Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

Suspendidong minahan bantay-sarado pa rin

$
0
0

TINIYAK ng Diocese of Surigao na patuloy nilang minu-monitor ang mga suspendidong minahan dahil sa nakabinbing kautusan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Surigao Bishop Antonieto Cabajog, bumuo ang kanilang diocese ng monitoring team na magbabantay sa mining sites upang matiyak na hindi nito nilalabag ang kasalukuyang kautusan ng DENR.

Sinabi ng Obispo na pabor siya sa pagpapasara ng mga minahan at pagpapaigting ng eco-tourism sa kanilang lalawigan.

“We can do alternatives and sa Surigao madaming natural resources na [maganda] sa eco-tourism, yun na lang sana ang mapaganda at ma-enhance, mas maganda ang eco-tourism kasi ang Surigao kilala na na magandang puntahan,” bahagi ng pahayag ng Obispo.

Nagpahayag din ng paniniwala si Cabajog na kung magpapatuloy ang magandang nasimulan ng ahensya ay maiaangat na ang buhay ng mga mahihirap na apektado ng pagmimina.

Una nang nagkasundo ang pamahalaan at Simbahan na tuldukan na ang irresponsible mining sa bansa. MACS BORJA


Jinggoy makiki-birthday kay Erap

$
0
0

NAGPAALAM si dating Senator Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan para makadalo siya sa ika-80 kaarawan ng kanyang amang si dating pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada sa Abril 19.

Sa kanyang mosyon, nakasaad na kung maaari ay makalabas siya sa PNP Custodial Center sa Camp Crame mula ala-5:00 ng hapon ng April 18 hanggang alas-5:00 ng umaga ng April 19.

Idinahilan din nito na noong nakakulong ang kanyang ama ay pinayagan din ito ng Sandiganbayan para makadalo sa ika-99 kaarawan ng inang si Mary Ejercito.

Ang dating senador ay nakakulong mula pa noong Hunyo 2014 dahil sa kasong plunder at graft. BOBBY TICZON

Anak ng pulis, kinatay ng lasing

$
0
0

INARARO ng saksak hanggang sa mamatay ang isang apat na taong gulang na batang lalaki na anak ng isang pulis sa Sitio Niño, Barangay Duljo Fatima, Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Emmanuel Tek-eng Martinez habang ang suspek naman ay si Danilo Remulta, 49.

Ayon sa pulisya, nakikipaglaro si Martinez sa kanyang pinsan sa labas ng kanilang bahay nang bigla itong saksakin sa likod ni Remulta na noo’y lasing.

Sa sobrang lubha ng pagkakasaksak, tinamaan ang puso ng bata na naging resulta ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa ama ng bata na si PO1 Emmanuel Martinez, Sr., naka-assign sa San Nicolas police station, maliligo na sana siya nang biglang tumakbo sa kanilang bahay ang pamangkin at isa pang anak hatid ang balita na sinaksak ang biktima.

Matapos ang insidente, agad namang sumuko sa pulisya ang suspek. JOHNNY ARASGA

Kelot pinatay sa bugbog

$
0
0

BETAG, LA TRINIDAD – Isang 18-anyos na lalaki ang namatay nitong Martes (March 28) matapos bugbugin ng mga hindi pa kilalang mga lalaki sa Betag, La Trinidad, Benguet.

Kinilala ang biktima sa pangalan lamang na “Boy”, ng nasabing bayan na isinugod sa ospital ng kanyang kaibigan dahil sa mga malalalim na sugat at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon, sinabi ng tatay ng biktima na si Ronnie na nakikipag-inuman ang kanyang anak kasama ang ilang kaibigan.

Ngunit pagkaraan ng dalawang oras, bandang alas-10:00 ng gabi, ilang kaibigan ang pumunta sa bahay at sinabing dinala sa ospital ang biktima.

“Sabi na dinala sa ospital, pinuntahan namin, pagdating dun, nire-revive na, wala na,” ani Ronnie.

