Suplay ng tubig, ilaw sa pabahay sa Davao, tiniyak
Roxas Boulevard sarado bukas
ISASARA bukas ,May 20 ang ilang bahagi ng Southbound lane ng Roxas Boulevard para sa gaganaping funrun ng Philippine Navy sa kanilang ika 199th anniversary.
Sa inilabas na traffic advisory ng MPD Traffic Bureau, sarado sa mga motorista ang Southbound ng Roxas Blvd mula TM Kalaw hanggang P. Ocampo St. pagpatak ng alas-3 ng hapon.
Pinayuhan naman ang mga sasakyan na manggagaling sa Bonifacio Drive na kumaliwa na lamang sa P. Burgos papunta sa destinasyon.
Habang ang mga sasakyang mula sa Jones bridge, McArthur at Quezon bridge ay sa Taft Avenue na lamang dadaan.
Sa mga magmumula sa westbound lane ng P. Burgos Ave, kumanan sa Bonifacio Drive o mag u –turn sa eastbound lane ng P. Burgos.
Gayundin ang mga manggagaling sa westbound ng TM Kalaw, kumaliwa sa MH Del Pilar St. Pinapayuhan naman ang mga magmumula sa westbound ng UN Ave na kumaliwa sa MH Del Pilar st o dumaan sa Roxas blvd Service Road.
Samantala ang mga motoristang manggagaling sa Westbound lane ng Pres Quirino Ave, kumaliwa sa Adriatico St. patungo sa destinasyon. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
5 Korean dinampot ng NBI dahil sa Illegal Gambling
LIMANG Korean national ang dinakip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pag-ooperate ng illegal na online gambling sa Valle Verde, Pasig City.
Isinagawa ng NBI-Cybercrime Division kasama ang Pasig Police ang operasyon sa bisa ng search warrant kung saan inabutan ang mga suspek na sina:
CHEONJI KIM
ILHWAN YANG
WONSUP YANG
JEONG HYEOK KIM
MOON KYU KANG.
Ang mga nabanggit na dayuhan ay nag-ooperate umano ng online sports betting, sports toto, at online casino.
Nagagamit umano ng mga suspek ang ganitong modus sa money laundering.
Madalas na sa mga exclusive subdivision nila ito isinasagawa upang makapagtago sa law enforcement agencies ng pamahalaan.
Nahaharap sa paglabag sa Republic Act 10175 o cybercrime prevention act of 2012 ang mga banyaga at posibleng makulong ng hanggang sa labindalawang taon kapag napatunayang nag-kasala. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
Meeting ni P. Duterte at Russian President Putin, kasado na
VMMC nakitaan ng paglabag sa RA 9153
3 karnaper, 2 riding-in-tandem utas sa shootout
10 bandido lagas sa bakbakan sa Sulatan Kudarat
SAMPUNG pinaniniwalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang nalagas samantalang walo naman ang sugatan sa bakbakan na naganap sa bayan ng Isulan sa Sulatan Kudarat.
Sa ulat ni 33rd Infantry Battalion Commander Lt. Col. Harold Cabunoc, nagpapatrulya umano ang kanyang mga tauhan sa Barangay Bual sa bayan ng Isulan ng bigla silang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan.
Kaagad na gumanti ng putok ang mga sundalo na nagresulta sa kamatayan ng sampung suspek at pagkasugat ng walong iba pa sa kanilang mga kasamahan.
Arestado rin ang sinasabing isa sa mga lider ng grupo na si Abdul Magid Logioman alyas Black Moro.
Isang miyembro naman ng Division Recon Company ang sugatan na kinilalang si Sgt. David Desiderio.
Bago ang naganap na barilan ay nakatanggang ng tip ang grupo ni Cabunoc kaugnay sa pag-iikot ng ilang mga armadong kalalakihan sa Barangay Bual. JOHNNY ARASGA
Ginebra pinadapa ng Rain or Shine
PINADAPA ng Rain or Shine ang Barangay Ginebra sa score na 118-112 sa kanilang bakbakan sa PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome noong Biyernes ng gabi.
Kumamada si James Yap ng 15 points habang nagdagdag si Duke Crews ng 28 points at 19 points naman mula kay Jericho Cruz sa panalo ng Elasto Painters.
Pagsapit ng ika-apat na quarter ay inabot ng tatlong minuto ang Rain or Shine bago nahabol ang sampung (10) puntos na kalamangan ng Ginebra at naipanalo ito sa dulo ng laro.
Samantala, naging maganda naman ang pagbabalik ni June Mar Fajardo sa San Miguel matapos ilampaso ng Beermen ang NLEX Road Warriors sa score na 114-108. JOHNNY ARASGA
Alyssa Valdez, Mika Reyes paparada sa nat’l volleyball team sa SEA Games
SINA Alyssa Valdez, Mika Reyes at Jovelyn Gonzaga ang mangunguna sa 18-woman Philippine volleyball lineup na sasabak sa 29th Southeast Asian Games (SEA Games) na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto.
Ang line-up ng national squad ay inanunsiyo ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) president Joey Romasanta, vice president Peter Cayco at head coach Francis Vicente.
