Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

Globe, BSCC sign SEA-US Cable interconnection agreement in Guam

$
0
0

 

Globe Telecom and Belau Submarine Cable Corporation (BSCC) signed an agreement that would allow a submarine fiber optic cable spur currently under construction from the Republic of Palau to interconnect with the Southeast Asia-United States (SEA-US) cable for onward transport to Guam.

Globe was represented by its President and CEO Ernest Cu while George Rechucher, Chairman of BSCC, signed on behalf of the company.  “We are excited about the commissioning of the SEA-US Cable because of its immense benefits to the Philippines. Additionally, we are proud to be able to provide the Republic of Palau with 1st world Internet connectivity through this interconnection agreement,” Cu said.

At the same, Lukner Weilbacher, FSM Secretary of the Department of Transportation, Communication & Infrastructure signed a similar agreement with the Chief Technology Officer of Telin, Pak Nanang Hendarno.

The signing of the two agreements was witnessed by Palau President Tommy Remengesau, Jr.  and FSM President Peter Christian along with President Heine of the Marshall Islands during a ceremony at the Hyatt Regency in Guam on May 4, 2017.

Globe (Philippines) and Telin (Indonesia) are major owners of SEA-US, a new cable that will link Indonesia and the Philippines to the USA via Guam and Hawaii, in partnership with GTA (Guam), Hawaiian Telecom (USA) and RTI (USA).

At a project cost of around USD250 million, the 14,000-kilometer cable system will consist of two fiber pairs with an initial design capacity of 20 terabits per second and will use the latest in submarine fiber-optic technology with 100 gigabits per second transmission equipment per pair. Such additional capacity will cater to the exponential growth of bandwidth between Southeast Asia and the United States.

Construction of the spur from Ngeremlengui state in Palau to the SEA-US cable to the north is well advanced, with the modular Cable Landing Station expected to arrive at Koror this week. From there it will be transported by barge to the landing site for installation.

President Remengesau said: “I am delighted to see this milestone marked today. The submarine fiber network will be critical to so many aspects of our life in Palau, from healthcare to education, from social networking to business. With the BSCC network expected to be in service before the end of the year, Palau is on the move.”

The Interconnection Agreements provide for five 100 Gigabit per second wavelengths to Guam, more than 1000 times the current capacity available in Palau, and will provide a big boost to businesses, schools, hospitals and clinics, government services, entertainment and social networking. The BSCC project is currently on schedule, and is expected to be in service in December 2017.

Palau will see an increasing level of activity in coming weeks and months, with expert teams from Sweden (Flexenclosure, the Cable Landing Station supplier), Japan (NEC, the submarine cable network supplier) and throughout the Pacific (the BSCC Project Management Unit) arriving to install equipment and ensure the highest quality standards. Local contractors, Surangel’s, have been busy preparing the Ngeremlengui landing site.

The Minister of Finance, Hon. Elbuchel Sadang said, “BSCC has been positioned to deliver abundant capacity to our retail service providers in Palau at cost, ensuring maximum benefit to the community and commerce. We expect our service providers will step up to the plate and make the most of this opportunity to transform their businesses.”


Bata tepok sa Japanese encephalitis

$
0
0

ISANG batang babae mula sa Candaba, Pampanga ang pinakabagong biktima ng nakamamatay na sakit na Japanese encephalitis (JE).

Ayon kay Dr. Walter G. Rivera, medical specialist sa Department of Pediatrics, Jose B. Lingad (JBL) Memorial Regional Hospital sa San Fernando, Pampanga, ang apat na taong gulang na pasyente ay pinasok sa nasabing ospital noong Marso 2017. Meron siyang lagnat, paninigas ng leeg, paralisado ang paa, at laging natutulog. Namatay siya pagkalipas ng 5 araw dahil sa respiratory failure.

