Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

Selebrasyon ng Araw ng Kagitingan pangungunahan ni P. Digong

$
0
0

KASABAY ng Palm Sunday o Araw ng Palaspas ay pangungunahan bukas, Abril 9 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 75th Araw ng Kagitingan sa Mt. Samal National Shrine Pilar, Bataan.

Ang tema nito ay ika-75 Taon, Parangal sa mga beterano tungo sa bayan na nararapat sa mga Pilipino, mga Pilipino na nararapat sa bayan.

Sisimulan ang aktibidades sa wreath laying (colonnade area) na sasaksihan nina Ambassador of Japan to the Philippines Kazuhide Ishikawa at Charge d’ Affaires of United States of America to the Philippines Michael S. Klecheski.

Nauna rito, sasalubungin muna si Pangulong Duterte ng full military honors na may 21-gun salute ng Philippine Army sa pangunguna ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año bilang military host.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, ginugunita tuwing Araw ng Kagitingan ang pagsuko ng may 75,000 Filipino at Amerikanong sundalo sa pamumuno ni Major General Edward King Jr. sa mga Hapon noong ika-9 ng Abril, 1942 matapos ang ilang araw na sagupaan.

Ang mga sumukong sundalo ay puwersahang isinama sa 97-kilometrong brutal na paglalakad mula Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac na tinawag na “death march” kung saan 10,000 sundalo ang namatay.

Samantala, inaasahan naman na magbibigay ng kanyang talumpati si Pangulong Duterte ukol sa nasabing okasyon. KRIS JOSE


2 lindol magkasunod umuga sa Batangas

$
0
0

DALAWANG lindol kabilang ang isang  magnitude of 5.9, ang tumama sa Luzon na isang minuto lamang ang pagitan ngayong Sabado ng hapon.

Sa ulat ng United States Geological Survey na ang unang pagyanig namagnitude 5.7 at may lalim na 40.4 kilometers, ay naramdaman dakong 3:08 p.m. sa silangan kanluran- silangan ng Barangay Bagalangit sa Mabini, Batangas.

Ang epicenter ng pangalawa na magnitude 5.9 ay natumbok na nasa  42.7 km deep at 1 kilometro sa timog timog-kanluran ng Barangay Talaga sa Tanauan, Batangas at tumama isang minute ang pagitan sa naunang pagyanig ng alas 3:09 p.m.

Naramdaman ang lindol sa ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila, Batangas at Cavite provinces.

Habang isinusulat ang balitang into ay hindi pa nagpapalabas ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng isang official report hinggil sa lindol. BOBBY TICZON

3 tigok sa terror attack sa Sweden

$
0
0

TATLONG katao ang namatay habang maraming iba pa ang nasugatan matapos araruhin ng isang truck ang isang department store sa Stockholm, Sweden.

Ayon kay Swedish Prime Minister Stefan Lofven, pinakikilos na nila ang kanilang intelligence service makaraang matuklasan na terror attack umano ang naganap at hindi aksidente.

Isiniwalat ni Lofven na may naaresto nang suspek, bagay na pinabulaanan naman ng Swedish police.

Lumilitaw na na-hijack lang ang truck at pagkatapos ay isinalpok ito ng mga terorista sa department store. -30-

Babaeng bisita, huli sa P700k shabu

$
0
0

NADAKIP ng pinagsanib ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Jail management and Penology (BJMP) ang isang jail visitor matapos tangkaing magpasok ng shabu sa loob ng Tacloban City Jail.

Kinilala ni PDEA Dir. Gen. Isidro Lapeña ang suspek na si Ronilyn Daroy, 32, ng Paterno Extn., Brgy. 2, Tacloban City, Leyte.

Ayon sa PDEA, nitong nakalipas na Martes, dakong 2:50 ng hapon, isasailalim sana si Daroy sa routine inspection sa BJMP Tacloban City Jail-Male Dorm nang madiskubreng may dala-dala itong malaking sachet ng shabu na tumitimbang ng kulang-kulang 95 grams at nagkakahalaga ng P760,000.

Bibisita sana si Daroy sa isang preso na si Leo Absalon sa naturang bilangguan na nakapiit sa kasong droga.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa section 11 (Possession of Dangerous Drugs) laban kay Daroy. SANTI CELARIO

M. Manila, kalapit-lugar nilindol

$
0
0

INUGA ng 5.6 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Luzon kaninang Sabado ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ito kaninang alas-3:10 ng hapon, na ang epicenter ay naitala sa Mabini, Batangas.

