Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

Globe Telecom calls for amendment of Local Government Code

$
0
0

Globe Telecom is calling for the amendment of the Local Government Code to expedite issuance of all relevant permits for all telecommunication facilities at the local level.

According to Globe Chief Information & Technology Officer Gil Genio, bureaucratic red tape causes significant delay in securing various permits from the local government units concerned relating to the construction of telco infrastructure such as cell sites.

“We have repeatedly emphasized that there is no substitute for government support in developing telco infrastructure in the country. We need the government to prioritize and enable the sector to undertake infrastructure builds, not just in the construction of cell sites but also in establishing underground facilities and in facilitating pole attachments,” Genio said.

He reiterated there aren’t enough cell sites to enable telco operators such as Globe to sufficiently support mobile data growth in the country especially amid clamor for faster internet service. Based on the latest report of TowerXchange, the Philippines only has around 16,300 towers compared with Vietnam’s 70,000 towers. According to him, it takes at least 8 months to complete the approval process for the construction of one cell site, involving at least 25 permits. In addition to bureaucratic red tape, the absence of standard fees among local government units also breeds corruption. For instance, tower fees range between P5,000-P200,000 depending on the LGU concerned, he disclosed.

Aside from permitting issues at the local level, uncooperative villages or subdivisions also prevent telco providers from aggressively rolling out telecommunication facilities, Genio said. Close to 30 villages and subdivisions have rejected cell site proposals made by Globe, effectively preventing the company from proceeding with its infrastructure builds. Approval from concerned homeowner associations (HOA) is one of the 25 permits that telecommunication providers need to secure for the construction of one cell site.

According to Genio, most of the villages that have rejected the company’s cell site proposal due to alleged health risks associated with cell site towers. Some of these villages include Forbes Park, Magallanes Village, and Belair Village in Makati, Greenmeadows Village, La Vista, and Greenhills North in Quezon City.

He emphasized, however, that all Globe cell sites have been issued radiation-safety certificates by the Department of Health, proof that radio frequency signals coming from such facilities do not pose any adverse health impact. “At Globe, we ensure that all our facilities adhere to global health standards. The radiation-safety certificates should allay concerns over alleged health hazard that some HOAs are concerned about, he said.

Other villages or subdivisions that rejected the company’s cell site proposal include TS Cruz Subdivision, Fruitville, BF Executive Homes Village, JEE Village, all in Las Pinas City;  BF Homes, Merville, South Bay Garden Village all in Paranaque City; Vista Verde in Tanay, Rizal; Concepcion Village, Modesta Village, Loyola Grand Villas, Jaybee Village, St. Mary’s Subdivision, Vista Real Classica Subdivision, and Meteor Homes in Marikina City; Vista Verde Subdivision in Cainta, Rizal; Valle Verde 1 in Pasig; Kings Vill Executive Village in Antipolo, Rizal; Smile CitiHomes Condominium in Quezon City; Thomas Home in Valenzuela City; and Vista Rio Village in Cardona, Rizal.

Currently, Globe has a backlog of 3,000 cell sites amid varying degrees of permitting issues despite aggressive efforts by the company to investment in network facilities. Globe spends close to 30% of its revenues, significantly higher than capital expenses by other operators in the Asian region to fast track improvements on the state of internet in the country.


Dump truck sumalpok sa poste, 1 patay, 2 sugatan

$
0
0

ISA ang patay habang dalawa ang sugatan nang bumangga ang isang dump truck sa poste ng ginagawang LRT-line 2 extn. sa eastbound ng Marcos Highway, Pasig City.

Kinilala ng MMDA metrobase ang nasawing pahinante na si Sammy Boy Gallano at sugatan naman sina si Paolo Gil, drayber, at Ronnel Asuelo.

Ayon sa mga awtoridad, binabagtas ng trak na may plakang RKN-188 ang Marcos Highway patungong Masinag nang bumangga ito sa poste ng LRT line 2 dakong 5:oo ng umaga kanina.

