PITONG hinihinalang drug personalities, kasama aang isang babae ang naaresto ng mga tauhan ng anti-illegal drug operation kagabi, Lunes, Navotas City.
Kinilala ni Navotas deputy police chief for administration Supt. Bernabe Embile ang mga suspek na sina Marlon Sulon, 20, drug pusher, ng Pandi, Bulacan; Linda Ojinar alyas “Madonna”, 51; Raquel Alfaro alyas “Monay”, 24, pawang taga-Dagat-Dagatan, Brgy, NBBS, Navotas; Josephine Majait alyas “Manok”, 29, ng Tondo, Manila; John Lee Empalina, 29; Joel Morales, 27; at Raymond Mirabel, 29, pawang taga-Navotas Fish Port Cmpd., Brgy. NBBN.
Sa ulat ng Navotas City Police Drug Enforcement Unit, isinailalim nila sa surveillance operation ang Market 3, Brgy. North Bay Boulevard North pasado alas-6:30 kung saan namataan nila si Sulon sa aktong nagbebenta ng droga kay Morales, Empalina at Mirabel.
Agad nilang sinunggaban ang mga suspek kung saan kanila ring naaresto sina Ojinar, Majait at Alfaro na nasa aktong nagpa-pot session sa loob ng sinasabing drug den.
Narekober sa mga suspek ang anim na sachet ng shabu at iba pang nakabukas na sachet at mga drug paraphernalia.
Nakapiit na ngayon ang mga suspek sa Navotas detention center at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002. ROGER PANIZAL