May lalim itong 40 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Kaugnay nito, may mga istrakturang nakapagtala ng pinsala sa Batangas, habang may ilang bahagi naman na nawalan ng kuryente.

Aabot sa intensity 5 ang naramdaman sa Batangas at ilang parte ng Metro Manila.

Habang may mahihinang pagyanig din sa Bataan, Laguna at Cavite. BOBBY TICZON

Kumain ng pagkain ng amo, OFW pinagmumulta

$
0
0

PINAGMUMULTA ng 800 Hong Kong Dollars o Limang Libong Piso ang isang Pilipinang domestic helper sa Hongkong matapos niyang kainin ang pagkain ng kanyang amo.

 Inamin ng Pilipinang si Mildred Nilo Ladia, 40-anyos, na kinain niya noong nakaraang taon ang meatballs na nagkakahalaga ng 642 Pesos na para sana sa kanyang amo na si Gekko Lan Suet-Ying.

 Nakalusot naman si Ladia sa iba pang kaso na ibinibintang sa kanya gaya ng pagnanakaw umano ng dalawang pares ng tsinelas at isang designer bag ng kanyang amo.

Nagdesisyon ang proseksyon na huwag nang ituloy ang mga nabanggit na kaso dahil na-ospital ang amo ng Pilipina.

Bago naaresto ang Pilipinang DH noong Mayo-a dos ng nakaraang taon, kinaltasan na siya ng kanyang amo ng 100 Hong Kong Dollars o 642 Pesos mula sa kanyang suweldo na 4,210 Hong Kong Dollars o 27 Thousand Pesos  JOHNNY ARASGA

DOLE nag paalala sa tamang pasweldo sa Araw ng Kagitingan at Holy Week

$
0
0

PINAALALAHANAN  ng Department of Labor and Employment ang mga employer na bayaran ng tama ang mga mangagagawa na papasok sa Araw ng Kagitingan o April 9 at sa Huwebes Santo sa April 13 at Biyernes Santo sa April 14.

Ayon sa DOLE, kapag hindi pumasok ang manggagawa sa mga nabanggit na petsa, makatatanggap pa rin sila ng 100% na sweldo.

 Kapag pumasok ang manggagawa sa regular holiday, makatatanggap siya ng 200% na sweldo.

 Kapag nag-overtime o sumubra ng walong oras sa trabaho, babayaran na ng karagdagang 30% ang kada oras nito.

Kapag nagkataon na pinapasok ang manggagawa sa kanyang day off, babayaran ito ng 200% at karagdagang 30%.

Para naman sa special non-working day sa April 15 o Sabado de Gloria, iiral naman ang no work no pay kapag hindi pumasok ang manggagawa.

 Pero kapag pumasok ang manggagawa sa Sabado de Gloria, makatatanggap ito ng karagdagang 30% na bayad at karagdagang 30% sa kada oras na overtime. JOHNNY ARASGA

P100,000 cash incentive sa mga centenarian, ipamimigay na ng DSWD

$
0
0

MAGANDANG balita sa mga matatandang may edad na 100 years old o mga Centenarians.

Ito ay dahil sa ipamimigay na ng Department of Social Welfare and Development ang tig-isandaang libong piso sa 2,992 na centenarians na naitala sa ibat-ibang bahagi ng bansa noong 2016.

 Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, naipamigay na ang pondo sa mga field offices at nasa proseso na ngayon ng validation.

 Ang Region 6 ang nakapagtala ng may pinakamaraming centenarians na aabot sa 360 at sinundan ng region 3 na may 342 centenarians.

 Gayunman sa 360 na naitala sa Region 6, 38 dito na ang namatay.

 Pero ayon kay Taguiwalo, maari namang maibigay ang isandaang libong pisong incentives sa otorisadong  benepisyaryo.

 Taong 2016 na maging epektibo ang nasabing batas. JOHNNY ARASGA


Dahil sa takot, mga residente ng Mabini, Batangas nagpalipas ng gabi sa plaza

$
0
0

NAGPASYA na ang ilang residente ng Mabini, Batangas na magpalipas ng gabi sa plaza dahil sa takot sa patuloy na aftershocks matapos ang magkasunod na malakas na lindol na tumama sa munisipalidad.

 Nasa hindi bababa sa 20 pamilya ang nasa Plaza Mabini ngayon na karamihan ay mga residente mula sa mga coastal barangay na nangangamba din sa posibilidad ng tsunami.

