0

INANUNSYO ng Department of Health (DoH) kaninang Sabado ng umaga na bumagsak ang kaso ng dengue sa bansa ng halos 32 porsyento ngayong taon.

Lumabas sa talaan ng DOH na ang bilang ng dengue cases ay bumagsak ng 31.8 percent kumpara nitong nakaraang taon.

Mula sa 211,000 cases sa parehong petsa ng 2016, bumaba ang bilang sa 143,902 ngayong taon.

Pero sa kabila ng pagbaba ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa, sinabi ng DOH na patuloy ang paglaban sa mosquito-borne virus.

Sinabi ng DOH na karamihan sa mga kaso ng dengue noong 2017 ay mula sa Central Visayas Region (15.5%), Central Luzon Region (13%), National Capital Region (12.2%), CALABARZON Region (11.4%) at SOCCSKSARGEN Region (11.1%).

Samantala, ipinunto ni DOH Sec. Paulyn Ubial na ang pagtukoy sa pinagmulan ng dengue ay kailangang magsimula sa grassroots level.

“The significance of addressing dengue at the barangay level is to overcome its detrimental impact of instigating economic burden and hindering our development goals. The first step to prevent dengue is within our homes, it is important to instill cleanliness in our surroundings and empty containers with stagnant waters to eliminate the breeding places of mosquitoes,” dagdag ni Ubial. BOBBY TICZON

Bong Revilla masisilip ang tatay na ooperahan

$
0
0

DAHIL sa humanitarian considerations, masisilip ni actor Bong Revilla, Jr. ang kanyang tatay na si ex-senator Ramon Revilla, Sr. na nakatakdang operahan ngayong linggo.

Ito’y matapos pagbigyan ng Sandiganbayan First Division ang kahilingan ni ex-senator Revilla Jr. na mabisita ang kanyang maysakit na tatay.

Nitong nakaraang Huwebes, humingi ng permiso si Revilla Jr. sa korte para payagan siyang mabisita ang kanyang tatay simula Hunto 19, mula 6 a.m. – 12 noon, at sa Hunyo 20, mula 2 p.m. – 8 p.m., na nakatakdang operahan sa puso.

Idinahilan ni Revilla Jr. na ang kanyang 90-anyos na tatay ay muling na-confine at ginagamot ngayon sa St. Luke’s Medical Center (SLMC) sa Bonifacio Global City, Taguig dahil sa Valvular Heart Disease, Severe Mitral Regurgitation, Congestive Heart Failure, at NYHA FC II.”

Sa Hunyo 19 naman isasalang ang kanyang tatay sa Percutaneous Mitral Clip.

Pinagbigyan ng korte ang mosyon ni Revilla pero sa mas maikling oras ng pagbisita kaysa sa hiniling na oras.

Gayunman, may ilang kondisyon ang Sandiganbayan sa furlough ni Revilla Jr. at ang isa’y ihahatid lamang ito sa ospital at wala ng iba pang lugar. Dapat ibalik din agad ito sa kanyang detention cell sa Camp Crame nang hindi lalampas sa itinakdang oras.

Inatasan ng korte si Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na magbigay ng personal escorts at security measures para sa mas batang Revilla.

Ipinagbabawal din ang paggamit ng komunikasyon at electronic gadgets, at maging ang media interviews. BOBBY TICZON

Ilang kliyente ng BDO, biktima ng ‘localized card skimming attack’

$
0
0

NAAPEKTUHAN ng ‘localized card skimming attack’ ang Banco de Oro (BDO) kaya’t nagkaroon ng problema ang ilang depositors ng naturang bangko sa paggamit ng kanilang ATM cards.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito ang sanhi ng mga nagkaaberyang ATM ng BDO.

Maaalalang noong nakaraang Biyernes, may ilang mga BDO account holders ang nag-report na nagkaroon ng unauthorized withdrawals ang kanilang mga bank account.

Hinikayat ng BDO ang mga apektadong customers na mag-report kaagad sa pinakamalapit na bangko, para agarang maimbestigahan at maibalik ang kanilang mga nabawasang savings.

Ayon sa BSP, masusi nilang mino-monitor ang ‘skimming hack’ sa BDO na naganap matapos ang internal data processing error sa ilang accounts naman ng Bank of the Philippine Islands (BPI).

