Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

Mister na nasa drug watchlist, itinumba

$
0
0

DEDBOL ang isang mister na nasa drug watch list ng kanilang barangay matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Caloocan City kaninang umaga, Mayo 2.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa ulo ang biktimang si Eric Ducusin, 42, jobless ng 3554 La Forteza Subd., Brgy. 175, Camarin.

Patuloy naman ang follow-up investigation ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa insidente.

Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Allan Budios, dakong 8:41 ng umaga, naglalakad si Ducusin sa kahabaan ng Champaca St., Brgy. 175, Camarin pauwi nang harangin ng armadong suspek na naka-helmet habang sakay ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril sa ulo.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon habang naiwan ang duguan at walang buhay na biktima.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong basyo ng bala at isang fired bullet mula sa kalibre .45 habang ayon sa mga opisyal ng Brgy. 174, noong March ay binaril na rin si Ducusin pero nakaligtas ito.

Si Ducusin ay kabilang umano sa drug watch list sa kanilang barangay dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal drug trade. RENE MANAHAN


Pusher nataranta, P10M shabu iniwan sa kotse

$
0
0

NAKUMPISKA ng awtoridad ang dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ngP10-milyon sa Batangas Port matapos ang isang buy-bust operation na nagsimula sa Parañaque City ayon kay Philippine National Police chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa.

“Kumpirmado ‘yan, doon nagsimula ang transaksyon sa Parañaque and noong naka-sense ang pusher na pulis ang ka-transact niya, tumakbo papunta sa SLEX hanggang umabot ang habulan sa Batangas,” pahayag ni Dela Rosa.

Sa inisyal na ulat, nagsagawa ang Parañaque City Police Station Drug Enforcement Unit ng isang operasyon laban sa isang nagngangalang RJ sa Aguirre Ave., Brgy. BF Homes, Parañaque City, dakong 12:15 a.m.

Pero nang papalapit na ang mga operatiba sa kotse ng suspek na isang Toyota Altis (XTU 479), nakatunog ito na pulis ang kanyang nakatransaksyon at mabilis na hinarurot ang kanyang kotse sa Sucat Rd. papuntang SLEX.

Nakipag-koordinasyon naman agad ang Parañaque police sa Batangas Provincial Police Office at PNP Maritime Group para mahanap ang kotse ng suspek na inabandona sa isang parking area sa Batangas Port dakong 8:40 a.m.

“Nag-coordinate sila sa mga isla dahil baka nakasakay na. Baka sa Mindoro, anywhere sa MIMAROPA area,” pahayag ni Dela Rosa.

Nakikipagusap na rin ang kapulisan sa Land Transportation Office (LTO) para makilala ang may-ari ng kotse. BOBBY TICZON

2 nagpatiwakal sa Malabon

$
0
0

DALAWANG lalaki ang kapwa nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa magkahiwalay na lugar kaninang Martes ng madaling-araw sa Malabon City.

Kinilala ang naunang namatay na si Raymond Tan Roa, 22, college student, na natagpuan nakabitin sa kanyang kwarto sa 50 Del Rosario St., Merville Subd., Brgy. Dampalit pasado alas-2:00 kahapon ng madaling-araw.

Sa imbestigasyon, sinabi ng kapitbahay ng biktima na si Sally Abaja na dumaan siya sa harap ng bahay ng biktima at aksidente niyang nasilip mula sa bukas pintuan ang nakabiting katawan ng biktima.

Ayon sa ama ng biktima na si Reynaldo, matapos niyang malaman ang nangyari sa kanyang anak ay agad nitong pinatid ang tali at nagbasakaling mailigtas pa ang buhay ng anak.

Samantala, sa Brgy. Potrero, isang Niko, 26, ang natagpuang nakabitin sa banyo ng kanyang kapatid sa 103 Banana Rd. pasado alas-4:00 ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, nakitaan ng depresyon ang biktima na sinasabing dahilan ng pagpapakamatay nito. ROGER PANIZAL

Isa pang impeachment complaint, nakaamba vs VP Leni

$
0
0

ISA na namang panibagong impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo ang inihain ng isang grupo ng mga abogado sa tanggapan ng isang kongresista.

Sa isang press conference, inamin ni Atty. Bruce Rivera na isang kongresista ang tumanggap ng impeachment draft na naka angkla sa tatlong grounds.