Sa ulat ng pulisya, binugbog ang biktima ng apat na kalalakihan sa bayan ng Betag.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up investigation ang La Trinidad police hinggil sa pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa krimen. ALLAN BERGONIA

DoH, LGUs lumagda sa investment plan

$
0
0

NAGKASUNDO ang Department of Health – MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan) at mga gobyernong lokal ng rehiyon na lagdaan ang Local Investment Plan for Health (LIPH) upang masiguro ang paghahatid ng lingkod-kalusugan at pasilidad.

Ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo, pinabibilis nila ang implementasyon ng health services and programs upang maiangat ang katayuang pangkalusugan ng may tatlong milyong residente ng rehiyon.

Dagdag pa niya, matagal na napabayaan ang health services ng mga taga-MIMAROPA kaya minamadali nila ito ngayon.

Ilan sa mga programang ilulunsad ay ang pagkakaroon ng Desalinator Machine sa Oriental at Occidental Mindoro, gagawing training hospital ng rehiyon ang Oriental Mindoro Provincial Hospital, pagbubutihin ang serbisyo ng Ospital ng Palawan upang maging medical center, pagkakaroon ng mga speedboat sa mga ilang barangay upang mapabilis ang pagbibigay ng health services at paghahatid sa mga pasyente, pagtatayo ng GeneXpert TB laboratory, paglalagay ng mga health science courses sa mga government colleges at universities sa rehiyon.

Sa pamamagitan ng LIPH, makatatanggap ng tulong pinansyal ang mga gobyernong lokal mula sa DoH para sa implementasyon ng aprubadong Annual Operation Plan sa 2017.

Gagarantiyahan ng LIPH ang implementasyon ng mga programa at proyekto na pasok sa Philippine Health Agenda (PHA) for 2016-1022.

Sa ilalim ng PHA 2016-1022, ginagarantiyahan ang health services sa nasabing rehiyon.

Pinirmahan ang MOA sa Ramada Hotel, Binondo, Manila. Nenet Villafania

Mag-amang tulak, timbog sa Taguig

$
0
0

TIMBOG ang mag-amang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Rd. 15, Purok Dos, New Lower Bicutan, Taguig City.

Kinilala ang mga suspek na sina Kabunto Lampay, 52 at Basher Lampay, 25.

Ang mag-amang suspek ang itinuturong supplier ng droga sa kanilang lugar.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong sachet ng shabu at ang P500 marked money.

Ayon kay Police Sr. Insp. Jonathan Arribe, hepe ng Maharlika Police Community Precint, nagpanggap na buyer ang isa nilang tauhan at nang magkaabutan na ng pera at ng shabu, saka na nila dinampot ang dalawang suspek.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. JOHNNY ARASGA

Barangay elections ngayong taon

$
0
0

ITINAKDA na ng COMELEC ang Barangay at SK o Sangguniang Kabataan elections sa kabila ng mga hakbang para muli itong maipagpaliban.

Sa inilabas na Comelec Resolution Number 10177, itinakda ang Setyembre 23 hanggang Oktubre 30 bilang election period.

Mula Setyembre 23 hanggang katapusan ng Setyembre bubuksan ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa mga nagnanais tumakbo sa Barangay at SK positions.

Habang tatakbo naman mula Oktubre 13 hanggang 21 lamang ang campaign period para sa nasabing halalan.

Ipatutupad din sa itinakdang election period ang pagpapatupad ng nationwide gun ban at ipagbabawal din ang paggamit ng security personnel at bodyguards ng mga kandidato.

Hindi na rin papayagan ayon sa COMELEC ang paglilipat ng presinto ng mga botante gayundin ang pananakot sa mga opisyal o kawani ng gobyerno na gumaganap sa kanilang tungkuling may kinalaman sa halalan. JOHNNY ARASGA

Globe myBusiness hosts product photography tips by a pro

$
0
0

Craft MNL in partnership with co.lab, Manila Workshops, and Globe myBusiness has been holding a series of workshop sessions called “Growing Your Homemade Business.” In the workshop, professional photographer, Jeryc Garcia gave a short lecture on the basics of photography and a few DIY tips and tricks to get small business owners to put out engaging and eye-catching product photos. The attendees peppered Garcia with questions and showcased their original products while he assisted them from conceptualizing to composing great photos.

