Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

Away sa lupa, tserman inutas

$
0
0

NATIVIDAD, PANGASINAN – Patay ang isang Liga ng Barangay president matapos barilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek habang papasok sa barangay hall sa Natividad sa nasabing lalawigan.

Kinilala ni Natividad police commander P/S Insp. Ernie Cruz ang biktimang si Woody Magaro, barangay chairman ng Burgos sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Cruz na lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo papunta sa barangay hall.

Nang papasok na sa compound ng barangay hall, dito na sumulpot ang suspek na naka-helmet at jacket at dali-daling pinagbabaril ang biktima.

Dead-on-arrival si Magaro dahil sa anim na tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinitingnan ngayon ng Natividad police ang anggulong land dispute habang naglunsad na ng manhunt operation laban sa suspek. ALLAN BERGONIA


War on drugs ni Pang. Duterte, suportado ng EU

$
0
0

HANDANG magbigay ng suporta ang European Union (EU) sa pinaigting na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga sa Pilipinas.

Ayon kay EU Ambassador to the Philippines Franz Jessen, pinag-aaralan na nila ang pagbuo ng isang proyektong tutulong sa mga drug user para hindi na bumalik sa kanilang nakasanayang gawain.

Layunin ng naturang proyekto na ipakita sa mga drug addict ang kahalagahan ng pagiging ‘drug-free’.

Sakaling buo na ang proyekto, unang ipatutupad ito sa mga barangay sa Luzon.

Kung magiging epektibo ay saka ito ipatutupad sa iba pang lugar sa labas ng Luzon.

Sinabi ni Jessen na nakikipag-ugnayan na rin ang EU sa Department of Health (DOH) at sa World Health Organization (WHO) para sa implementasyon ng proyekto. JOHNNY ARASGA

Trust rating ni VP Leni, sumadsad

$
0
0

NABAWASAN ang mga nagtitiwalang Pinoy kay Vice Pres. Leni Robredo ayon sa isinagawang survey.

Ito’y matapos sumisid ang trust rating ni Robredo ng 15 puntos, pero nananatili ito sa “good” category, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Isinagawa ang naturang survey noong March 25 – 28, kung saan mahigit sa kalahati ng mga Pilipino o 55 percent ang nagpahayag ng kanilang “much trust” sa bise-presidente, habang 25 percent ang may “little trust”.

Nagreresulta ito sa net trust rating na +30, na mas mababa sa +45 noong December 2016.

Nasa 20 percent naman sa 1,200 na adult respondents ang hindi nagsabi kung nagtitiwala sila o hindi kay Robredo.

Matatandaang noong June 2016, umabot sa “very good” level na +63 ang trust rating ng bise habang nasa +58 naman ito noong September 2016.

Kasunod nito, ipinaabot ni Robredo ang kanyang pasasalamat sa mga Filipino na patuloy na nagtitiwala sa kanya at sa kanyang pamumuno bilang pangalawang pangulo ng bansa. JOHNNY ARASGA

80 bahay naabo sa boundary ng Pasay at Parañaque

$
0
0

NASA 80 bahay na gawa sa light materials ang tinupok ng apoy sa boundary ng Parañaque at Pasay City kagabi, Miyerkules.

Naapektuhan ng sunog ang mga residente ng Sampaguita Ville, Brgy. 197, Pasay City na sumiklab alas-7:40 ng gabi.

Sa lakas ng apoy, agad na iniakyat sa ikaapat na alarma ang sunog dahilan upang rumesponde ang iba pang mga fire truck mula sa mga kalapit na lugar.

Ayon kay Supt. Carlos Dueñas, fire marshall ng Pasay City, nahirapan rin ang mga bumbero sa pag-apula ng sunog dahil sa makikipot na mga daanan papasok sa lugar.

Naging mapanganib rin para sa mga apektadong residente at maging sa mga bumbero ang mga nakahambalang na linya ng kuryente.

Masuwerte namang walang nasaktan sa insidente ngunit maraming pamilya ang nawalan ng tirahan na pansamantala muna mamamalagi sa covered court ng barangay. -30-

Bangkay ng sumukong adik, natagpuan sa baho

$
0
0

ISANG bangkay ng drug surrenderee ang natagpuang may dalawang tama ng bala sa ulo sa Sitio Marook, Loakan, Itogon, sa lalawigan ng Benguet kahapon, May 10.

Nakilala ang biktimang si Vener Montilla, 42, tubong Masla, Tadian, Mt. Province, ng Alno, La Trinidad, Benguet.

