Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

Manyakis na worker, timbog sa panghahalay

$
0
0

SWAK sa kulungan ang isang trabahador matapos nitong halayin nang dalawang ulit ang isang 14-anyos na dalagita sa loob ng stockroom ng kanyang pinapasukang kumpanya sa Navotas City kagabi, Biyernes.

Kinilala ni Navotas Fish Port Complex Maritime Police acting chief S/Supt. John Mitchell Jamil ang suspek na si Samuel Tumamac, 26, helper sa Amor Consignation na dinakip ng mga tauhan ng Maritime Police pasado alas-4:00 ng hapon malapit sa kanyang bahay sa 3rd Ave., Caloocan City.

Ang biktima na itinago sa pangalang ‘Maricar,’ ay sinamahan ng kanyang tatay sa pulisya para magreklamo laban sa suspek.

Ayon sa Maritime Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), bago ang insidente, inimbita ng suspek ang biktima sa Amor Consignation sa loob ng Market 1 Navotas Fishport Complex dakong 5:30 Huwebes ng hapon na agad namang pinaunlakan ni Maricar.

Matapos makarating sa nasabing lugar, agad ipinasok ng suspek si Maricar sa loob ng stockroom at binalaan na may masamang mangyayari sa kanya kapag nag-ingay ito.

Ilang saglit lang ay naghubad ng damit ang suspek at dito na isinagawa ang panghahaly sa biktima at pinauwi lamang ito pasado alas-3:00 ng madaling-araw pero muling isinagawa ng supek ang panghahalay sa biktima.

Bago pinauwi si Maricar ay binantaan na papatayin niya ito sa oras na magsumbong ito.

Ngunit agad namang nagsumbong sa kanyang tatay si Maricar na agad namang idinulog nito sa pulisya na nagresulta sa pagkakaresto sa manyakis na suspek.

Nahaharap ngayong ito sa kasong paglabag sa RA 7610 o child abuse at dalawang counts ng rape sa piskalya ng lungsod. ROGER PANIZAL


Panibagong pagsabog sa Quiapo, 2 dedo

$
0
0

DALAWA ang agad binawian ng buhay habang apat ang sugatan sa panibagong pagsabog ngayong araw sa Quiapo, Maynila.

Sa ulat, naganap ang pagsabog sa Norzagaray St. cor. Elizondo St. sa Sta. Cruz, Maynila alas-5:55 ng hapon kanina, May 6, malapit sa Manila Golden Mosque.

Ayon kay Philippine National Police National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Major Kimberly Molitas, naisugod na sa pinakamalapit na ospital ang mga nasugatang biktima.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Explosive ordinance disposal team sa Islamic Center sa Quiapo para malaman ang uri ng bomba na ginamit sa insidente.

Ayon naman kay NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde, homemade bomb ang ginamit sa naturang pagsabog.

Inaalam na sa ngayon kung may kaugnay ito sa naunang pagsabog nitong nakaraang Abril 28 sa kaparehong lugar na nag-iwan ng 14 na kataong sugatan. GILBERT MENDIOLA

UPDATE: Pagsabog sa Quiapo, nasundan pa

$
0
0

ISANG pagsabog na naman ang naganap ngayong gabi, bandang alas-8:30, May 6, sa Quiapo, Maynila.

Naganap ang pagsabog malapit sa lugar ng naunang pinasabog kung saan dalawa ang agad namatay kabilang ang ‘bombmaker’ dahil umano sa pagkakamali nito sa pag-set up ng bomba.

Samantala, isang miyembro ng bomb squad ang nasugatan sa ikalawang pagsabog.

Hindi naman nasaktan si National Capital Region Police Officer (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde na agad rumesponde sa lugar pati na ang mga miyembro ng media. GILBERT MENDIOLA

Impeachment vs Pang. Duterte, uusad na

$
0
0

SISIMULAN na sa linggong ito ng Malaking Kapulungan ng Kongreso ito ang proseso ukol sa impeachment copmplaint na inihain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo “Rudy” Fariñas na ikakalendaryo na ng House committee on Rules ang impeachment complaint upang ito ay maipasa sa House committee on justice na pinamumunuan ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali.

“The impeachment complaint against the President will be referred to the justice panel this week,” ani Fariñas.

