AABOT sa 14 drug suspect ang nalambat ng mga awtoridad sa anti-drug operation na inilunsad ng iba’t ibang police station ng Quezon City police sa naturang lungsod kamakalawa.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/C Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, dakong 7:00 kagabi nang madakip sa harap ng Pepsi Company sa Quirino Highway, Talipapa ang suspek na si Arnel Cruz, 46, ng Talipapa, QC matapos itawag ng ilang concerned citizens dahil sa illegal-drug activities.
Kasunod nito, nadakip naman dakong 8:30 ng gabi ang suspek na si Jonathan Ligon, ng Balon Bato, QC, kasama sina Nicolas Jose Adobas, 27, ng Balong Bato, at Melchor Glen Tremor, 46, ng Bagong Barrio, Caloocan City matapos makatanggap ng tawag sa umano’y nagaganap na pot session sa bahay ng mga Ligon.
Habang dakong 3:30 ng madaling-araw nadakip naman ng Novaliches Police station ang suspek na si Herbert Arzuelo, alyas “Bato”, 28, ng Novaliches, QC.
Dakong 2:30 ng hapon nadakip naman ng mga suspek na sina Fernand Addatu, 22, John Michael Samonte, 18, Alirasul Faisal, 18, Raymond Addatu, 21, Robert Pradanos, 23, at isang 17-anyos na lalaki sa Dirham St. cor. Baht St., Brgy. North Fairview, QC, matapos mahuli sa aktong bumabatak.
Nadakip naman dakong 10:30 ng kagabi sa No. 9 BF Rd., Brgy. Holy Spirit, QC ng Batasan Police Station (PS-6) operatives ang suspek na si Roberto delos Santos, Jr., alyas Diego, 33, ng Brgy Holy Spirit, QC, sa isang buy-bust operation.
Habang nadakip naman ng Project 4 Police Station (PS-8) ang suspek na si Matthew Clyde Lopez, 25, ng Brgy. Bagumbuhay, Proj. 4, QC dakong 6:25 ng gabi dahil sa dalang shabu at mga pinatuyong dahon ng marijuana.
Nadakip naman ng Galas Police Station (PS-11) ang suspek na si Kenji Joaquin, 21, ng Brgy. Tatalon, QC, dakong 11:30 ng umaga sa harap ng of Omni Underwear Bldg., Brgy Tatalon, QC.
Bago ito, sinita muna siya ng mga pulis sa paglabag sa traffic rules at nang inspeksyunin ang kanyang dalang motorsiklo nakuha sa compartment nito ang isang glass pipe na may tira-tirang marijuana at dalawang disposable lighters. SANTI CELARIO