Umabot nang mahigit apat na oras bago maialis ang truck at scalfoldings sa pinangyarihan ng aksidente.

Dahil dito ay matinding bigat trapiko ang inabot ng mga commuters sa naturang lugar. TEDDY BRUL

Martial law, idedeklara ni Duterte sa Mindanao

$
0
0

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lokal na opisyal sa Mindanao na tulungan siyang puksain ang problema ng terorismo at iligal na droga sa rehiyon.

Dahil kung hindi, sinabi ng pangulo na maaring mapilitan na siyang gumamit ng “extraordinary powers” upang magdeklara ng martial law sa Mindanao bilang solusyon.

Paglilinaw ni Duterte, wala pa siyang anomang idinedeklara, ngunit umaapela na siya sa mga lokal na opisyal na gamitin ang puwersa ng mga pulis at huwag nang protektahan ang mga sangkot sa iligal na droga.

Nakikiusap rin aniya siya sa mga ito na itaboy ang mga terorista sa kanilang mga teritoryong nasasakupan.

Dagdag pa ng pangulo, bilang pinuno ng bansa, tungkulin niyang protektahan ang lahat kaya hindi malayong mauwi na ito sa paggamit ng “extraordinary powers” upang harapin ang mga nasabing namamayagpag na problema sa Mindanao. JOHNNY ARASGA

Mighty Corp., pinagbabayad ng P3B tax ni Digong

$
0
0

DISMAYADO si Pangulong Rodrigo Duterte sa alok ng Mighty Corp. na kasunduan na pagbabayad ng P1.5-bilyon upang makalusot sa massive tax evasion na kanilang kinasasangkutan.

Sa halip, sinabi ng pangulo na dapat magbayad ng doble ang Mighty o P3-bilyon, upang mapunan nito ang kanilang tax deficiency.

Ayon kay Pangulong Duterte, nanloko ang nasabing kumpanya kaya doble dapat ang ibayad ng mga ito.

Sa ganitong paraan aniya, magagamit pa ang pera para ipagawa o ipaayos ang mga ospital sa Sulu, Basilan at sa Maynila.

Aniya pa, kung magbabayad nang doble ang kumpanya, handa siyang kalimutan ang P1.5-bilyong halaga ng pekeng tax stamps na inimprenta ng kumpanya.

Tiniyak niya pa sa may-ari ng Mighty na si Alex Wongchuking na kung mayroon mang magsulong pa rin ng kaso laban sa kanya ay maaari naman niya itong bigyan ng pardon.

Sa mga isinagawang raid ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong nagdaang linggo, nasabat ng mga awtoridad ang mga sigarilyo ng Mighty na may P1.1-bilyong halaga ng hindi nabayarang taxes.

Partikular nilang sinalakay ang mga warehouses ng kumpanya sa General Santos City at San Simon, Pampanga.

Nakumpiska rin ng BOC at BIR sa mga pantalan sa Cebu at Tacloban ang mga nasabing sigarilyo na may mga pekeng tax stamps na ikinalugi ng pamahalaan ng P6-milyon sa excise tax.

Noong nakaraang buwan naman, aabot sa P2.49-milyon ang halaga ng excise tax na nalusutan ng Mighty sa pamamagitan ng mga sigarilyong nakumpiska ng BIR sa Cebu dahil rin sa mga pekeng tax stamps. -30-

30 tepok sa sunog sa Guatemala

$
0
0

UMABOT na sa 30 ang bilang ng mga namatay sa sunog na naganap sa isang shelter sa Guatemala.

Karamihan sa mga namatay ay pawang kabataang babae at mga doktor na nagtratrabaho sa shelter.

Naganap ang sunog noong Miyerkules sa Virgen De Asuncion Home na kumukupkop sa mga kabataaang edad 18-pababa.

Sa isang pagamutan, mayroong 17 mga pasyente ang seryoso ang kondisyon dahil sa matitinding paso sa katawan.

