Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

57 residential village, tatamaan ng West Vallley Fault

$
0
0

MAY 57 na residential villages at subdibisyon sa 10 lugar sa Greater Metro Manila ang maapektuhan kapag biglang gumalaw ang West Valley Fault.

Sa listahan na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), may ilang kabahayan at subdibisyon ang lumalabas na nasa ibabaw ng West Valley Fault, isang 100-km active fault na kinakatakutan na makagawa ng 7.2-magnitude earthquake.

Inilabas ng Phivolcs ang naturang listahan hindi para manakot kundi ipabatid sa publiko ang tiyak na mangyayaring environmental threat o hagupit ng Inang Kalikasan.

Babala rin ng Phivolcs, ang mas higit na tatamaan ng lindol ay ang mga residential structures na nakatayo malapit sa fault line o ang mga hindi sumunod sa kasalukuyang building codes.

Pinapayuhan ang mga may-ari ng kabahayan na nakatayo o may limang kilometro ang layo sa fault na abandonahin agad ang kanilang lugar.

Sinabi ni Phivolcs Dir. Renato Solidum, Jr., 40% ng residential structures sa M. Manila ang “heavily or partially-damaged,”

Hindi rin ibig-sabihin na kapag wala sa listahan ay hindi garantisadong maliligtas mula sa ‘The Big One’. Ang lahat ay may kamalayan at kailangan sumunod sa precautionary measures na ipapalabas ng awtoridad.

Ang mga residential areas na nasa West Valley Fault:

Sa Rizal (Rodriguez)

Amity Ville at Christine Ville

Sa Marikina City

Loyola Garden Village, Loyola Subd., Monte Vista Village,Industrial Valley Subd., Cinco Hermanos Subd., at Wood Crest Subd.

Sa Quezon City

Sunnyside Heights Subd., Doña Anna Village, Fil-Heights, Filinvest Homes II at Villa Amor Uno, Northview Subd., Loyola Grand Villas, White Plains Subd., Queensville Court, Greenmeadows, at Blue Ridge B.

Sa Pasig

Valle Verde 6, Valle Verde 5, Valle Verde, Valle Verde 3, Valle Verde 1, at Kawilihan Village

Sa Makati

East Rembo, Pembo, at Rizal.

Sa Taguig

Pinagsama, Pinagsama Phase II, Pan-Am Village, North Signal Village, Central Signal Village, South Signal Village, Maharlika Village, at Camp Bagong Diwa.

Sa Parañaque

Posadas Village

Sa Muntinlupa

Solid Mills Village, Embassy Village, Liberty Homes, Carmina Compounds, L&B Subdivision and Compound, UP Side Subdivision, Country Homes Alabang, Planas Ville, Camella Homes Alabang 3, Country Homes Subd at Jose Marey Subd., Camella Homes, Susana Heights Village 1, Susana Heights Subd Phase I, St Anne Homes, at Real Ville Subd.

Sa Laguna

Adelina 1A Subdivision, GSIS Village, Elnor Homes, Sampaguita Village, United San Pedro Subd.

Sa Cavite

Wedgewoods Subd. BOBBY TICZON


Amerikanong tulak ng ecstacy, tiklo

$
0
0

IPRINISINTA kaninang Huwebes ng umaga ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ang isang American national na nahulihan ng ecstacy tablets sa Pasay City.

Ang suspek na nakilalang si Jun No, alyas Justine, American national na may Korean descent, ay dinala sa PNP-DEG headquarters at sinampahan na ng paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Si No, na nakunan ng 140 tabletas ng ecstacy ay nadakma ng pinagsanib na puwersa ng PNP-DEG at Philippine Drug Enforcement Agency, sa pakikipag-koordinasyon sa MOA-police community precinct.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:20 p.m. nitong nakaraang Miyerkules sa parking lot na nasa tapat ng Royal Indian Curry House sa Seaside Blvd., MOA Complex, Pasay City.

Bago ito, nagawang makipagtransaksyon ng mga operatiba ng DEG sa suspek kaya ikinasa ang entrapment operation laban dito.