Hindi rin nakatulong ang mga kumakalat na balita sa mga residente tungkol sa posibilidad nga mas malakas na lindol.

Ayon kay Aling Cristeta Reyes, residente ng Brgy. Gasang Sentro: “Mas kaunti ang mga nagsilikas sa plaza ngayon kumpara sa lindol noong nakaraang Martes dahil yung iba ay mas pinili na magsilikas sa bundok dahil nga takot sa ng tsunami.”

Ayon kay Mabini Mayor Noel Bitrix Luistro, umaabot sa kabuuang dalawang libo ang kanilang evacuees.

Yung iba mas pinili na manatili sa kani-kanilang bahay kaya binigyan na lamang ang mga ito ng mga pagkain at tubig.

May mga naitala din silang landslide sa San Teodoro habang mahigpit nilang sinusubaybayan ang lima pang barangay sa delikado sa paggalaw ng lupa.

May mga gusali at imprasktratura na bahagyang nasira dahil sa lindol kabilang ang isang resort, ang Mabini  General Hospital at ang Anilao Market.

Tiniyak naman ni Mayor Luistro na mabibigyan ng ayuda ang mga apektado nitong residente.

Pinag-aaralan na rin ng konseho ang pagdedeklara ng state of calamity para makapagbaba sila ng tulong sa kanyang mamamayan. JOHNNY ARASGA

Binatilyo tinarakan sa leeg

$
0
0

SUGATAN  ang isang 18-anyos na lalaki nang saksakin sa leeg ng isa sa apat na lalaking nag-abang sa kaniyang daraanan, sa loob ng Manila North Cemetery, sa Blumentritt , Sta. Cruz, Maynila, kagabi.

Nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Alvin Evangelista Y Fegueroa , residente ng 16th st. Manila North Cemetery dahil sa isang tama ng saksak sa leeg.

Isa lamang sa apat na lalaking suspek ang kilala ng biktima sa alyas na “Baloktot”, miyembro umano ng Sigue-sigue Sputnik Gang.

Sa ulat mula sa tanggapan ni P/Supt. Santiago Pascual III, hepe ng Manila Police District-Station 3, dakong alas-10:30 ng gabi kamakalawa  nang maganap ang pananaksak sa biktima sa  16th st., malapit sa kanto ng 2nd st., loob ng Manila North Cemetery sa Blumentritt st, Sta. Cruz, Maynila Sa salaysay ng biktima,  galing siya sa labas ng sementeryo  na bumili lamang ng gas at habang naglalakad pabalik sa tinitirhan ay nakita niyang may apat na lalaki na tila may inaabangan at hindi akalaing siya ang puntirya.

Nilapitan siya ni Baloktot at sinapak sa mukha at isa naman na armado ng patalim ang sumaksak sa kaniyang leeg.

Nang makitang duguan na siya ay nagsitakbuhan patakas ang mga suspek.

Sinaklolohan siya ng kapatid na si Aleli, 25-anyos, na nagdala sa kaniya sa pagamutan.

Hindi pa tukoy kung ano ang dahilan ng pananaksak, na ayon sa biktima ay wala siyang alam na dahilan. JOCELYN TABANGCURA

Asian summit 2017, matagumpay na naidaos

$
0
0

MAPAYAPANG  nairaos ang  ang ASEAN SUMMIT 2017 sa Cebu kahapon na  walang nai-ulat na mga gulong nangyari habang isinasagwa ang international meeting.

Sa kabuuan ng nasabing meeting binigyang diin anh kailangan paigtingin ng Duterte administration ang tax reform at bigyang ng prioridad ang pagpapatupad nga mga infrastructure projects dahil ito naman talaga ang daan para sa kaunlaran ng ating bansa.

Kasabay nito sinabi naman Secretary of Finance Carlos Dominguez III na ang tanging layunin talaga ng ASEAN Summit ay ang pagkakaroon ng integrated and cohesive economy, ang pagtaas ng ekonomiya at ang financial stability sa bansa.

 Inaasahan na sa 2018 mapatupad na ang nasabing mga hakbang at ito’y hindi imposible kung magtutulungan ang lahat.

Nabatid na mag-island hopping pa ang delegado bago ito umuwi sa kanilang bansa at bibisitahin muna nila ang ang mga iba’t-ibang tourist attraction dito sa Cebu. JOHNNY ARASGA

Pacquio-Horn fight, kasado na

$
0
0

IPINAHAYAG na sa Australia ang laban nina Filipino boxing champion Manny Pacquiao kay Australian boxer Jeff Horn.