Hindi inamin ng abogado ang pagkakakilanlan sa kongresista dahil pinag-aaralan pa nito ang reklamo at hindi pa mabatid kung kailan ito pormal na ihahain sa tanggapan ng secretary-general.

“Initially the intention was to file it to the secretary-general’s office however we were instructed that we are to send it to a congressman’s office. Because it is the congressman involved and will eventually forward it to the office of secretary-general,” ani Rivera.

Sinabi pa ng abogado na anim hanggang pitong indibidwal ang lumagda sa impeachment complaint.

Tatlong grounds ang binanggit ng abogado sa ihahaing impeachment complaint kabilang ang Betrayal of Public Trust, Culpable Violation of the Constitutions, Graft and Corruption.

Ang pinag-ugatan ng kaso ay ang tape na ipinadala ni Robredo sa United Nations, ang Statement of Asset and Liabilities (SALN) at ang paggamit umano ng pondo ng HUDCC sa isang forum sa Estados Unidos na ang tema ay ukol sa empowerment at hindi ukol sa pabahay. MELIZA MALUNTAG

Tsuper tepok sa ‘road rage’ vs pulis

$
0
0

PATAY ang isang jeepney driver makaraang barilin ng isang pulis-Maynila sa isa na namang kaso ng ‘road rage’ sa Antipolo City.

Patay ang biktimang si Petronilo Fernando sanhi ng tama ng bala makaraang paputukan ng suspek na si PO2 Ronald Pentacasi.

Ayon kay Supt. Ruben Andiso, hepe ng Antipolo Police, napag-alamang si Pentacasi ay miyembro ng Manila Police District Station 3.

Sa imbestigasyon ng Antipolo City police, minamaneho ng biktimang si Fernando ang kanyang dyip sa kahabaan ng Marcos Highway malapit sa kanto ng Catalina St., dakong 5:00 ng hapon, Lunes, nang masagi nito ang motorsiklo na minamaneho ng pulis.

Ayon sa ilang saksi, nagalit ang pulis nang hindi agad huminto ang driver makaraan siyang masagi nito.

Gayunman, nang huminto na ang dyip, dito na bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima na siya nitong ikinamatay.

Isa namang bystander na si Jericho Andrada ang tinamaan rin ng ligaw na bala. Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang suspek.

Nakikipag-ugnayan na ang Antipolo police sa MPD Station 3 upang mapasuko ang suspek na si Pentacasi. JOHNNY ARASGA

Sa Pilipinas ang Pag-asa at Kalayaan Island Group – DFA

$
0
0

MARIING iginiit ng Department of Foreign Affairs na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Pag-asa Island at ang Kalayaan Island Group.

Ginawa ni DFA spokesperson Robespierre Bolivar ang pahayag bilang tugon sa sinabi kamakailan ni Chinese ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.

Ayon kasi kay Zhao, anumang pag-angkin o aktibidad ng Pilipinas sa mga nasabing isla ay iligal.

Dahil dito, iginiit ni Bolivar na sakop ng lalawigan ng Palawan ang mga nasabing isla, at anumang gawin ng Pilipinas sa mga lugar na ito ay legal.

Dagdag pa niya, mandato ng gobyerno na tiyakin ang kaligtasan at ang mabuting pamumuhay ng mga mamamayang nakatira dito, dahil teritoryo ito ng Pilipinas at karamihan sa mga nakatira dito ay mga Pilipino. JOHNNY ARASGA

Janitor ng Comelec, pasado sa 2016 bar exams

$
0
0

ISA sa nakapasa sa 2016 bar examination ay ang janitor ng Commission on Elections (COMELEC) na si Ramil Comendador, 35.

“Napakasuwerte ko po,” pahayag ni Comendador. “Di ko nga po alam kung paano ko pasasalamatan ang Panginoon talaga at yung mga taong nagbigay ng lakas sa akin.”

“I am number 914,” itinuturo ang mga listahan ng mga pumasa.

“Sana po wala akong kapangalan,” natatawang dagdag nito.

Sinabi ni Comendador na naging inspirasyon niya para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ang kanyang misis na isang engineer.

Ipinambabayad niya ang kanyang sahod para sa kanyang tuition fee at tumutulong naman ang kanyang asawa sa gastusin sa bahay.