Tinaya rin ng kongresista na hindi magtatagumpay ang impeachment laban sa pangulo dahil nag-iisa lamang sa labang ito si Magdalo Rep. Gary Alejano na siya ring naghain at nag-endorso sa reklamo.

“Ang mag-iimpeach ay mag-isa siya. As of now wala pa akong nabalitaan na (sumusuporta). In fact, nabasa ko lang na even the Liberals will not join, so mag-isa lang iyon.”

Tiniyak din ng kongresista na hindi makaka-abala sa trabaho ng mga kongresista ang impeachment complaint ngunit ito ay bibigyang-prayoridad upang agad na matapos bago pa man ang adjournement sine die sa June 2.

Sinabi naman ni Umali na malaki ang posibilidad na maibasura ang impeachment laban kay Duterte.

“Kayo na ang nagsabi niyan na malakas ang supermajority. I don’t want to preempt the action of the panel members but there is a very solid supermajority. The House of Representatives under PDP-Laban is stronger than ever,” ani Umali. MELIZA MALUNTAG

Pagdalo ni De Lima sa senate hearing, haharangin

$
0
0

TUTUTULAN ng Department of Justice (DOJ) ang hakbang ni Sen. Leila de Lima para mapayagang makadalo sa mga pagdinig sa Senado hinggil sa death penalty bill.

Sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na ang posisyon na ito ng DOJ ay alinsunod na rin sa pagkakabilanggo ng senadora.

Ayon kay Aguirre, kapag bilanggo ang isang tao ay suspendido ang ilan sa mga karapatan at pribelehiyo nito.

Kabilang na aniya dito ang pagdalo sa mga pagdinig ng Senado, katulad na lamang sa naging sitwasyon nina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggo Estrada, at Bong Revilla.

Magugunita na nitong nakaraang linggo lang ay nagpahayag si De Lima ng kanyang pagnanais na makadalo sa ilan sa mga mahahalagang pagdinig sa Senado sa mga mahahalagang panukalang batas habang siya ay nakakulong sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP). BOBBY TICZON

Baby ginahasa ng adik

$
0
0

HINDI umano tumitigil sa pag-iyak ang isang sanggol kaya nadiskubreng pinagsamantalahan ito ng isang 17-anyos na adik sa Tondo, Maynila.

Sa reklamo ng ina ng sanggol na si Baby Cloe, 1 at 10-buwang gulang sa tanggapan ng MPD-Police Station 1, dumudugo at may sugat ang ari ng sanggol.

Nabatid na sandali lamang iniwan ng lola ang baby sa kuwarto habang natutulog nito lamang Huwebes ng gabi dahil may gagawin ito.

Sinamantala naman ito ng suspek at pinasok ang kuwarto kung saan natutulog ang sanggol saka tinanggal ang diaper nito.

Dito na isinagawa ang panggagahasa ng suspek sa biktima hanggang magising at nag-iiyak ito sanhi ng sakit sa maselang ari nito.

Natyempuhan naman ng lola na palabas ng kuwarto ang suspek na noo’y sinabi pang ayaw tumigil sa pag-iyak ang sanggol.

Gayunman, kinabukasan pa nakapaghain ng reklamo ang ina ng bata sa barangay dahil noon lamang nila nadiskubre ang panggagahasa nang mapansing may sugat at dugo ang kaselanan ng paslit habang pinapalitan ito ng diaper.

Ipinatawag ng barangay ang suspek pero hindi na matagpuan kaya dumiretso sa presinto ang ina ng biktima para ireklamo ang suspek.

Sinampahan naman ng kasong rape in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law ang suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Rep. Imelda Marcos, buhay na buhay

$
0
0

HUMINGI agad ng paumanhin si Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla sa publiko matapos na kumalat sa social media ang kanyang tweet na patay na umano si dating first lady at kasalukuyang Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Ayon kay Mercado-Revilla, nakatanggap siya ng news break message hinggil sa pagyao ng dating First Lady.

“I would like to apologize for my tweet which I have erased.I received a news break message informing the public about Mrs.Marcos,” ani Mercado-Revilla.