Iginiit ng BSP na magkaiba ang nangyari sa BDO at BPI. JOHNNY ARASGA

Walang banta ng terorismo sa Metro Manila – NCRPO

$
0
0

INIHAYAG ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na walang banta ng terorismo sa Metro Manila.

Kasunod ito ng pagkalat na naman sa social media ng isang dokumento na nagsasaad ng planong pambobomba ng Maute sa NCR.

Sa nasabing dokumento na may letterhead ng Valenzuela Police Station at may titulong “Plan Bombing in Metro Manila”, petsang June 16, 2017, nakasaad na mayroong mga miyembro ng Maute group ang nagtatangkang atakihin ang ilang mall sa Quezon City, elliptical road, Quiapo at Makati.

Kaugnay nito, hiniling ni NCRPO Chief Pol. Dir. Oscar Albayalde sa publiko na huwag nang ikalat sa social media ang nasabing dokumento.

Sa halip na agad ipasa sa social media, sinabi ni Albayalde na mas mabuting iparating muna sa PNP ang mga ganitong impormasyon para agad maimbestigahan at maberipika.

Ayon kay Albayalde, inatasan na niya si Northern Police District (NPD) Dir. Bong Fajardo na imbestigahan ang proseso ng ‘document handling’ sa Valenzuela Police Station.

“Following this I have ordered the Northen Police District Director Bong Fajardo to investigate the document handling procedure at the Valenzuela Police Station,” ayon kay Albayalde.

Tiniyak naman ni Albayalde na ang mga ganitong impormasyon na ipinararating sa kanila ay hindi nila binabalewala at agad nilang iniimbestigahan. -30-


Tensyon sa pagitan ng US at Russia, muling sumiklab

$
0
0

MULING sumiklab ang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Russia.

Ito’y makaraang magbanta ang Russia na ituturing nilang target at pababagsakin ang mga US aircraft sa Syria bilang tugon sa pagpapabagsak ng Amerika sa isa sa mga fighter jet ng Syrian Air Force.

Magugunitang binomba ng Syrian SU-22 fighter jet ang balwarte ng ISIS sa Raqqa Province na sinusuportahan umano ng Amerika.

Ibinabala rin ng Russia na kanilang puputilin ang hotline na tanging nag-uugnay sa kanila sa Amerika.

Samantala, inihayag ng US Department of Defense na ililipat nila ng ibang lugar ang kanilang mga aircraft sa Syria upang maiwasan ang pinangangambahang banggaan ng dalawang tinaguriang “superpowers. -30-

2 tiklo, 9.5 kilo ng marijuana nakumpiska

$
0
0

ARESTADO ang dalawang lalaki sa isang buy-bust operation matapos mahulihan ng 9.5 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana kaninang madaling-araw, Hunyo 20, sa Paco, Maynila.

Ayon kay Pandacan Police Station Drug Enforcement Unit S/Insp. Val Valencia, tinatayang aabot sa halagang P70,000 ang nakuhang marijuana sa mga suspek na kinilalang sina Sonnyboy Abucay at Gilbert Rosales, alyas Imbet.

Isang pulis umano ang nagpanggap na bibili ng P1,200 halaga ng marijuana kay Rosales na siyang main target ng operasyon.

Nang matapos ang transakyon, agad na inaresto si Rosales kasama si Abucay.

Napag-alamang matagal nang isinailalim sa survellaince ang suspek na sinasabing source ng marijuana sa Paco at Pandacan area.

Naniniwala naman ang pulisya na ang mga droga ng mga suspek ay mula sa kanilang source sa bagong Barrio, Caloocan kung saan inamin naman ni Rosales na ang nakuhang marijuana ay galing sa isang tinawag nilang “Nanay”.

Sasampahan ang dalawa ng kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Kartero timbog sa pagbebenta ng shabu

$
0
0

SWAK sa kulungan ang isang 28-anyos na kartero matapos madakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon kay PDEA Dir. Gen. Isidro Lapeña, kinilala ang suspek na si R-Jay Pascua, binata, kartero ng Tuguegarao Post Office, Cagayan, at taga-Pattaui St., Ugac Norte, Tuguegarao City.