Hindi nag-iisa ang batang tinamaan ng JE. Sabi ni Rivera na mula Enero hanggang Abril 2017, meron nang 17 na kumpirmadong kaso ng sakit. Dalawa sa nakaligtas – isang 10-taon na lalaki at 5-taon na babae – ay nagkaroon ng problema sa pagkilos at pagsasalita at kailangan alagaan.

Sa 2015, meron 7 kumpirmadong kaso ng JE pero walang namatay. Noong 2016, 46 katao ang nagkaroon ng JE at 6 dito ang namatay, dagdag ni Rivera.

Hindi lamang mga residente ng Pampanga ang nanganganib dahil sa JE. Sinabi ni Rivera na meron 9 na sentinel ospital na bahagi ng AMES (acute meningitis–encephalitis syndrome) surveillance ng Department of Health (DOH). Binabantayan nito ang mga bagong kaso ng JE at pwedeng magpa-test dito ng libre.

Bukod sa JBL, kasama sa AMES surveillance ang Cagayan Valley Medical Center, Ilocos Training Regional Medical Center, Baguio General Hospital, Philippine Children’s Medical Center, Bicol Medical Center, Vicente Sotto Memorial Medical Center, Western Visayas Medical Center at Southern Philippines Medical Center. Ang mga nabanggit na ospital ang may sariling kaso ng JE.

Nagsimula ang AMES surveillance noong 2015 sa JBL. Pinaliwanag ni Rivera na lahat ng pasyente na may sintomas ng AMES tulad ng seizures, lagnant, paninigas ng leeg at pagbabago sa pag-iisip ay agad pinapasok sa mga nasabing ospital. Kinukunan sila ng dugo at iba pang specimen at pinapasuri ito sa Research Institute for Tropical Medicine sa Alabang para malaman kung sino ang may JE.

Ang JE ay isang virus na nagdudulot ng pamamaga ng utak. Sabi ni Rivera na bata at matanda ang pwedeng magkaroon nito subalit madalaas itong makita sa mga bata. Kinakalat ng lamok na culex tritaeniorhyncus at culex vishnui ang virus. Matatagpuan din ito sa mga baboy at ibon.

Lumalabas ang sintomas ng JE pagkalipas ng 15 na araw pagkatapos makagat ng lamok na may virus. Ilan nito ay lagnat, sakit ng ulo, pagsusuka at paralisis.  Trenta porsiyento ng mga pasyente ang maaaring mamatay at 50 porsiyento naman ang maaring magkaroon ng problema sa pagkilos o pagsasalita.

Ayon kay Rivera, walang gamot ang JE pero pwedeng maiwasan ito sa pamamagitan ng bakuna. Sabi ng Philippine Pediatric Society dapat magbakuna ang batang 9 na buwan pataas. Dalawang beses binibigay ito sa pagitan ng isang taon mula 18 taon gulang pababa. Pumunta sa pediatrician para magpabakuna.

Mga iba pang paraan upang maiwasan ang JE ay ang pag-ingat sa lamok lalo na yung gumagala sa hapon. Gumamit ng mosquito repellent, kulambo, at magsuot ng mahabang damit kung kinakailangan. ALLAN BERGONIA

SSS facilitates immediate processing of benefit claims for victims of Nueva Ecija bus accident 