Inaalam pa sa ngayon ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy, subalit may mga ulat na isang grupo ng mga kabataan ang maaaring sadyang sumunog matapos silang ilagay sa isolation ng pamunuan ng shelter dahil sa tangkang pagtakas noong Martes ng gabi.

Ang mga kabataan na nasa shelter ay pawang mga juvenile offenders habang ang iba’y biktima ng pang-aabuso. JOHNNY ARASGA

Lascañas: 4 pang miyembro ng DDS, lalantad

$
0
0

IPINAHAYAG ng self-confessed hitman na si dating SPO3 Arthur Lascañas na mayroon pang apat na miyembro rin umano ng Davao Death Squad (DDS) ang lalantad upang ihayag ang katotohanan tungkol sa vigilanteng grupo.

Ayon kay Lascañas, kinumpirma niyang mayroon pang dalawang inaasahang lalantad sa publiko.

Mayroon din aniyang dalawa na ang tungkulin ay kapareho ng ginagawa nila ng self-confessed DDS member din na si Edgar Matobato na sumusunod din lang sa mga utos ng mga boss.

Ayon kay Lascañas, kabilang sa mga main bosses nila ay si Jim Tan, na aniya’y personal niyang ni-recruit dahil may koneksyon ito sa mga hitman.

Maliban kay Tan, si Sonny Buenaventura naman ang nagbibigay ng listahan ng mga ipapa-“neutralize” o ipatutumba ni Pangulong Rodrigo Duterte noong siya pa ay alkalde ng Davao City.

Inamin naman ni Lascañas na siya ang nangangasiwa sa pagpaplano ng mga operasyon.

Hindi naman matiyak ni Lascañas kung paano makararating sa Maynila ang mga dati niyang kasamahan sa DDS, pero sigurado aniya siyang wala na ang mga ito sa Davao.

Ani Lascañas, posibleng gusto lang lumantad ng apat upang sabihin lang talaga ang lahat ng kanilang nalalaman, lalo’t tumatanda na rin sila.

Bagaman umaasa siyang hindi mauuwi sa ganito, posible aniyang may nag-aabang nang pumatay sa mga ito dahil nabanggit niya ang mga pangalan ng mga ito sa kanyang testimonya.

Naniniwala naman siyang magagawan ng paraan ng mga ito na makalabas sa publiko upang gawin ang kanilang pakay. -30-

P20M bagong baril, binili ni Erap para sa Manila police

$
0
0

BUMILI ng mga bagong baril na nagkakahalaga ng P20-milyon si Manila Mayor Joseph Estrada para lalo pang palakasin ang kapabilidad ng Manila Police District (MPD) na labanan ang mga armadong kriminal.

Ayon kay Estrada, wala nang pulis-Maynila ngayon ang walang sariling baril.

“With our new order of brand new firearms, all 4,600 uniformed personnel of our city police force are now armed and equipped, ready to fulfill their duty of protecting the city and upholding the law,” ani Estrada.

Nitong Oktubre lang ay bumili rin ang pamahalaag lungsod ng 400 piraso ng Glock 9mm semi-automatic pistols, 60 M4 carbines, walong Sig Sauer sniper rifles, ammunition, at iba pang kagamitang nagkakahalaga rin ng P20-milyon.

Ayon kay MPD director C/Supt. Joel Coronel, inasahan nilang matanggap ang mga bagong baril sa lalong madaling panahon, na pawang mga Glock 17 pistols at sniper rifles.

“Something like more than P20-million worth of firearms… Glock 17 pistols and tactical rifles… aabot ito ng mga 200 to 300 additional weapons or firearms for MPD,” ani Coronel.

Mula nang umupo aniya si Estrada noong 2013, nabigyan na niya ang MPD ng mahigit 500 bagong baril.

Bago ang pagbili ng P20-milyong halaga ng baril, sinabi ni Coronel na may 200 pulis-Maynila pa ang walang baril. “So with the issuance of these new firearms, this 200, we’ll have a 100 percent fill-up. Hopefully, ma-purchase na within the first semester.”

