Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

Tulak sa Caloocan, todas sa parak

$
0
0

TODAS ang isang hinihinalang drug pusher na naaktuhang nagbebenta ng shabu matapos makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis sa Caloocan City kaninang madaling-araw.

Ayon kay Caloocan police Chief S/Supt. Chito Bersaluna, dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa katawan ang suspek na nakilala lang sa alyas Domeng, nasa hustong gulang, 5’2 ang taas at may tattoo sa kaliwang balikat na “Acuyan Family”.

Sa imbestigasyon nina PO3 Gomer Mappala at PO3 Romel Caburog, dakong 12:45 ng madaling-araw, nakatanggap ng impormasyon ang grupo ng Police Community Precinct (PCP-3) Drug Enforcement Unit (DEU) hinggil sa nagaganap na bentahan at paggamit ng iligal na droga sa bahay ng isang Bernal sa Phase 8B, Package 5, Blk 61, Lot 8, Brgy. 176, Bagong Silang.

Kaagad rumesponde ang mga operatiba sa naturang lugar upang beripikahin ang naturang ulat subalit nang makita ang mga ito ng suspek ay agad itong naglabas ng baril at pinaputukan ang mga pulis na mabilis namang nakapagtago.

Gumanti naman ng putok ang mga awtoridad na nagresulta ng kamatayan ng suspek habang narekober sa kanya ang ginamit na kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala at tatlong basyo ng bala.

Nakuha naman sa ibabaw ng mesa ang isang malaking sachet at dalawang maliit na sachet na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng shabu at mga drug paraphernalia. RENE MANAHAN


3 ASG na may patong na P600K, sumuko sa Basilan

$
0
0

TATLO na namang aktibong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang boluntaryong sumuko sa militar sa Basilan.

Sinabi ni Lt. Col. Andrew Bacala, commander ng 4th Special Forces Battalion ng Philippine Army, kabilang sa tatlong sumukong bandido si Adulla Kalitut, 35, pang-apat sa listahan ng most-wanted person sa Basilan, at may P600,000 na patong sa ulo dahil sa kasong kidnapping-with-ransom.

Habang ang dalawa naman ay kinilalang sina Natim Alamin, 25, at Adzmil Alamin, 20, kapwa tauhan ni ASG Sub-Leader Nurhassan Jamiri.

Isinuko rin nila ang isang unit ng M16 rifle at dalawang M1 garand rifle kasama ang mga bala.

Kwento pa ng wanted na si Kalitut, pagod na sila sa paglipat-lipat nila ng lugar dahil sa pagtatago sa walang-tigil na military operations sa mga bulubunduking bahagi ng Basilan.

Dagdag pa ni Kalitut na pera ang dahilan kung bakit nakumbinsi siyang sumama at ang marami pa niyang mga kasamahan sa teroristang grupo.

Nangako umano ng malaking halaga ng pera ang ASG sa kanilang pag-recruit sa mga residente kaya marami ang nauudyok na umanib.

Ayon kay Bacala, sa kasalukuyan ay umaabot na sa 71 ang kabuuang bilang ng mga sumukong bandido sa Basilan pa lamang.

Umaasa ang militar na madadagdagan pa ang nasabing bilang ng mga bandido na ibig magbalik-loob sa pamahalaan at mabuhay nang tahimik.

Samantala, hindi pa malinaw sa panig ng militar kung ano ang mangyayari sa sumukong wanted kidnapper na si Kalitut.

Kung maaalala, una na ring nilinaw noon mismo ng Lt. Gen. Carlito Galvez, Jr., commander ng Western Mindanao Command, na idadaan sa tamang proseso ng batas at pananagutin ang susukong Abu Syayaf na may kinakaharap na kaso. BOBBY TICZON

Marawi crisis, posibleng makakuha ng foreign terrorist support

$
0
0

HINDI malayong sumuporta na rin sa Maute group ang mga dayuhang terorista kapag nagtagal pa ang giyera sa Marawi City.

Dahil dito, hinimok ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na wakasan na sa lalong madaling panahon ang giyera sa Marawi City kontra Maute group.