Nang tanggapin nito ang marked money kapalit ng ilang piraso ng droga, dinakma na agad ito ng mga operatiba. BOBBY TICZON

Tag-init, simula na

$
0
0

NAGSIMULA na ang tag-init o dry season sa Pilipinas.

Ito ang pahayag ni Pagasa weather forecaster Benison Estareja, kasunod ng paghupa ng hanging amihan na naghatid ng malamig na hangin sa mga nakalipas na buwan.

Pero nagkaroon ng pagkaantala sa pagpasok ng tag-init sa bansa dahil na rin sa pag-iral ng North Pacific high pressure area.

Ito ang sinasabing nagpabago ng pressure system at nagpaiba sa wind pattern na nagbunsod para maantala ang pormal na pagpasok ng dry season.

Nilinaw din ni Estareja na walang summer season sa Pilipinas, kundi “wet and dry seasons” lamang.

Ang summer aniya ay para sa mga bansang may apat na klasipikasyon ng kanilang panahon, kabilang na rito ang spring, winter at fall. BOBBY TICZON

Iniwan ng ka-live-in, nagpatiwakal

$
0
0

URDANETA CITY, PANGASINAN – Matapos iwan ng kanyang live-in partner, isang construction worker ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa bubong ng kanilang ginagawang bahay noong Martes (April 4) sa Urdaneta City sa nasabing lalawigan.

Kinilala ang biktimang si Mark Ayson, 29, ng Rosario, Pozurobio, Pangasinan, at stay-in construction worker sa Brgy. Anonas, Urdaneta City.

Nakita ni Rolando Narito, 46, teacher at caretaker sa ginagawang bahay ang nakabiting katawan ng biktima sa bubong ng bahay gamit ang nylon cord.

Sa imbestigasyon, bago nakita ang bangkay, nagkaroon ng boodle fight ang biktima at ilang kasamahan nitong construction worker at nag-inuman ng alak matapos ito.

Sa kanilang pag-iinuman, nabasa ni Ayson sa kanyang cellphone ang isang text message ng kanyang ka-live-in na “salamat ed panangarom ed siak” (salamat sa pagmamahal mo sa akin).

Sobrang dinamdam ng biktima ang ginawang pag-iwan sa kanya ng kanyang ka-live-in na umano’y motibo nito sa pagpapakamatay. ALLAN BERGONIA

2 holdaper pumalag sa parak, bulagta

$
0
0

DALAWANG hinihinalang holdaper ang bumulagta nang tangkaing manlaban sa mga tauhan ng Manila Police District-Police Station (MPD) sa Sta.Cruz, Maynila.

Inilarawan ang mga suspek na nasa edad 40-45, 5’6-5’7 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, nakaputing T-shirt at puting jersey short at may tattoo na Bahala na Gang sa kanang kamay; habang ang isa nama’y nasa edad 30-35, 5’5-5’6 ang taas, naka-gray T-shirt at pulang pantalon.

Sa ulat ng MPD-homicide section, naganap ang insidente dakong 3:05 ng madaling-araw sa kanto ng Yuseco at Oroqueta Sts., Sta. Cruz, Maynila.

Bago ang insidente, isang hindi kilalang caller ang tumawag at nagsumbong sa MPD-station 3 na umano’y nakatakas lamang matapos tangkaing holdapin ng dalawang lalaking kapwa armado ng baril sa nabanggit na lugar.

Kaagad naman itong ipinaalam sa Blumentritt Police Commuity Precinct dahilan para magtungo sa lugar ang Anti-Crime Unit ng PCP.

Pagsapit sa nabanggit na lugar ay namataan ang dalawang lalaki na kapwa may hawak na baril.

Nang makalapit sa lugar, nagpakilala agad ang mga pulis pero sa halip na sumuko ay nagpaputok pa ang mga ito dahilan para gantihan sila nina PO3 Juanito Arabejo at PO3 Gener Paguyo na dahilan ng kanilang pagkamatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Opensiba ng militar vs NPA, magpapatuloy

$
0
0

MAGPAPATULOY pa rin ang operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa New People’s Army (NPA).