Nauna nang pinabulaanan naman ng anak ng kongresista na si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ang kumakalat na balita at sinabi na “buhay na buhay” pa ang kanyang nanay. BOBBY TICZON

Serious illegal detention case ni Napoles, ibinasura na

$
0
0

BINALIKTAD ng Court of Appeals (CA) ang paghatol sa umano’y pork barrel scam mastermind na si Janet Napoles sa kasong serious illegal detention na isinampa ng kanyang dating aide at kamaganak na si Benhur Luy.

Sa isang desisyon na may petsang Mayo 5, ipinagkaloob ng CA Twelfth Division ang apela ni Napoles, na nagresulta sa pagbasura sa April 2015 ruling ng Makati City Regional Trial Court Branch 150.

Ayon sa CA, hindi naestablisa ng prosekusyon ang pruweba ng krimen sa pagngunguso kay Napoles bilang “malefactor responsible”.

Magkagayunman, mananatili si Napoles sa kulungan dahil may nakabinbin siya na kasong plunder at graft sa Sandiganbayan na may kaugnayan sa pork barrel scam, o ang umano’y systematic misuse ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas.

Si Napoles at ang kanyagn kapatid na si Reynald Lim, ay inakusahang sa pagdetine kay Luy mula December 20, 2012 hanggang March 22, 2013 para mapigilan nitong maibunyag ang modus operandi ng negosyante sa maling paggamit ng PDAF allocations sa pamamagitan ng mga ghost projects.

Itinannggi ni Napoles na ikinulong niya si Luy at sinabi na ang kanyang personal assistant ay dumalo sa spiritual retreat kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso laban dito dahil sa umano’y pagnanakaw ng P300,000 at pagkakautang ng mahigit sa P5-million nang walang paalam sa kanya.

Nasentensyahan si Napoles ng reclusion perpetua, o 20 taon at 1 araw hanggang 40-taong pagkakakulong habang si Lim naman ay nananatiling nakakalaya at hindi naia-arraign. BOBBY TICZON


Bangkay ng babae, isiniksik sa kama ng hotel

$
0
0

NATAGPUAN ng pulisya ang bangkay ng isang babae sa ilalim ng kama ng hotel na tinutuluyan nito sa Camarines Norte kaninang Lunes ng madaling-araw.

Ang hindi nakikilalang biktima na may apat na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay padapang isiniksik sa ilalim ng kama ng kuwartong tinutuluyan nito upang itago ang krimen.

Inaalam naman ng pulisya kung sino ang lalaking sinasabing kasama ng biktima para panagutin sa krimen.

Sa ulat, naganap ang insidente sa pagitan ng 11 pm. hanggang ala-1 a.m. sa loob ng isang hotel sa bayan ng Daet, Camarines Norte.

Sa imbestigasyon ng PNP-Daet, nag-check in ang biktima kasama ang isang lalaki sa nasabing hotel nitong Linggo ng gabi.

Pero makalipas lamang ang halos dalawang oras ay kaagad nag-check out ang lalaki at sa pagtataka ng mga hotel room boy ay hindi na nito kasama ang babae.

Kinutuban, agad pinuntahan ng mga roomboy ang inupahang kuwarto ng dalawa pero nabigo silang makita ang naturang babae.

Pero maya-maya lamang, may isa sa mga roomboy ang nakaisip na tingnan ang ilalim ng kama at bumulaga sa kanilang duguang bangkay ng biktima.

Inaalam pa ngayon ng pulisya ang pagkakakilalan ng biktima para maipaalam sa mga mahal nito sa buhay ang kanyang sinapit. BOBBY TICZON

Kuta ng Abu Sayyaf sa Basilan nakubkob, 4 lagas

$
0
0

IPINAGMALAKI ng Western Mindanao Command (WESMINCOM) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakapatay ng apat na bandidong Abu Sayyaf sa dalawang magkakahiwalay na bakbakan noong Sabado sa bayan ng Sumisip sa lalawigan ng Basilan.

Ayon kay Capt. Joan Petinglay, tagapagsalita ng Wesmincom, nangyari ang unang bakbakan sa Brgy. Upper Benengbengan noong hapon ng Sabado na sinundan naman sa Brgy. Cabcaban noong gabi ng nasabing araw.

