Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

Drug pusher na de-granada, dedo sa pulis

$
0
0

BAGO naihagis ang granada, napatay ng pulisya ang isang drug pusher na kanilang huhulihin sa Malolos, Bulacan kaninang Huwebes ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na nakilalang si Edward Amor, kilala rin sa alyas na “Kulog,” ng Brgy. Sumapang Matanda.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 12:55 a.m. sa Brgy. Bulihan, Malolos, Bulacan.

Bago ito, napapasok ng isang poseur buyer ang suspek para makabili ng ilang gramo ng shabu.

Magkagayunman, nakatunog ito na mga pulis ang kanyang katransaksyon kaya para hindi masukol ay inilabas sa kanyang bulsa ang dalang granada.

Pero bago natanggal ng suspek ang pin para maihagis sa mga pulis, tinamaan na siya ng mga putok.

Narekober sa suspek ang ilang sachet ng shabu at isang granada.

Matagal nang minamanmanan ng mga pulis ang suspek na tuloy-tuloy ang mga transaksyon mula pa nitong Araw ng Paggawa.

Mga taga-Malolos lang ang karamihan sa mga parokyano ng suspek at madalas ay sa gabi ito nag-o-operate.

Nasabihan na rin sa Oplan Tokhang si Kulog na tumigil na sa iligal na gawain pero hindi ito sumunod. BOBBY TICZON


Aboitiz Equity Ventures reports profit of P4.7 billion in first quarter of 2017

$
0
0

Aboitiz Equity Ventures, Inc. (AEV) ended the first quarter of 2017 with P4.7 billion net income, a 7% decrease year-on-year. The company recognized non-recurring losses of P442 million (versus last year’s gain of P186 million) coming from foreign exchange (forex) losses recognized upon revaluation of dollar-denominated liabilities and mark-to-market losses on derivatives.

Power accounted for 67% of the group’s total earnings while income contribution of the banking and financial services, food, infrastructure, and land strategic business units (SBUs) were at 22%, 6%, 4% and 1%, respectively.

Consolidated earnings before interest, tax, depreciation and amortization (EBITDA) of P 12.7 billion, recording an increase of 14% year-on-year (YoY). Considering ITDA expenses, the higher income contributions from associates brought core net income for the quarter 5% higher YoY, from P4.9 billion to P5.1 billion.

“Our performance reflects the underlying strength of our core operating businesses as we continue to invest for the future. In pace with the country’s upward growth momentum, we will use our gains to create long-term value for all our stakeholders,” Erramon I. Aboitiz, AEV President and Chief Executive Officer, said.

Strategic Business Units

Power

Aboitiz Power Corporation’s (AboitizPower) income contribution to AEV decreased by 13% YoY, from P3.9 billion to P3.4 billion as income performance also recorded a 13% decline YoY at P4.4 billion.

Power generation business, which accounted for 81% of earnings contributions from AboitizPower’s business segments, reported a net income drop due to higher interest and depreciation expenses from the initial take up of GNPower-Mariveles costs, and increase in unrealized forex and mark-to-market losses.

For power distribution, attributable sales for the period was at 1,208 gigawatt-hours, remaining close to flat compared to the same period last year.

Banking & Financial Services

Union Bank of the Philippines’ (UnionBank) income contribution to AEV increased by 30% YoY, from P837 million to P1.1 billion. Together with its subsidiaries, the SBU recorded a net income of P2.2 billion for the first quarter of 2017, 27% higher as compared to the P1.7 billion earned for the same period last year.  The increase in net income was largely in view of the sustained growth in recurring income, coupled with trading profits.

Likewise, the income contribution of PETNET, the other financial services company, increased by 207% YoY to P4.4 million.

Food

AEV food subsidiaries’ (Pilmico Foods Corporation, Pilmico Animal Nutrition Corporation, and Pilmico International Pte Limited) income contribution for the quarter decreased by 25% YoY from P389 million to P292 million.