$
0
0
THE Social Security System (SSS) implemented the special processing of death and funeral benefits for beneficiaries of SSS members who died in the Nueva Ecija bus mishap last month.
“Social Security Commission headed by Chairman Amado Valdez has instructed management to immediately release their funeral and death benefits. Thus, I have directed the SSS branch nearest to the accident area to allot special lanes for the survivors and families of the deceased members,” SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc said.
Families applying for death and funeral benefits do not have to submit fact of death but only standard documentary requirements. Meanwhile, victims who suffered from injuries may avail themselves of the SS and Employees’ Compensation (EC) sickness upon submission of the standard requirements for doctor’s evaluation.
To date, out of the 33 reported casualties of the Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Office of Nueva Vizcaya, six were confirmed as SSS members. So far, only Maximo G. Esperon’s legal dependent from Solano, Nueva Vizcaya, claimed the SSS benefits.
In one day, we received and processed the funeral benefit application from Maximo’s mother, Julita G. Esperon. She received a check worth P24,057.29 as funeral benefit,” SSS Solano Branch Head Jose Rizal S. Tarun said.
Esperon’s mother is also entitled to receive lumpsum death benefits amounting to about P93,480.12.
Meanwhile, SSS branches in Meycauayan, Solano, San Jose and La Union are still waiting for death and funeral applications from the families of 5 other deceased members. They are entitled to receive funeral and death benefits amounting to about P102,180 and P308,813.34 respectively.
The SSS funeral benefit ranges from P20,000 to P40,000 depending on the member’s paid contributions and credited years of service (CYS). EC funeral, on the other hand, is pegged at P20,000.
Meanwhile, the amount of death benefits for survivors will depend on the member’s paid contributions and CYS. Legal beneficiaries of the deceased member who has paid at least 36 monthly contributions is entitled to receive monthly death pension. However, if the deceased member has only paid less than 36 monthly contributions, the legal dependents will only receive a lump sum death benefit.
Aside from funeral and death benefits, victims who suffered from injuries may apply for SS sickness benefits. However, members will have to submit the documentary requirements subject for doctor’s evaluation. SSS San Jose and Solano branches have identified three members who are also qualified to avail sickness benefits amounting to over P9,000.
“We assure the quick processing and release of cash benefits to help the grieving families to recover and at the same time provide a decent funeral for their departed loved ones,” Dooc concluded.

76 OFWs nabigyan ng assessment ng TESDA sa Riyadh at Al Khobar

$
0
0
UMABOT sa pitumpu’t-anim (76) na Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtatrabaho sa Middle East ang nabigyan ng onsite competency assessment ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na ginanap sa mismong kinaroroonang bansa ng mga ito.
 
Sa nasabing bilang, pitumpu (70) ang nabigyan ng sertipiko matapos na pumasa ang mga ito sa assessment na ginanap sa Riyadh at Al Khobar na kapwa matatagpuan sa Middle East kung saan ay umabot sa 92.11% ang certification rate.
 
Kabilang sa mga qualifications na ito ay ang Computer Systems Servicing NC II na mayroong 100% certification rate; Technical Drafting NC II, 88.89% at Visual Graphic Design NC III, 80.00%.
 
Sinimulan ang Onsite Assessment Program (OAP) ng TESDA noong April 28 hanggang April 30 ng kasalukuyang taon sa Riyadh at Al Khobar habang nakatakda ding puntahan ang mga OFWs sa Middle East at iba pang bansa upang mapagkalooban ng naturang programa.
 
Bukod sa OAP ay layunin din ng pagtungo ng mga kinatawan ng naturang ahensiya sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) na magkaroon ng pulong at inspeksiyon sa mga gustong magkaroon ng program registration at accreditation bilang TESDA Assessment Centers.
 
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, sa pamamagitan ng OAP ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga OFWs na kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa na mapaangat ang kanilang mga kasanayan.
 
“The program seeks to support the goal of bringing the Filipino overseas workers out of low skilled, low paying and oppressive service work, and assist them to land in higher skilled, better paying and decent work” sabi pa ni Mamondiong.
 
Hinikayat din ng kalihim ang mga OFWs na nagnanais na mapabilang sa OAP na magtungo lamang sa Philippine Overseas Labor Offices (POLO) sa kanilang pinagtatrabahuhang bansa upang mapasama ang pangalan ng mga ito sa online assessment.

OIC-CEO appeals to housing developers to help countrymen by doing more business with Pag-IBIG 

$
0
0

 

Pag-IBIG Fund recently completed a nationwide series of Home Lending Accomplishment Report fora in five venues to report its accomplishments in 2016 and recognize top-performing partner-developers. In return, the participating developers recited the Integrity Pledge for Pag-IBIG Fund Stakeholders to renew their commitment to support the agency’s campaign on integrity and good governance.

