Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

Pagawaan ng ataol sa QC, nasunog

$
0
0

AABOT sa mahigit P100,000 ari-arian ang natupok makaraang masunog ang isang pribadong pagawaan ng ataol sa Brgy. Talipapa, Quezon City kaninang tanghali, Marso 22.

Ayon sa ulat, dakong 12:30 ng tanghali nang bigla na lamang magliyab at masunog ang imbakan ng pintura at mga kagamitan sa pagawaan ng ataol sa may Sangandaan, Brgy. Talipapa, QC.

Nabatid sa report ni Quezon City Fire Marshall S/Supt. Manuel Manuel, nagmula ang sunog sa electrical faulty wiring kung saan may nag-spark umano sa nasabing bodega ng pintura at mabilis na nagliyab ang apoy sa pagawaan ng ataol.

Sinabi ng arson investigator ng Bureau of Fire Protection (BFP) na umabot sa 3rd alarm ang sunog bago naapula ang apoy ng mga rumespondeng kagawad ng bumbero.

Idinagdag pa ng BFP na wala namang naiulat at nasawi sa nasabing sunog. SANTI CELARIO


Lulong sa droga, anak ipinaaresto ng ama

$
0
0

ARESTADO ang isang 43-anyos na lalaki makaraang isuplong ng sariling ama hinggil sa paggamit ng ipinagbabawal na droga kaninang umaga.

Detenido sa himpilan ng pulisya si Mardie Pineda, may asawa, ng Landaska Torsillo St., Dagat-Dagatan, Caloocan City, makaraang maaktuhang sumisinghot ng ipinagbabawal na droga sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid na dakong 6:00 ng umaga nang magtungo sa Barangay 28 ang 8o-anyos na si Benjamin Pineda, ama ng suspek, at ipinagbigay-alam kay P/B Edgar Galgana ang gawain ng kanyang anak.

Agad na inatasan ni Galgana ang mga tanod kasama ng isang kagawad na alamin ang sumbong ng matanda.

Pagdating sa bahay ng mga ito’y agad na pinapasok ng matandang Pineda ang mga tauhan ng barangay at doon ay nadatnan si Mardie.

Hinala ng mga awtoridad, posibleng sankot din ang suspek sa bentahan ng ipinagbabawal na droga dahilan sa mga nakuhang shabu paraphernalia at mga plastik na posibleng pinaglalagyan ng ire-repack na shabu. RENE MANAHAN

Mighty Corp. sinisingil ng P9.5B sa tax evasion

$
0
0

SINAMPAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) kahapon, Miyerkules ng umaga, ang cigarette manufacture na Mighty Corp. ng kasong tax evasion na nagkakahalaga ng P9.5-bilyon sanhi ng paggamit ng pekeng tax stamps para matakasan ang pagbayad ng buwis sa gobyerno.

Noon pang huling bahagi ng 2014, nag-implementa ang BIR ng Internal Revenue Stamps Integrated System sa mga tobacco products at ang naturang mga stamps ay bilang patunay para matiyak na tama ang ibinabayad na excise taxes.

Pinarusahan ng non-government Action for Economic Reforms ang Mighty’s tax liabilities ng tinatayang P15-bilyon, base sa bulto ng pakete ng sigarilyo na may pekeng stamps na nauna nang nakumpiska ng BOC at ng BIR sa Zamboanga City, Pampanga, General Santos City, Cebu City at Tacloban City nitong huling bahagi ng nakaraang buwan at unang bahagi ngayong Marso.

Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda sa mga mamamahayag na ang arrears o bayarin ng Mighty Corp ay maaring umabot ng P25-bilyon, bukod pa ang interes at penalties dahil sa hindi pagbayad ng excise taxes.

Sinabi ni Internal Revenue Comm. Caesar Dulay na ang proliperasyon ng counterfeit cigarette tax stamps ay naapektuhan ang koleksyon ng excise taxes.

Lumabas sa preliminary BIR data ma ang kabuuang excise tax collections noong nakaraang taon ay sumipa sa P163.5-bilyon mula sa P158.3-bilyon noong 2015. BOBBY TICZON

SSS covers employees of Diocese of Cubao  

$
0
0

The Social Security System (SSS) signed a memorandum of agreement (MOA) with the Diocese of Cubao to formalize the coverage of more than 300 employees from 37 parishes on March 16 held at the 12/F SSS Main Office East Avenue, Diliman, Quezon City.