Feeds Philippines and Flour reported a drop in net income contributions largely driven by lower selling prices and higher raw material (RM) and operating costs. Depressed flour prices, higher wheat cost, and increase in operating costs dragged Flour’s net income for the period to P87 million, 46% lower YoY.

Feeds Vietnam’s income doubled to P7 million driven by the 5% volume growth, a result of the expansion in new markets: export and commercial, and better margins.  The recovery in live hog selling prices of Farms resulted to a 4x higher YoY net income of Farms division to P81 million.

Land

Aboitiz Land, Inc. (AboitizLand) registered a net income of P72 million, 46% higher than last year’s P50 million.

The increase in net income was mainly attributed to higher revenue recognition by the industrial BU, and improved sales and construction progress by the residential BU.  AboitizLand posted a revenue of P640 million for the first quarter of 2017 – an increase of 28% from the same period last year.  Of this revenue, the residential BU contributed 53% (P339 million), the industrial BU 41% (P264 million), and the commercial BU and others, 6% (P37 million).

Infrastructure

From the infrastructure group, Republic Cement and Building Materials, Inc.’s (Republic) income contribution to AEV decreased by 48% YoY from P391 million to P202 million. Cement demand slowdown was experienced in the first quarter of 2017, as compared to the same period last year when there was strong demand due to the election season.

Youth group denounces CA’s rejection of Gina Lopez’s confirmation 

$
0
0
Youth group lambasted the recent rejection of Commission of Appointments over Gina Lopez’s confirmation as DENR secretary. KAISA-Nagkakaisang Iskolar para sa Pamantasan at Sambayanan called out the CA for prioritizing business interests over a people-centered development in the mining industry and in the pursuit of climate justice.
“CA’s rejection of Gina’s confirmation is a victory for corporations,” Jelaine Gan, a Biology student who won as USC Councilor in a paperless campaign in the recent UPD USC elections, said. Lopez was consistently criticized due to her lack of scientific knowledge and proper credentials in her claim to the position. In response, KAISA UP raised that a DENR Secretary must be scientific but without compromising service to the people. Gan continued, “Science and technology must always aid social progress with social justice. If it doesn’t serve the people’s general welfare and interest, it’s not going to work.”
Gina Lopez had suspended 23 mining operations over the past months. She had been in opposition against the severe effects and extreme operations of mining corporations since she held the position. KAISA UP lauded Lopez’s tenacity on resisting against powerful institutions she was aggravating.
But Gan was quick to clarify, “Our negative view on the rejection of GIna Lopez’s confirmation as DENR secretary does not mean that we follow her blindly and view her as the savior for a more sustainable future. As with any government official, we recognize that us students should still remain critical on the developments proposed by her supposed office.”

LRMC breaks ground on LRT-1 Cavite Extension project

$
0
0

Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) operator Light Rail Manila Corporation (LRMC) today breaks ground for the pre-construction work on the LRT-1 Cavite Extension to connect the existing line with 20 passenger stations to an 11.7-kilometer alignment with eight passenger stations to be located in Parañaque, Las Piñas, and Cavite.

The new stations will be named Aseana, MIA, Asia World, Ninoy Aquino and Dr. Santos Stations in Parañaque City, Las Piñas and Zapote Stations in Las Piñas City and Niog Station in Bacoor, Cavite.

Built for train speed of maximum 80 kilometers per hour and a commercial speed of 60 kilometers per hour, LRMC President and CEO Rogelio L. Singson is optimistic that the LRT-1 Cavite Extension will significantly ease the commute in Metro Manila. “The Cavite Extension will serve an additional 300,000 commuters and will significantly reduce travel time from Bacoor, Cavite to Manila from about two hours to about 40 minutes,” he disclosed.

Further to the convenience of commuters, the design of the LRT-1 Cavite Extension was based on the basic objective of integrating the LRT-1 with other modes of transportation. “We considered the accessibility of the new stations to shops, schools, and offices to better suit passenger flow from residential and commercial areas. LRMC envisions the eight new stations of the LRT-1 to foster a commute that is direct, smooth, and safe for all passengers.”