Selling a lifestyle

Product photography is not just snapping a nice pic of your wares, hoping that people are going to want to buy it for its prettiness. Good product photography doesn’t just sell a product, it promises a lifestyle.  You’ve got to get your product photos to tell stories, and not just any stories, but the stories of the people viewing them. Viewers have got to look at your product photos, and say to themselves, “I know how that is going to add to my life.”

Using your photography to tell those stories as creatively as possible is the best way to invite its viewers to the luxuries of homemade jewelry, the deliciousness of sweet or savory delicacies you’re serving up, or whatever lifestyle your product caters to.

Set your product up

Getting photographs of your products to tell those stories is a giant creative task. So the first thing you’ve got to do is make sure you know your product inside and out. What is it about? What’s it for? How many ways can it be used?

When you’ve got a clear idea in your head what your photos are going to be saying about your product, you’ve got to figure out how to get the photos to actually say that. Visual language isn’t particularly difficult to learn and there’s so much of it all around. Go get pegs, lots and lots of pegs – turn to movies, paintings, Instagram, Pinterest and the trusty Google search bar.

Then you’ve got to decide the setting in which to shoot your product. There are two basic set ups – first is the Seamless set up, which is a closed set up. For anyone who has ever flipped through a catalogue, you’ve seen Seamless set ups. These are tasteful and elegant set ups, that identify the product clearly and straightforwardly. It’s a setup that says, “here it is, and it’s great.”

The second is the Environmental set up – which is an open set up. It places your product in the world, and contextualizes it. It’s cookies on a plate on a kitchen counter. It’s soap gliding down the skin of an arm. It’s up to you. While this setup might seem ideal for product photography that tells stories, it’s important to keep in mind that environmental set ups can sometimes be distracting, and can put your products out of context too.

Maximize the product

Getting the most out of your product in a photograph is not only a creative task, but also a technical one. So examine your product, and dissect its visual properties. Is it transparent, translucent, or opaque? Is it edgy, or rounded? Is it very colorful, or more muted? Is it a product that is actually attractive, or are you going to have to shoot the packaging instead?

There are many things to consider because getting the product to look good in a photograph means picking its most engaging visual properties and highlighting them. This will be done with lighting. Lighting is the most immediately important consideration for any photographer because it is literally how your product will be seen.

And the lighting will determine the mood of your photograph, and by extension the mood in which your product is received. Is the light soft, and warm? Is it hard, and edgy? What does that say about the product?

The overrated-ness of cameras

One thing many, many aspiring photographers struggle with is a sense of insecurity about whether their cameras are “good enough” to capture professional, or even just high quality images. But according to Garcia, the camera is only as good as the photographer.

It might seem a bit hackneyed, but nearly all professional photographers are more concerned with setting, lighting, composition, and concept than they are with the camera they’re shooting with. A great camera is not going to make up for a lazy photographer. And most digital cameras, even the most underrated phone cameras, already have the ability to capture high-definition images anyway.

Globe myBusiness provides its customers with these business tips to cater to all new and existing entrepreneurs. For more tips and exclusive invites to relevant events, readers may sign up athttp://glb.bz/SGmyBizKit.


Menor sa Parañaque, sugatan sa gunman

$
0
0

SUGATAN ang isang menor-de-edad matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek sa kanto ng Bagong Silang at Bagong Ilog sa Baclaran, Parañaque City.

Isinugod sa ospital ang 17-anyos na biktima matapos tamaan ng bala sa pisngi.

Ayon sa mga nakasaksi, nakatambay lang ang biktima nang pagbabarilin ng dalawang naka-motorsiklong lalaki.

Nakatakbo pa sa loob ng isang panaderya ang biktima ngunit hinabol ito ng suspek at pinagbabaril sanhi para magkabasag-basag ang mga salamin at refrigerator sa naturang bakery.