Mismong si Queensland state Premier Annastacia Palaszczuk ang nag-anunyso na tuloy na tuloy na ang laban ng dalawang boksingero sa Hulyo 2.

Aniya na inaasahang mapupuno ang kabuuang 55,000 capacity ng Suncorp Stadium sa Brisbane.

Itinuring naman ng promoter ni Horn na Duco Events na ang laban ay isang “once in a lifetime event” at “rare opportunity” na gawin ang laban sa labas ng US at Europe.

Mayroong 59 panalo ang fighting senator sa loob ng 67 laban nito habang ang 29 Australian boxer ay mayroong 16 na panalo sa 17 laban nito. JOHNNY ARASGA

Road repairs ng DPWH pinapamadali ng MMDA

$
0
0

INABISUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga motorista na agahan ang biyahe o maghanap ng mga alternatibong ruta sa oras na simulan ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang mga nakalinyang road repairs sa kahabaan ng EDSA at iba pang pangunahing kalsada ngayong Semana Santa.

 Ayon sa MMDA, magsasagawa ang DPWH ng road diggings o paghuhukay mula Huwebes Santo (April 13) hanggang Easter Sunday o Pasko ng Pagkabuhay (April 16).

Kabilang sa mga apektado ay mga kalsada sa Quezon City at Mandaluyong City.

Sa Pasig City naman ay may gagawing road repairs partikular sa C5 Road sa pagitan ng J. Vargas Avenue hanggang Pasig Boulevard (Southbound); habang sa Makati City, C5 Road (Southbound) Makati / Pasig Blvd. hanggang Commando Link.

Sa Valenzuela City, isasara ang bahagi ng Mc Arthur Highway partikular sa bahagi ng Cayetano St. hanggang China Bank, 1st lane.

Sa Pasay City, mayroong drainage project na isasagawa sa EDSA, partikular sa Tripa de Gallina sa harap ng Kabayan Hotel (Southbound).

Sa Lungsod ng Manila, magkakaroon ng kunstruksyon ng reinforced concrete box culvert sa P. Burgos Street crossing Bonifacio Drive / Roxas Boulevard.

Kaugnay nito, sasamantalahin na rin ng water concessionaire na Maynilad Water Services Incorporated ang Semana Santa upang magsagawa ng pipelaying project para sa bagong water service connection ng isang mall building.

Ayon sa MMDA, inaasahan ang exodus ng mga motorista na papalabas ng Metro Manila sa Miyerkules Santo (April 12).

Dahil dito, lifted ang number coding scheme simula sa Miyerkules at magtatagal ito hanggang araw ng Linggo, kung kailan magluluwasan ang mga biyahero. JOHNNY ARASGA

P4.3 Milyon ng Shabu nasabat sa Cebu

$
0
0

AABOT sa P4.3 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Central Visayas sa buy-bust operation sa Sitio Bliss, Bgy. Labangon, Cebu City.

Pag-aari ang droga ng suspek na kinilalang si Jumar Umpad alyas Avatar na nakatakas sa raid bagamat naaresto ang kasamahan nito na si Mark Gonzales, 21-anyos.

Ayon kay Yogi Filemon Ruiz, PDEA-Central Visayas director, una nang nagkasundo ang mga ahente ng PDEA na nagpanggap na poseur-buyer at suspek na si Umpad upang makabili ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P360,000.

Gayunman, nang magkakabayaran na ay nakatunog umano ang suspek kaya’t hindi ito lumantad sa transaksyon kaya’t ang ‘courier’ nitong si Gonzales ang naaktuhan ng mga PDEA agents habang bitbit ang higit isang kilo ng shabu.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng PDEA na ‘new player’ sa illegal drugs trade sa Central Visayas ang suspek na si Umpad na tinutugis na ngayon ng mga otoridad.  JOHNNY ARASGA

Lascañas nakapuslit palabas ng bansa

$
0
0

SINASABING nakalabas na ng bansa si Retired SPO3 Arthur Lascañas, ang self-confessed member ng DDS o Davao Death Squad.

Ayon sa report umalis sa Pilipinas si Lascañas kagabi matapos siyang makatanggap ng banta na siya ay kakasuhan.