LRMC signed a Concession Agreement with the Philippine Government in October 2014 to operate and manage LRT-1 and construct the Cavite Extension. Since it assumed operation and management of the LRT-1 in September 2015, LRMC has already worked on the repair of LRVs, bringing the total number of functioning vehicles to 100 in December 2016. Under LRMC, LRT-1 is also undergoing a rail replacement project for the train line’s 33-year-old tracks.

The company’s most recent undertaking is the launch of the new LRT-1 Doroteo Jose station, which is the pilot station under LRMC’s Station Improvement Project. The project involves structural upgrades and new facilities for the 20 existing LRT-1 stations. The second phase of the project which include United Nations, Gil Puyat, Abad Santos, Pedro Gil, and R. Papa stations are set to be unveiled in June 2017, while the whole project is expected to be complete by end of 2017.

After the rave parties, Globe spearheads 3-day beach clean-up, coral planting in Boracay

$
0
0

AS part of LaBoracay festivities that included hosting #GlobeSunkissed party at White House, Station 1 in Boracay, Globe Telecom spearheaded the Boracay beach clean-up to ensure that the country’s favourite summer getaway is back to its pristine condition even after a major event participated in by over 60,000 local and foreign tourists.

LaBoracay is a Labor Day Weekend celebration where the world-class tourist destination becomes one big party venue with numerous companies and establishments offering non-stop entertainment to attract the vacationing crowd.

“Our employees, partners, and clients have come together to mitigate the impact of the weekend activities on the beach of Boracay. While giving local customers and tourists the best weekend party at LaBoracay, we also exerted effort to ensure we don’t compromise the natural beauty of the island,” said Yoly Crisanto, Globe Senior Vice President for Corporate Communications.

In anticipation of the big volume of trash that is often left behind after huge gatherings, Globe organized a team of volunteers to scour White Beach, Station 1 every morning at 7-9 am from April 29 to May 1 to rid the area of garbage.  If not collected properly, this may cause health and environmental problems to the community.

The 46 volunteers include Globe employees, media partners, Solid Waste Management team of Malay local government, and representatives from Cambridge University Press. Together, they collected empty bottles, plastic containers, cigarette butts, and biodegradables which were segregated accordingly. A total of 130 bags full of trash were collected after three days. In parallel, some volunteers also designed new trash drums decorated with water-based paint which were left as donation to Sea Wind and White House resorts.

Apart from the beach clean-up activity, 25 Globe executives and guests also participated in the planting of coral fragments in nursery rafts provided by Boracay Foundation, Inc (BFI).  The corals will later on be transferred to BFI’s identified underwater nurseries.  BFI is a non-profit, non-stock association aimed at sustaining the island’s environmental, business, and social needs. The activity aims to raise awareness and educate the public, especially those visiting the island, on the importance of coral transplantation. This is one way to help ensure marine life biodiversity, environment conservation and sustainable eco-tourism.

Since 2012, Globe has been actively helping Boracay with its environmental initiatives such as marine life protection, offshore clean-up training, support for conservation efforts by local stakeholders, and raising environmental awareness among the youth and local residents.

Stude, dedo sa nililinis na baril

$
0
0

SABOG ang ulo ng isang college student nang pumutok ang nililinis niyang baril sa Tacloban City kaninang umaga, Biyernes.

Sinabi ni P/S Insp. Daniel Polo, hepe ng Abucay PNP, dead-on- arrival ang biktima na nakilalang si Jay Paolo Cabantac, 19, ng 91 Abucay, Tacloban City.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:15 a.m. sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Ayon sa ina nito, nililinis ng kanyang anak ang naturang baril nang dumulas ito sa kanyang kamay.

Sa kamalasan pa, pumutok ito nang bumagsak sa sahig at dumiretso ang bala sa ulo ng biktima.