Nangangamba siyang lumala pa at maging mapanganib ang sitwasyon sa Marawi City kapag tumagal pa ang operasyon ng mga awtoridad laban sa nasabing teroristang grupo.

Sinabi ng kongresista na miyembro ng House Committee on National Defense, sa oras na tumagal ang bakbakan sa Marawi, maaring makahatak pa ng simpatya at suporta ang Maute group sa mga foreign terrorist.

Dahil dito, pinayuhan ng kongresista ang Bureau of Immigration (BI) at Philippine Coast Guard (PCG) na pag-ibayuhin pa ang pagbabantay sa mga entry points ng bansa upang matiyak na hindi makapasok ang mga dayuhang terorista at makipagtulungan sa Maute Group.

Sa kabilang dako, hiniwalay sa mga regular inmates sa Bicutan, Taguig, ang nakakulong na si Cayamora Maute, ama ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla, ikinokonsiderang high-profile inmate ang nakatatandang Maute kaya ibinukod ang selda nito.

Ang dahilan aniya ng paglipat sa Maynila ng Maute patriarch ay para matiyak ang seguridad nito. Aniya, abala ang puwersa ng militar sa Mindanao sa pagpapatupad ng Martial law kaya hindi mapagtuunan ang seguridad ng mga ito at minabuting dalhin ito sa Maynila.

Pinawi naman ni Padilla ang pangamba ng ilan na baka magkaisa ang mga nakakulong na mga rebelde sa Bicutan at maghasik sila ng karahasan. BOBBY TICZON

Ikalawang tax case hearing ng Mighty Corp., sinimulan na

$
0
0

INUMPISAHAN na ng Department of Justice (DoJ) panel of prosecutors ang pagdinig sa ikalawang reklamong inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa cigarette company na Mighty Corporation.

Ang ikalawang kaso ay may tax evasion na nagkakahalaga ng P26.93-bilyon kasunod ng pagsalakay ng awtoridad sa bodega ng kumpanya sa San Ildefonso, Bulacan.

Sa pagdinig ay dumalong muli kasama ang kanyang abogadong si Atty. Abraham Espejo at ang kontrobersyal na negosyanteng si Alexander Wongchuking, may-ari ng Mighty Corp.

Depensa ni Espejo, iligal ang ginawang paghalughog ng Bureau of Customs (BoC) sa warehouse ng Mighty Corp. sa Bulacan. Dahil iligal ang proseso sa ginawang raid, anoman ang mga nasamsam mula sa operasyon ay hindi maaaring tanggapin bilang ebidensya.

Iginiit pa ni Espejo na posibleng manufactured o imbento lamang ang mga nasamsam na ebidensya.

Hiniling din ng kampo ni Espejo na pagsama-samahin ang tatlong tax evasion case na kinakaharap ng Mighty Corp.

Nag-ugat ang mga reklamong tax evasion laban sa nasabing kumpanya dahil sa hindi umano nabayarang excise tax sa mga produkto nitong sigarilyo.

Sa ngayon, aabot na sa P37.88-bilyon ang utang na buwis ng kumpanya sa pamahalaan.

Sa pagdinig noong nakaraang buwan sa unang kaso ay submitted for resolution na ang P9.56-billion tax evasion case laban sa kumpanya na nag-ugat sa pagsalakay ng BoC sa kanilang bodega sa San Isidro, Pampanga kung saan nasamsam ang bilyong pisong halaga ng sigarilyo na may pekeng tax stamps.

May ikatlong kaso pa ang Mighty na P1.39-billion tax evasion complaint laban na nag-ugat sa raid sa kanilang bodega sa General Santos City noong Marso 24. BOBBY TICZON

Bebot itinumba sa pisonet

$
0
0

TUMBA ang isang 25-anyos na babae makaraang pagbabarilin ng mga nakamaskarang salarin habang nakaupo sa harap ng pisonet sa Caloocan City kagabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo ang biktimang si Ruby Ann Obani, single, ng Blk. 4, Pamasawata, Dagat-Dagatan, Brgy. 28 ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ni Randy Pabili, pinsan ng pinaslang, dakong 10:30 kagabi, naglalakad siya sa Kumpol St. pauwi nang makita niya ang biktima na nanonood ng video clip sa pisonet sa tapat ng isang bahay.

