PINURI ng isang spokesman ng Islamic State group ang pag-atake sa Pilipinas at Iran.
Sa isang audio recording broadcast noong Martes, sa isang jihadist accounts sa social networks, nanawagan ang ISIS extremists sa buong mundong umatake sa panahon ng Ramadan.
Ayon kay ISIS spokesman Aboulhassan al-Mouhajer, binabati niya ang matagumpay na pag-atake ng kanilang mga kapanalig sa Malawi noong isang buwab.
Matatandaang hanggang sa kasalukuyan ay nagaganap pa ang sagupaan sa Malawi, kung saan libo-libong tropa ng militar ang natalaga simula pa noong May 23.
Aabot sa 58 sundalo at 20 sibilyan ang namatay sa laban habang hindi pa matiyak ang bilang ng mga namatay sa loob ng siyudad dahil hindi pa nakukuha ang karamihan sa mga nabubulok na bangkay.
Nasa sa 200 jihadists naman ang napapatay.
Binati rin ng ISIS spokesman ang nagsagawa ng pag-atake sa Iran noong isang linggo, kung saan 17 katao ang namatay sa ilang nasugatan, nang atakihin sila ng mga armadong lalaki at mga suicide bombers sa parliament complex ng Tehran.
Naganap ang pag-atake sa tapat mismo ng shrine ng rebolusyunaryong lider na si Ayatollah Ruhollah Khomeini noong June 7.
Ito ang unang pag-atakeng inangkin ng ISIS sa Iran, kung saan namatay ang limang umatake.
Hiniling pa ni Mouhajer ang tinatawag niyang mga “caliphate soldiers” na ipagpatuloy ang kanilang pag-aksyon sa panahon ng Ramadan isa Iraq at Syria.
Nanawagan din siya ng pag-atake sa Europe, America, Australia, Russia, Egypt, Yemen, Libya, Tunisia at Algeria. NENET VILLAFANIA