Ayaw namang magkomento ang mga magulang kung bakit may baril ang kanilang anak. BOBBY TICZON

5 NBI agents, protektor ni Atong Ang

$
0
0

IBINUKO ngayon ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na may limang National Bureau of Investigation (NBI) agents ang kanyang pinaiimbestigahan dahil sa pagiging protektor kay gambling operator na si Charlie Atong Ang.

Ayon sa kalihim, isa sa mga nasabing NBI agent ang nagtimbre kay Ang na ipapapatay niya ito at ni National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Maliban dito, sinabi ni Aguirre na mayroon ding mga dating opisyal ng NBI ang protektor ni Ang base sa natanggap nitong impormasyon.

Sa ngayon, tinukoy na ang pagkakakilanlan ng limang NBI agent na nagsisilbing protektor ni Ang at matagal na niya itong hawak.

Maaalalang noong nakaraang linggo ay galit na ibinunyag ni Ang na ipinapapatay siya ni Aguirre at ni Esperon para makontrol umano ang operasyon ng small-town lottery sa ilang mga lalawigan sa bansa.

Pero mistulang pinagtawanan lamang ni Aguirre ang mga banat ni Ang laban sa kanya lalo pa at wala naman itong ebidensya at puro alegasyon lang. BOBBY TICZON

Suspendidong ERC Chairman, ‘di na makababalik sa puwesto – Duterte

$
0
0

MARIIN ang pagtitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na makababalik sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang suspendidong chairman na si Jose Vicente Salazar.

Sa talumpati ng pangulo sa opening ceremony ng Philippine Orthopaedic Association 27th Midyear Convention sa SMX Convention Center sa Davao City, tiniyak nitong kanya ring sisibakin sa puwesto si Salazar.

“I fired about 96. Mostly guys in the regulatory body…I suspended Salazar because of corruption, eventually I will remove him eventually, lahat sila.” Pahayag ng pangulo.

Dagdag pa nito, hindi lang si Salazar ang masisibak sa ERC kundi maging ang ibang opisyal na sangkot sa katiwalian.

Una rito, inatasan na ng pangulo ang mga appointed officials sa ERC na maghain ng courtesy resignation lalo na ang mga sangkot sa katiwalian dahil kapag hindi ay bubuwagin na lamang niya ang ERC. JOHNNY ARASGA


Bahay ng suspek sa Quiapo blast, natunton na

$
0
0

NATUNTON na ng mga operatiba ang bahay ng suspek sa Quiapo blast kung saan isang bag na naglalamang ng mga sangkap ng paggawa ng bomba ang narekober.

Ilang araw ding tiniktikan ng operatiba ng Manila police ang Brgy. 648 zone 67 district 6 sa Quiapo kung saan natunton na nagtatago ang suspek sa pagsabog sa Quiapo na ikinasugat ng 14 na katao.

Kaninang madaling-araw isinagawa ang pagsalakay sa isang bahay sa tabi ng basketball court sa Muslim center kung saan nga nakita sa lugar ang bag na naglalaman ng mga gamit sa paggawa ng bomba.

Tumanggi muna si C/Insp. Rosalino Ibay na magbigay ng anomang impormasyon sa kanilang operation.

Matatandaang sa naganap na pagsabog, 14 na katao ang nasugatan, isa rito ay naputulan ng binti habang ang isa’y nauka ang puwet dahil sa matinding pinsala. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Working hours sa BI, binago

$
0
0

WALA dapat ipangamba kahit binago ang working hours ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay BI commissioner Jaime Morente, mula sa dating 7:00 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon ay magiging alas-8:00 na ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ang oras ng trabaho ng mga empleyado.

Ani Morente, ito’y bilang tugon sa usapin ng pag-aalis ng overtime pay sa mga immigration officers.

Aniya pa Morente, wala dapat ipangamba ang publiko dahil kahit binago nila ang working hours, mananatili naman ang mabilis at epektibong serbisyo nila sa publiko.