Ito’y sa kabila ng nilagdaang interim joint ceasefire sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front (NDF) sa ika-apat na round ng peace talks sa The Netherlands.

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla, hindi pa ito epektibo hangga’t hindi pa nailalatag ang mga guidelines at ground rules para sa interim joint ceasefire.

Aniya, ang nasabing dokumento ay nagpapakita na bukas at patuloy na magtatrabaho ang pamahalaan at NDF para sa tigil putukan. JOHNNY ARASGA

1-anyos ginulpi ng ama, patay

$
0
0

MASINGAL, ILOCOS SUR – Bunsod ng pangmamaltrato ng kanyang amain, namatay kahapon, April 7, ang isang-taong gulang na bata sa Brgy. Poro, Magsingal, Ilocos Sur.

Nakilala lamang ang biktima sa pangalang baby Angel na nagtamo ng malalalim na sugat at pasa dahil sa kalupitan ng kanyang stepfather na si Basilio Tiqui, 23, ng Sitio Las-ud ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, mismong ang anak ng suspek ang nagsabing pinagsusuntok at sinakal ng suspek ang kanyang kapatid.

Ayon pa rito, nagsimula ang pananakit ng suspek nang iwan siya ng kanyang asawa at bumalik sa dating kinakasama nito sa Ilocos Norte.

Nakakulong na ang suspek sa Masingal police detention cell at kinasuhan na ng murder in relation to child abuse. ALLAN BERGONIA

Wanted na Korean national naaresto ng BI

$
0
0

ISANG Korean national na wanted kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa pyramiding scam ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI)

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang nasabing dayuhan na si Ma Yoonsik, 45-anyos, na nakatakda nang ipatapon pabalik ng bansa nito para harapin ang arrest warrant na inilabas ng Suwon district couth sa Korea noong Nobyembre 7, 2016.

Base sa record ng BI, matagal nang pinaghahanap ang nasabing dayuhan matapos na iparating ng Korean embassy sa Manila na wanted ito ng Interpol sa pagkulimbat ng milyun-milyong dolyar mula sa dollar financial pyramiding scam kung saan nahaharap ito sa pagkakakulong ng 10-taon.

Nang makumpirma na nasa bansa si Ma ay agad na nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng fugitive search unit (FSU) hanggang sa madakip ito sa Las Piñas City.

Sa imbestigasyon, nakipagsabwatan si Ma sa 6 pang Koreans para magtayo ng kumpanya sa Pasay City upang mag-operate ng pyramiding racket kung saan nakakulimbat ang mga ito ng milyun-milyong halaga mula sa mga kababayan nito na aabot sa US$32 milyon o 37 billion Korean won.

Upang hindi na makabalik sa bansa ang nasabing dayuhan ay inilagay na ito sa BI blacklist. JOCELYN TABANGCURA


4 huli sa drug den sa QC

$
0
0
SWAK sa kulungan ang apat katao makaraang salakayin ang umano’y hinihinalang drug den sa Brgy. Pasong Tamo,Quezon City  kaninang umaga Abril 7, 2017 (Biyernes).
 
Kinilala ni Police Chief Insp. Rey ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga dinakip na sina Guiller Canlas, 20, walang trabaho ng Veterans Village, Brgy.Pasong Tamo, QC, Fernando Sazon,28, walang trabaho ng no. 37 Kalawaan A, Brgy Batasan Hills,QC, Benjamin Rios,23, walang trabaho ng 273 Magsaysay St., Area-1A, Brgy. Pasong tamo,QC at Jonie Belison,37, construction worker, residente ng no.308 Durian St., Area-9, Brgy. Pasong Tamo,QC.
 
Ayon sa pulisya nadakip ang mga suspek dakong 5:00 ng umaga sa Lukban St.,Area 9 A.,Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo,QC.
 