In his speech, SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc (front, 3rd from right) said that SSS and the diocese share a common goal in providing social security and social justice to the working class. He said that he foresees SSS as an instrument in providing protection and meaningful benefits for the old, sick, disabled, pregnant women and their beneficiaries.

GSIS conferred ISO certification anew

$
0
0

The Government Service Insurance System (GSIS) received the International Organization for Standardization (ISO) 9001:2015 certification for its Quality Management System on loan processing and membership administration from TÜV Rheinland Philippines Inc. (TÜV-R) in awarding rites held at the GSIS Head Office in Pasay City.

“This is a testament to our continuing commitment to provide excellent service to our members and pensioners, and an inspiration to do better,” said Officer-in-Charge Nora Malubay-Saludares as she acknowledged the GSIS Team’s collaborative effort to achieve the certification.

GSIS met the requirements of the updated ISO version for the two processes.  In 2015, GSIS was conferred the ISO 9001:2008 for its loan processing only.

The ISO-certified QMS of GSIS enables it to plan, control, measure, and improve the quality of its outputs.

GSIS’s QMS on membership administration includes the creation and updating of all active members’ and pensioners’ records.  The records contain such information as length of service, periods with paid premiums, and basic monthly pension.

GSIS’s QMS for loan processing covers the process from the receipt of application up to crediting of loan proceeds to the electronic card (eCard) or Unified Multipurpose Identification (UMID) card of member- and pensioner-borrowers.

With an ISO certification, members and pensioners are thus assured that their records are an accurate basis in computing their benefits and their loans are processed and granted efficiently.

The new ISO certification is valid until February 17, 2020 subject to annual surveillance audit of the pension fund’s QMS.

“Our work has just begun.  This year, GSIS faces another exciting challenge, as wepursue certification of our property insurance process under the Insurance Group,” OIC Malubay-Saludares said.

She presented the ISO certificate to new GSIS Board members present at the event, namely, Chairman Francisco T. Duque III, Trustee Nina Ricci Ynares-Chiongbian, and Trustee Lt. Gen. Alan R. Luga (Ret.).

Singtel, Optus, and Globe collaborate on Singtel Future Makers programme to promote social innovation across the region

$
0
0

Singtel today announced a partnership with Optus and Globe Telecom to collaborate on its social innovation programme, Singtel Future Makers. The joint initiative seeks to help enterprising individuals and organisations in Singapore, Australia, and the Philippines, which are addressing community needs through the bold, innovative use of technology, to grow and scale their businesses.

Singtel Future Makers 2017 follows the success of the inaugural launch in Singapore and Australia last year, where seven local social start-ups were selected in both Singapore and Australia from more than 150 applicants. They received mentoring and financial backing to scale up their ideas. The new programme will provide successful applicants with more than S$500,000 in cash grants and four months of business workshops, mentoring, and coaching support from industry experts.

Through this programme, successful applicants will gain a unique opportunity to grow their organisational capabilities, refine their business models, and make a bigger social impact. The top participants from Singapore, Australia, and the Philippines with the potential to scale their solutions regionally will have the chance to participate in a regional tier of funding and a workshop for regional capability building.

Mr. Andrew Buay, Singtel’s Vice President of Group Sustainability said, “We believe in the power of technology and innovation to tackle the challenges faced by the vulnerable in our communities. The fact that many social issues transcend geographical boundaries, makes it all the more important that we expand the Singtel Future Makers programme beyond Singapore, to give change makers with the most promising solutions the opportunity to scale regionally. Through Singtel Future Makers, our goal is to nurture a vibrant social innovation ecosystem by collaborating with our associates, partners and social enterprises to deliver greater positive social impact where it matters.”

Ms. Yoly Crisanto, Globe Senior Vice President for Corporate Communications and Chief Sustainability Officer said: “We recognise the impact of technology in addressing many social issues that the country is facing at the moment. By participating in the Singtel Future Makers programme, through Globe Future Makers, we help bring out the ecosystem of social innovators that are critical in turning the tide against various social issues like extreme poverty, malnutrition and lack of healthcare, limited access to education, and social discrimination. We are looking forward to many participants from the Philippines joining this programme and supporting us in doing a Globe of Good.”

Singtel Future Makers 2017 is open for applications from 21 March to 7 May. The programme will commence in June and conclude with a regional pitch day in November 2017.