Mananatili rin aniya ang ‘no-noontime break’ policy ng kanilang ahensya upang tuloy-tuloy pa rin ang pagpoproseso ng mga dokumento. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Empleyado ng gobyerno na dating adik, inutas

$
0
0

LAOAG CITY – Dead-on-the-spot ang isang government employee na dating drug surrenderee matapos pagbabalirin ng dalawang rider sa likod ng Holy Spirit Academy (HSA) sa siyudad ng Laoag noong Miyerkules, May 3.

Kinilala ni Laoag City police commander P/Supt. Edwin Balles ang biktimang si Kervin Andres, business foreman ng Laoag City Commercial Complex, at taga-Brgy. 9, ng nasabing siyudad.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Balles na lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo at dumaan sa likod ng HSA nang may biglang tumabi sa kanya na dalawang hindi pa nakikilalang suspek sakay ng dalawang motorsiklo na Honda Wave at Yamaha Mio.

Dito, bumunot ng baril ang dalawang suspek at pinagbabaril si Andres hanggang sa malugmok ito at nang masigurong patay na ang target ay agad-agad din silang tumakas.

Narekober ng lokal na Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang ang mga basyo ng .45 at .9mm pistols sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up investigation ang Laoag City police hinggil sa insidente. ALLAN BERGONIA

Nahuling ASG member sa Bohol, tigok sa pagpalag

$
0
0

NAPATAY ng mga pulis ang miyembro ng Abu Sayyaf isang araw matapos itong maaresto sa Tubigon, Bohol.

Ayon kay C/Supt. Noli Taliño, hepe ng PNP Region 7, inagawan ng suspek na si Saad Samad Kiram alyas Saad ang isa nilang pulis kaya’t napilitan na silang barilin ito.

Alas-2:00 ng madaling-araw ng Biyernes nakatakda sana aniya nilang ilipat sa BJMP District Jail si Saad subalit nagpaalam itong pupunta ng palikuran dahil sa sakit ng kanyang tiyan.

Gayunman, sa halip na sa comfort room magtungo ay tumakas na itong si Saad.

Halos dalawang oras ring tumagal ang habulan bago nasukol ng mga pulis si Saad at dito na naganap ang pang-aagaw niya ng baril. JOHNNY ARASGA

Pang. Duterte pwedeng maging kalihim ng DENR — Pamelo

$
0
0

NANINIWALA si Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na maaari namang pamunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kapalit ni dating Secretary Gina Lopez.

Ito’y ayon kay Atty. Salvador Panelo kung sakaling walang makita ang pangulo na maitatalagang kapalit ni Lopez matapos mabasura ang nominasyon nito sa Commission on Appointments (CA).

Ayon kay Panelo, bagama’t walang batas na nagbabawal sa pangulo na gampanan ang trabaho ng isang kalihim ngunit mas mainam aniyang hindi na ito gawin ng pangulo.

Una nang sinabi ni Lopez na kanyang inirerekomenda si Pangulong Duterte na pumalit sa kanya sa puwesto upang matiyak na maipagpapatuloy nito ang kanyang mga nasimulan.

Samantala, ikinakasa na ng mga environment conservation advocate ang kanilang kilos-protesta bilang pagkondena sa pagbasura ng CA sa nominasyon ni dating DENR Sec. Gina Lopez.

Ayon kay Reuben Muni, Campaigner ng Greenpeace Philippines Climate and Energy, nagsasagawa na sila ng mga konsultasyon sa iba’t ibang grupo hinggil dito.

Dapat aniyang ipakita sa pamahalaan ang pagkadismaya ng taumbayan dahil sa anila’y walang-awang pagbasura sa nominasyon ni Lopez bilang kalihim.