Hindi pa man umano siya nakalalayo ay nakarinig na siya ng dalawang putok at nang kanyang lingunin ay nakita na niya ang biktimang duguang nakahandusay.

Nakita rin umano nito ang mga salarin na kapwa may suot na maskara at mabilis na tumatakbo palayo sa pinangyarihan ng insidente.

Agad na isinugod ng mga kaanak ang biktima sa nasabing pagamutan kung saan ito idineklarang dead-on-arrival.

Masusing inaalam ngayon ng mga awtoridad kung may kinalaman sa droga ang motibo ng pamamaslang. RENE MANAHAN

Constitutional crisis, ibinabala ni Alvarez

$
0
0

NAGBABALA si House Speaker Pantaleon Alvarez na posibleng magkaroon ng krisis sa konstitusyon bilang resulta ng mga petisyong inihain sa Supreme Court (SC) upang atasan nito ang Kongreso na magsagawa ng joint session para sa deklarasyon ng Martial law sa Mindanao.

Giit ni Alvarez, hindi maaaring diktahan ng SC ang Kongreso dahil ito’y co-equal body.

“How can the Supreme Court dictate Congress what to do? Co-equal body yan. O, mag-issue ng direktiba ang Supreme Court telling Congress, dictating Congress na mag convene kayo ng joint session, punitin ko yan,” ani Alvarez sa isang ambush interview.

Ang hindi aniya batid ng mga petitioners na pinag-aaway lamang ng mga ito ang Kongreso at ang Supreme Court.

“Eh, talagang magkakaroon ng constitutional crisis. At hindi namin kasalanan ‘yun,” ani Alvarez na kabilang sa mga respondents sa petisyon sa Supreme Court.

Ipinaliwanag ng speaker na ipinasa na niya sa Office ng Solicitor General ang posisyon ng Kamara na nagsasabing walang jurisdiction ang Supreme Court sa nasabing isyu.

Labis na ipinagtataka ni Alvarez kung bakit ipinagpipilitan ng mga petitioners ang joint session ng Kongreso upang talakayin ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Martial law sa Mindanao kasunod ng Marawi City siege.

“Ngayon mag-convene ka ng joint session, anong pag-uusapan natin? Alam na natin kung anong decision,” ayon kay Alvarez.

Grandstanding lamang aniya ang posibleng hanap ng mga petitioners upang maikalat ang kanilang political interests.

“Basta kami hindi kami susunod kung anong sabihin ng Supreme Court diyan dahil wala silang karapatan para diktahan ang Kongreso kung anong dapat naming gawin,” ani Alvarez. MELIZA MALUNTAG

Tulong ng NPA sa Marawi, inisnab ng DND

$
0
0

BINALEWALA ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang alok ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa ideya ng pagtulong ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mga sundalo sa pagsupil ng terorismo sa Marawi City.

Ayon kay Lorenzana, ang dahilan kung bakit hindi nila maaring matanggap ang tulong ng NPA ay dahil terorista rin ang turing nila sa mga ito.

Bukod sa NPA, una na ring nag-alok ang mga grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) ng tulong para magdagdag ng puwersa sa pamahalaan laban sa mga terorista sa Lanao del Sur.

Dagdag pa ni Lorenzana, kung pupunta sa kanila ang mga ito dala ang kanilang mga armas, pasusukuin lang nila ang mga ito tulad ng mga dati na nilang panawagan, dahil hindi naman maaring makialam ang mga rebelde sa sitwasyon.

Aniya pa, isa lang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at isa rin lang ang Philippine National Police (PNP) ng bansa kaya hindi maaari ang gusto ng NPA.

Maari lamang aniyang makialam ang mga ito oras na makapag-integrate na sila sa militar. JOHNNY ARASGA

Engineer na nangangalap ng mga terorista, nasakote

$
0
0

NASAKOTE ang isang engineer na nagtatrabaho sa Cotabato City engineering’s office dahil sa umano’y pagiging recruiter ng mga terorista para sa mga Islamic State-inspired na mga grupong Ansar Al-Khilafa Philippines (AKP), Maute Group at Abu Sayyaf Group.