Ang iba pang miyembro ng powerhouse team ay sina Rachel Anne Daquis, Jaja Santiago, Denden Lazaro, Aiza Maizo-Pontillas, Maika Ortiz, Rhea Dimaculangan, Aby Maraño, ang La Salle stars na sina Dawn Macandili at Kim Fajardo, at sina Gen Casugod, Frances Molina, Roselle Baliton, Kath Arado, Ria Meneses at Lourdes Clemente.
Sina Daquis, Santiago, Lazaro, Maizo-Pontillas, Ortiz, Dimaculangan at Maraño ay pawang mga miyembro rin ng Philippine SEAG team, dalawang taon na ang nakararaan.
Si Reyes ang tatayong team captain. BOBBY TICZON
CPP chair Joma Sison, may bone marrow disease – Pang. Duterte
IBINULGAR ni Pangulong Rodrigo Duterte na malubha na ang sakit ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison.
Ayon sa Pangulo, mayroong rare bone marrow disease si Sison kaya’t ito aniya ang dahilan kaya’t nais niyang makauwi na sa Pilipinas.
Tiniyak ng Pangulo kay Sison ang kaligtasan at kalayaan nito dito sa bansa.
Kasabay nito ay aakuin din ng Pangulo ang bayad sa pagpapa-ospital dito sa bansa ni Sison.
Matatandaang Enero ng na-ospital sa Oslo , Norway si Sison kung saan ay hindi na ito nakadalo sa closing ng 3rd round ng peacetalks sa Rome, Italy.
Taong 1986 nang mag-exile sa the Netherlands si Sison.
Samantala hindi ititigil ng gobyerno ang military operations laban sa NPA o New People’s Army hangga’t hindi pumipirma sa bilateral ceasefire si CPP Founding Chairman Jose Maria Sison.
Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos pangunahan ang groundbreaking ceremony ng isang housing project sa Davao City.
Sinabi ng Pangulo na may problema sa hanay ng NPA kaya’t malaking hamon ang pakikipag-usap sa mga ito sa negotiating table.
Ayon sa Pangulo, inamin sa kanya ng ilang communist leader sa isang dinner sa Malakanyang na hindi nila kontrolado ang kanilang field commander kaya’t sa kabila ng peace talks ay may nagaganap pa ring mga bakbakan.
Bunsod nito, sinabi ng Pangulo na hangga’t hindi narerendahan ng kilusang komunista ang kanilang mga tauhan ay tuloy-tuloy ang opensiba laban sa mga ito.JOHNNY ARASGA
Bohol province, nilindol
TUMAMA ang magnitude 5.6 na lindol sa Bohol province kaninang Sabado ng umaga, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang lindol ay naramdaman dakong 9:06 a.m, na ang epicenter ay nasa 28 kilometers southwest ng Lila, Bohol at may lalim na 551 kms.
Sinabi ng Phivolcs na tectonic in origin ang lindol at tumama sa karagatan ng naturang lugar.
Samantala, naramdaman ang Intensity 1 sa Catbalogan, Samar at sa Borongan, Eastern Samar.
May aasahan pa umanong mga aftershock ang lindol.
Mas malakas naman ang tyansa ng United States Geological Survey dahil nasukat nila ang lindol sa magnitude 5.9, at ang epicenter nito ay 33 kilometers mula sa Tagbilaran City.
Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang naitatalang danyos sa paglindol. BOBBY TICZON
PNP huhuli sa ‘smoking ban violators’
MISMONG mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang naatasang manghuli sa mga smoking ban violators sa buong bansa.
Ito ang nakasaad sa probisyon ng Executive Order 26 na hindi lang ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar ang dapat na hulihin.
Saklaw din sa dagdag-responsibilidad ng mga pulis ang tutukan ang mga establisyimento, mga retailer store at maging mga kilalang ‘takatak boys’ na magbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad.
Maliban sa mga kagawad ng PNP, binibigyan din ng direktiba ang Task Force Smoke-Free ng bawat munisipalidad at lungsod na ipatupad ang naturang EO.
Batay sa probisyon ng Republic Act 9211, multang P5,000 o pagkakulong ng hindi hihigit sa 30-araw ang magiging parusa sa sinomang lalabag sa nilagdaang executive order. BOBBY TICZON
De Lima, duda sa pagpapalaya kay Lt. Col. Marcelino
MALAKI ang pagdududa ni Sen. Leila de Lima na may kinalaman sa kanya ang pag-atras ng Department of Justice (DOJ) sa kaso laban kay Lt. Col. Ferdinand Marcelino.
Tinawag pa ni De Lima ang nasabing desisyon ng DOJ na “walanghiya” dahil naniniwala siyang ang kalayaan ni Marcelino ay kapalit ng kanyang testimonya.
Ayon kay De Lima, halata namang nagkaroon ng kasunduan na para palayain si Marcelino, kailangan nitong magbigay ng testimonya laban sa kanya.
Dismayado naman ang senadora dahil ang akala niya’y isang taong may dangal at integridad si Marcelino.