TESDA inks deal with NGCP to upgrade lineman training

$
0
0
 With the aim of taking the skills of power line workers to the next level as well as to further promote employment and propel the country’s economic growth, TESDA has found an ally in the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
 
In a Memorandum of Agreement signed between TESDA Director General Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong and NGCP President Henry T. Sy, Jr. last March 20 in Quezon City, the tech-voc Authority and the private corporation responsible for the country’s power transmission network, both vowed to “develop and review the Training Regulations (TRs) and Competency Assessment Tools along Transmission Line Installation and Maintenance”.
 
In his message, Secretary Mamondiong expressed his gratitude to NGCP on behalf of TESDA and explained how the upgrading of the Training Regulations directly influenced the quality of workers the country will be producing.
 
“A qualification’s TR is a policy in itself.  It is the basis for quality assurance of technical vocational education and training institutions in their program registration, and assessment and certification of Filipino workers.  The same TRs are being used to benchmark and compare the qualifications of our Filipino workers with that of other countries,” said the Secretary.
 
Mr. Sy, on the other hand, shared his views on the importance of the agreement to national development, “When power lines go down, it is the linesmen who go out, up the mountains and across the rivers just to bring the electricity back to thousands of households and industries.  While the maintenance of power lines lies in their hands, it is our responsibility to empower these everyday heroes.”
 
Primarily, the agreement seeks to review and upgrade the existing TRs and Competency Assessment tools of the Transmission Line and Installation and Maintenance NCII and NCIII qualifications.
 
Also present during the event were TESDA Executive Director Imee B. Taganas and NGCP Chief Administrative Officer Anthony L. Almeda who both acted as witnesses of the deal. 

Pulubi nagpaluray sa tren

$
0
0

NAGPASAGASA sa tren ng Philippine National Railways (PNR) ang isang pulubi sa Tondo, Maynila kaninang umaga.

Nagkalasug-lasog ang katawan ng biktimang kinilala lang sa alyas na ‘Antonino,’ walang tiyak na tirahan matapos masagasaan at makaladkad ng tren nang may 50 metro.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 8:10 ng umaga nang dumapa sa riles ng tren, sa area ng Tayuman St. at Dagupan Extn. sa Tondo ang biktima upang magpakamatay.

Sa salaysay ng testigong si Jonjon Sevilla, 36, dating barangay kagawad sa lugar, bago ang pagpapakamatay ay matagal nang nakatayo sa harapan ng crossing cabin ang biktima paharap sa riles na tila may hinihintay.

Nang dumating tren na Metro South Commuters, at may body number na MSC-807, ay bigla na lang itong dumapa sa riles.

“Hinintay niya talaga bale ‘yung pagdaaan ng tren. Saka siya dumapa,” ayon naman sa testigong si Ramil Malkaida.

Sa kwento naman ni CJ Neri, estudyante ng University of the Philippines (UP) Manila, nakapanayam pa nila noong Martes ang biktima para sa kanilang school project at nakitaan nila ito ng mga senyales ng depresyon dahil sa problema sa pamilya.

Ito ngayon ang tinitingnan dahilan ng pulisya kung bakit nagawang mag-suicide ng biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Naburyong sa problema, nagbigti

$
0
0

ISANG 39-anyos na lalaki na ilang beses nagtangkang magpakamatay ang natagpuang nakabitin sa loob ng kanilang bahay kaninang umaga sa Malabon City.

Kinilala ang nagpakamatay na si Florante Aguilar, construction worker, na natagpuang nakabigti ng kanyang kamag-anak na si Darlyn Tabujara pasado alas-6:45 ng umaga sa kanilang bahay sa 32 M. Santos St., Brgy. Santulan.

Ayon kay Malabon police homicide investigators SPO1 Rolando Hernando at PO2 Jose Romel Germinal II, pinuntahan ni Tabujara si Aquilar dahil hindi nito sinasagot ang mga tawag sa telepono.

Nabigla na lamang siya matapos makita sa bintana na nakabitin ang biktima kaya agad siyang humingi ng tulong sa kapitbahay para ibaba ito.

Napag-alaman ng mga awtoridad na ilang beses na rin nagtangkang magpakamatay ito dahil sa problema sa pamilya. ROGER PANIZAL

Globe Telecom to offer all-net call promos

$
0
0

Globe Telecom will offer all-net call promos for as low as P1/minute as a result of lowered voice interconnect access charges across telcos.