Nasukol ng mga awtoridad si Nasser Dilangalen kahapon, matapos masagip ng mga pulis ang limang recruits ng Maute Group habang gumagayak na bago tumungo sa Marawi City.

Ayon sa isang pulis na nakiusap na huwag nang magpakilala, kabilang ang suspek sa isang malaking pamilya ng Moro sa Maguindanao, at isa sa mga pangunahing recruiter ng Maute, Abu Sayyaf Group at AKP.

Noong Miyerkules, nadakip sa Parang, Maguindanao ang limang menor-de-edad na umaming na-recruit ng Maute Group sa Marawi City.

Ayon kay C/Insp. Erwin Tabora, hepe ng Parang Municipal Police Station, tinimbrehan sila ng mga kaanak ng mga teenagers na balak ng mga itong tumungo sa Marawi City, kaya agad silang rumesponde.

Ayon pa kay Tabora, ni-recruit sila ng isang dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) pero ngayon ay konektado na sa Maute.

Pinangakuan umano sila ng malaking pera basta’t tutungo sila sa Marawi pagdating ng June 15.

Isa sa mga kabataan ang nagsabing bibigyan sila ng P100,000 na iiwan nila sa kanilang mga magulang, at buwanang allowance na P25,000 bilang jihadist. JOHNNY ARASGA


Higit P2M halaga ng droga, nasabat sa Taguig

$
0
0

TIMBOG ang dalawa katao sa ikinasang buy-bust operation sa isang high-end na condominium sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig.

Kinilala ang mga suspek na sina Joseph Bayquen, Jr. na subject ng search warrant, at isang babae na si Maria Sofia Gloria Mustonen.

Ayon kay PDEA Deputy Director General for Operation Ricardo Quinto, sinalakay nila ang condominium unit ni Baywuen sa McKinley Parkway Avenue sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte.

Narekober sa mga suspek iba’t ibang uri ng iligal na droga, kabilang ang mahigit 200 gramo ng hinihinalang shabu, cocaine, ecstacy, mga drug paraphernalia, at dalawang baril.

Ayon kay Quinto, aabot sa mahigit P2-milyong halaga ng droga ang nasabat.

Sinasabing supplier ng party drugs sa mga bar sa BGC ang suspek, at nagbebenta rin ng droga sa mga call center agents.

Todo-tanggi naman ang suspek na nagbebenta siya ng droga, pero aminado itong gumagamit siya.

Samantala, kinukumpirma pa naman ng PDEA kung ang naarestong babae ay ang Binibining Pilipinas 2013 Candidate, matapos magtugma ang pangalan nito mula sa nakuhang driver’s license. JOHNNY ARASGA

Ina ng Maute brothers, timbog sa Lanao del Sur

$
0
0

NAARESTO na rin ang ina ng Maute brothers sa Masiu, Lanao del Sur.

Ito’y base mismo sa impormasyon mula kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Regional Director Reuben Theodore Sindac.

Maliban kay Omenta Romato Maute alyas “Farhana,” timbog din ang dalawang iba pang sugatang miyembro ng Maute Group.

Si Farhana Maute ang ina ng magkapatid na sina Omar Romato Maute at Abdullah Romato Maute, lider ng teroristang grupong Maute Group na nakakasagupaan ng mga sundalo sa Marawi City.

Sinasabing na may pitong iba pang hindi pa kilalang mga babae kasama nina Farhana Maute ang inaresto.

Nagtago sa Brgy. Dayawan, Masiu, Lanao del Sur ang grupo ni Farhana Maute, kung saan bumili muna ito ng sasakyan at mga baril bago sana tumakas.

Paalis na ang grupo nila sakay ng gray na Revo nang matiklo sa Brgy. Kormatan, Masiu.

Narekober sa grupo ang ilang matataas na kalibre ng mga baril at mga improvised explosive device.