Matapos madakip ang apat nakuha sa mga ito ang 13 sachets ng Shabu, isang plastic  sachet  ng marijuana, isang  (1) bundle ng used aluminum foil wrapped, 8 piraso ng glass tube improvised Totters, 4 piraso ng lighter.
 
Sinampahan ng kaso ang mga dinakip matapos ang ginawang pagsalakay. SANTI CELARIO

Sanggol nilunod ng ina

$
0
0

ARESTADO ang isang ginang nang tangkaing lunurin ang kanyang 4-buwang gulang na sanggol na lalaki habang lango siya sa alak at shabu sa Manila Bay, Malate, Manila bunsod nang pagtigil ng sustentong pinansyal sa kanya ng kaniyang asawa.

Kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law ang kinalaharap ngayon ng suspek na si Jane Gonzales, 33, walang hanapbuhay, at residente ng Malate, matapos na tangkaing lunurin sa Manila Bay, sa Roxas Boulevard ang kanyang anak na si Baby Christian, 4-buwang gulang.

Sa report ni Police Supt. Rodrigo Ramos, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 9, nabatid na dakong 10:30 ng umaga nang madakip si Gonzales ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Roxas Boulevard Police Community Precinct (PCP) na sina PO2s Rico Narvacan at Randy del Rosario at PO1s Arce Saique at Gerard Tubale.

Nauna rito, nagpapatrulya ang mga pulis nang isang concerned citizen ang tumawag sa kanila at isinumbong ang isang babae na tinatangka umanong lunurin ang kanyang sanggol sa Manila Bay.

Kaagad namang rumesponde ang mga pulis sa lugar at nailigtas ang sanggol mula sa tangkang pagpatay dito ng sariling ina.

Aminado naman ang ginang na nasa ilalim siya ng impluwensya ng alak at shabu nang tangkaing kitilin ang buhay ng sariling anak.

Aniya, nagawa niya ang krimen dahil desperado na siya matapos na mag-away sila ng kanyang asawa, na tumatangging magbigay ng suportang pinansiyal sa kanya at sa kanilang limang anak.

Kasalukuyan nang nakadetine ang suspek habang ang kanyang sanggol ay pansamantalang itinurn-over muna sa pangangalaga ng Manila Social Welfare Development (MSWD). JOCELYN TABANGCURA

Pulis na nakabaril ng kapitbahay, dakip

$
0
0
ARESTADO ang isang opisyal ng pulis matapos umanong magpaputok ng baril at makasugat sa kanyang kapitbahay sa Brgy. Mariblo, Quezon City kamakalawa ng gabi Marso 5, 2017 (Miyerkules).
 
Kinilala ni Quezon City  Police Chief Superintendent Eleazar ang dinakip na si Police Senior Inspector Briccio Reamillo Jr., 42, nakatalaga sa Rizal Police Provincial Office at residentre ng No. 7 Bernardo St., in Brgy. Mariblo,QC.
 
Sa ulat, si Reamillo na isang tahimik at low profile sa kanilang barangay at hindi kilala na isang pulis at ang biktimang si Michael Mañalac na umano’y pasaway ay kararating lamang sa kanilang lugar sa Bernardo Street dakong alas-9 ng gabi.
 
Tinanong umano ni Reamillo si Mañalac kung residente ang huli sa kanilang compound na ikinagalit naman ng biktima at nauwi sa palitan ng mga hindi magagandang salita.
 
Habang nagaganap umano ang pagtatalo ng dalawa binagsak umano ni Reamillo ang gate ng kanilang compound saka umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang apartment at ibinato kay Mañalac ang isang plastic bottle.
 
Sa pagnanais na takutin lamang ang biktima bumunot si Reamillo ng kanyang service firearm at pinaputukan ang biktima na tinamaan sa kaliwang paa.
 
Agad nagsumbong sa kanilang barangay ang biktima at kinalaunan ay sa police station na nagresulta ng pagkakadakip ng suspek.
 