Kung hindi man aniya malaki ang inalok kay Marcelino kaya hindi ito natanggihan, malamang aniya na tinakot ito para tumestigo. -30-
2 bus terminal, ipinasasara ng MMDA
INIREKOMENDA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapasara sa dalawang bus terminal sa Quezon City dahil sa palyado nitong mga pasilidad.
Sa kanyang liham sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), inireklamo ni MMDA general manager Tim Orbos ang terminals ng Roro Bus Transport Services, Inc. sa South Road, at Dimple Star Transport sa Main Avenue na parehong nasa Brgy. Bagong Lipinan ng Crame.
Ayon kay Orbos, bigo ang parehong terminal na makapagbigay ng basic conveniences para sa mga pasaherong nag-aabang na makasakay.
Wala aniyang mga maayos na upuan, konkretong sahig at maayos na bubong ang mga nasabing terminal.
Muli namang binanggit ni Orbos na sa tuwing nag-iinspeksyon sila, hindi lang ang pagsunod sa mga polisiya ang kanilang tinitingnan kundi pati ang pisikal na kondisyon ng mga terminal.
Nilinaw naman ni Orbos na ang pagpapasara sa mga bus terminal ay pansamantala lamang hanggang sa makasunod na ang mga operator nila sa mga rekisito ng LTFRB.
Babala pa ni Orbos, gagawin din nila ang ganitong hakbang sa iba pang mga pasaway at abusadong terminal operator sa mga susunod na araw. JOHNNY ARASGA
Singil sa kuyente ng Meralco, sasadsad ngayong buwa
MAKAKALTASAN ang singil ng Meralco sa elektrisidad ngayong buwan ng Mayo.
Batay sa anunsyo ng Meralco, P0.29 kada kilowatt hour na ang magiging diskwento bunsod ng patuloy na pagbaba ng generation charge.
Dahil dito, tinatayang nasa P9.60 kada kilowatt hour na ang overall rate na mas mababasa sa P9.89 kada kilowatt hour na singil noong nakaraang buwan.
Tinatayang nasa P58.00 ang ibababa sa bill ng mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour. -30-
P17.5M halaga ng shabu, narekober sa mall sa Taguig
NAREKOBER ng pinagsanib na puwersa ng PNP Drug Enforcement Group at Taguig City Police ang tatlo’t kalahating kilo ng shabu sa isang abandonadong kotse sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig.
Ayon kay P/Supt. Reynaldo Ramos, hepe ng Special Operations Unit ng PNP-Drug Enforcement Group, kahapon pa nila binabantayan ang Mitsubishi Lancer na may plakang UAP-625.
Ala-1:42 kahapon nang mag-park ang sasakyan sa open parking space ng Market! Market! Mall.
Inikutan ng K-9 unit ang paligid ng sasakyan at matapos ang ilang minuto ay inupuan ito dahilan para inspeksyunin ng mga awtoridad.
Hindi rin umano naka-lock ang isang pinto ng sasakyan, kaya mabilis itong nausisa ng mga pulis.
Dito na tumambad sa kanila ang apat na malalaking bulto ng hinihinalang shabu na nakasilid sa mga puting kahon.
Ayon kay Ramos, hindi bababa sa P17.5-million ang halaga ng narekober na iligal na droga.
Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga awtoridad upang matukoy kung sino ang driver ng inabandonang sasakyan. JOHNNY ARASGA
P24-B pondo hihilingin ng TESDA
SSS, nagbukas ng mas malaking mga opisina sa ilalim ng bagong pamunuan
LPA binabantayan sa Batanes
ISANG low pressure area (LPA) ang namataan ng PAGASA sa hilagang bahagi ng Pilipinas.
Sa pinakahuling update ng weather bureau, namataan ang sentro ng LPA sa layong 365 kilometro ang layo sa silangan ng Basco, Batanes.
Dahil dito, asahan ang pag-ulan sa Ilocos region, Cagayan Valley, Cordillera at Central Luzon ngayong Lunes.
Makararanas naman ng isolated rainshowers o thunderstorms ang ilang bahagi ng bansa sa hapon o gabi.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi ang iiral rin sa Kamaynilaan. -30-
Salpukan ng motor at trak, 3 binatilyo tepok sa Leyte
TEPOK ang tatlong teenager makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang 10-wheeler truck sa bayan ng Kananga, Leyte.
Kinilala ang mga namatay na sina James Kenneth Costillos, 18, driver ng nabanggang motor, at mga angkas nitong sina Ervin Albis, 19, at Felipe Tapar, 18.
Sa imbestigasyon, lulan ng motorsiklo ang mga biktima at binabaybay ang national highway ng Brgy. Libungao nang mag-overtake ito sa isang sasakyan.
Gayunman, minalas na sumalpok ito sa kasalubong na trak na minamaneho ni Benjie Jabiles, 21, dahilan upang tumilapon ang mga ito.
Bagama’t nadala pa sa pagamutan ay hindi na rin naisalba pa ang mga biktima.
Inihahanda naman ang kasong reckless imprudence resulting in multpile homicide laban sa driver na si Jabilles. JOHNNY ARASGA