Mula nang umupong mayor si Estrada noong 2013, nakapaglaan na siya ng P1.9-bilyon para sa kanyang crime prevention program, kasama na ang higit P136-milyon para sa back allowances ng mga pulis-Maynila at pagbili ng 41 bagong patrol cars at 110 electric personal transporters.

Sa pondong P20-milyon, pinaayos din niya ang headquarters ng MPD sa UN Avenue, ang kauna-unahang pagkakataon na naipaayos ito mula nang itayo ito noon pang 1949.

Base sa ulat ng Commission on Audit (COA), 16,140 pulis pa sa buong bansa ang walang mga baril mula sa 147,041 uniformed officers ng Philippine National Police (PNP).

Dapat aniyang asikasuhin na ito ng PNP dahil minandato ng National Police Commission (Napolcom) noon pang 1993 na dapat may baril ang bawat pulis. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Titser, dinukot sa Sulu

$
0
0

SA kabila ng puspusang opensiba na ikinakasa ng awtoridad laban sa mga bandido, nagawa pang mandukot ng isang school teacher ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu nitong nakaraang Biyernes ng hapon, ayon sa pahayag kaninang umaga ng military officials.

Sinabi ni Joint Task Force Sulu Commander Col. Cirilito Sobejana, nakilala ang dinukot na biktima na si Ibrahim Potong.

Hinahanting na ngayon ng awtoridad para panagutin sa krimen ang mga suspek na pinaniniwalaang mga miyembro ng ASG.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 5:15 p.m. sa isang bisinidad sa Maimbung, Sulu.

Bago ito, pauwi na ang biktima sa Patikul mula sa Maimbung nang harangin siya ng mga suspek saka isinakay sa naghihintay na van.

Habang isinusulat ang balitang ito, nakikipag-usap na ang awtoridad sa pamilya Potong para makakalap ng impormasyon at makaestablisa ng background hinggil sa pagkatao ng biktima, pahayag ni Sobejana.

Naganap ang insidente sa kasagsagan ng military offensive laban sa Abu Sayyaf, habang ang tropang militar ay nagpupursigeng masagip ang mga nanatiling hostages kabilang ang anim na Vietnamese na dinukot sa Tawi-Tawi noong Pebrero. BOBBY TICZON


Fil-Am sa NAIA, huli sa baril

$
0
0

ISANG Filipino-American ang naaresto ng Police Aviation Security Group makaraang mahulihan ng isang baril sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-terminal 3 kahapon.

Bukod sa Armscor 9 mm. pistol na nakumpiska mula sa pasaherong nakilalang si Wilfredo Abelardo, nakuha rin sa bagahe nito ang dalawang magazine na may lamang 18 bala.

Nasabat si Abelardo habang ito’y papasok sa gate 4 initial security ng nasabing terminal alas-10:45 ng umaga para mag-check-in sa Cathay Pacific flight CX900 patungong Hong Kong.

Ayon sa mga awtoridad, sa kabila ng paulit-ulit na babala at mga warning signs na matatagpuan sa mismong terminal gates, ilan dito ang patuloy na nilalabag ang batas.

Nang magberipika ang Avsegroup, napag-alamang walang kaukulang dokumento para sa lisensya ng baril.

Noong 2015, naglagay ang MIAA management ng booths o cubicle para sa disposal ng ban items sa airport at sa loob ng eroplano, at bilang checking station ng mga bagahe ng pasahero bago sila pumasok sa security screening checkpoints.

Ilan sa mga ban items ang baril, mga bala, kutsilyo, at iba pang mga bagay na maaaring gawing sandata o deadly weapons. BENNY ANTIPORDA

Pedicab driver, todas sa nakamaskara

$
0
0

TODAS ang isang pedicab driver na hinihinalang sangkot sa iligal na droga makaraang barilin sa ulo ng isa sa apat na nakamaskarang lalaki sa Caloocan City kagabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Marlon Galauran, nasa hustong gulang, ng Eliza St. ng nasabing lungsod sanhi ng tatlong tama ng bala ng kalibre .45 sa mukha at ulo.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong 8:00 ng gabi sa gilid ng Petron gasoline station sa kanto ng Tuna at Taksay St. sa C3 Rd.

