SWAK sa kulungan ang 22 sabungero matapos mahuli sa isang tupada sa Brgy. Payatas, Quezon City kahapon ng tanghali, Abril 3, 2017.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/C Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ang mga nadakip na sina Christopher Perez, 42, Antonio Habitchuela, 48, Ryan Longgasa, 24, Rey Temporas, 30, Julian Daniel, 36, Ramon Martillan, 35, Bienvinido Enverzo, 65, Arnulfo Balictar, 61, Jeramie Daniel, 33, Rene Nivera, 30, Emeliano Nedura, 39, Danilo Acebog, 61, Rosendo Salvador, Jr., 50, Mark Santiago, 37, Ruby Gauran, 59, Christopher Odias, 35, Jonathan Samones, 45, Antonio Gueco, 54, Noe Abaigar, 61, at Remiel Salvador, 24.
Nakumpiska ng mga pulis ang dalawang patay na piraso ng panabong na manok at P2,200 halaga ng taya.
Kaugnay nito, nadakip naman ng mga operatiba ng La loma Police Station (PS-1) dakong 1:15 ng tanghali sa Kaingin Bukid, Tabing Ilog, Brgy. Apolonio Samson, sina Alejandro Lucero, 44, ng Brgy. Muzon, San Jose del Monte, Bulacan, Ernesto Cuerdo, 37, at isang 17-anyos na batang lalaki mula sa 10-H Catherine St., Parkway Village, Brgy. Apolonio Samson, dahil sa iligal na tupada na nakuhanan ng panabong na manok at P500 halaga ng taya.
Samantala, nadakip naman ang mga suspek na sina Efren Flores, 44, ng156 Tieremas St., Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City; at Jeffrey Bautista, 26, ng 63 Filipino Ave., Brgy. Balon Bato, QC matapos mahuling nagkakara-cruz dakong 3:00 ng hapon.
Nakumpiska rin ng mga tauhan ng Talipapa police ang isang video-karera (VK) machine sa 800 Bougainvilla St., Brgy. Baesa dakong 9:40 ng umaga matapos makatanggap ng reklamo mula sa 911 hinggil sa naturang sugal. SANTI CELARIO