Habang nag-aaral, nagkasakit siya at naospital pero hindi niya ito inalintana para itigil ang kanyang pangarap.

Tatlong buwan bago ang eksaminasyon, sinabi nitong umupa siya ng maliit na kuwarto na malapit sa kanyang bahay para makapag-concentrate sa kanyang pagaaral.

“I studied from 8 a.m. to 5 p.m.,” dagdag nito.  BOBBY TICZON 

18M Pinoy overweight at obese – DOH

$
0
0

INILUNSAD ng Department of Health o DOH ang programang tutugon sa problema ng malnutrisyon sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, sa ilalim ng Philippine Plan of Action for Nutrition, target ng ahensya na mabawasan ang iba’t ibang uri ng malnutrisyon sa bansa gaya ng micro nutrient deficiencies, overweight at obesity.

Batay sa tala ng DOH, nasa 3.8 milyong bata ang nagugutom sa bansa habang nasa labing walong (18) milyong Pinoy naman ang overweight at obese.

Lumalabas na nasa tatlongdaan at dalawampu’t walong (328) bilyong piso ang nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa malnutrisyon. JOHNNY ARASGA


Helper binutasan sa leeg

$
0
0
INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng 32-anyos na helper na natagpuang patay at may saksak sa leeg  sa  isang construction site sa Tondo, Maynila kaninang umaga.

Si Allan Oppox, binata, stay in sa Construction Supply sa 245 Zaragosa St., Tondo ay nadiskubreng patay alas-7:30 ng umaga  sa 2nd floor ng construction Supply sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, nadiskubre ni Mario Cabales,27,  ang biktima nang utusan ng kanilang amo na magdala ng pagkain sa biktima na may sakit, subalit laking gulat niya nang nakitang duguan at  may tama ng saksak sa leeg ang biktima.

Agad niya itong ipinagbigay alam sa kanyang amo na si Elmer Salipot, 54,  isang ex-barangay chairman sa Bgy.28 Zone 2.

Sinabi ni  Panaligan na  may isang linggo nang may bulutong ang biktima.

Inaalam pa ng pulisya kung nagsaksak sa sarili ang biktima o may foul play sa insidente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Governor Marcos congratulates 2016 bar passers from Ilocos Norte schools

$
0
0

Governor Imee R. Marcos extended her congratulations and gratitude to the passers of the 2016 Philippine Bar Exam coming from Ilocos Norte.

The Bar Exam, with 6,344 takers nationwide, yielded a 59% national passing rate━the highest passing rate in the history of bar exam since 1946.

Ilocos Norte has two institutions offering law degrees: the Northwestern University (NWU) in Laoag City, and the Mariano Marcos State University━Batac Campus.

NWU’s Attorney Mark Dave M. Camarao garnered a score of 88.10%, landing him on the Top Six among all the 3,747 passers.

The University produced a total of nine new lawyers.

Meanwhile MMSU’s College of Law, the province’s newest law institution, boasts a 100% passing rate with six takers.

The bar exam which is given for four Sundays, covers Political Law, Labor Law, Civil Law, Taxation, Remedial Law, Criminal Law, Mercantile Law, Legal Ethics and Practical Exercises.

“Congratulations, most especially kay Atty. Camarao, buti na lang at may pasok sa Top Ten na kailian after a long, long time,” said Governor Marcos to the Ilocos Norte passers, “the entire province celebrates with you in this achievement, and I am certain that this is a real honor for all Ilocanos.”

She affirmed the provincial government’s continuing efforts in strengthening law education in the country as well as ensuring just and transparent governance.

“We are encouraging the youth who have the passion for legislation to be the next top-notcher, and to our baro nga abogados, rest assured that the Provincial Government will support you in your future endeavors. We are very, very proud at tuluy-tuloy lang nating ipakita sa buong bansa at sa buong mundo ang galing at talino ng mga Ilocano.”

Also notable is that the Top 10 Passers all come from provincial schools like the University of San Carlos in Cebu and Siliman University in Negros Oriental.