Nauna nang naaresto ang tatay ng Maute brothers na si Cayamora sa Tor, Davao City noong nakaraang araw, at ngayon ay nasa Camp Bagong Diwa na sa Taguig City. JOHNNY ARASGA

Teller tinarakan sa selos, patay

$
0
0

PATAY ang isang lotto outlet teller matapos na pagsasaksakin ng kanyang ka-live-in dahil sa selos sa Brgy. San Joaquin, Palo, Leyte.

Kinilala ang biktimang si Rutchele Dacillo Campo, 23, ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, napag-alamang nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang suspek na si James Baguio Alonzo bago niya pagsasaksakin ito.

Nadala pa ang biktima sa Leyte Provincial Hospital pero hindi na rin ito naisalba pa.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Palo Police Station ang naturang suspek at nahaharap sa kasong murder. -30-

5 tepok sa lumubog na bangka sa Romblon

$
0
0

TEPOK ang limang katao makaraang lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Romblon.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), galing Sibuyan Island ang MB Alan Express 2 at patungo sana ng Romblon Port nang tumaob ito dahil sa malakas na alon.

Nailigtas naman ng PCG sa naturang insidente ang 44 na pasahero ng lumubog na bangka.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng naturang aksidente sa dagat. JOHNNY ARASGA

Sarangani inuga ng 5.2 magnitude na lindol

$
0
0

INUGA ng magnitude 5.2 na lindol ang Sarangani kagabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang pagyanig alas-8:85 kagabi kung saan natukoy ang sentro nito sa layong 38 kilometro hilaga ng Sarangani.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 22 kilometro.

Sa lakas ng pagyanig, naramdaman ang intensity 3 sa Sarangani at Davao Occidental habang intensity 2 naman sa General Santos City at Glan.

Ipinabatid ng Phivolcs na asahan ang aftershocks ngunit wala naman itong idudulot na anomang pinsala. -30-

Dating Abra Vice Gov. Rolando Somera, itinumba sa Marikina

$
0
0

TUMBA ang dating vice governor ng probinsya ng Abra matapos tambangan sa Munding Ave., malapit sa San Roque Cockpit Arena na sakop ng Brgy. San Roque sa Marikina City.

Batay sa imbestigasyon, pasado 1:00 ng madaling-araw nang lumabas ng sabungan ang biktima na kinilalang si dating Abra Vice Gov. Rolando Somera, 62, ng Cainta, Rizal.

Sa kuha ng CCTV ng Brgy. San Roque, hindi pa man tuluyang nakakalayo ang biktima sa sabungan, may isang lalaking may takip sa mukha ang sumalubong sa biktima at binaril siya nang harapan.

Makikita rin sa CCTV footage na pagkatapos ng pamamaril agad na tumakbo ang suspek.

Sa pangalawang kuha ng CCTV, makikita na dalawa na ang tumatakbong suspek at sumakay sa isang kulay green na kotse.

Samantala, sugatan naman ang isang kasama nito na nagtamo ng tama ng bala sa tiyan na agad sinugod sa pinakamalapit na ospital. JOHNNY ARASGA

3 tulak dakip sa drug ops

$
0
0

SWAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug suspek makaraang madakip ng mga pulis sa isang drug buy-bust operation sa Proj. 4, Quezon City kaninang madaling-araw, Hunyo 10.

Kinilala ni P/Supt. Ariel Capocao, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) station 8-Proj. 4, ang mga nadakip na sina Matthew Galvez, alyas “Matt”, 24, ng 122 Legaspi St., Brgy. Marilag, Proj. 4; Romeo JR Mafe, 32, binata, ng 68B Palosapis St., Brgy. Amihan, Proj.3, QC; at Glen Bumanlag, 40, jeepney driver, ng 66 J.P. Rizal St., Brgy. Marilag, Proj. 4.

Ssa ulat, nadakip ang mga suspek dakong 1:00 ng madaling-araw sa kahabaan ng J.P. Rizal St., malapit sa kanto ng A. Luna St., Brgy. Marilag, Proj. 4.