Matatandaang inakusahan ni Lascañas si Pangulong Rodrigo Duterte na siya umanong nasa likod ng DDS noong Alkalde pa ito sa Davao City.

Malayang nakalabas ng bansa si Lascañas dahil walang naka-isyung Hold Departure Order laban sa kanya at wala rin siya sa Immigration Watchlist.   JOHNNY ARASGA


Number coding kanselado, ilang kalsada sa Makati, isasara

$
0
0

NAG-ABISO na ang  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na aalisin nila ang number coding scheme simula sa Miyerkules, April 12, para sa paggunita ng Semana Santa.

Magpapatuloy ang suspensyon ng number coding hanggang sa Biyernes Santo, April 14.

Kasabay nito ay magpapatupad ng mga alternatibong ruta ang MMDA, dahil isasara ang ilang kalsada sa Makati City para sa ilang aktibidad na gagawin ngayong Holy Week.

Isasara ang mga sumusunod na kalsda mula alas-5:00 ng hapon ng Miyerkules Santo at Biyernes Santo:

– J.P. Rizal Avenue/Estrella Street

– Kalayaan Avenue/Reposo Street

– Valdez/Makati Avenue.

Isasara rin ang mga nabanggit na kalsada sa Sabado de Gloria, April 15 mula alas-11:00 ng gabi, at sa Linggo ng Pagkabuhay, mula alas-2:00 ng hapon.

Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista mula sa Guadalupe na papuntang Manila na kumaliwa sa Estrella Street patungong EDSA, at kumanan sa Gil Puyat Avenue.

Para naman sa mga manggagaling sa Maynila at papunta sa Guadalupe, pinapayuhan silang kumanan sa Reposo Street, kaliwa sa Gil Puyat, at diretso sa EDSA.

Maari din silang kumanan sa Valdez Street, kanan ulit sa Makati Avenue, at kaliwa sa Gil Puyat at saka dumiretso patungong EDSA.   JOHNNY ARASGA

Pangulong Duterte byaheng Middle East

$
0
0

BIYAHENG Middle East ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte para sa isang linggong pagbisita sa Saudi Arabia

Nakatakdang umalis ang Pangulo mamayang hapon para sa isang linggong pagbisita sa Saudi Arabia, Bahrain at Qatar na mahigit isang milyong Filipino ang nagtatrabaho.

Ito’y upang pagtibayin ang ugnayan ng Pilipinas sa mga Gulf State at isulong ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker sa Gitnang Silangan.

Makakaharap ni Pangulong Duterte si King Salman Bin Abdulaziz Al Saud sa Riyadh, Saudi Arabia kung saan mananatili ang Punong Ehekutibo simula April 10 hanggang 12.

Matapos nito ay magtutungo ang Pangulo sa Manama, Bahrain sa April 12 hanggang 14 upang makaharap naman si King Hamad Bin Isa Al Khalifa.

Bibisita rin si Duterte sa Doha, Qatar sa April 14 hanggang 16 upang makipagkita kay Emir Sheikh Tamim Bin Hamad Al-Thani. JOHNNY ARASGA

US Embassy naglabas travel advisory

$
0
0
NAGLABAS  ng travel advisory ang US Embassy sa Maynila para sa kanilang mga mamamayan na nasa Central Visayas, na mag-ingat sa pagtungo bunsod ng banta ng pangingidnap at pagdukot ng mga miyembro ng teroristang grupo.
Sa travel advisory ng embahada na inilabas kahapon at ipinaskil sa kanilang website, sinabi nito na may natanggap sila ng ‘unsubstantiated’ ngunit credible na impormasyon na ilang teroristang grupo ang posibleng mangidnap sa mga lalawigan ng Cebu at Bohol sa Central Visayas.
“US citizens are advised to carefully consider this information as you make your travel plans, and to review personal security plans, avoid large crowds and gatherings, and remain vigilant at all times,” bahagi ng travel advisory.
Kaugnay nito, pinaalalahanan rin ng embahada ang kanilang mga mamamayan sa “Worldwide Caution” na inisyu noong Marso 7, 2017,  na nagsasaad sa banta ng terorismo at karahasan laban sa mga US citizens.
Anito, ang mga lugar at pangyayari na posibleng targetin ng mga terroristic attacks ay mga  sporting events, sinehan, palengke, mass transportation systems, mga paliparan at iba pang public venues, na madalas puntahan ng maraming tao, gayundin ang mga nightclubs, shopping malls, mga bus at mga kilalang restaurant.
“US citizens should be mindful of the importance of taking preventative measures to ensure their safety and security while traveling and residing in the Philippines‎,” dagdag pa ng embahada. MACS BORJA

Hindi natupad ang usapan sa talent fee kaya nag-back out si papa!