Oath-taking of the 2016 Bar passers will be on May 22 at the SM Mall of Asia Arena, Pasay City.━Mizpah Grace G. Castro and Ma. Rhona Ysabel B. Daoang, PGIN-CMO

Impeachment complaint vs Duterte mahina – Sec. Panelo

$
0
0

KUMBINSIDO si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi magtatagumpay ang impeachment complaint na isinampa ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“They can always try but I don’t think it will succeed,” ani Sec. Panelo.

Bukod dito, mayorya aniya ng mga mambabatas ang patuloy na sumusuporta kay Pangulong Duterte bukod pa sa mayorya ng bilang ng Filipino ang patuloy na naniniwala at nakakapit sa Chief Executive.

“I think the impeachment was only intended to propaganda by the one who filed it,” ayon kay Sec. Panelo.

Sisimulan na sa susunod na linggo ang pagdinig sa impeachment complaint na inihain ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, ire-refer ni Speaker Pantaleon Alvarez sa House Committee on Justice ang reklamo at pagdedebatehan pa kung sufficient in form at sufficient in substance ang impeachment complaint.

Kung sakaling kulang o hindi makitaan ng grounds para sa impeachment complaint ay tiyak na maibabasura ang nasabing reklamo.

Ilan sa mga naging batayan ng paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte ay culpable violation of the constitution, betrayal of public trust at iba pang high crimes. KRIS JOSE

Malakanyang, binati ang mga nakapasa sa 2016 Bar Examination

$
0
0

NAGPAABOT ng pagbati ang Malakanyang sa 3,747 examinees na nakapasa sa 2016 Bar Examinations.

Ani Presidential spokesperson Ernesto Abella na ipagdarasal niya na nawa’y marami sa naging matagumpay na examinees ay matapang na isulong ang kanilang career sa pamahalaan at makiisa sa kanila sa pagtaguyod

“Join us in building a progressive and inclusive nation with a trustworthy government run by young people full of idealism, integrity and excellence. Again, congratulations and best wishes. Mabuhay po kayong lahat!,” ani Usec. Abella.

Sa ulat, makaraang makakuha ng 89.05% na score sa 2016 bar exam, hinirang na top notcher ang graduate ng University of San Carlos sa Cebu City na si Karen Mae L. Calam.

Sumunod naman sa kaniya sa top 2 si Alanna Gayle Ashley B. Khio na estudyante ng Silliman University sa Negros Oriental na nakakuha ng 88.95%.

Nag-tie naman sa top 3 sina Fiona Cristy D. Lao at Athalia B. Liong na parehong mula din sa University of San Carlos na nakakuha ng 88.80%.

Pasok naman sa top 4 si Allana Mae A. Babayen-on ng University of San Agustin na may 88.75%, na sinundan ni Justin Ryan O. Morilla ng Ateneo de Davao University na may 88.40%.

Top 6 naman si Mark Dave M. Camarao ng Northwestern University na may 88.10%, top 7 si Anne Margaret E. Momongan ng University of San Carlos na may 87.80%, at top 8 si Jefferson L. Gomez na mula din sa parehong unibersidad na nakakuha naman ng 87.70%.

Nag-tie sa top 9 sina Nia Rachelle M. Gonzales ng University of Batangas at Marie Chielo M. Ybio ng Silliman University na parehong nakakuha ng 87.50%, habang top 10 si Andrew Stephen D. Liu na may 87.45%.

Mapapansin naman na walang nakapasok sa top 10 mula sa tinaguriang Big 4 universities na De La Salle University, Ateneo de Manila University, University of Sto. Tomas at University of the Philippines. KRIS JOSE

Gina Lopez, sinopla ng CA

$
0
0

MATAPOS ang tatlong confirmation hearing ng ad interim appointment ni DENR Sec. Gina Lopez, nagdesisyon na ang Commission on Appointment na tuluyang i-reject si Lopez kanina, Mayo 3.

Pinamunuan ni Sen. Manny Pacquiao ang nasabing pagpupulong at siya rin ang nagdesisyon na tuluyang i-reject si Lopez bilang kalihim ng DENR na hindi naman tinutulan ng ibang miyembro ng CA.

Naging basehan ng CA ang mga kontrobersyal na desisyon ni Loez sa pagpapasara at pagsuspinde ng mga mining companies sa bansa na walang ligal na basehan.