Kapwa nagharap ng kaso sa isa’t isa ang pulis at ang kanyang biktima sa piskalya. SANTI CELARIO

Batas sa pagbabawal ng ‘recycled’ na mantika, isinusulong

$
0
0

ISINUSULONG na sa Kongreso ang panukalang pagbabawal sa pagbebenta ng mga gamit na mantika.

Ito ang House Bill 814 o “Anti-Used Cooking Oil Act” na inihain ni Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe, Alfredo Garbin at Christopher Co.

Suportado ng Department of Health (DOH) ang naturang panukala.

Kaugnay ito ng mga ulat na ibinebenta sa mga pamilihan ang mga ‘recycled’ na mantika sa murang halaga.

Kinakailangan din ang pag-ban dito dahil ang muling pag-iinit ng mga gamit ng mantika ay may dalang panganib sa kalusugan.

Ayon sa mga may-akda na nasabing panukala, ito’y maaring magdulot ng hypertension, pinsala sa atay at maging cancer.

Kapag naipasa, nasa P10,000 – P50,000 ang multa sa sinomang mahuhuling nagbebenta mga gamit na cooking oil.

Maaari lang maibenta ang mga gamit na mantika kung ito’y para sa ‘industrial purposes’ kabilang ang homemade biodiesel fuel, lubricant, soap-making, at weather-proofing para sa exterior woodwork. -30-

‘Di nakapagtimpi, mister kinatay ni misis

$
0
0

PATAY ang isang Malaysian national na mister matapos saksakin sa leeg ng kanyang misis matapos magtalo sa Caloocan City, kahapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Hope Hospital sa Quezon City sanhi ng saksak sa leeg ang biktimang si Mervin Roy Thanaraj, 27, ng Bauhinia St., Tamara Lane, Kaibiga, Brgy. 166 habang nahaharap naman sa kasong parricide ang misis nitong si Gianne Carla Thanaraj, 26.

Sa ulat, dakong 1:00 ng hapon nang magkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa sa kanilang bahay hanggang sa saktan umano ng suspek ang biktima at tinangka pa nitong iuntog sa pader.

Nagawang makatakbo ng biktima patungo sa kusina hanggang sa makakuha ito ng patalim at itinarak sa leeg ng suspek bago humingi ito ng tulong sa kanilang mga kapitbahay para isugod ang mister sa naturang pagamutan.

Kusang-loob namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek. RENE MANAHAN

Syria binomba ng 50 Tomahawk cruise missiles ng US

$
0
0

WASHINGTON – Bilang ganti sa paggamit ng chemical weapon na ikinadamay ng mga sibilyang kabataan, nagpakawala agad ang Estados Unidos ng kanilang 50 Tomahawk cruise missiles sa Syrian air base.

Tinarget ng Amerika ang isang bayan na may malaking presensya ng mga rebelde na maraming inosente ang sinasabing nadamay.

Regular namang nagbibigay ng updates si Defense Sec. James Mattis kay US President Donald Trump kahit ito’y may mga nakahanay na pulong, kasama na ang pakikipag-usap kay Chinese President Xi Jin Ping.

Una rito, sinabi ni US Secretary of State Rex Tillerson na may mga binubuong plano ang Amerika para sa bansang Syria at sa umiiral na mga polisiya.

Ayon kay Trump, ang pagpatay sa mga inosente ang nagbunsod sa kanilang mabigat na aksyon.

“When you kill innocent children — innocent babies — babies — little babies with a chemical gas that is so lethal, people were shocked to hear what gas it was, that crosses many, many lines. Beyond a red line, many, many lines,” wika ni Trump. BOBBY TICZON

5 preso nakapuga sa Compostela

$
0
0

NAKAPUGA ang limang preso ng Compostela Police Station sa Lungsod ng Compostela, Cebu kaninang Biyernes ng madaling-araw.

Sinabi ni SPO1 Michael Magallon ng Compostela-PNP, bandang alas-5:20 a.m. nang makatakas ang limang bilanggo na kinilalang sina Giovannie Tabayan, Joel Cuyos, Joseph Mahinay, Ruben Catipay, at Nelson Agbay na may iba’t ibang kasong kinasasangkutan.