Nakatanggap umano sila ng impormasyon mula sa isang impormante hinggil sa pagbebenta ng iligal na droga ng mga suspek kaya agad silang nagsagawa ng operasyon.

Isang poseur buyer ang bumili ng droga sa suspek sa halagang P200.00 at matapos iabot ang droga agad ay agad dinakip ang mga suspek.

Kasalukuyan nang nakapiit sa naturang presinto ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng R.A. 9165 na mas kilala sa kasong Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. SANTI CELARIO


Mga Badjao, Mangyan dadamputin sa Maynila

$
0
0

MAHIGPIT na ipinag-utos ngayon ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang pagsasagawa ng foot at mobile patrols sa kahabaan ng Roxas Blvd. at iba pang pangunahing kalsada sa lungsod upang itaboy ang mga nagkalat na street dwellers.

Nilinaw ito ni Estrada na hindi ito crackdown kundi “rescue mission” sa mga taong-kalyeng palaging nasa panganib.

Inatasan na ni Estrada si Manila Department of Social Welfare (MDSW) chief Nanet Tanyag na bumuo ng mga grupo na magpapatrolya sa Roxas Blvd., Kalaw St., P. Burgos St., Taft Avenue, Lawton, at iba pang lugar sa tourist belt.

Ayon kay Estrada, bumalik-balik lang mga street dwellers na ito kapag walang mga awtoridad.

Dagdag pa rito ang mga Badjao, Mangyan at ibang miyembro ng tribo na nanghihingi ng limos sa lungsod.

Nitong Abril lang ay umabot sa 643 street dwellers ang na-rescue ng MDSW. Mula Enero naman ay nakakuha sila ng kabuuang 2,075 na taong-kalye, karamihan dito ay mga hindi taga-Maynila.

Nitong Pebrero lang ay nilabas ni Estrada ang Executive Order No. 10 na nag-aatas sa MDSW at iba pang departamento ng city hall na magsagawa ng malawakang rescue operation sa mga taong-lansangan upang makamit ng pamahalaang lungsod ang hangarin nitong “zero street dweller in the City of Manila.”

Ang nagiging problema natin lang kaya madami pa rin ang street dwellers ay dahil du’n sa mga hindi naman taga-Maynila, mga galing ‘yun sa ibang LGUs meron pang from as far as Cavite,” ani Tanyag.

Aniya pa, tinurn-over nila ang mga street dwellers na ito sa Manila Boystown Complex sa Marikina City na pinamamahalaan ng lungsod kung saan ang mga bata ay pag-aaralin sa Fugoso Integrated School na nagbibigay ng Alternative Learning System (ALS).

Ang mga nasa hustong edad naman ay sasailalim sa iba’t ibang development activities tulad ng skills and livelihood trainings at basic business management courses.

Sa kanilang paglabas ay maaari rin silang i-refer sa Public Employment Service Office (PESO) upang magkaroon sila ng hanapbuhay, dagdag pa ni Tanyag. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

PNP convoy inambus, 4 sakay na miyembro ng Maute lagas

$
0
0

IMBES mga kalaban, apat na miyembro ng Maute Group ang nalagas nang ambusin ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang isang convoy ng Philippine National Police (PNP) na sakay ang mga terorista sa Lanao del Norte nitong Biyernes ng gabi.

Isinugod pa ang apat na presong terorista na nakilalang sina Julkipli Maute alyas Jar Maute, aka Abu Basher; Aka Hadji Sulayman; Alan Sulayman at Ala Saba ngunit hindi na umabot nang buhay sa pagamutan.

Sugatan din sa nasabing insidente ang isang opisyal ng PNP na nakilalang si P/C Insp. William Santos ng CIDG na tinamaan sa hita habang ang tatlo pang ibang pulis na nasugatan ay hindi na nakuha ang mga pangalan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 6 p.m. sa boundary ng Baloi at Pantar.

Bago ito, sakay ng isa sa mga convoy ng limang mobile police units ng Regional Public Safety Battalion ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kasama ang regional Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang mga nahuling mga terorista noong nakaarang Biyernes para i-inquest sila sa korte sa Cagayan de Oro City,

Pagsapit sa lugar, inambus ng mga pinaniniwalaang mga miyembro rin ng Maute group na planong sagipin ang kanilang nabihag na mga kasamahan.