Tinawag naman na back-to-back rejection sa administrasyon ni Pang. Duterte ang nangyari kay Lopez kasunod ng hindi rin pagkumpirma kay dating Foreign Secretary Perfecto Yasay bilang DILG Secretary. ####

 

University of San Carlos graduate, topnotcher sa Bar exam

$
0
0

NANGUNA sa isinagawang 2016 Bar Examination ang babaeng graduate mula sa University of San Carlos (USC) na si Karen Mae L. Calam na mayroong 89.05 na average.

Pumangalawa naman si Alanna Gayle Ashley B. Khio mula Silliman University na nakakuha ng 88.95 percent.

Tabla sa third place sina Fiona Cristy Lao na taga-USC rin at Athalia Liong na mula naman sa Andres Bonifacio College na kapwa mayroong 88.80 percent.

Pumangapat naman si Allana Mae Babayen-on ng University of San Agustin habang panglima si Justine Ryan Morrila ng Ateneo de Davao University .

Panganim naman si Mark Dave Camarao ng Northwestern University habang pangpito naman si Anne Margaret Momongan ng University of San Carlos.

Pangawalo naman si Jefferson Gomez ng University of San Carlos habang tabla naman sa pangsiyam na puwesto sina Nia Rachelle Gonzales ng University of Batangas at Marie Chielo Ybio ng Siliman University.

Pangsampu naman si Andrew Stephen Liu ng Siliman University. BOBBY TICZON

Sen. Sotto binatikos sa ‘solo parent joke’

$
0
0

UMANI ng batikos ang ginawang pagbibiro ni Sen. Tito Sotto sa confirmation hearing ni Dept. Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Judy Taguiwalo.

Topic si Sotto sa social media platform dahil sa pag-ungkat nito sa pagiging single mom ni Taguiwalo.

Sa pagsalang ni Taguiwalo sa pagdinig ng Committee on Labor, Employment and Social Welfare ng Commission on Appointments (CA), inungkat ni Sotto ang pagkakaroon ng dalawang anak ng kalihim subalit wala naman itong asawa.

Nanawagan naman ang ilang grupo kabilang ang Gabriela na dapat na mag-public apology si Sotto dahil sa pambabastos nito sa kalihim.

Matapos na pupugin ng mga negatibong komento ay agad ding nag-sorry ang senador sa kanyang naging pahayag.

Ipinagpaliban sa susunod na linggo ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang confirmation hearing para kay Sec. Taguiwalo.

Ito’y makaraang suspendehin ng Committee on Labor ng CA ang pagdinig kahapon dahil marami sa miyembro nito ang nagpahayag ng kanilang pagnanais na makapagtanong sa kalihim.

Kahapon, itinanggi ni Taguiwalo na miyembro siya ng National Democratic Front (NDF) subalit aminado siyang ang nasabing grupo ang nagsulong upang maitalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing posisyon.

Bukod sa pagiging miyembro ng makakaliwang grupo, inusisa rin si Taguiwalo sa kanyang mga paninindigan hinggil sa usapin ng mahihirap, kapakanan ng mga bata at babae gayundin ang mga nakararanas ng pang-aabuso. JOHNNY ARASGA


Lopez, oks na sa mababang posisyon

$
0
0

TATANGGAPIN na ni outgoing DENR Sec. Gina Lopez kahit ang mas mababang posisyon para lamang maharang ang tuluyang pamamayagpag ng mga sumisira sa kalikasan.

Ito ang sinabi kanina ni Lopez matapos nitong dumalo sa ilang aktibidad ng mga tagasuporta, isang araw makaraang ma-reject ang kanyang appointment sa CA.

Ayon kay Lopez, marami pa siyang planong nais sanang maisakatuparan ngunit wala nang mangyayari dahil sa pagkakaalis niya sa posisyon.

Hiling ngayon ng kalihim na makausap niya si Pangulong Duterte para maibahagi ang mga inputs na posibleng makatulong sa ahensya.

Seryoso rin daw siya sa pahayag na si Pres. Duterte ang tanging angkop para sa babakantehin niyang puwesto dahil tiyak na magagamit dito ang tapang at katatagan ng chief executive sa paglaban sa mga pumipinsala sa likas na yaman ng ating bansa. JOHNNY ARASGA

Kasong administratibo, isasampa vs Supt. Nobleza

$
0
0

INILATAG ni PNP-Internal Affairs Service (IAS) Insp. General Atty. Alfegar Triambulo ang iskedyul sa pag-file ng administrative case laban kay P/Supt. Ma. Cristina Nobleza.