Si Lopez ang ikalawang miyembro ng gabinete ng Pangulong Duterte na hindi kinumpirma ng CA sunod kay dating Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay, Jr. -30-

CDO druglord dedo, 2 misis tiklo sa warrant ops

$
0
0

PINANINIWALAANG nabali na ang operasyon ng tinaguriang Sangcopan drug syndicate nang mapatay ang kanilang founder at pagkahuli ng dalawa nitong asawa sa Northern Mindanao kaninang Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agancy (PDEA)-13 regional director Gilbert Buenafe ang napatay na si Jabbar Sangcopan. Nakuha rito ang may 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng kalahating-milyong piso.

Dinampot din ang asawa ni Sangcopan na si Nasif Asgar Sangcopan na mayroong warrant of arrest mula sa korte ng Caraga.

Samantala, naaresto rin ang isa pang asawa ni Jabbar na si Cindy Shariff Sangcopan sa magarbong bahay nito sa bayan ng Opol, Misamis Oriental. Nakuha kay Cindy ang nasa P800,000 na halaga ng shabu at isang pribadong sasakyan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 7:25 a.m. sa mismong bahay ng mag-asawang Sangcopan sa Brgy. Kauswagan, CDO.

Sa imbestigasyon, nanlaban habang isinisilbi ang search warrant kay Jabbar na itinuring na malaking illegal drug operator sa safehouse nito sa nasabing barangay.

Ayon kay Buenafe, napilitan ang kanyang mga tauhan na barilin si Sangcopan matapos silang paputukan nito habang nasa loob ng bahay gamit ang caliber .357.

Si Sangcopan ay mayroon ding armadong grupo na ang misyon ay pumatay kapag hindi makapagbayad sa kanila ang mga kustomer na kumukuha ng shabu. BOBBY TICZON

Pagkaubos ng contraceptives, pinangangambahan

$
0
0

NANGANGAMBA si Taguig Rep. at House Deputy Speaker Pia Cayetano na malagay sa panganib ang maraming kababaihan sa pagkaubos ng contraceptives pagsapit ng 2020.

“PH to run out of contraceptive supplies by 2020. TRO on contraceptives putting women’s health and lives at risk,” aniya.

Saad pa nito, maraming kababaihan ang gumagamit at dumedepende sa kontraseptibo hindi lamang sa pagplano ng pamilya kundi maging sa ibang karamdaman ng kababaihan.

Dahil dito, agaran itong nanawagan sa Korte Suprema na tanggalin na ang TRO sa “certification of contraceptive products” ng bansa.

Ang TRO ay inisyu ng Supreme Court (SC) halos dalawang taon na noong June 17, 2015, upang pigilan ang Food and Drugs Administration (FDA) na magbigay ng mga bagong certificate of registration ng mga bagong contraceptives.

Ang sertipikasyon ay kailangan upang maibenta at maipamahagi ang contraceptives sa publiko.

“Women have started to feel the shortage. And the eventual total unavailability of contraceptives will affect millions and millions of women who rely on these, number one, not to get pregnant, and also for other health issues that could only be addressed by these products,” ayon kay Cayetano.

Si Cayetano ay parehong author ng Reproductive Health Law at FDA Law. MELIZA MALUNTAG


19 ASG sumuko sa Basilan

$
0
0

SUMUKO sa awtoridad ang may 19 na mga aktibong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan ng Basilan.

Sinabi ni Western Mindanao Commander (WestMinCom) Lt. Gen. Carlito Galvez, Jr., kabilang sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan ay ang dalawang Abu Sayyaf sub-leader na nakilalang sina Nur Hassan Lahaman alyas Hassan at Mudz-Ar Angkun alyas Mapad Ladjaman.

Kasama ring sumuko ang 13 nilang mga tauhan sa tropa ng 64th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Brgy. Tumahubong sa munisipyo ng Sumisip.

Bitbit nila ang kanilang siyam na mga high-powered firearms na cal. .50 sniper rifle, M16 rifle, M79 40mm. grenade launcher, limang garand rifle at 1 cal. .30 Springfield rifle.