More than 400 housing developers attended the fora held in Makati City for NCR; Alabang, Muntinlupa for South Luzon; San Fernando, Pampanga for North Luzon; Cebu City for the Visayas; and, Davao City for Mindanao.

“The Home Lending Accomplishment Report is our way of making ourselves transparent and provides us with the opportunity to recognize our top-performing partners in the housing industry. I’m convinced that transparency is the key to good governance,” said Pag-IBIG Fund Officer-in-Charge Acmad Rizaldy P. Moti.

Mr. Moti reported that 2016 was the best year for Pag-IBIG because it surpassed its previous feats. He cited better client servicing, more branches (122 to date), PhP439.3 Billion total assets, PhP25.01 Billion net income, and 17.3 million members as of December 2016.

Bent on helping more low-income members and minimum-wage earners in line with President Rodrigo Roa Duterte’s pro-poor agenda, the top executive appealed to the housing developers to consider growing their business with Pag-IBIG Fund to help their countrymen own a decent home.“Grow with us. Consider doing more business with Pag-IBIG Fund because you’re helping your countrymen. Keep on helping us,” he told them.

He further invited partner-developers to help Pag-IBIG reach its target of PhP65 Billion loan take-outs for 2017 to benefit more low-income workers and minimum-wage earners.

Meanwhile, Acting Deputy Chief Executive Officer for Home Lending Operations Cluster Marilene C. Acosta reported a 30% increase in loans extended to Pag-IBIG borrowers in 2016 compared to that in 2015, with a total value of PhP57.3 Billion. This translates to a 28% increase in the number of new units or a total of 76,247 homes built in 2016.

She noted further that the total amount of loans granted to members under the affordable housing program increased by 36% in 2016 valued at PhP7.97 Billion, translated to 19,908 units or 32% more homes built compared to that in 2015.  NCR got a staggering 72% share of the corporate-wide total loan take-outs.

Also at the fora, awards were given to the longest-transacting developer, developer with the highest performing accounts ratio, and the top ten developers in terms of loan take-out value.

PhilHealth paid P1.31B for NCP claims in 2016 

$
0
0
CONSISTENT with its aim to provide its members and qualified dependents with access to the highest quality of medical care, the Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) continues to find ways to further expand its array of social health insurance benefit packages for every Filipino.
 
In 2006, PhilHealth launched the Newborn Care Package (NCP) in support of Republic Act 9288 or the Newborn Screening Act of 2004, to ensure that every newborn baby undergoes prevention and early detection of any possible diseases that may develop during their growth.
 
Over a ten-year period, the number of claims for NCP has steadily increased and in 2016, the NCP placed second among the top ten (10) procedures with the highest number of claims paid for by PhilHealth, next to hemodialysis.
 
In 2016, PhilHealth paid P1,318,849,430.00 for 818,465 NCP claims, or an increase of 21.19 percent from the previous year’s P1,088,191,145.00 it paid for 679,256 claims. The significant rise in these figures can be attributed to members’ awareness of PhilHealth’s benefit package for the newborn child.
 
The NCP includes BCG vaccination (an immunization against tuberculosis), umbilical cord care, eye prophylaxis, administration of vitamin K, thermal care, first dose of Hepatitis B immunization, hearing test, newborn screening test, and professional fees. Only accredited healthcare providers may deliver the necessary services within the said package.
 
Amie Bandola, a first-time mom who has availed herself of the NCP at the Rizal Medical Center in Pasig City expresses her great appreciation to PhilHealth. “Sa tulong na ibinigay ng PhilHealth, masisiguro ko ang kalusugan ko at ng anak ko. Ramdam naming mga mahihirap ang alagang dala ng PhilHealth sa panahon ng pangangailangan. PhilHealth, maraming salamat dahil makauuwi na kami ng baby ko.”
 