Nakilala si Montilla ng mga kaanak nito dahil sa kanyang suot na dark-blue polo shirt na stripe, blue maong pants, black belt at blue-white na sapatos.

Sa imbestigasyon, huling nakita ang biktima sa diversion road patungong Benguet AgriPinoy Trading Center sa may Kilometer 6.

Sinabi ni P/Supt. Rodrigo Leal, ng PNP-SOCO-Baguio, bago natagpuan ang bangkay Montilla ay nakaamoy muna ang mga motorista ng masangsang na bagay kung kaya’t sinabi nila ito sa pulisya.

Sa paghahanap sa nasabing mabahong amoy, tumambad ang bangkay ng biktima na matagal na umanong patay dahil naaagnas na ito.

Ayon sa pulisya, may limang araw na naroon ang bangkay at sa ngayon nagsasagawa na ng follow-up investigation ang Benguet police. ALLAN BERGONIA

3 binitbit sa Quiapo blast

$
0
0

TATLONG indibidwal ang inimbitahan ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section upang imbestigahan at makapagbigay-linaw sa naganap na pagsabog sa Quiapo, Maynila noong Sabado ng gabi.

Sa panayam kay P/Insp. Rommel Anicete, hepe ng MPD-Homicide Section, dalawang lalaking kapwa Muslim at isang babaeng Kristyano ang kanilang dinala sa headquarters upang mahingan ng salaysay kaugnay sa insidente.

Ang tatlo aniya ay nanunuluyan sa nasabing gusali nang maganap ang pagsabog kaya posibleng may alam ang mga ito sa naturang insidente.

Kinilala ang mga itong sina Christopher de Castro, 38, Christian Bibiano, 22, na pawang nakatira sa Quiapo, at Regina Vadilla, 38, tubong Marilao, Bulacan.

Una nang sinabi ng isang mataas na opisyal ng MPD na isang babaeng Muslim ang nagpadeliber ng bomba sa isang Grab delivery sa Quiapo base sa kuha ng CCTV camera para kay Atty. Nazar Abinal bago ito sumabog.

Matatandaang dalawang pagsabog ang naganap na nag-iwan ng anim na sugatan kabilang ang isang tauhan ng Explosives Ordinance Division (EOD) at SOCO.

Kahapon (Miyerkules) ay nagkaroon na rin ng paghaharap ang MPD at mga Muslim leader sa Quiapo upang pag-usapan ang sitwasyon sa lugar.

Nagpapatuloy pa rin ang masusing imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Anti-drug ops sa Maguindanao, 3 dedo

$
0
0

TATLO ang nalagas habang pitong matataas na kalibre ng baril at droga ang nasabat ng awtoridad sa isinagawang joint AFP-PNP anti-illegal drugs operation sa Maguindanao kaninang Huwebes ng madaling-araw.

Sinabi ni Lt. Col. Harold Cabunoc, Commanding officer ng 33rd Infantry Battalion, nikilala mga namatay na suspek na sina Samir Pendaliday, Nasrudin Saligan, at Rakim Pendaliday na pawang mga residente ng Lipao Village, Datu Paglas.

Nasamsam din sa lugar ang tatlong M16 rifles, tatlong M203 grenade launcher, at isang M79 grenade launcher kasama ang 34 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000.

Sa ulat, alas-5:30 ng madaling-araw nang maganap ang sagupaan sa Datu Paglas, Maguindanao.

Nasa 100 sundalo at nasa 50 pulis ang nagsagawa ng operasyon laban sa 15 tauhan sa pamumuno ng isang Abdulatip Pendaliday alias “Grasscutter.”

Sinabi ni Cabunoc na nagsilbing support group ang mga sundalo ng 33rd Infantry Battalion sa tropa ng PNP.

Tumagal nang halos isang oras ang sagupaan at wala namang namatay sa panig ng sundalo at kapulisan.

Inilatag pa rin ang isang hot-pursuit operation laban kay alyas Grasscutter na kilalang notoryus at top drug personality sa lugar na nakatakas sa labanan. BOBBY TICZON

Babaeng adik, itinumba sa Navotas

$
0
0

TUMBA ang isang hindi pa nakikilalang babae na pinaniniwalaang sangkot sa illegal drug trade na dinukot ng hindi pa nakikilalang suspek sa ibang lugar at binaril sa ulo kaninang madaling-araw, May 11, sa Navotas City.