Nag-aabang ng pasahero ang biktima nang lapitan ng mga suspek na dumating lulan ng motorsiklo at pawang nakamaskara at agad itong pinagbabaril nang malapitan.

Nang bumagsak ang biktima mula sa pedicab ay mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi nabatid na direksyon.

Nabatid na ilang buwan pa lamang ang nakalilipas ay sa ganito ring pamamaraan napatay ang nakakatandang kapatid ng nasawi na isa ring pedicab driver.

Hinihinalang may kinalaman sa droga ang motibo sa pagpaslang sa dahilang ang biktima ay kilala umanong gumagamit ng ipinagbabawal na droga sa kanilang lugar. RENE MANAHAN

Pabahay ng gobyerno nilusob ng informal settlers

$
0
0

BINIGYAN isang linggo ng  National Housing Authority (NHA) ang mga informal settlers na biglang lumusob at umokupa sa mga bakanteng pabahay ng gobyerno sa Bulacan para lisanin ang mga bahay na ito.

 Ito ay dahil ayon sa NHA, nakalaan na ang mga bahay na ito sa iba pang mga mahihirap na pamilyang tinutulungan rin ng gobyerno.

Ayon kay NHA Central Luzon manager Rommel Alimboyao, sinabi nila sa mga naturang pamilya sa kanilang dayalogo na pinamunuan ng lokal na pamahalaan ng Bulacan, na maglalabas na sila ng eviction notices sa susunod na linggo.

 Gayunman, tiniyak naman ni Alimboyao na tutugunan nila ang mga applications for housing ng mga naturang pamilya, na ang dinadaing ay ang hindi anila pagpansin ng gobyerno sa kanilang pangangailangan.

Noong Miyerkules, lumusob mula sa Metro Manila kasama ang mga miyembro ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa mga pabahay ng gobyerno sa Villa Elise sa Brgy. Masuso, Pandi Village 2 sa Brgy. Mapulang Lupa, Villa Louise sa Brgy. Cacarong Matanda at Padre Pio sa Cacarong Bata sa bayan ng Pandi, pati na ang ilang bahay sa San Jose Heights sa San Jose del Monte City.

 Ayon kay Army 48th Infantry Battalion commander Col. Ramil Anoyo, ilan sa mga bahay na ito ay inilaan na rin para sa mga pulis at sundalo.

 Samantala, iniimbestigahan pa naman ng NHA ang mga ulat ng umano’y posibilidad na ang paglusob ng mga informal settlers sa mga pabahay ay isang bahagi ng kilusan para siraan ang administrasyong Duterte.

 Iginiit naman ni Kadamay national chair Gloria Arellano na walang nagma-manipula sa kanila, at nagawa lang nila ito dahil naiinip na sila sa pagtugon ng gobyerno sa kanilang apela na magka-bahay.

 Nanawagan rin siya sa NHA na kung maari ay patirahin muna doon ang mga pamilya habang inaasikaso pa ang kanilang mga housing applications. JOHNNY ARASGA

PTV4 no holds barred kahit sa kaalyado ng Malakanyang

$
0
0
BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya gagamitin ang PTV4 para sa kanyang pansariling interest o para banatan ang kanyang mga kalaban sa politika.

Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte sa idinaos na inagurasyon ng PTV Cordillera Hub sa Romulo Drive, Lualhati Compound sa Baguio City ay sinabi nito na maging ang mga kaalyado ay hindi makakagamit ng pasilidad ng PTV4.

Hindi aniya niya papayagan ang kahit na sinuman sa kanyang mga kaalyado na kasangkapanin ang PTV4.

Sa kabilang dako, binigyan nya ng go signal ang PTV 4 na ihayag sa publiko ang dapat na malaman ng mga ito.