Sinundan din ito sa pagsuko ng apat pang magkakapatid na aktibong miyembro rin ng Abu Sayyaf kidnap for ransom group (KFRG) mula sa Brgy. Basakan, Hadji Mohammad Ajul, Basilan at kinilalang sina Patta Salapuddin, 53; Asbi Salapuddin, 32, Sayyadi Salapuddin, 31, at isang Arci Salapuddin, 20.

Isinuko ng apat na bandido ang dalawa nilang M16 at M79 rifle.

Ayon kay Galvez, ang Salapuddin brothers ay sangkot sa nangyaring seajacking sa M/V Super Shuttle T/B 1 noon lamang Marso 23 sa Basilan at link sa grupo ng ni KFRG sub-leader Alhabsy Misaya na kamakailan lamang ay napatay sa military operation sa lalawigan ng Sulu.

Ang 19 mga sumukong Abu Sayaf ay isinasailalim na ngayon sa debriefing at processing sa Basilan Police provincial police office.

Noong nakaraang linggo lamang, may apat ding mga Abu Sayyaf kidnap for ransom group ang napaulat na sumuko sa Joint Task Force Sulu sa ilalim ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana.

Inihayag ng opisyal na umaasa silang marami pang mga Abu Sayyaf ang susuko sa tropa ng pamahalaan mula sa lalawigan ng Sulu at Basilan dahil sa nagpapatuloy nilang intensified operation. BOBBY TICZON

Anak ng tanod, rinatrat sa QC

$
0
0

NAGKABUTAS-BUTAS ang katawan ng isang binatilyo matapos pagbabarilin ng de-kotseng mga salarin sa Quezon City kaninang Sabado ng madaling-araw, Mayo 6.

Namatay noon din ang biktimang si Michael Miras, 14, ng Brgy. Old Balara, QC.

Blangko naman ang QC Police District investigators kung sino ang mga salarin dahil walang nakakuha ng plaka ng isang berdeng kotse habang isa naman sa sinsisilip na motibo ay may kaugnayan sa droga.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 3 a.m. sa kubol ng biktima.

Ayon sa ama ng biktima na si Boy Miras, tanod, wala pang 10-minuto nang dumating ang kanyang anak mula sa pakikipag-kara krus nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril.

Kinutuban, napatakbo si Boy sa kubol ng anak at nakita itong duguan at wala nang buhay.

Dalawang lalaking nakabonet ang nakitang bumaril sa biktima na lulan ng berdeng kotse.

Ayon kay Boy, walang kaaway ang kanyang anak na nagtatrabaho bilang jeepney barker sa umaga.

Suspetsa niya, may kinalaman sa bawal na gamot ang pagkamatay ng kanyang anak dahil dating gumagamit ito ng iligal na droga.

Tatlong basyo ng M-16 rifle, at dalawang basyo ng kalibre .45 ang nakuha sa crime scene. BOBBY TICZON

2 patay, 7 arestado sa buy-bust

$
0
0

PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher matapos manlaban sa mga awtoridad kaninang madaling-araw sa Pandacan, Maynila.

Kinilala ang mga nasawing sina Victor Hermoso, 43, ng 1202 Narciso St., Pandacan, at Ryan Dimacali, alyas ‘Oxo,’ 31, miyembro ng Bahala na Gang, at taga-1934 Dagonoy St., Sta. Ana, Maynila.

Bukod sa dalawang napatay, naaresto naman ang pito pang sangkot sa iligal na droga na sina Romil Hermoso, 37, kapatid ni Victor; Joseph de Jesus, 37; Mark Edward Reyes, 35; Francisco Antonio, 49; at Paul Garcia, 30, pawang taga-Pandacan; at Leslie Moriel, 31, janitor, ng Sta. Ana, Manila, at Jerome dela Cruz, 29, cellphone technician, miyembro ng Bahala na Gang, at taga-San Andres Bukid na nahulihan ng droga at paraphernalia.