Maliban sa pagkakapatay sa apat na bandido, sinabi ni Petinglay na nakubkob din ng mga sundalo ang isang pansamantalang kuta ng mga bandido sa lugar.

Mariin din namang itinanggi ni Petinglay na may mga sundalo na namatat sa nasabing engkwentro sa mga bandido taliwas sa mga naunang lumabas na balita. JOHNNY ARASGA

Kelot tigbok sa pine tree

$
0
0

DINGRAS, ILOCOS NORTE – Patay ang isang lalaki matapos mabagsakan ng pine tree sa Brgy. Elizabeth, Dingras sa nasabing lalawigan noong Sabado, May 6.

Ang biktima na napatay habang ginagamot sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMHMC) ay nakilalang si Jun Batuon, alyas “Bugoy”, 54, tubong Sto. Domingo, Lupaw, Nueva Ecija, ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, pinuputol nina Batuon at kaibigan nitong si Zaldy Luiz ang pine tree sa nasabing barangay ngunit mabilis itong bumagsak at hindi na nakailag pa ang biktima at tinamaan ang leeg.

Agad na isinugod sa MMMHMC ang biktima ngunit pagkalipas ang mahigit isang oras ay binawian din ito ng buhay.

Tinitingnan ngayon sa investigasyon kung kung may pananagutan si Luiz sa nangyaring insidente. ALLAN BERGONIA

Malakihang rollback sa langis, aarangkada bukas

$
0
0

MULING aarangkada ang panibagong tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis bukas, Mayo 9.

Ito’y ayon sa Department of Energy (DOE) bunsod ng umano’y sobra-sobrang suplay ng langis ngunit babatay pa ito sakaling makumpleto na ang isang linggong pagtaya sa kalakalan ng langis.

Ayon kay Energy Spokesman at Usec. Felix Fuentebella, inaasahang maglalaro sa P0.70 – P0.90 ang posibleng i-rollback sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene.

Ngunit batay sa source, posibleng maglaro pa mula P1.00 – P1.10 ang rollback sa presyo ng kada litro ng diesel habang nobenta P0.90 hanggang P1.00 naman sa gasolina at kerosene.

Sakaling maisalya na, ito na ang ikatlong sunod na linggo na magpapatupad ng rollback ang mga oil companies sa kanilang mga produkto. JOHNNY ARASGA

Parusa sa mga tsismoso’t tsismosa, isasabatas

$
0
0

ISINUSULONG sa Kamara na maparusahan ang mga tsismoso at tsismosa sa mga lugar ng trabaho tulad ng opisina, business establishment at iba pa.

Ayon kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe, sa oras na maipasa ang kanyang panukalang batas na House Bill 815 o Anti-Office Bullying Act ay maaaring maharap sa kasong krimen ang mga nagkakalat ng mapanirang kwento laban sa kasamahan sa trabaho.

Aniya, maituturing kasing bullying ang pagkakalat ng tsismis para masira ang isang tao.

Bukod sa mga tsimoso at tsimosa, papanagutin din ang Human Resource Management kapag wala itong ginawa para maprotektahan ang kanilang empleyado laban sa paninira. -30-

Patrol car pinasabugan, 4 pulis sugatan

$
0
0

PAWANG nasugatan ang apat na pulis nang pasabugan ng improvised explosive device (IED) ang kanilang sinasakyang patrol car sa probinsiya ng Maguindanao kaninang Martes ng umaga.

Isinugod sa Maguindanao Provincial Hospital (MPH) sanhi ng mga tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina SPO2 Mohammad Ampatuan, PO3 Ali Ibrahim Malok, PO3 Harim Guiampala Ampatuan at PO1 Norodin Enged Olympain na pawang mga miyembro ng Radjah Buayan municipal police station.

Blangko pa ang kapulisan sa kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog pero isa sa sinisilip na motibo ay bilang ganti sa mga pulis sa nakaraang drug raid sa bayan ng Radjah Buayan na apat ang nasawi kabilang ang dalawang bata.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 10:45 ng umaga sa tapat ng isang pampublikong eskwelahan at Mamasapano Elementary School sa Mamasapano, Maguindanao.