Sa ulat, dakong 3:00 ng hapon, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng PDEA Regional Office 11 (PDEA RO 11) at dinakip si Pascua matapos umanong bentahan ng shabu sa halagang P1,500 ang isang undercover agent ng PDEA sa Pattaui St.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). SANTI CELARIO

Isinalba ang aarestuhing ka-live-in, kelot todas

$
0
0

ISANG lalaki ang nabaril at napatay ng mga pulis matapos magpaputok sa pag-aresto sa kanyang live-in partner na nahulihan ng shabu at kanilang kapitbahay na menor-de-edad na nahulihan naman ng baril sa Tondo, Manila kaninang madaling-araw, Hunyo 20.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Memorial Medical Center ang suspek na si Ramer Madis, 41, binata, ng Gate 20, Parola Cmpd., Tondo bunsod ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Samantala, arestado naman si Crizelda Bohol, 38, ka-live-in ni Madis, matapos mahulihan ng shabu at isa pang 17-anyos na lalaking kapitbahay nila na nahulihan naman ng baril.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 12:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente malapit sa bahay ng mga suspek.

Nagpapatrulya noon ang mga tauhan ng Delpan Police Community Precinct (PCP), na sakop ng MPD-Station 2, nang isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at sinabing may isang lalaki ang namataang may dala-dalang baril sa lugar.

Kaagad namang rumesponde ang mga pulis at namataan ang 17-anyos na suspek na may bitbit na kalibre .45 pistola kaya’t kaagad na nilapitan ito at inaresto.

Tinangka naman ni Bohol na pigilan ang pag-aresto sa menor-de-edad na suspek sa pamamagitan nang paghila sa kamay ng isa sa mga pulis habang nagsisigaw kaya’t tinangka itong payapain ni PO3 Lester Caguintuan.

Gayunman, kaagad ring inaresto ng mga pulis ang babae nang makitaan ng dalawang sachet ng shabu matapos kapkapan.

Nang dadalhin na ang dalawa, bigla na lang sumulpot si Damis na may bitbit na magnum .357 revolver at pinaputukan ang mga pulis.

Agad namang gumanti ang mga awtoridad at tinamaan si Damis sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kanila pang isinugod sa pagamutan ngunit namatay na rin kalaunan.

Binitbit naman ng mga pulis sa presinto si Bohol at kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), gayundin ang menor-de-edad na suspek, na sasampahan naman ng kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms). JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Ilocos Norte, Davao Oriental, niyanig ng magkakasunod na lindol

$
0
0

MAGKAKASUNOD na pag-uga ang naitala sa Ilocos Norte kaninang umaga, Martes, June 20.

Unang naitala at pinakamalakas ang magnitude 4.3 na lindol sa bayan ng Burgos, Ilocos Norte.

Ayon sa Phivolcs, may lalim na 10 kilometers ang pagyanig.

Naitala naman ng Phivolcs ang intensity 4 sa Bugos, Ilocos Norte at intensity 2 sa Laoag City bunsod ng nasabing lindol.

Samantala, alas-2:34 naman ng madaling-araw, tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Adams, Ilocos Norte.

Ayon sa Phivolcs, may lalim na 13 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.

Naitala naman ng ang intensity 3 sa Burgos, Ilocos Norte; intensity 2 sa Pasuquin, Ilocos Norte at intensity 1 sa Sinait, Ilocos Sur bunsod ng nasabing lindol.

Ang nasabing lindol sa bayan ng Adams ay nasundan pa ng magnitude 3.0 na pagyanig alas-2:53 ng madaling-araw.

Magkakasunod na pagyanig din ang naitala sa ilang bahagi ng Mindanao mula Martes ng madaling-araw.

Sa Zamboanga del Norte, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Sindangan.

Naganap ang pagyanig ala-1:53 ng madaling-araw at naitala ang intensity 4 bunsod ng nasabing lindol.

Alas-5:37 naman ng umaga nang yanigin ng magnitude 3.2 na lindol ang Tarragona, Davao Oriental.

Naitala ang lindol sa 111 kilometers east ng bayan ng Tarragona.

Nasundan naman ito ng magnitude 3.3 na lindol sa Baganga, Davao Oriental alas 8:33 ng umaga.

Wala namang naitalang intensity ang Phivolcs sa dalawang magkasunod na payanig sa nasabing lalawigan. JOHNNY ARASGA

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>