Ayon sa pulisya, dati nang nakulong ang biktima dahil sa snatching at naimbitahan na rin ng pulisya nang ilunsad ang Oplan Tokhang.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. JOHNNY ARASGA

Petron may rollback sa LPG

$
0
0

SINALUBONG ng Petron ng rollback ang consumers sa kanilang LPG at auto LPG ngayong araw.

Epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi ang P5.00 tapyas ng Petron sa kada kilo ng kanilang Gasul at Fiesta Gas.

Nasa P2.80 naman ang ibinawas ng Petron sa kanilang Xtend Auto LPG.

Ang naturang rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang merkado. JOHNNY ARASGA

Tumaya ng shabu sa cara-krus, 5 arestado

$
0
0

NASAKOTE ang limang lalaki naaktuhang pinangtataya ang shabu sa cara-krus sa Quezon City.

Unang inakala ng mga pulis ng Quezon City Police District Station (QCPD) 7 na simpleng cara y cruz lamang ang dahilan kung bakit nila aarestuhin ang limang kalalakihan sa Barrio Panopio, Brgy. Kaunlaran sa Cubao, Quezon City.

Pero nang kapkapan ang limang suspek, dalawa sa kanila ay nakuhanan ng dalawang bulto ng shabu na may bigat na mahigit 10 gramo at nagkakahalaga ng P25,000.

Napag-alamang apat sa mga naaresto ay nasa drug watch list na Sina Robert Plan alyas Jun, Mac Leo Lumibao, Feliteo Liwag, Dexter Bitasolo, habang sumuko naman sa oplan tokhang si Mark Oliver Inolva.

Ayon kay Supt. Luis Benjie Trimoro, hepe ng QCPD Station 7, isang concerned citizen ang tumimbre sa kanila kaugnay ng ginagawang cara-krus sa lugar.

Sinabi pa ni Trimoro na ginawa ring pantaya ang shabu sa nasabing sugal.

Bukod sa iligal na droga nakuha rin ang P3,750 cash at dalawang cellphone sa mga nahuling suspek. JOHNNY ARASGA

Kelot tigok sa tandem sa Las Piñas

$
0
0

TIGOK ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Marcos Alvarez Ave., Brgy. Talon Singko, Las Piñas City.

Kinilala ang biktimang si Jayson Palisoc, 26, walang trabaho.

Sa ulat, haghihintay lamang sa kanyang asawa ang biktima nang pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Tatlong tama ng bala sa katawan ang bumaon sa biktima na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Batay sa imbestigasyon, nakita ring patay sa kahabaan ng Marcos Alvarez Ave. ang kuya ng biktima noong Oktubre ng nakaraang taon matapos mawala ng apat na araw.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente ng pamamaril.

Iniimbestigahan rin ng Las Piñas PNP kung may kinalaman sa naturang krimen ang una nang pagpatay sa kuya ng biktima. JOHNNY ARASGA

11 Aeta na lulan ng multicab bumangga, lahat patay

$
0
0

NAGKALASOG-LASOG ang katawan ng 11 Aeta sa Iba, Zambales makaraang mabangga ng isang trak ang kanilang sinasakyang multicab sa bayan ng Botolan sa nasabing lalawigan.

Sinabi ni C/Insp. Generico Biñan, hepe ng Botolan PNP, galing sa isang agricultural seminar sa Ramon Magsaysay Techonological University kahapon ang mga biktima nang maganap ang aksidente.

Pabalik na umano ang 13 kataong sakay ng multicab ng ito’y salpukin ng isang ten-wheeler truck na nawalan ng preno.

Kaagad na sumuko sa mga awtoridad ang tsuper ng trak na si Jefferson Viray na nagsabing nawalan siya ng kontrol sa kanyang minamanehong sasakyan.

Kabilang sa mga namatay ay ang mag-inang sina Evangeline Capistrano, 34, at kanyang anak na si Kenneth, 4-taong gulang.