The NCP may be availed of by PhilHealth dependents delivered in accredited Levels 1, 2 and 3 government hospitals, lying-in clinics, birthing homes, Rural Health Units, health centers, and private clinics that are licensed and certified as newborn screening facilities by the Department of Health (DOH) and accredited by PhilHealth.
The PhilHealth benefit rate for NCP is Php 1,750.00 which include professional fee and shall be paid directly to the institutional health care provider. The claim for NCP is independent from the mothers’ claim for delivery. 

UPDATE: Nagpadeliber ng bomba sa Quiapo, tukoy na

$
0
0

NATUKOY na ng Manila Police District (MPD) ang nagpadeliber ng package na sumabog at ikinamatay ng dalawang katao at ikinasugat ng anim na iba pa noong Sabado ng gabi sa Quiapo, Maynila.

Sa panayam sa mataas na opisyal ng MPD , sinabi nitong isang babae na pinaniniwalaang Muslim dahil sa suot nitong “rampam” na tanging ang mata lamang ang nakikita at may pangalang Hanna base na rin sa transaction slip nito sa grab online ang siyang nagbigay sa Grab delivery ng naturang package.

Nabatid na pinick-up ng nasawing grab delivery ang package sa SM north side upang ideliber naman kay Atty. Nasser Abinal bilang Revenue District Officer (RDO) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nakatalaga sa Intramuros, Maynila.

Natunton umano ang naturang lokasyon sa pamamagitan ng mga kuha ng CCTV sa bawat mga barangay kung saan maaaring dinaanan ng grab delivery hanggang sa maganap ang pagsabog sa Norzagaray St., Quiapo.

Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng MPD kaugnay sa Quiapo blast upang malaman kung sino ang utak ng pagpapasabog.

Sa ngayon, anang opisyal, ginagawa pa rin nila ang lahat ng pag-iimbestiga upang mahuli ang utak ng pagpapasabog. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Mocha Uson, itinalagang PCOO Asst. Secretary

$
0
0

ITINALAGA bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) si Mocha Uson ngayong Martes, Mayo 9.

Nai-release ang appointment paper ni Uson ngayong hapon lamang.

Sa ngayon ay inaalam pa kung mananatili pa rin bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) si Uson na kasalukuyan niyang posisyon sa gobyerno.

Magsisilbi si Uson sa ilalim ni PCOO Secretary Martin Andanar. GILBERT MENDIOLA


Babae, kalaguyo naaktuhang nagtatalik, utas sa mister

$
0
0

PATAY ang isang 41-anyos na babae at kanyang kalaguyo matapos pagsasaksakin ng live-in partner ng una nang mahuli sa aktong nagtatalik sa loob ng bahay sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kaninang madaling-araw, Mayo 10.

Kinilala ang biktimang si Marilou Bulat-ag at kanyang kalaguyo na si Junie Gulas, Jr. na nasawi noon din.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek na si Bernardo Tolitol, 58, ng MRB Cmpd., Brgy. Commonwealth, QC.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) station 6-Batasan, naganap ang insidente sa 2415 Bldg., MRB Compound, dakong 1:00 ng madaling-araw.

Bago ito, dumating si Tolitol galing probinsya at kumakatok sa kanilang bahay subalit walang nagbubukas.

Dito na siya nagduda at laking gulat nito nang mahuli sa aktong nakikipagtalik ang ka-live-in niya sa kalaguyo nito agad niyang sinuntok ang kalaguyo ng kinakasama hanggang sa makakuha ito ng gunting at pinagsasaksak ang dalawa na ikinasawi ng mga ito.

Agad ding sumuko ang suspek sa mga pulis na wala sa mukha ang pagsisisi sa kanyang ginawang krimen. SANTI CELARIO

Seguridad hiniling sa nalalapit na Ramadan

$
0
0

HUMILING ang mga residenteng Muslim sa Quiapo, Maynila ng seguridad para sa pagsisimula ng Ramadan sa ika-26 ng Mayo.

Ito’y dahil matinding takot pa rin ang nararamdaman ng mga Muslim sa naturang lugar dahil sa magkakasunod na pagsabog na ikinamatay pa ng dalawang sibilyan.