Dumaan aniya ang mga preso sa likurang bahagi ng kanilang selda sa pamamagitan ng paglagare sa tubo na nagsisilbing harang sa kanilang kulungan.

Dagdag pa ni Magallon, hindi namalayan ng duty jailer na si SPO2 Michael Mirolinya ang pagpuga ng limang preso dahil wala umano itong narinig na ingay.

Nalaman na lang na wala na ang lima nang magsagawa ng head count si Mirolinya sa mga presong nasa loob ng nasabing kulungan.

Hinahanting na ngayon ang mga nakatakas na bilanggo para maibalik sa kanilang selda. BOBBY TICZON


2 sangkot sa droga, itinumba sa Navotas, Malabon

$
0
0

DALAWANG hinihinalang sangkot sa illegal drug activities ang napatay ng mga hindi nakikilalang salarin sa magkahiwalay na lugar kagabi, Biyernes, sa Navotas at Malabon city.

Pasado alas-7:35 ng gabi natagpuan ang bangkay ng biktimang si Raul Rarugal, Jr., 25, ng Marcelo St., Road 10, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), ng mga barangay tanod.

Ayon kay Navotas police homicide investigator PO3 Joey Ogatia, limang empty shells at deformed na bala ng ‘di pa batid na kalibre ng baril ang natagpuan sa pinangyarihan ng krimen.

Nauna rito, pasado alas-1:00 ng hapon, isang Samboy Versoza, 23, ng Pampano St., Longos, Malabon ang binaril at napatay ng riding-in-tandem sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima kasama ang kinakasama nitong si Adeline Joy Torbanada nang biglang hintuan ng motorsiklo sakay ang mga suspek.

Dito na siya walang sabi-sabing pinagbabaril ng mga suspek na nakatakbo pa ngunit sinundan pa rin ng mga suspek at hindi iniwan nang buhay.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek habang dinala ng kanyang kinakasama ang biktima sa Tondo Medical Center subalit hindi na umabot nang buhay. ROGER PANIZAL

Van sumemplang, 2 dedo, 17 sugatan

$
0
0

DALAWA ang nalagas habang 17 naman ang nasugatan nang bumaliktad ang kanilang sinasakyang van sa Isabela kaninang Sabado ng madaling-araw.

Namatay noon din sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na nakilalang sina Veronica Salvador, 10, at Aldrin Gutierrez, 46, kapwa residente ng San Mateo, Rizal. Ang dalawa ay kapwa nasa huling bahagi ng van.

Ang mga nasugatan na kinabibilangan ng driver na si Edwin Villaflor ay isinugod sa isang ospital sa San Mateo, Isabela para malapatan ng lunas.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 2 a.m. sa national highway sa San Antonio, San Mateo, Isabela.

Bago ito, sakay ang mga biktima sa isang Nissan Urvan na pagaari ni Villaflor ng Quezon City ay nagmula sa San Mateo, Rizal at patungo sa Roxas, Isabela para dumalo sa isang kasal.

Pero pagsapit sa lugar, bigla umanong natanggal ang kanang tie rod kaya nawalan ng kontrol sa steering wheel ang nagmamanehong si Villaflor, 56-anyos at residente ng Pulang Lupa, Modesta Village, San Mateo, Rizal.

Ayon sa San Mateo Police Station, bumangga ang van sa isang poste ng kuryente bago bumaligtad at nahulog sa kanal malapit sa daan.

Magkakamag-anak ang 19 na sakay ng van na dadalo sa kasal ng kanilang kamag-anak sa Roxas, Isabela. BOBBY TICZON

75,000 na mga pulis, handa nang magbantay sa Semana Santa

$
0
0

WALANG nakikitang dahilan sa ngayon ang Philippine National Police (PNP) para magdagdag pa ng pwersa bukod sa 75,000 na mga pulis sa buong bansa na sinimulan nang ipakalat kahapon para sa magbantay sa kasagsagan ng Semana Santa.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos, sa unang pagtaya ay sapat na ang bilang na ito para magbantay ng seguridad sa kasagsagan ng paggunita ng Semana Santa at pagdagsa ng mga pasahero sa iba’t ibang pampublikong terminal ng bus, paliparan at pantalan.