$
0
0

JUST when everybody had the impression that the comeback movie of this very popular estranged couple of the 80s was already pushing
through, along came the bad news that it has been permanently shelved.

Maraming dahilan ang mga taong nakababalita sa project na ‘to.

Sabi’y nawawalan daw ng gana ang ombre dahil hindi raw talaga magawang mag-diet at magpapayat ng kanyang dating asawa.

Oo nga’t pumayat na rin siya, but there are some hidden bulges in her body, to which the actress counters that she can do it if the project is pushing through.

Naniniwala naman kaming mareremedyohan talaga ang bulges ng aktres pero ang problema talaga ay ang talent fee na dini-demand ng pa-pable na aktor.

Ang sabi, ang initial na presyo raw ng aktor ay ten million, to which the producers were palpably appalled. Hahahahahahaha!

Sino ba naman kasi ang magbabayad sa aktor ng ten million when the wife was only to be paid five million?

Sa huling presyo raw ng aktor ay binaba niya ng five million na hindi pa rin nagustuhan ng movie outfit since they believed that the
wife deserves that much but they could only pay the actor 3 million.

Dahil sa naliitan sa kanyang TF, nag-back-out na raw finally ang aktor.

Ang wife naman, kahit na gustung-gusto talaga niyang mag-push through ang project, tinanggap na niyang hopeless case na talaga ang
project dahil nagbigay na raw ng ultimatum ang movie outfit na hanggang 3 million lang sila.

But don’t you think 3 million is already a big sum? Hirap naman dito sa papa natin hindi na lang nag-concede. Tutal naman ay 3 million na ang kanyang makukuha, bakit hindi pa siya pumayag?

Well, the wife can’t do anything. Kaya sa tindi ng kanyang sama ng loob, hindi na rin niya magagawa ang kanyang first indie movie e-
ver. Hahahahahahahahaha!

Ka-amuse!

Ang nangyari, ibinigay sa isang mahusay ring aktres ang proyekto.

“Yun nah!

Kris Aquino, bow sa kagandahang loob ni Michela Cazzola

It’s amazing and relatively surprising but Kris Aquino maintains a fairly harmonious relationship with James Yap’s Italian girlfriend Michela Cazzola: “It’s only Mic who reaches out. Like, every other week, she’ll text and all. I reply. Then I give it to Bimb and they say hello to each other,” said Kris in an interview.

Their first encounter happened when Kris and son Bimby paid Michela and her two-month-old baby back a visit sometime in October 2016.
Bimby is Kris’s son with James, while Michael James is Michela’s son with the cager.

“We are good friends with Mic. We like her,” voluntered Kris, who laconically calls Michela as Mic.

During the entire phone conversation, Kris has nothing but positive words for Michela who, according to Kris, veritably makes an effort to be nice to her and Bimby. “It’s only Mic who reaches out. Like, every other week, she’ll text and all.

“I reply. Then I give it to Bimb and they say hello to each other.”

The controversial actress/TV personality added that Michela had even invited her sons Bimby and Josh to come and visit Baby Michael James. According to the queen of all media, Bimby likes the idea of bonding with his baby brother and Michela.

Asked why she’s extra fond of Michela, Kris averred, “Because exact words niya, ‘She has nothing to gain by being nice to me. And yet she’s nice to me.’

“So, that matters. Matatalino na mga bata ngayon!”

Honestly, Michela’s amiable presence has made Kris relationship with ex-husband James Yap a lot easier and devoid of any conflict these days. “It has really changed. Because Mic is so nice and so proper. The boys adore her!”

Mocha Uson at Atty. Bruce Rivera sa Bawal ang Pasaway

Ngayong Lunes (April 10), makakapanayam ni Mareng Winnie Monsod ang dalawa sa nag-organisa ng palit bise rally laban kay Vice President Leni Robredo—sina Atty. Bruce Rivera at Mocha Uson.

Ayon sa kanila, mali raw ang mga sinabi ni Vice President Robredo sa video message nito kamakailan sa international community. Sa video, pinuna ng bise presidente ang laban kontra droga ng kasalukuyang administrasyon. Binanggit niya na mayroong 7,000 summary executions.