Ayon kay Navotas police chief S/Supt. Dante Novicio, hanggang sa ngayon ay hindi pa nakikilala ang biktima na nasa edad 30-35, 4’5 ang taas, at naka-pajama, pulang T-shirt at naka-sandals, na natagpuan pasado ala-1:40 ng madaling-araw sa Baywalk, Brgy. Tanza.

Nakarekober sa pinangyarihan ang mga basyo ng bala ng ‘di pa mabatid na kalibre ng baril. Nakuha rin sa bulsa ng biktima ang isang transparent sachet ng shabu.

Walang nakakakilala sa mga residente ng nasabing lugar sa biktima kaya paniwala ng mga awtoridad na dinukot ito sa ibang lugar at sa nasabing barangay itinumba.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa pagpatay sa nasabing babae at kung talagang kaugnay ito sa iligal na droga. ROGER PANIZAL


Higit 300 pamilya, inilikas sa pagtaas ng tubig sa Davao

$
0
0

UMABOT sa 300 pamilya ang sapilitang inilikas sa kanilang mga lugar makaraang tumaas ang lebel ng tubig sa mga ilog sa Davao City, Huwebes ng gabi.

Partikular na naapektuhan ng forced evacuation ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog sa Brgy. Talomo Proper at Brgy. Matina Crossing.

Sinimulan ang paglikas alas-8:00 ng gabi nang biglang tumaas ang tubig sa mga ilog na bumabagtas sa dalawang barangay.

Sa pangambang umapaw ang mga ito, nagpasya ang lokal na pamahalaan na ipatupad ang pagpapalikas sa mga residente tungo sa mas ligtas na lugar.

Simula pa noong Miyerkules, nakararanas na ng mga pag-ulan sa lungsod bunga ng thunderstorm. JOHNNY ARASGA

Suspek sa credit card fraud, nasakote na

$
0
0

NASAKOTE ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group ang isang lalaking sangkot umano sa credit card fraud.

Kinilala ni PNP-ACG Spokesperson Supt. Jay Guillermo ang suspek na si Stephen Francis Lucena, ng Tomas Mapua St., Sta. Cruz, Manila.

Ayon kay Guillermo, ginamit ni Lucena ang credit card na pagmamay-ari ng isang Crispin Rumbawa sa pamimili ng mga mamahaling cellphone.

Nasakote si Lucena nang bibili ulit ng mamahaling cellphone sa isang mall sa Mandaluyong City.

Samantala, nakatakas naman ang kasamahan nitong nakilalang si Nathalia Tripon alyas Liah kung saan niya ipinasa ang cellphone na una nilang nabili.

Batay sa rekord ng bangko, umabot na P300,000 ang halaga ng nabili ni Lucena gamit ang nasabing credit card.

Palusot naman ng suspek, napulot lang ang credit card sa Tondo at sinubukang gamitin dahil wala itong trabaho.

Pero sa imbestigasyon, napag-alamang nagpagawa pa ito ng ID ng isang kilalang telco gamit ang pangalan ng nasa credit card upang palabasin na siya ang may-ari nito. JOHNNY ARASGA

Problema sa pera, 20-anyos nagbigti

$
0
0

LAOAG CITY, ILOCOS NORTE – Nagpakamatay noong Miyerkules (May 10) ang isang 20-anyos na binata sa pamamagitan ng pagbibigti gamit ang tuyong dahon ng saging sa likod ng kanilang bahay sa Brgy. 55-B, Salet sa nasabing lungsod.

Nakilala ang biktimang si Edilmark Masaoay Lozano, construction worker, ng Sitio Bulangon ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, mismong ang ama ng biktima na si Efren Lozano ang nakadiskubre sa nakabiting katawan ng biktima sa puno ng bayabas.

Agad na itinakbo ang biktima sa ospital ngunit ayon sa doktor ay siyam na oras na itong patay.

Ayon sa ama nito, wala siyang alam kung bakit nagpakamatay ito ngunit bago raw ito mangyari ay namomroblema ang kanyang anak sa pera.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng follow-up investigation ang Laoag City police para malaman kung may foul play sa nasabing insidente. ALLAN BERGONIA

Pagpapadala ng OFWs sa ME, tigil muna

$
0
0

PINAG-AARALAN na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibleng pagpapatigil sa pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Middle East.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ito’y dahil sa rami ng tinatanggap na reklamo ng pang-aabuso at ilan pang labor maltreatment sa mga overseas Filipino workers (OFW) partikular ang mga kasambahay.

Aniya, kung hindi man tuluyang ititigil ang pagpapadala ng mga OFW ay posible pa ring magbawas sa bilang ng mga ipinapadalang manggagawa sa Gitnang Silangan.