Sa lakas ng pagkakabangga sa kanilang sasakyan ay kaagad na namatay ang pitong biktima habang tatlo ang namatay sa pagamutan. JOHNNY ARASGA

Trato ni Digong sa kababaihan, ipinagtanggol ng mga gov’t officials

$
0
0

SA kabila ng pambabatikos ng ilang grupo sa Pangulong Rodrigo Duterte dahil umano sa bastos nitong pananalita sa kababaihan ay nakuha pa rin siyang ipagtanggol ng mga babaeng opisyal ng pamahalaan.

Sa “Digong’s Day for Women” event na ginanap sa Malacañang, sinabi ni Assistant Communications Sec. Marie Banaag na dapat alalahanin ng mga tao na ang kanilang inihalal ay isang pangulo at hindi isang pari o santo.

Aniya, ang catcalling ay relative o nakadepende sa taong makakatanggap nito kung siya ay masasaktan o hindi.

Mas mahalaga naman kay Department of Justice (DoJ) Asec. Aimee Neri ang nagawa ni Duterte noong alkalde pa ito ng Davao.

Paliwanag niya, dahil sa labis na pagrespeto at pagmamahal ng pangulo sa mga kababaihan ay bumuo ito ng special counsel for violence against women and children at ang Davao lamang ang mayroon nito.

Para naman kay Department of Interior and Local Government (DILG) Usec. Emily Padilla, okey lang ang mga remarks ni Duterte pagdating sa extramarital affairs o pagkakaroon ng maraming girlfriend.

Depensa niya, hindi naman kasal ang Pangulo kaya’t hindi siya mapipigilan sa kanyang mga remarks sa extramarital affairs.

Ang Digong’s Day for Women ay dinaluhan ng daan-daang mga kababaihan kabilang na ang kanyang mga supporters noong nakaraang halalan. JOHNNY ARASGA

LTFRB: Walang phase out sa mga dyip

$
0
0

TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga transport group na walang ipatutupad na pag-phase out sa pampasaherong jeepney.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, ang tanging ipatutupad ay ang pagmodernisa sa mga dyip.

Ito’y kung saan magiging mababa aniya ang interes na maaaring bayaran nang lima – pitong taon sa bangko ng mga operator ng dyip.

Matapos masiyahan sa desisyon ng LTFRB, iniurong na ng mga transport group ang ikakasa sanang tatlong araw na transport strike. JOHNNY ARASGA


Scholarship scam ni ex-Cong. Niel Tupas, ibinuko ng kapatid

$
0
0

HINDI magdadalawang-isip si Iloilo 5th District Rep. Raul Tupas na isumbong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kapatid na si dating Cong. Niel Tupas, Jr.

Sinabi ng mambabatas na hindi binayaran ng kanyang kapatid ang tuition ng kanyang mga scholar sa Northern Iloilo Polytechnic State College kaya hindi makaga-graduate ang mga ito ngayong taon.

Tumanggi kasi ang nasabing paaralan na ilabas ang mga school document ng mga scholar ng dating mambabatas na mula sa mga bayan ng Ajuy, Estancia, Sara, Lemery Concepcion, Batad at Barotac Viejo.

Ani Tupas, umabot sa P70-million ang hindi binayaran ng kanyang kapatid na dating kongresista.

Hinamon rin ni Tupas ang dating mambabatas na sagutin ang mga akusasyon na napunta ang pondo na dapat ay nakalaan sa edukasyon ng kanilang mga kababayan sa lalawigan.

Noong panahon ng eleksyon ay naging mainit ang away sa pagitan ng magkapatid na Tupas.

Nag-ugat ang kanilang iringan makaraang patakbuhin ni dating Cong. Niel Tupas, Jr. ang kanyang misis para kalabanin ang nakatatandang kapatid na si Raul na siya namang nanalo sa nabanggit na halalan. -30-

Icon Clinic, nagsalita na

$
0
0

DAHIL sa mga lumalabas na maling balita, nagbigay na ng kanilang panig ang The Icon Clinic sa Mandaluyong City hinggil sa pagkamatay ng kanilang pasyeteng si Shiryl Saturnino.

Ayon kay Atty. Estrella Cordero, abogado ng naturang clinic, hindi totoo ang mga balitang tatlong sabay-sabay na operasyon ang isinagawa kay Saturnino kaya ito namatay.