Nangangamba rin ang mga Muslim na baka dahil sa takot ay walang mag-enroll na mga estudyante sa Iqra o eskuwelahan na malapit lamang sa pinangyarihan ng pagsabog.

Takot rin ang nararamdaman ng ilang mga tindero sa lugar kaya nagkakaisa ang mga Kristiyano at Muslim sa panawagan na maresolba agad ang kaso at tiyaking hindi na mauulit ang ganoong insidente.

Tiniyak naman ng Manila Police District (MPD) na ligtas pa rin ang Quiapo at nasa 300 pulis na ang itinalaga sa lugar matapos ang pagsabog.

Sa ngayon, kabi-kabila ang checkpoint na nakalatag sa mga kalye sa Quiapo at mga kalapit nitong lugar.

Una nang naglabas ang Amaq, opisyal na midya ng ISIS, na umaako sa pagsabog sa lugar.

Mabilis naman itong pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) at iginiit na personal ang motibo ng pagsabog.

Patunay anila rito ang isang nahuling suspek sa pambobomba noong Abril 28, habang tinutugis pa rin ang iba pang suspek.

Sa kabila nito, isang international security analyst ang nagbabala na posibleng test run ng ISIS ang mga pagsabog sa Quiapo.

Ayon kay Dr. Rohan Gunaratna, pinuno ng International Centre for Political Violence and Terrorism Research, hindi pa umako ng atakeng hindi ginawa ng ISIS ang Amaq.

Ano’t ano man, ani Gunaranta, dapat maaresto agad ang mga tao sa likod ng mga pagsabog sa Quiapo para mapigilan ang posible pang mga banta.

Naniniwala ang naturang eksperto na kayang-kaya ng Pilipinas sugpuin ang mga banta ng terorismo, lalo’t determinado ang Pangulong Rodrigo Duterte. JOHNNY ARASGA

P15M halaga ng shabu, natisod sa Bacolod

$
0
0

UMABOT sa P15-milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Bacolod City.

Target ng nasabing operasyon ang suspek na si Reynante Villanueva.

Sinalakay ng mga operatiba ng Bacolod City police ang tahanan ni Villanueva kung saan nakuha ang nasa isang kilong shabu.

Gayunman, hindi nila nahuli si Villanueva dahil tumakbo ito agad nang matunugan na mayroong mga pulis sa lugar.

Ang tanging naaresto nila ay ang asawa ni Villanueva na si Julie at isang bisita na si Jan Deocampo na pawang nahulihan rin ng tatlong sachet ng shabu. JOHNNY ARASGA

Retiradong PAO lawyers, babayaran na – Acosta

$
0
0

SISIMULAN na ngayong araw ang pagbabayad ng pamahalaan sa retirement pay na hindi pa natatanggap ng mga retiradong abogadong nagsilbi sa Public Attorney’s Office (PAO).

Sinabi ni PAO chief Persida Rueda Acosta, makatatanggap na ng bayad ang mga abogadong nagretiro mula noong 2010.

Ayon kay Acosta, aabot sa P178-milyon ang kanilang five-year lump sum total.

Kasama aniya sa makatatanggap ng bayad ang pamilya ng limang abogadong namatay na.

Inihayag ni Acosta na ibibigay ng pamahalaan ang bayad matapos manalo ang isinampang kaso ng PAO retirees sa Supreme Court (SC).

Kung maaalala, hinarang noon ni dating Budget Sec. Butch Abad ang pagbibigay ng retirement pay sa mga abogado ng PAO sa paniniwalang hindi raw sila bahagi ng mga benepisyo sa judiciary. JOHNNY ARASGA

Mosyon ni Marcos, ipinababasura ni VP Leni sa SC

$
0
0

IPINABABASURA ni Vice President Leni Robredo sa Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang mosyon ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos na nagpapabasura sa counter-protest ng Bise Presidente kaugnay sa umano’y dayaan sa halalan 2016.

Ayon kay Robredo, dapat na ituring ng PET ang mosyon ni Marcos bilang isang “sham pleading” na dapat ibasura na o tanggalin sa records ng PET.