 Prior to the availability of the new offers, there were no pure all-net voice call promo existing in the market. Globe Telecom’s call charges to other networks, whether mobile or landline, stand at P7.50/minute while Globe to Globe/TM regular call rate is at P6.50/minute. Regular calls from TM to Globe/TM is at P5.50/minute and calls to other networks (including landline) is at P6.50/min.

 “The decision to offer all-net calls for as low as P1/minute is intended to further strengthen the company’s position as the leading mobile brand in the country. Globe, currently, is the network of choice among smartphone users and the availability of such promos could further attract customers into our network. The all-net call promos are our response to customers’ clamor for lower costs of call services,” Globe General Counsel Atty. Froilan Castelo said, noting that 90% of the company’s prepaid customers avail of promos in accessing mobile services.

 Under the company’s latest all-net promos, postpaid customers with Plan 2499 and up may choose to avail of a P299 tack-on that will give them 300-minute calls to all networks. On the other hand, Globe Prepaid subscribers may avail of GoCall50 which gives 50 minutes of calls to all networks, good for 3 days; TM customers may add P5 to any existing call and text promo for 5 minutes of calls to any network, good for 1 day. With these new promos, Globe expects call traffic to further increase in 2017, after reaching 69.1 billion minutes in 2016 – an 18% rise from 2015.

 The intense competitive environment in the local telco industry has significantly driven down prices of mobile services over the years. In fact, mobile data rates, currently at P50 per GB, has gone down 88% over the last 3 years. As a result, the Philippines has one of the lowest data prices compared to top telco providers in Asia, second only India’s Airtel. Text messaging which used to be at P1/text in the late 90s is now effectively priced at around P0.10/text with the proliferation of unlimited text services. Efforts to reduce prices for call, text, and data will benefit consumers as telco products and services become more accessible to the Filipino masses.

Echiverri, dinampot sa Sandiganbayan

$
0
0

DINAMPOT si dating Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa Sandiganbayan kaninang umaga sa kasong katiwalian.

Ang dating mayor ay nahaharap sa maanomalyang kasong P4.7-million drainage projects sa lungsod noong 2011.

Si Echiverri, kasama sina dating city accountant Edna Centeno at city budget officer Jesusa Garcia, ay kinasuhan ng 2 counts ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sa charge sheet na isinampa sa Sandiganbayan, sinabi ng Ombudsman na ang mga respondents ay nagbigay ng “unwarranted benefits at advantage” sa pamamagitan ng pag-award ng P2.7-million contract sa E.V. & E. Construction para sa pagsasaayos ng Molave St. Drainage System mula Mayo – Disyembre 2011.

Isa rin na kahalintulad na insidente ang nangyari sa parehong period nang i-award ng mga respondent ang P1.9-million contract sa Golden 3T Construction para sa pagpapaganda naman ng Saplungan St. Drainage System, pahayag ng Ombudsman.

Ang lahat ay walang prior authorization sa Sangguniang Panglungsod. BOBBY TICZON

Bongbong, Gov. Imee ayaw sa impeachment vs VP Leni

$
0
0

KINUMPIRMA ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na hindi pabor ang kanilang pamilya sa impeachment complaint na isinampa laban kay Vice President Leni Robredo.

Mas gugustuhin umano nila lalo ng kanyang kapatid na si dating Sen. Bongbong Marcos na ipursige ang election protest laban kay Robredo.

Sinabi ni Gov. Marcos, wala ring kinalaman ang kanyang pamilya sa pagsasampa ng naturang impeachment complaint sa pangunguna ni Atty. Oliver Lozano na kilalang isang Marcos loyalist.

Aniya, si Lozano umano ay may sariling hakbang at wala silang kontrol dito.

“Alam naman nating si Manong Oliver ay may saraling lakad ‘yan… dahil pati kami ni Bongbong there was a time nagalit sa amin tinuluyan kami kinickout kami sa KBL,” ani Gov. Marcos. JOHNNY ARASGA

Abu Sayyaf, may 2 bagong bihag

$
0
0

MAKARAAN ang ilang oras matapos ianunsyo ng militar ang papapalaya ng bandidong Abu Sayyaf sa dalawa nilang bihag ay muling bumihag ang mga ito ng dalawa pang hostage.

Kinumpirma ni Lt. Commander Alvin Dagalea, hepe ng Zamboanga Coast Guard station, na sapilitang tinangay ng mga armadong suspek ang mga biktimang sina Capt. Aurelio Agacac at Chief Engr. Laurencio Tiro.