No holds barred ang magiging drama ngayon ng PTV 4.

Ang PTV 4 aniya ay mula sa pera ng taumbayan kaya’t dapat lamang na mapakinabangan din ito ng mga ito.

Sinabi ni Pangulong Duterte na dapat lamang na makinig at manood sa PTV4 dahil dito aniya manggagaling ang kanyang mga tunay na pahayag.

Samantala, kasama ni Pangulong Duterte si Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar sa mga aktibidades gaya ng pagputol ng laso, inspeksyon ng DSNG VANS, Ceremonial switch on ng studio lights at production switcher. KRIS JOSE

15 sasakyan na biktima ng rent-tangay, narekober

$
0
0
AABOT sa 15 iba’t-ibang uri ng sasakyan ang narekober ng mga operatiba ng Anti-Carnapping Unit ng Quezon City Police District na biktima ng rent-sangla sa isang malawak na compound sa Quezon City kaninang madaling-araw Marso 11, 2017 (Sabado).
Ayon kay Police Chief Inspector Hector Ortencio, hepe ng  QCPD ANCAR nadiskubre ang nasabing mga sasakyan sa tulong ng global positioning system  (GPS)  na nakakabit sa isang Mitsubishi Montero na wala pang plaka maliban sa conduction sticker palang na pag-aari ng biktimang si Baltazar Garcia Reyes.
Sa puntong ito, pormal na nagtungo sa QCPD-ANCAR ang biktima para humingi ng tulong sa paghahanap hanggang sa kanilang matunton ang nasabing mga sasakyan sa loob ng isang compound sa Banaue at Katindig St. Brgy. Donya Josefa Quezon City.
Isinailalim na sa kaukulang proseso ng imbestigasyon  ang kaso ng rent a car scam para mabigyan ng hustisya ang mga biktima at mapanagot ang mga suspek.
Nabatid naman ng mga pulis sa may-ari ng naturang compound na isinangla umano sa kanya ang mga naturang sasakyan at dumaan umano sa proseso ang naturang pagsasangla.
Dinala na ang mga sasakyan sa headquarters ng QCPD sa Camp Karingal Compound at nanawagan si QCPD Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, sa mga naging biktima ng rent -sangla na kumpermahin kung isa sa mga sasakyan ay pag-aari nila. SANTI CELARIO

Sen. De lima, nakakaramdam ng depresyon sa kulungan

$
0
0
SINABI ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na kasama sa mararamdaman ni Senador Leila de Lima ang depresyon habang nakakulong dahil sa usapin ng illegal na droga.

“Kasama po iyan sa kanyang kasalukuyang sirkumstansiya,” ayon kay Usec. Abella na kulang na lang ay sabihin na normal lang ito na maramdaman ng isang nakakulong.

Napaulat na nagpahayag na nang matinding pag-aalala ang mga  supporters ng senadora dahil sa kalagayan nito ngayon sa loob ng kulungan.

Makabubuti aniya na hintayin na lamang ng mga supporters ng senadora na matapos ang kaso nito.

“Ay talagang ano. Antayin na lang niya na matapos ‘yung ano [anong tawag dito?] ‘yung kanyang kaso. Wala siyang dapat ikabahala,” lahad nito. KRIS JOSE

Giyera laban sa illegal drugs mas pinatindi

$
0
0
HARANGAN man ng sibat ay hindi paaawat si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na palawakin at patatagin ang giyera ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.

Sa katunayan ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Marso 6 ang Executive Order 15 para sa nilikha nyang Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Nakasaad sa EO 15 ang pagbuo sa isang National Anti-Illegal Drug Task Force na magsasagawa ng mga anti-illegal drug operations.

Itinatalaga ni Pangulong Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang pangulo ng ICAD.

Ang   mga miyembro nito ay mula sa 20 ahensya ng gobyerno, kabilang ang Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines.