Una nang dumulog sa PET si Marcos, na humihirit na ibasura ang counter-protest ni Robredo dahil sa kabiguan nitong magbayad sa orihinal na deadline ng unang installment ng hinihinging halaga ng PET nuong April 14 sa kampo ni Robredo.

Noong Mayo 2 nakapaglagak si VP Robredo ng P8-milyong paunang bayad ng kabuuang hinihingi ng pet para sa kanyang counter-protest.

Naniniwala ang Bise Presidente na dahil nagawa naman nilang makasunod sa kautusan ng PET, maituturing na ring moot and academic ang mosyon ni Marcos. JOHNNY ARASGA

Singil sa kuryente bababa ngayong Mayo

$
0
0

BABABA ang singil ng Manila Electric Corporation (MERALCO) epektibo ngayong buwan ng Mayo.

Sinabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, bunsod ito ng mababang generation charge at pagbaba ng halaga ng kuryente sa mga supplier.

Nasa P0.29 ang magiging bawas sa kada kilowatt hour na konsumo ng kuryente o katumbas ng P58 sa kumukonsumo ng 200 kilowatt hour, P87 sa mga kumukonsumo ng 300 kilowatt hour at P145 sa mga kumukonsumo ng 500 kilowatt hour. JOHNNY ARASGA

2 lindol tumama sa Camarines provinces

$
0
0

TUMAMA ang halos dalawang magkasunod na lindol sa lalawigan ng Camarines Sur at Camarines Norte.

Unang naramdaman ang magnitude 3.9 na lindol sa bayan ng Daet, Camarines Norte ala-1:25 ng madaling-araw ngayong araw.

Natagpuan ang epicenter nito sa layong 93 kilometro hilagang-silangan ng naturang bayan.

May lalim itong isang kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Samantala, alas-2:28 ng madaling-araw naman nang maramdaman ang magnitude 3.3 na lindol sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur.

Naa layong siyam na kilometro ang epicenter nito sa timog-kanluran ng naturang bayan.

Mayroong lalim na tatlong kilometro ang lindol at tectonic ang pinagmulan nito.

Naramdaman ang Intensity II sa Mercedes, Camarines Norte gayundin sa iba pang mga lugar sa Camarines Sur at sa lungsod ng Naga.

Wala namang naitalang nasugatan o napinsal sa nasabing halos magkasunod na lindol sa dalawang lalawigan. -30-


Globe resumes full mobile services in Quiapo area

$
0
0

Globe Telecom said it has resumed full mobile services in Quiapo areas affected by a service disruption implemented Sunday night on instruction of the National Telecommunications Office.

Resumption of services was made on advice from the Philippine National Police in consideration of numerous people affected by the service suspension, Globe General Counsel Atty. Froilan Castelo said. Customers in the entire Quiapo area may now access call, text and services, he added.

Cum laude, dedo kay Herbert Bautista

$
0
0

NALAGAS sa aksidente ang isang graduating student nang magbanggan ang isang motorsiklo at traysikel sa bayan ng Piat, Cagayan kaninang Miyerkules ng umaga.

Namatay noon din sanhi ng pagkabagok ng ulo ang biktimang nakilalang si Gladys Darauay, 19, graduating student sa kursong Education sa Cagayan State University (CSU-Piat).

Sumuko naman at pansamantalang nakadetine sa PNP-Piat ang drayber ng traysikel na si Herbert Bautista, kapangalan ni QC Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista.

Ayon kay PO3 Arnel Basiuang ng PNP-Piat, angkas ng kanyang kuya na si Rody Mark ang biktikma at binabaybay ang kahabaan ng Brgy. Maguilling, Piat nang bigla nitong nabunggo ang tricycle na minamaneho ni Bautista.