Ang dalawa ay mga opisyal ng Panamanian-flagged MV Super Shuttle Roro 9 na lumalayag mula Basilan patungong General Santos City.

Ang dalawa ay dinukot habang lulan ng Roro 9 malapit sa karagatang sakop ng Sibago island.

Tumakas ang mga suspek patungong Tuburan, Basilan lulan ng tatlong speedboat.

Matatandaang ilang oras bago ang pagdukot sa dalawa, pinalaya ng Abu Sayyaf ang dalawang Malaysian na crew ng isang tugboat na bihag ng mga ito nang halos walong buwan.

Tatlo pang crew ng tugboat ang hawak pa rin ng bandidong grupo na pinamumunuan ng Abu Sayyaf subleader na si Sibih Pissih. JOHNNY ARASGA

84 lending firms, sinuspinde ng SEC

$
0
0

AABOT sa mahigit 80 lending companies ang sinuspinde ng Securities and Exchange Commission (SEC) dahil sa kawalan ng secondary license mula sa ahensya.

Sa inilabas na pahayag ng SEC, nakasaad na kabuuang 84 na lending companies ang walang ‘Certificate of Authority to Operate as a Lending Company’ kung kaya’t sinuspinde nila ang mga ito.

Ayon kay Arman Pan, tagapagsalita ng SEC, nag-iisyu sila ng Certificate of Registration (COR) sa mga lending company na nagsisilbing primary registration nila para makapag-operate.

Una nang naglabas ang SEC ng mahigit 300 na show cause letters, hindi lamang isang beses kundi dalawa, sa mga rehistradong kumpanya tulad ng lending pero hindi pa rin kumuha ang mga ito ng CA to Operate as a Lending Company.

Ayon sa SEC, sa 300 show cause letters, 84 ang ibinalik sa nagpadala.

Dahil aniya sa kabiguan na sagutin ang show cause letters, ang nasabing mga kumpanya ay masususpinde sa loob ng animnapung araw. -30-

Media gawing patas ang pagbabalita ng anti-drug campaign – Bato

$
0
0

UMAPELA si Chief PNP Ronald Bato dela Rosa ng patas na pagbabalita sa kampanya kontra droga ng Pilipinas.

Pakiusap ni Dela Rosa, huwag sanang idiin masyado ng media ang datos sa mga patayan sa bansa at huwag palabasin na masama ang ‘war on drugs’ ng administrasyong Duterte.

Giit ni Bato, kung magbabalita aniya nang masama dapat may ibalita ring maganda para balanse ang pagtingin ng publiko sa sitwasyon sa Pilipinas.

Ang apela ni Bato ay matapos na manawagan naman sa media si Tourism Sec. Wanda Teo na i-tone down ang mga balita tungkol sa war on drugs at sa extrajudicial killings upang maisulong ang turismo sa bansa.

Sa pahayag ni Teo, nahihirapan umano siyang ibenta ang Pilipinas sa mga turista para makahikayat ng turista dahil sa mga ulat ng extrajudicial killings. -30-


Mga Pinoy sa London, doble-ingat vs terror attack

$
0
0

MAHIGPIT na pinag-iingat ngayon ang mga Filipino sa London matapos ang terror attack kagabi sa London kung saan apat ang naitalang patay habang hindi bababa naman sa 40 ang sugatan.

Ito ang ipinaabot na impormasyon sa pamamagitan ng social media ni Eugene Mataranas Unabia, taga-Brgy. San Luiz, Caraga, Davao Oriental na nakapag-asawa ng dayuhan at naninirahan ngayon sa Stratford, East London.

Ayon kay Unabia, nasa mabuti silang kalagayan dahil malayo lang sa kanila ang nasabing terror attack ngunit doble-ingat pa rin sila at umiiwas sa mga matataong lugar base na rin sa bababala ng pulisya.

Ngunit nasa office pa ang kanyang anak na si Fredie na malapit lang sa nasabing pinagyarihang lugar. Nanatili lang umano ang kaniyang anak sa office habang naririnig ang maiingay na police cars at ambulance.

Sinabi pa nitong isang oras lang ang nakalipas nang dumaan sa Westminster Bridge ang kanyang asawa nang mangyari ang terror attack.

Inihayag naman nito na ang pinangyarihan ng pag-atake ay isang Busiest area dahil isa ito sa mga landmarks ng London. -30-

Manila Science HS, sarado pa sa mercury spill

$
0
0

HINDI lamang dalawang kutsara, kundi apat na vials ng mercury ang tumapon sa stockroom ng laboratoryo ng Manila Science High School.