Sinabi ni Radjah Buayan, Maguindanao Mayor Engr. Zamzamin Ampatuan, lulan ang mga pulis ng sa kanilang patrol car na nagmula sa bayan ng Radjah Buayan at patungong Maguindanao PNP provincial headquarters.

Pagsapit aniya sa harap ng nasabing eskwelahan ay bigla na lamang sumabog ang IED na inilatag sa gilid ng national highway.

Sa lakas ng pagsabog nasugatan ang apat na biktima habang ag kanilang patrol car ay halos nawasak ang harapang bahagi nito.

Sa pagsisiyasat ng SOCO sa lugar ng pinagsabugan, nabatid na ang IED ay gawa sa mga bakal, black powder, 9 volts battery, mga wirings at cellphone bilang triggering mechanism. BOBBY TICZON

66-anyos na tindera, utas sa magnanakaw

$
0
0

UTAS ang isang 66-anyos na sari-sari store owner matapos pagsasaksakin ng magnanakaw na nanloob sa kanyang bahay kaninang madaling-araw sa Navotas City.

Nakilala ang biktimang si Erlinda Laquindanum, na natagpuang walang buhay ng kanyang kapatid na si Rosita Santiago dakong 5:45 ng umaga sa pagpunta nito sa tindahan ng biktima.

Ayon kay Santiago, napansin niyang nakabukas ang pinto at bintana ng bahay ng kanyang kapatid kaya agad nitong tiningnan subalit laking gulat nito nang makita ang duguan at walang buhay na biktima na nakahandusay sa kama.

Agad namang inatasan ni Navotas police chief S/Supt. Dante Novicio ang kanyang mga tauhan ang pagtugis sa pangunahing suspek na nakilalang si Edward Punzalan, ng F. Abiola St., Brgy. Tangos na huling nakita ng apo ng biktima na si Daverick Laquindanum na tinatangkang buksan ang bintana ng bahay ng kanyang lola dakong 11:00 ng gabi.

Nang tawagin ni Daverick si Punzalan habang pumapasok sa bahay ng kanyang lola ay agad naman itong umalis.

Sa isinagawang cursory examination ng mga tauhan ng Northern Police District Crime Laboratory Office (NPD-CLO), nagtamo ng mga saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima.

Naniniwala ang pulisya na pagnanakaw ang motibo sa insidente dahil nagkalat ang mga gamit ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto at ayon sa mga kaanak nito, nawawala din ang hindi pa matukoy na halaga ng pera ng matanda. ROGER PANIZAL


4 rider inararo ng trak, dedbol

$
0
0

URDANETA CITY, PANGASINAN – Patay ang apat na kalalakihan matapos mabangga ng isang delivery truck sa Brgy. Nancayasan, Urdaneta City sa nasabing lalawigan kahapon, May 8.

Sa imbestigasyon ng Urdaneta City police, nanggaling ang nasabing trak sa pagkuha ng mga manok sa Rosales, Pangasinan at papuntang Urdaneta.

Habang nagmamaneho, nawala ng kontrol ang driver at aksidenteng nasuwag ang mga nakaparadang motorsiklo lulan ng apat na biktima.

Sa lakas ng impact, umilalim ang mga biktima sa trak na agad nilang ikinamatay na ngayo’y kinikilala na.

Desidido namang magsampa ng reckless imprudence resulting to multiple homicide ang mga kaanak ng mga biktima laban sa driver ng trak na nakakulong na ngayon sa Urdaneta City police. ALLAN BERGONIA

Pulis patay sa ambush

$
0
0

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang pulis matapos ambusin sa Brgy. Minien, sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan nitong Linggo, May 7.

Kinilala ni Sta. Barbara deputy police commander P/S Insp. Jessie Galvez ang biktimang si PO2 Benson Mamerto, nakatalaga sa San Nicolas, Pangasinan police, ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-2:10 ng hapon sa nasabing barangay kung saan walang sabi-sabing rinatrat ng mga ‘di pa nakikilalang suspek ang biktima.

Ayon sa ilang nakasaksi, sakay sa isang sasakyan ang biktima kasama ang isang babae nang barilin sa kalsada sa Brgy. Minien ngunit hindi naman ito nadamay.

Narekober sa crime scene ang 30 piraso ng basyo ng bala ng baril.