Una nang tinukoy ng grupong Migrante Internatonal na higit 5,000 ang distressed OFW sa Middle East habang sa Kuwait naman naitala ang pinakamaraming naaabuso. -30-

3 holdaper na pumalag sa parak, tigbak

$
0
0

TIGBAK ang tatlong holdaper matapos makipagbarilan sa kapulisan sa Quezon City.

Ayon kay P/C Insp. Rolando Lorenzo ng Quezon City Police District (QCPD), nilapitan ng isang biktima ang mga rumorondang kapulisan kaya hinabol nila ang mga suspek.

Naabutan naman ng mga pulis ang tatlong hindi pa kilalang suspek sa Commonwealth Ave. subalit imbes na sumuko ay nakipagpalitan ang mga ito ng putok.

Agad namang nabawi ang mga gamit ng biktima habang kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga napatay na holdaper. -30-

Kano, 1 pang Pinoy huli sa buy-bust ops sa Iloilo

$
0
0

TIMBOG sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Sambag, Zarraga, Iloilo ang isang dayuhan at kasama nitong Pinoy.

Ayon sa Zarraga police, natukoy ang Amerikano na si Mark Willcom, na pansamantalang nananatili sa bayan ng San Joaquin sa Iloilo.

Nakilala naman ang isa pa nitong kasama na si Bryan Gustilo, 36, ng Brgy. Buhang, Jaro, Iloilo City.

Nakuha sa mga ito ang 12 sachet ng shabu, P500 buy-bust money at mga drug paraphernalia.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawa. JOHNNY ARASGA

Batanes niyanig ng 4.6 magnitude quake

$
0
0

INUGA ng magnitude 4.6 na lindol ang ilang bahagi ng Northern Luzon.

sa ulat ng Phivolcs, naitala ito kaninang alas-6:09 ng umaga.

Natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 76 km timog-silangan ng Uyugan, Batanes.

Naramdaman din ito sa iba pang bahagi ng Ilocos at Cagayan.

May lalim lamang itong isang kilometro at tectonic ang pinagmulan. -30-


PRC nakatanggap ng bomb threat

$
0
0

NAGDULOT ng pangamba sa mga kawani ng Professional Regulation Commission (PRC) sa Morayta sa Maynila makaraang makatanggap ng bomb threat ang guwardiya kaninang umaga, Biyernes.

Bunsod nito, pansamantalang kinansela ang trabaho at pinalabas sa kanilang mga tanggapan ang mga emplyedo sa naturang kawanihan habang hinahalughog pa ng mga tauhan ng Manila Police District-Explosives Ordinance Division (MPD-EOD) ang buong lugar at gusali.

Sa ulat, alas-11:00 ng umaga nang makatanggap ng bomb threat ang guwardiya ng PRC at agad itong ipinagbigay-alam sa kanilang officer-in-charge.

Agad namang inalerto ng OIC ang mga awtoridad ukol sa nasabing bomb threat na mabilis namang nakaresponde sa lugar.

Habang isinasagawa ang inspeksyon, isinara naman ang ilang bahagi ng kalsada partikular ang Morayta at ipinagbawal muna ang paglapit sa gusali.

Inaalam na rin ng bomb squad kong papaano nakatanggap ng bomb threat ang guwardiya. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Kelot rinatrat ng tandem sa Maynila, patay

$
0
0

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang na si Ian Oconer, 37, ng Barona St., Tondo.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, naganap ang insidente alas-11:57 ng gabi sa kanto ng Osorio at Barona St.

Bago ang pamamaril, nakikipagkwentuhan pa ang biktima sa dalawa pa nitong kaibigan nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang dalawang hindi nakilalang suspek.

Pagtapat sa kinaroronan ng biktima ay nagpaputok nang limang beses ang isang sakay nito at tinarget si Oconer.

Nabatid na dating gumagamit ng iligal na droga ang biktima ngunit inaalam pa kung may kinalaman ito sa pamamaril.

Naisugod pa sa Tondo General Hospital si Oconer subalit binawian din ito ng buhay.

Hindi naman naplakahan ang gamit na motorsiklo ng mga suspek bagama’t may kuha ng CCTV camera ang barangay na nakasasakop sa lugar. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Viral video bags Best Short Form award

$
0
0

Globe Telecom’s advertisement for Rogue One: A Star Wars Story, entitled “Mask”, bagged the award for Best Short Form in the recently held 2017 Brand Film Festival New York. Globe Telecom is the first Philippine brand to be part of the film fest’s roster as well as the sole winner for Asia this year.