Bagaman mas mataas umano ang nabanggit na bilang kumpara sa 68,000 na pulis na ipinakalat sa buong bansa noong isang taon sa parehong panahon.

Giit ni Carlos, manggagaling lamang sa intelligence report o information ang go signal kung may pangangailangan pa sa dagdag na pwersa.

Ayon pa kay Carlos, wala pa naman silang natatanggap na credible threat sa seguridad sa bansa, sa kabila ng pagkakaaresto ng dalawang hinihinalang miyembro ng Islamic State group sa Taguig kamakailan. JOHNNY ARASGA

Mga empleyado ng DENR, nagprotesta laban kay Lopez

$
0
0

NAUWI sa protesta ang mga hinaing ng mga empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi natutuwa sa mga personnel revamp ni Sec. Gina Lopez.

Habang nakasuot ng itim, nagtipun-tipon ang mga empleyadong karamihan ay nagpmula sa Human Resource Development Service (HRDS) office sa labas ng main office ng DENR.

Ginawa nila ito upang suportahan ang dalawang opisyal ng HRDS na ipinapalipat, matapos masisi sa hindi pag-apruba ng Civil Service Commission sa appointee ni Lopez na si undersecretary Philip Camara bilang Provincial Environment and Natural Resources Officer (Penro).

Ilang empleyado pang nasa rally ang nanawagan sa pagpapatalsik kay Camara sa pwesto.

Partikular na nag-aklas ang mga empleyado nang lumabas ang draft order na nag-aatas na ilipat sa ibang posisyon sina HRDS director Rolando Castro at Personnel Division chief Miriam Marcelo.

Isa kasi sa mga dahilan kung bakit hindi naaprubahan ng CSC ang appointment kay Camara, ay ang hindi pagpirma dito ni Marcelo, na bahagi ng patakaran ng civil service.

Ayon sa mga empleyado, ito ang dahilan kung bakit ililipat ni Lopez sa ibang posisyon.

Ayon naman sa CSC, kulang sa civil service professional eligibility si Camara dahil sa hindi pagpirma ni Marcelo, pati na rin sa mismong kakulangan nito sa supervisory at managerial training.

Nang dumating naman si Lopez, tiniyak niya sa mga empleyado na nagkaroon lamang ng miscommunication at misunderstanding sa sitwasyon.

Aniya pa, patuloy na magkakaroon ng lipatan hanggang sa magkaunawaan at magkasundo na ang mga empleyado.

Nagbanta naman ang mga empleyado na kung hindi pa aayusin ni Lopez ang sitwasyon, ay magsasagawa sila ng mas malaking protesta. JOHNNY ARASGA

Lindol muling naramdaman sa Batangas

$
0
0
MULING naramdaman ang malakas na lindol sa Batangas dakong 3:30 pm, April 8.
Sa report, nagtakbuhang palabas ang ilang residente sa labas ng kanilang mga bahay dahil sa insidente.
As of press time, hindi pa malaman kung ano ang magnitude ng lindol ngunit hinihinalang abot ito sa katulad ng naganap noong 04 April na 5.5 magnitude.

Nagbabala naman ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa publiko na huwag maniwala sa mga balitang napipintong pagsabog ng Mt. Banahaw.

Kumalat ang balita sa kalakhang rehiyon ng Calabarzon, na nakasasakop sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Pinaghahanda umano ang mga residente sa nasabing lugar sa posibleng pagsabog ng Mt. Banahaw.

Maging ang National Disaster Risk Reduction and Management Council ay nagsabing wala silang nasasagap na impormasyon sa posibleng pagsabog ng bulkang huling pumutok noong 1800s.

Pinagdarayo ang Mt. Banahaw kapag Holy Week partikular kung Biyernes Santo. NENET L. VILLAFAMIA

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>