Sa ulat, pasado ala-1:00 nang isagawa ng mga awtoridad ang buy-bust operasyon sa 1934 Dagonoy St., Sta. Ana at sa Narciso St. sa Pandacan.

Nakatanggap ng ulat ang mga tauhan ng MPD-Station 6 hinggil sa iligal na aktibidad ng isang alyas Oxo sa Dagonoy St., kaya agad ikinasa ang operasyon sa lugar.

Nang aarestuhin si Oxo, nanlaban ito kaya nabaril at napatay habang naaresto naman sina Moriel at Dela Cruz, nang matiyempuhan sa lugar.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang kalibre .38 baril, na may apat na bala, anim na sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at P200 buy-bust money.

Samantala, sinalakay rin ng mga tauhan ng MPD-Station 10 ang tahanan ng magkapatid na Hermoso sa Narciso St. nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa kanilang illegal drug activities.

Nagpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis ngunit nang makatunog si Victor ay pumaag ito na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Sa naturang operasyon, inaresto rin ng mga pulis ang kanyang kapatid na si Romil, gayundin sina De Jesus, Reyes, Antonio at Garcia, na naaktuhang nagpa-pot session sa lugar nang isagawa ang operasyon.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang black widow revolver na may tatlong bala, P500 marked money, limang sachet ng shabu, dalawang sachet ng marijuana at mga drug paraphernalia. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Abaya, 6 iba pa, kinasuhan ng graft

$
0
0

SINAMPAHAN ng kasong graft sa Office of the Ombudsman si dating Transportation Sec. Joseph Emilio Abaya at anim na iba pa dahil sa mga “non-operational” na train coaches na binili sa China noong 2014.

Inihain ng mga grupong Anti-Trapo Movement, Liga ng Eksplosibong Pagbabago at United Filipino Consumers and Commuters ang reklamo laban kay Abaya at anim na iba pang opisyal dahil sa nasabing kasunduang nagkakahalaga ng P3.77-bilyon.

Tanging si MRT-3 officer-in-charge Deo Leo Manalo ang tanging kasalukuyang opisyal na kasama sa mga respondents sa reklamo dahil siya noon ang director for operations.

Ayon sa reklamo, ang 48 coaches ay hindi magamit dahil sa maraming depekto, kabilang na ang hindi pagkakaroon ng signaling system.

Giit ng mga nagsampa ng kaso, dapat managot ang mga kinasuhan dahil hindi nila pinansin ang mga technical deficiencies ng mga ito.

Kabilang sa iba pang mga kinasuhan ay sina dating Department of Transportation and Communications (DOTC) bids and awards committee chair Jose Perpetuo Lotilla, dating BAC secretariat overall head Catherine Jennifer Gonzales, dating BAC members na sina Rene Limcaoco at Julianito Bucayan, pati na ang dating project implementation team head na si Roman Buenafe. JOHNNY ARASGA

Trak sumalpok sa puno, 9 sugatan

$
0
0

SUGATAN ang siyam katao nang bumangga ang kanilang sinasakyang trak sa puno ng niyog sa Zamboanga del Norte kaninang Sabado ng madaling-araw.

Isinugod sa Dipolog Medical Center ang mga sugatang pasahero na hindi nakuha ang mga pangalan habang nakakulong na ngayon at sasampahan ng kaukulang kaso ang driver ng Isuzu Elf truck na nakilalang si Ivan Lee Calimpon Pabuaya, 28.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO-9), naganap ang insidente dakong 5:15 a.m. sa national highway ng Brgy. Tipan sa bayan ng Gutalac.

Nabatid na lulan ang mga biktima ng trak na may lulan ding mga sako ng kopra na dadalhin sa sentro ng bayan para ibenta.

Ayon kay Calimpon, nagkaroon ng break malfunction ang minamaneho niyang truck kaya nawalan na ito ng preno kaya bumangga sa puno ng niyog. BOBBY TICZON

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>