The winning ad was part of the company’s #CreateCourage campaign about people fighting battles that others might not immediately see – and how even a fragile child can demonstrate immense strength in the face of adversity.  The campaign was done in partnership with Disney as part of a multi-year alliance with the entertainment giant.

The Brand Film Festival New York showcased 2016’s most artistic, creative and effective branded content films – from YouTube videos to long-form documentaries. Held annually, it is a unique gathering that honors a new generation of marketing storytellers while rewarding the brands, agencies, and craftspeople leading the way in their fields.

Entries were open to any organization within the U.S., Americas, and Asia-Pacific. Categories included sports, branded program, brand documentary, and virtual reality, among others. Submissions came from various brands, agencies, production companies and more. The jury comprised of top creatives from the worlds of PR, advertising, digital, production, film and media. This year’s jury chair was Judy John, Leo Burnett’s CEO Canada & Chief Creative Officer in North America.

The Globe advertisement told the story of Alex, a young Star Wars fan who hides her sickness behind a Stormtrooper mask, and whose mask helps her to be bold even when facing others. The #CreateCourage campaign encouraged people to change their social media profile pictures to creative photos of them wearing Stormtrooper helmets and to complete the caption “#CreateCourage to ____.” The most inspiring posts won special prizes – from movie passes to limited edition Rogue One gift packs, as well as a trip to the Orlando Star Wars Celebration held last April.

Going beyond the online engagement was also the company’s use of the material to call for donations for the rehabilitation of the pediatric cancer clinic of the Philippine General Hospital that Disney also supported.

“Creating societal value is important to us in any campaign that we take on. Rogue One: A Star Wars Story had very inspiring values that allowed us to come up with the story for the ad. We are humbled with the opportunity to give children a voice through this ad, shedding light on their resilience despite challenges. Being recognized by an institution such as the Brand Film Festival New York is truly an honor for all of us at Globe,” said Albert de Larrazabal, Chief Commercial Officer, Globe Telecom.

The #CreateCourage ad also received a citation in the Best Corporate category at the Brand Film Festival awards alongside Nutella® Originals Presents: Spread the Happy Series, Season 1 and CableLabs and Ivory Worldwide for ‘The NearFuture’. It also garnered a silver award at Asian Ad Fest.

“Mask” also led in the Philippines’ Kidlat Awards which is an annual creative competition celebrating the country’s best and most creative advertising work. Globe brought home the coveted Grand Kidlat award in the Film category as well as Gold awards for Best Direction and Best Editing.

When it was launched in December 2016, the ad hit viral status in a matter of days, reaching 45 Million views from around the world.  In the first two days of the campaign, the ad received 3.9 million views, 88,000 shares, and 144,000 reactions on the Globe Facebook page. It was also the only Filipino ad to be featured in CNN International’s article on 2016 Holiday Videos, a selection of ads which highlighted tolerance and togetherness; this despite the fact it was not a Christmas-themed story. It has also been featured in international websites such as The Huffington Post, Adweek, and Mashable to name a few.

CamSur, niyanig ng magnitude 2.7 na lindol

$
0
0

NIYANIG ng magnitude 2.7 na lindol ang lalawigan ng Camarines Sur pasado alas-2:36 ng madaling-araw.

Natukoy ang epicenter ng lindol sa layong 36 na kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Pili.

May lalim itong 33 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang naitalang pinsala ang nasabing pagyanig na naramdaman din maging sa lungsod ng Naga. -30-

4 na pulis, sibak sa ‘tanim -droga’

$
0
0

SINIBAK na sa puwesto ang hepe ng Mabalacat PNP at hepe ng Drug Enforcement Unit (DEU) kasunod ng pagkakasangkot ng ilan nilang mga tauhan sa umano’y tanim-droga.

Ayon kay PNP Region 3 Director C/Supt. Aaron Aquino, tinanggal sa puwesto sina Mabalacat Chief-of-Police Supt. Juritz Rara at ang DEU Chief nitong si S/Insp. Melvin Florida dahil sa command responsibility.

Bukod sa kanila, sinibak din ang hepe ng Bacolor PNP na si C/Insp. Sonia Alvarez at hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit nitong si C/Insp. Philip Pineda.

Isinailalim na sa provincial administrative holding center ang apat na nabanggit na opisyal habang sila’y iniimbestigahan. JOHNNY ARASGA

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>