Sa ngayon, patuloy ang Sta. Barbara police sa follow-up investigation para malaman ang motibo sa pagpatay kay Mameto. ALLAN BERGONIA

Jose de Venecia, itinalagang Special Envoy on Intercultural Dialogue

$
0
0

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating House Speaker Jose de Venecia sa Department of Foreign Affairs (DFA) Special Envoy on Intercultural Dialogue.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Robespierre Bolivar, mula Abril – Setyembre 2017 lamang ang appointment ni De Venecia.

Itinalaga rin ng pangulo si Catalino Cuy sa Department of Interior and Local Government (DILG) subalit walang tiyak na posisyon.

Matatandaang una nang itinalaga ng pangulo si Cuy bilang acting DILG Secretary kapalit ng sinibak na si Mike Sueno.

Bukod kina De Venecia at Cuy, 62 iba pa ang itinalaga ni Pangulong Duterte sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan. JOHNNY ARASGA

Cong. Floirendo, nahaharap sa plunder case

$
0
0

PLUNDER o kasong pandarambong ang posibleng kaharapin ni Davao del Norte Rep. Antonio “Tony Boy” Floirendo kapag napatunayang nalugi ang gobyerno sa kasunduang pinasok ng TADECO sa Bureau of Corrections (BuCor).

Si Floirendo na nagmamay-ari sa TADECO ay isang kongresista.

Ipinatawa ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang joint investigation ng House Committee on Government Accountability and Committee on Justice dahil sa napakalaking pagkalugi ng gobyerno bukod pa sa mga paglabag sa saligang batas dahil sa kasunduang ito.

“Kung mapatunayan natin na talagang ang gobyerno ay napagsamantalahan ng may P50-milyon ay baka pwedeng pumasok sa plunder since this involve a government also in cahoots with other family members,” ani Alvarez.

Unang nasabon ng mga kongresista ang mga opisyal ng TADECO na dumalo sa pagdinig kaugnay sa kontrobersyal na kasunduan na pinasok sa BUCOR sa Davao del Norte.

Sa pagtatanong ni House Speaker Pantaleon Alvarez ay napilitang aminin ng presidente ng TADECO na si Anthony Alexander Valoria na nagrerenta lamang ang nasabing kompanya.

“I am reminding you Mr. Valoria that you are under oath. Be honest at huwag mo kaming bolahin dito,” ani Alvarez.

Ipinaliwanag ng speaker ang paglabag ng TADECO sa saligang batas na hindi pwedeng mag-lease o umupa sa government land na higit pa sa 1,000 ektarya.

Sa ngayon ay nasa mahigit 5,308-ektaryang lupa ang inuupahan ng TADECO na tinatamnan ng saging sa upang napakababa at share na P1.80 kada karton ng saging.

“So to justify, to make it appear na hindi siya estate lease ay giangawa nilang joint venture agreement. Pero malinaw naman sa ating pagtatanong na iyong P5,000 na ibinibigay sa gobyerno ay rental at iyong share ng government na mahigit P1 ay kunwari in addition to the rental.” MELIZA MALUNTAG

EDITORIAL: War on terror  

$
0
0

IN the wake of the twin explosions that rocked Quiapo district last week, a senator has urged the government to also prioritize counter-terrorism efforts aside from its ongoing campaign against illicit drugs.

Sen. Sherwin Gatchalian, member of the Senate Committee on National Defense and Security, suggested a balanced allocation of law enforcement resources between the war on drugs and other public safety priorities such as terrorism.

Despite the pronouncement of the Philippine National Police that the blasts have nothing to do with terrorism, Gatchalian is worried that these would encourage terrorists within the region to launch attacks in the Philippines.

He said these bombings serve as a tragic reminder that there are many public security issues aside from illegal drugs that deserve the attention of law enforcement authorities.

He explained that the government should manage its law enforcement manpower and intelligence resources wisely to make sure that all its bases are covered “from counter-terrorism efforts to the war on drugs.”

He added that “the last thing we want is for terrorist groups to get it into their heads that the Philippines is an easy target that they can use to promote their despicable agenda.”

Meanwhile, the neophyte senator also urged the government to fully mobilize the country’s top national defense and security body, National Security Council, to neutralize possible terrorist threats.

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>