Kabilang din dito ang Department of Justice, Department of Interior and Local Government, Dangerous Drugs Board, National Bureau of Investigation, Department of Health, Anti-Money Laundering Council, Office of the Solicitor General, Department of Education, Department of Social Welfare and Development, Department of Trade and Industry, Department of Agriculture, Technical Education and Skills Development Authority, Philippine Information Agency, Public Attorney’s Office, Philippine Coast Guard, Bureau of Customs at Bureau of Immigration.

Mahigpit na nakasaad sa EO ang pagtiyak ng  ICAD na ipatutupad ng bawat miyembro ang mga polisiya, batas at kautusan hinggil sa  kampanya kontra iligal na droga ng gobyerno sa pamamagitan ng “integrated and synchronizes manner.”

Nakasaad din sa EO 15 ang pagsasagawa ng operasyon at pag-aresto sa mga high-value drug personalities at street-level na mga tulak at gumagamit ng iligal na droga.

Bukod dito, nais din ng Pangulong Duterte  na linisin ng  ICAD ang gobyerno mula sa mga tiwaling opisyal o tauhan na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.

Samantala,  ang National Anti-Illegal Drug Task Force, ay bubuuin naman ng mga miyembro ng mga law enforcement agencies, at si Duterte ang magbibigay ng pangalan ng mamumuno dito na dapat ay isang senior law enforcement officer.

Asahan naman na ang pakikipag-ugnayan ng National Anti-Illegal Drug Task Force, sa PDEA para sa kanilang mga operasyon. KRIS JOSE


Matobato kakasuhan si Pang. Duterte sa ICC

$
0
0
PARA sa Malakanyang ay propaganda lamang ang umano’y gagawing pagdulog ni Edgar Matobato sa International Criminal Court (ICC) upang papanagutin si Pangulong Duterte sa mga extra-judicial killings sa bansa.
Ani Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Salvador Panelo, imahinasyon lamang ni Matobato ang sinabi nitong idudulog niya sa ICC ang usapin ng EJK para idiin si Pangulong Duterte sa isyu.
Binigyang diin nito na natatawa na lang sila sa estratehiya na ito ng kampo ni Matobato.
Kumbinsido si Sec. Panelo na hindi ie-entertain o papansinin ng ICC ang kasong isasampa ni Matobato laban kay Pangulong Duterte.
Kaya nga ang paalala ni Sec. Panelo sa kampo ni Matobato ay mag-prisinta ng matibay na ebidensya sa pagsasampa ng reklamo laban sa pangulo.
Nakahanda naman silang sagutin ang anumang ihahaing reklamo nina Matobato subalit sa kasalukuyan ay malabo itong tumayo. KRIS JOSE

Bihag ng ASG dumoble sa administrasyon ni Pang. Duterte- DND Sec.

$
0
0

AMINADO si Defense Sec. Delfin Lorenzana na halos dumoble ang bilang ng mga bihag ng bandidong Abu Sayyaf group sa kasagsagan ng ilang buwan pa lamang na administrasyong Duterte.

 Lubos aniya itong nakakahiya sa buong mundo dahil hindi pa rin nahihinto ang pagdukot na ginagawa ng teroristang grupo.

 Ayon kay Lorenzana, nang magsimula ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo, 18 lamang ang bilang ng mga hostage ng Abu Sayyaf, ngunit ngayon ay umabot na ito sa 31.

Sa ngayon ay bihag ng ASG ang pitong Pilipino at 24 na mga dayuhan.

 Sa kabila naman nito ay tiniyak ni Lorenzana na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para mawakasan na ang problema ng kidnapping at pag-atake ng mga pirata sa Mindanao.

 Mismong si Pangulong Duterte aniya ay interesado na tapusin na talaga ang mga problemang ito.

 Samantala, balak naman ni Lorenzana na magtalaga na ng permanenteng command sa Jolo, Sulu para wala nang pagkakataon ang mga bandido na magpasulpot-sulpot oras na nagsisi-alisan na ang mga sundalo.JOHNNY ARASGA

Paslit, hinalay sa banyo ng Puregold

$
0
0

KULONG ang isang lalaki matapos pagsamantalahan ang anim na taong gulang na babae sa loob ng banyo ng isang malaking super market sa Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Romeo Boctoy, 50, ng 737 Abellana St., Gagalangin, Tondo, Manila.