Ayon kay Johnny Yu, pinuno ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), bukod sa mercury ay meron pang tatlong hindi matukoy na radioactive materials na nakasulat sa Chinese character at nakalagay sa malaking garapon ang tumapon.

Katunayan, halos dalawang linggo na umanong nagpapatupad ng lockdown ang eskwelahan.

Ang limang mga pasyente na na-expose sa mercury ay kinilalang sina Judith Abarates, Marietes Francisco, Ferdinand Bautista, Gabrielle Cryshael Reyes at Maryann Cortez.

Mula sa lima, may isang guro na naka-confine sa Philippine General Hospital (PGH) dahil naapektuhan ng mataas na content ng mercury.

Ang apat na iba pang pasyente ay ginamot naman on-site o matapos ang mismong pagkakalantad sa nakamamatay na kemikal.

Sinabi pa ni Yu na bumuo na ang lokal na pamahalaan ng inter-agency task force na binubuo ng DOH, BFP, Manila CDRRMC, Manila Health Department at DENR.

Ang DENR na ang mangangasiwa sa tamang pagtatapon ng kemikal na inilagay na sa loob ng selyadong basurahan.

Ang paglilinis at pagtiyak na ligtas na sa kontaminasyon ang eskwelahan ay pangangasiwaan din ng DENR. JOHNNY ARASGA

400 katao hawak ng NPA sa N. Cotobato

$
0
0

BIHAG ng New People’s Army (NPA) ang nasa 400 residente ng Brgy. Camutan, Antipas, North Cotabato.

Sa ulat ng Central Mindanao Police Office (CMPO), sinalakay ng mahigit sa 300 miyembro ng NPA ang Brgy. Camutan dakong 4:00 ng madaling-araw kagabi, Huwebes.

Ayon kay Supt. Romeo Galgo ng CMPO, pinigilan ng mga rebelde na makaalis ang mga pamilyang nakatira sa nasabing barangay para umano gawing human shields laban sa pwersa ng gobyerno.

Dagdag ni Galgo, partikular na hawak ng mga rebelde ang Sitio Matias, Gumay at Malapangi na nagkaroon ng engkwentro alas-7:00 kagabi.

Sinabi naman ni Antipas Mayor Egidio Cadungon na patuloy ang kanilang negosasyon para sa pagpapalaya ng mga nabihag na sibilyan. JOHNNY ARASGA

Batang miyembro ng ASG, sumuko sa militar

$
0
0

SUMUKO sa militar ang isang batang miyembro ng Abu Sayyaf sa Tipo-Tipo, Basilan.

Ayon kay 74th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Ernest John Jadloc, nagbalik-loob ang 19-anyos na si Abuhair Kajing alyas Badero dahil nais na nito ng normal na pamumuhay.

Kasabay na isinuko ni Kajing ang kanyang armas at mga bala.

Nagpahayag naman ng suporta ang Philippine Army at lokal na pamahalaan ng Tipo-Tipo para sa kabuhayan ng pamilya ng sumukong Abu Sayyaf member.

Sinasabing nais makapagtapos ng pag-aaral ni Kajing.

Kasabay nito, patuloy na nanawagan ang gobyerno sa mga miyembro ng Abu Sayyaf na sumuko na rin para sa ikapapayapa ng Basilan. -30-

Magka-live-in, itinumba sa Caloocan

$
0
0

TUMBA ang isang live-in partner matapos pagbabarilin ng hindi kilalang salarin sa Brgy. 176, Bagong Silang, North Caloocan kagabi, Huwebes.

Kinilala ang mga biktimang sina Anacleto ]dela Cruz, tricycle driver, at kinakasama nitong si Licel Chua.

Kwento ng nakasaksi na si Marvin, tatlong lalaking naka-jacket na may takip ng panyo ang mukha at nakasumbrero ang nagpakilala umanong mga pulis na pumasok sa kanilang bahay.

Nakarinig na lamang umano sila ng tatlo hanggang apat na putok ng baril at naglakad lamang palayo ang mga suspek.

Ayon sa mga kapitbahay ng mga biktima, mabait naman sila at walang kaaway ngunit hindi nila masabi kung nauugnay sa iligal na droga ang dalawa.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Caloocan police sa naturang insidente. RENE MANAHAN

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>