Iginiit pa ng dalawa na taumbayan na ang nagdikta at nagpondo ng palit bise rally dahil sa kanilang kagustuhang mapalitan na ang bise.

Patunay raw nito ang 2.4 milyong pisong donasyon na natanggap nila sa pamamagitan ng GAVAGives.com sa loob lamang ng apat na araw na karamihan ay mula sa ating mga kababayang OFW.

Isinasaayos na ni Atty. Rivera at ng kanyang grupo ang impeachment case laban kay VP Robredo. Ayon sa kanya, may kinalaman ang kanilang mga ebidensiya sa betrayal of public trust, culpable violation of the constitution at graft and corruption.

Saan kaya hahantong ang palit bise at impeachment case na ito? Sino kaya ang gusto nilang ipalit na Bise Presidente?

Mainit ang talakayan sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, ngayong Lunes, 10:15 p.m. pagkatapos ng State of the Nation Address with Jessica Soho sa GMA News TV.

Lolita Buruka, siya na ang nagdadatung para may kakosa!

Hahahahahahahaha! It’s payback time for Lolita Biglang Chakah. Harharharharhar!

Dati, wala ng bukang bibig kundi ang datung, bow! But now, she’s singing a totally different tune. Dahil kailangan niyang magkaroon ng kakampi at taga-chuwariwap sa presscons, this time, she is beginning to splurge her own money con mucho gusto. Hakhakhakhakhak!

Hayan at nagliwaliw na naman ang reyna ng kotong sa Japan ba ‘yun? na siya naman ang kinokotongan ngayon with consent ng kanyang favored members of the press. Harharharharharhar!

Pa’no, she’s inordinately scared that no one would cowtow to her anymore if she would not be spluging her hard-erned dough.

Hahahahahahahahahahahaha!

Ques miserable usted! Hahahahahahahaha!

Well, mabuti nga ‘yan. You’re sharing the loot to some people you like. Ano ba naman kasi ang gagawin mo sa naharbat mong anda kundi
gastusin din sa mga taong binibili mo ang loyalty.

Binibili raw ang loyalty, o! Hahahahahahahahahaha!

How gross!

In my case, I don’t have to buy other people’s loyalty. E, mano ba naman kung hindi nila ako gusto, aber?

So fucking what if I don’t have people around me at the presscons I would attend?

No man is an island but I would like to believe that I am an island myself. Hahahahahahahahaha!

Ba’t naman ako bibili ng mga tao para mag-cowtow lang sa akin, ano?

What do I need them for?

Pa’no insecure na insecure na ang garapal na matanda. Pa’no nga naman kung hindi niya paandarin ang kanyang andalu, sino pa ang mag-
bebeso-beso sa kanya sa mga presscons na kanyang inaa-tend-an, aber?

But to each, his own. Kung ‘yan ba ang paraan para siya’y lumigaya, go straight ahead, grannie goose. Lustayin mo ang mga naharbat
mong kwarta for all I fucking care!

Period!

Gabriel Lazaro, gwapong version ni Ronnie Lazaro!

Ang Probinsyano actor Ronnie Lazaro has a good looking son named Gabriel Lazaro. He hopes to become a songwriter, music producer, and musician.

Ronnie Lazaro is one of the most durable actor in the business whose career has spanned some three decades already. A veteran of so many good films like Oro, Plata, Mata; Boatman: Misteryo sa Tuwa; Yanggaw; and the highly controversial film Heneral Luna.

Unbeknown to most, Ronnie’s also a musician by heart. When he was young, the Ang Probinsyano actor was a Glee Club member and a rock-band front man.

While this passion didn’t escalate into a musical career, his penchant for singing was transferred later on to his appealing unico hijo Gabriel, his only son by his Spanish wife Dolores “Lola” Pizarro.

The 18-year-old dude has discovered music through his father’s old guitar.

“I picked up the guitar when I was little, and then, I just played anything,” he narrated. “It was, like, the most amazing thing—to be able to create sound, and then claim that sound to be yours.”

So far, he plays an amalgam of grunge, funk, jazz, and blues.

Surprisingly, acting doesn’t interest Gabriel one bit but Ronnie doesn’t encourage him anyway.

Julie Anne San Jose, mamahalin pa rin si Benjamin Alves kahit mabaho

Sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa, marami ang nagulat nang natagpuan ng batang nagbebenta ng bulaklak ang tulalang taong grasa na kamukhang-kamukha ni Ephraim (Benjamin Alves).