Dahil dito, nahulog ang biktima sa kalsada at nauntog ang ulo sa semento na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Nabatid na magtatapos sana sa darating na Hunyo bilang cum laude ang biktima sa kinuhang kurso. BOBBY TICZON

Pedicab driver na nagtangkang manggahasa, kinatay

$
0
0

DEDBOL ang isang pedicab driver nang pagsasaksakin ng ka-live-in na sepultorero ng isang babaeng tinangka niyang halayin sa loob ng sementeryo kagabi, May 9, sa Malabon City.

Patay mismo sa pinangyarihan sanhi ng mga saksak sa katawan si Rogelio Flores, Jr., 37, ng 115 Manapat St., Brgy. Tañong.

Pinaghahanap naman ngayon ng mga pulis ang suspek na nakilalang si Melvin Villanueva alyas “Toto”, sepultorero, ng Villa Maria St., Brgy. 3, Caloocan City na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon, huling nakita ang biktima kasama si Stephanie Basilio, live-in partner ni Villanueva, na naglalakad papasok sa Tugatog Cemetery pasado alas-8:40 Martes ng gabi.

Bandang 9:12 ng gabi, dumulog si Basilio sa Tugatog Barangay Hall at ini-report nito na tinangka umano siyang gahasain ni Flores subalit hindi nito sinabi ang insidente ng pananaksak kung saan suspek ang kanyang live-in partner.

Kasama ang mga pulis, pinuntahan ng mga barangay tanod ang lugar kung saan nangyari ang tangkang panghahalay subalit, nabigo ang mga ito na matagpuan si Flores.

Dakong 6:20 kahapon ng umaga, natagpuan na lamang ang duguan at walang buhay na katawan ni Flores ng cemetery maintenance na si Richard Roque, 29, na nakahandusay sa loob ng Tugatog Cemetery sa kanto ng Dr. Lascano at Bronze St., Brgy. Tugatog. ROGER PANIZAL

Sen. Cayetano nagalak ang pagkakatalaga bilang DFA secretary

$
0
0

HINDI na rin umano gaanong inasahan ni Sen. Alan Peter Cayetano ang pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang DFA secretary.

Ayon kay Cayetano, panatag na siya sa Senado dahil sa sinabi ng pangulo kamakailan na mas kailangan siya sa naturang kapulungan ng Kongreso kaysa sa gabinete.

Labis naman ang pasasalamat ng mambabatas para sa tiwala ng punong-ehekutibo.

Papalitan ni Cayetano sa naturang puwesto si dating DFA Sec. Perfecto Yasay na ni-reject ng CA.

Bilang chairman ng Senate Committe on Foreign Relations, palagi na ring kasama ng Pangulong Duterte ang kanyang dating ka-tandem sa presidential elections sa kanyang mga foreign trip.

Samantala, sa panig naman ng mga kasamahan ni Cayetano sa Senado, kanya-kanya silang pagpapaabot ng pagbati.

Ayon kay Sen. Chiz Escudero, hindi na ito nakagugulat dahil ipinangako na ang DFA post kay Cayetano makaraan ang 2016 elections.

Tinawag namang “good choice” nina Sen. Tito Sotto at Ralph Recto ang pagkakatalaga sa kanilang kasamahan sa gabinete ng Duterte administration. JOHNNY ARASGA

AFP chief Eduardo Año, bagong DILG secretary

$
0
0

IPINAHAYAG na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagtatalaga kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff Eduardo Año bilang bagong Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa press conference matapos ang departure speech bago pumunta sa Cambodia para dumalo sa World Economic Forum.

Anang pangulo, kailangan niya ng isang opisyal na kilala ang mga pulis hanggang sa kanilang mga daliri.

Tiwala rin umano siyang makatutulong si Año para disiplinahin ang mga pulis na sangkot sa iligal na droga.

Si Año ay nakatakdang magretiro sa Oktubre ngayong taon.

Siya ang papalit kay dating DILG Sec. Mike Sueno na tinanggal dahil sa umano’y korapsyon sa pagbili ng BFP firetrucks.

Sa ngayon ay officer-in-charge muna ang namamahala sa DILG. -30-

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live