Naaresto ang mga nasabing terorista kasama ang Maute matriarch na si Cayamora Maute na may malaking ugnayan sa international terrorists group. BOBBY TICZON

2 tulak patay sa shootout, lider nakatakas

$
0
0

DEDBOL ang dalawang hinihinalang drug pusher habang nakatakas naman ang lider ng mga ito matapos makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang operation sa Sabado ng gabi, June 10, sa Navotas City.

Ayon sa ulat, Sabado ng gabi nang magsagawa ng operation ang pulisya kontra kay Jojo Aswang, umano’y nagmimintina ng drug group sa lungsod sa kanyang hideout sa Market 3, Brgy. North Bay Bouleverd North (NBBN).

Natunugan ng grupo ni Aswang ang mga operatiba kaya agad nitong pinaputukan ang mga pulis at napilitan naman ang mga ito na gumanti ng mga putok sa mga suspek.

Tinamaan ng bala ang sinasabing dalawang miyembro ng Aswang group na nakilalang sina Emilio Rosi, Jr., 25, at Junmar Abletes, 27, na naging dahilan ng kanilang kamatayan habang nagawa namang makatakas ni Aswang habang nagaganap ang putukan.

Si Aswang ang sinasabing top drug suspect sa lungsod habang narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang kalibre .38 revolver. ROGER PANIZAL

Batangas nilindol

$
0
0

INUGA ng 2.9 magnitude na lindol ang Batangas kaninang umaga Hunyo 11, Linggo.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang intensity 3 na pagyanig sa Mabini, Batangas, Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Habang naitala naman ang intensity 2 na lindol sa Puerto Galera, Oriental Mindoro, Bauan, Batangas,

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang pagyanig dakong 10:29 ng umaga at ang location ay 83° silangan ng Tingloy, Batangas.

Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim ng pagyanig ay 007 kilometro.

Wala naman iniulat na napinsala o inaahang aftershock sa naturang pagyanig. SANTI CELARIO

Duterte out, Robredo in sa Independence Day rites

$
0
0

DAHIL hindi nakadalo sa seremonya sa 119th anniversary rites ng Philippine Independence Day sa Luneta nitong Lunes ng umaga si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa puyat, si Vice President Leni Robredo ang nanguna sa naturang seremonya.

Nagsilbing kinatawan naman ni Duterte sa naturang okasyon si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayatano.

“You know the President has been working 24/7, meeting the troops, meeting the commanders, and then late last night, visiting the wounded and mga namatay. So that’s why this morning, he didn’t feel that well,” pahayag ni Cayetano na katuwang ni Robredo sa flag-raising ceremonies sa Luneta.

“Puyat na puyat at pagod,” dagdag ng kalihim.

Tiniyak naman ni Cayetano na walang dapat ipangamba sa pangulo at kailangan lang nitong makapagpahinga dahil marami pang mga kailangan gawin ngayong buong araw ng Lunes.

“Nothing to worry about, but it’s better for him to rest muna this morning kasi as you know the target was to liberate Marawi today, June 12.”

Dumalo sa pagtitipon sa Luneta sina Executive Sec. Salvador Medialdea, Defense Sec. Delfin Lorenzana, National Historical Commission of the Philippines chairman Rene Escalante, at Manila Mayor at dating Pangulong Joseph Estrada.

Nakita rin sa Rizal Park sina Socio-economic Planning Sec. Ernesto Pernia, Trade Sec. Ramon Lopez, Tourism Promotions Board chief operating officer Cesar Montano, at mga kinatawan ng diplomatic corps na sina United States Ambassador Sung Kim at Russian Ambassador Igor Khovaev.

Una rito, inanunsyo rin ng Malacañang ang pagkansela sa tradisyunal na Independence Day Vin d’Honneur para matutukan ng pangulo ang sitwasyon sa Mindanao, partikular ang mga nangyayari sa Marawi City. BOBBY TICZON

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>