Isang minor at isang major aniya lamang ang isinagawang operasyon sa biktima.

Iginiit din ni Cordero na sinunod ng kanilang klinika ang lahat ng procedure para isagawa ang operasyon.

Samantala, nilinaw din ng clinic ang pahayag ng Mandaluyong City Hall na wala silang permit mula sa Department of Health (DoH) at isa lamang itong medical clinic na hindi pwedeng mag-opera.

Nakapangalan din agg kanilang klinika sa Managed Care Philippines, Inc.

Pero ayon kay Cordero, pag-aari talaga ng Managed Care Philippines, Inc. ang gusali at naroroon ang pasilidad ng The Icon Clinic.

Ipinakita rin ng abogado ang dokumento mula DoH na nagpapatunay na may lisensiya ang Managed Care Philippines, Inc. na magsagawa ng ambulatory surgical operation.

Sa kabila naman ng mga maling lumabas na balita, umaasa ang abogado na lalabas din ang katotohanan at malilinis ang pangalan ng Icon Clinic.

Patuloy din naman ang pagpapaabot ng tulong ang kanilang klinika sa pamilya ni Saturnino. BOBBY TICZON

Samar, inuga ng magnitude 4.2 quake

$
0
0

INUGA ng magnitude 4.2 earthquake ang parte ng Western Samar kaninang Linggo ng umaga, ayon sa ulat ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang epicenter ng lindol na tumama ng alas 9:42 a.m. ay nasa 28 kilometers northeast ng Catbalogan town, Western Samar.

Naramdaman ang Intensity 4 sa Catbalogan at Intensity 3 naman sa Pagsanghan town.

Wala namang naiulat na danyos at wala rin inaaasahang mga aftershocks ang naturang lindol.

Bilateral ceasefire ibinitin muna ng Pangulong Duterte

$
0
0
SINADYA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ibitin ang paglagda niya sa bilateral ceasefire deal kasama ang Communist Party of the Philippines – National Democratic Front (CPP-NDF) dahil sa ilang kundisyon.
Iyon ay dahil hangad  ng Pangulo na itigil ng mga rebeldeng grupo ang pangingikil, pagkokolekta ng revolutionary taxes at palayain ang mga hawak na bihag ng New People’s Army (NPA) bago pa idaos ang pagpapatuloy ng ika-apat na round ng peace talks sa Noordwijk, The Netherlands.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, gusto ng Chief Executive na kahit apat man lang sa mga kundisyon ang magawa ng mga komunistang grupo bago tuluyang pirmahan ang kasunduan.
Ang naging kautusan aniya ng Punong ehekutibo sa government panel na ulitin ang mga kundisyon ng bilateral ceasefire agreement.
Matatandaang hindi tinuloy ng CPP-NDF ang pagdedeklara ng unilateral ceasefire matapos ianunsiyo ni government chief negotiator Silvestre Bello III na hindi tutugon ang pamahalaan dito. KRIS JOSE
 

P100M shabu, baril nasabat sa Tondo

$
0
0

NAKASABAT ang Bureau of Investigation (NBI) ng hindi bababa sa 100 milyong pisong halaga ng shabu at ilang baril mula sa dalawang hinihinalang drug couriers sa Tondo, Maynila

Inaresto ang dalawang hindi pa pinapangalanang mga suspek ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang operasyon sa Zaragosa at Moriones street sa Tondo.

Ayon sa NBI, ang naturang mga suspek ay miyembro ng drug syndicate operation sa Metro Manila.

Narekober ng NBI ang nasa 24 pakete ng shabu mula sa sasakyan ng mga suspek at ang 20 iba’t ibang mga baril kabilang ang M-16 rifles, .45 at .38 pistols.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad para matukoy ang kinaroroonan ng iba pang miyembro ng nasabing grupo dahil sinasabing ide-deliver sana ang mga nasabat na droga at shabu sa Barangay Datu Esmael sa Dasmariñas, Cavite. JOHNNY ARASGA

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>