Paliwanag ni Atty. Triambulo, hindi nag-file ng kanyang counter affidavit si Supt. Nobleza habang isinagawa ang pre-charge investigations.

Kapag naisampa na nila ang kaso laban sa police colonel, posibleng bukas maisilbi na ang summon para sa kanya upang sagutin ang mga kasong isasampa.

Una nang sinabi ni Triambulo na nakasentro sa unbecoming of an officer ang kasong administratibo na isasampa laban kay Nobleza dahil sa kaugnayan nito kay Rennour Lou Dungon na miyembro ng bandidong Abu Sayyaf at eksperto sa paggawa ng bomba.

Aminado si Triambulo na malaki ang posibilidad na tuluyan nang masibak sa serbisyo si Nobleza dahil sa bigat ng kaso na kanyang kinakaharap bunsod sa naging koneksyon nito sa bandidong Abu Sayyaf.

Pagtiyak naman ni Triambulo na bago magtapos ang buwan ng Mayo, mahahatulan na si Nobleza.

Kapwa nakakulong sa PNP Custodial Center si Nobleza at asawa nitong ASG member matapos silang arestuhin sa Bohol dahil sa tangkang pag-rescue sa isang Abu Sayyaf member na kinilalang si Saad. JOHNNY ARASGA

Mahigit P400k halaga ng shabu, nasabat sa Taguig

$
0
0

NASAKOTE ang lima katao sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. Ususan, Taguig City.

Nagpanggap na poseur-buyer ang isang pulis para bumili ng P5,000 halaga ng shabu mula sa target ng operasyon na sina Evelyn Nazario at Lagen Tan.

Nakuha sa kamay ng dalawang suspek ang isang itim na box na naglalaman ng limang sachet ng shabu.

Dinatnan rin ng mga awtoridad ang tatlong indibidwal na nagpa-pot session sa loob ng bahay ni Nazario.

Kinilala ang mga suspek na sina Tony Rey Alfonso, Roxan Tiglao, at Rodel Samoy mula sa Pasig City na nakuhanan ng malaking plastic na naglalaman ng mga shabu.

Depensa naman ni Tiglao, nagpunta lamang siya sa naturang bahay para mag-‘home service’ ng masahe kay alyas ‘Tony’.

Hindi naman itinanggi ng mga naarestong suspek na gumagamit sila ng iligal na droga, pero hindi naman umano sila nagtutulak.

Ayon sa Southern Police District, humigit-kumulang 80 gramo ang kabuuang timbang ng nakumpiskang droga, at aabot sa P400,000 ang halaga nito.

Narekober sa mga suspek ang P5,000 na buy-bust money, at mga drug paraphernalia.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga nahuling suspek. JOHNNY ARASGA

Gina Lopez, suportado pa rin ng palasyo

$
0
0

‘THERE is life after the cabinet.’

Ganito ang ang naging pahayag ng Malakanyang matapos i-reject ng Commission on Appointments (CA) si Environment Sec. Gina Lopez bilang kalihim ng DENR.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, suportado ng palasyo ang anomang susunod na hakbangin ni Lopez.

Iginagalang aniya ng palasyo ang desisyon ng CA sa kanilang naging desisyon.

Tiyak aniyang marami pang talentadong Pilipino ang maaring pumalit sa puwesto ni Lopez. JOHNNY ARASGA

Surigao del Norte at E. Samar, nilindol

$
0
0

INUGA ng lindol ang Surigao del Norte at Eastern Samar kaninang Huwebes ng umaga.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), magnitude 3.4 ang lindol dakong 8:46 ng umaga sa layong 10 kilometro sa silangang ng bayan ng Hernani sa Eastern Samar.

May lalim itong apat na kilometro na naramdaman sa lakas na Intensity I sa Borongan.

Alas-9:56 ng umaga naman nang yanigin ng magnitude 3.8 na lindol ang Surigao del Norte.

Naitala ang sentro ng lindol sa bayan ng Socorro na naramdaman ito sa Intensity I.

May lalim na pitong kilometro ang lindol na kapwa tectonic ang origin.

Hindi naman inaasahan na magdudulot ito ng pinsala. -30-

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>