Ayon kay Caloocan Women’s and Children Protection Desk (WCPD) investigator PO2 Sarah Julaton, unang tinangay ng suspek ang biktimang itinago sa pangalang “Gina” sa loob ng Pritil Market sa Tondo habang abala sa pagtitinda ang ina ng bata at isinama sa loob ng Puregold Supermarket sa Maypajo, Brgy. 33, Caloocan City alas-7 ng gabi.

Dinala ng suspek sa loob ng banyo ng mga lalaki ang biktima at doon puwersahang nilaro ng kanyang dila ang maselang bahagi ng katawan ng paslit habang pilit na pinahawakan sa mga kamay ng bata ang kanyang ari.

Hindi pa nasiyahan ang suspek, pinasok pa nito ang kanyang daliri sa puwitan ng bata dahilan upang mapasigaw sa sakit ang biktima kung kaya napilitang lumabas ng comfort room si Boctoy saka inihatid ang paslit kung saan niya tinangay.

Nang makauwi ang biktima ay dumaing ito sa kanyang ina ng pananakit ng kanyang puwitan at sinabi ang ginawang kahalayan sa kanya ng suspek.

Humingi ng tulong ang ginang sa Brgy. 184 sa Gagalangin, Tondo na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nahaharap ngayon sa kaukulang kaso sa piskalya ng Caloocan City. RENE MANAHAN

De Lima, babasahan ng sakdal sa kasong ‘disobedience to summons’

$
0
0

SA Lunes, nakatakda ang arraignment ni Sen. Leila de Lima kaugnay sa kasong ‘disobedience to summons’.

Sinabi ng media relations offiicer ng senadora na si Ferdie Maglalang, na nakatakda ang pagbasa ng sakdal kay De Lima ng alas-2 ng hapon sa Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 34.

Matatandaang ang Department of Justice (DOJ) ang naghain ng kaso laban kay De Lima nang payuhan nito ang kanyang dating driver at nobyo na si Ronnie Dayan na huwag nang dumalo pa sa imbestigasyon ng Kamara noong nakaraang taon hinggil sa paglaganap ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Inamin naman din ni De Lima na pinayuhan niya si Dayan na magtago at huwag nang dumalo pa sa pagsisisyasak ng House Justice Committee.

Ginawa niya ang kanyang abiso sa dating kasintahan sa pamamagitan ng pag-text sa anak ni Dayan.

Kasalukuyang nakadetine si De Lima sa Custodial Center sa Camp Crame sa mga kasong may kaugnayan sa umano’y NBP drug trade. BOBBY TICZON

Digong at Leni, nagkita sa PMA commencement exercise

$
0
0

NAG-KRUS muli ang landas nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa Commencement Exercises ng Philippine Military Academy (PMA)- SALAKNIB Class 2017 kaninang Linggo ng umaga.

Hindi naman nag-isnaban kundi kinamayan ni Pang. Duterte si VP Robredo nang magkita sa Borromeo Field.

Pero nang kapwa umupo na sa kanilang designated seats, magkahiwalay sina Duterte at Robredo at nakapagitan sa kanila si Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Katabi naman ni VP Robredo si National Security Adviser retired General Hermogenes Esperon.

Si VP Robredo ang magagawad ng Vice Presidential Saber kay Cadet First Class Philip Modestano Viscaya na salutatorian ng graduating class.

Magugunitang noong Disyembre 2016 nang magbitiw sa gabinete ang ikalawang pangulo ng bansa.

Maliban kay VP Robredo ay nasa okasyon din ang iba pang matataas na opisyales ng Armed Forces of the Philippines (AFP) maging ang mga opisyales ng lungsod ng Baguio at lalawigan ng Benguet. BOBBY TICZON

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live