Pareho pa ang damit na suot nito bago pa man maaksidente ang binata habang hinahabol nina Mariz (Ara Mina) at Angeli (LJ Reyes).

Dahil dito, maraming viewers tuloy ang nabuhayan para kay Santina (Julie Anne San Jose) na sobra na ang lungkot mula nang mapabalitang namatay ito. Ayon sa kanila, umaasa tuloy sila na may happy ending para kila Santina at Ephraim.

Pero agaw pansin ang isang netizen na nagtanong sa Kapuso actress sa Twitter kung handa pa rin ba siyang tanggapin ang binata kahit na ganito ang hitsura niya sa totoong buhay—hindi naligo at sobrang dungis. Sinagot naman ito ni Julie Anne ng: “Mahal ko pa rin siya.”

Ano ba, Julie Anne at Ben?! Masyado kayo magpakilig! Kaya naman pakatutukan ang nalalapit na pagtatapos ng serye sa GMA Afternoon Prime.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at peteampoloquiojr@gmail.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong! APAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.

SSS supports e-banking in Bangsamoro region

$
0
0

The Social Security System (SSS) has urged the banking community to explore and establish its electronic banking (e-banking) facilities in the armed-conflict region of Mindanao to further develop the economic opportunities that lies in the bountiful Land of Promise.

Social Security Commission (SSC), the governing body of SSS, Chairman Amado D. Valdez said that peace will eventually prosper in the armed-conflict area of Mindanao if the residents in the area are engaged in economic activities that can put food on their table, provide them decent shelter and employment, education and health facilities.

“I agree, let us give economic generation and economic development priority in the region, then peace order will follow. Only when there is an increase in economic activity, infrastructure development and employment generation, along with it, peace and order will be in place.” Valdez stressed in his key note address during the debut economic event of the Bangsa Moro Federal Business Council, Inc, (BMFBCI) held at F1 Hotel in Taguig last March 24.

Valdez noted this as he lamented the challenges faced by SSS in covering employed and voluntary members in the Bangsamoro region.

“The unstable peace and order situation in the region is the biggest challenge faced by SSS in ensuring the coverage of employers and workers there. It is difficult to convince people of the need for social security protection when their physical safety is threatened on a daily basis, not to mention their job security and regular sources of income,” Valdez said, adding that SSS personnel’s safety were also at risk in conducting field investigations or case verifications in far-flung areas.

Valdez, likewise, stressed that the lack of banking facilities in the area was among the challenges of the pension fund since collection and disbursement activities of SSS rely greatly on the banking system.

“Members in far-flung areas often need to travel for hours to a city center where banking facilities are available. For example in Basilan, there are several banks in Isabela City, but only one in Lamitan City,” he said.

Based on the latest data of the Bangko Sentral ng Pilipinas, there are about 1,486 banks branches in Mindanao. Of these number, only 19 were located in the Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

To date, SSS Mindanao Operations Group is divided in four divisions with 46 offices in the area. Total collections from the region reached P11.53 billion as of end of 2016, which represents only about 8 percent of the total contribution collections nationwide.

In terms of coverage, meanwhile, employers in Mindanao stood at around 109,000 or only 12 percent of total covered employers nationwide, while the individual SSS members of Mindanao was recorded at about 4.9 million or 14 percent of total individual SSS members nationwide.

“Just to give you a few snapshots, in the provinces of Basilan, Sulu and Tawi-Tawi, we have 1,358 covered employers, over 15,000 covered employed workers, and 20,856 self-employed and voluntary members. Collections in the three provinces totaled P68.25 million for 2016,” Valdez said.

For SSS’ part, Valdez said that it will continue coverage and collection activities in the region but will also focus more on establishing linkages and opening service offices.

“There is a need to open a service office in Lamitan City, Basilan, while we are also looking into upgrading the Tawi-Tawi service office into a full-service branch,” he said.

The use of G-Cash for contribution and loan payments, according to Valdez, will also be promoted since mobile phone usage and connectivity is more reliable and easier than bank transactions.

SSS will also continue to forge partnerships with local government units and government agencies to cover their job order and contractual personnel under the KaltaSSS Collect Program, as they are not covered by the Government Services and Insurance System.

Amid the challenges faced by the system in the region, Valdez remained positive for the region as there are pockets of hope and prospects for growth in the Bangsamoro region.

“The certainty of increased government funding and international development aid infusion into the local economy will go a long way in generating economic activity,” he said.

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>