Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

Globe sees demand for more video streaming services to support broadband business growth

$
0
0

RISING customer demand for video streaming services, amid unabated shift to a digital lifestyle and growing proliferation of connected devices, is expected to support Globe Telecom’s bid to expand its broadband business.

Globe President & CEO Ernest Cu said that availability of video streaming services in the country has been changing the way customers are viewing entertainment content.  “The appeal of video streaming is catching up in the Philippines because it allows customers to access their favorite video content anytime, anywhere, on any device,” noted Cu. The current trend is expected to fuel the company’s bid to expand its broadband business, supported by an aggressive 5-year fiber rollout that it initiated last year, he said.

According to Cu, Globe expects home users of internet to switch massively to viewing on demand and streaming services such as HOOQ, Netflix, Tribe, and the like. “We have a great portfolio of entertainment content that allows our customers to do video streaming, putting us in direct competition with pay TV companies. One advantage of Globe is that we have no legacy pay TV on our portfolio to manage conflict with or cannibalize from. We just head on to the next habit that’s forming among Filipinos which is watching TV on streaming services,” said Cu. He added: “The same strategy that we had for our mobile services will be employed for fixed line and that is understanding our customers, how their needs and habits are evolving and we will cater to them.”  The company’s broadband subscribers increased 6% at the end of 2016 to 1.13 million from 1.07 million from a year earlier while smartphone use increased to 61% at the end of 2016.

To support additional bandwidth requirement necessary for video streaming and to enhance the overall digital lifestyle of its customers, Globe started last year a program to deploy 2 million high-speed broadband lines, with minimum speed of at least 10 Mbps, within the next few years until 2020. The plan is aligned to its strategy of focusing on broadband services; supporting the company’s initiative to improve internet experience holistically, while redefining the home broadband experience of Filipinos. With a target deployment of 400,000 high-speed lines by the end of 2017, the company plans progressive deployment within the next three years until 2020. More than 260,000 high-speed broadband lines were deployed in 2016.

Following a move to bring more focus on its broadband operations, revenues generated by its broadband business reached P14.5 billion in 2016, a 28% growth from P11.3 billion a year earlier, mainly as a result of sustained expansion of its customer base. The remarkable revenue growth was driven in part by relevant and compelling broadband bundles and packages that include access to premium content, providing customers with complete entertainment experience at home.


Death penalty pasado na sa ikatlong pagbasa

$
0
0
PUMASA na sa huli at ikatlong pagbasa ang House Bill 4727 o ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan.
 
Sa nominal voting, nanaig ang botong 216 para maipasa ang panukala samantalang 54 ang tutol at isa ang nag-abstain.
 
Kabilang sa mga hindi bomoto sa panukala sina dating pangulo at ngayon ay House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, ang aktres na si Lipa Rep. Vilma Santos-Recto at si dating Unang Ginang Imelda Marcos na kinatawan ng Ilocos Norte.
 
Tanging si Cebu 2nd District Rep. Rodrigo Abellanosa na ayon sa kaniyang paliwanag ay sinunod lamang niya ang kagustuhan ng kaniyang constituents.
 
Naunang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na tuloy ang pag-aalis ng chairmanship sa mga boboto ng “no” samantalang hindi naman nangimi si CGMA na alisin bilang Deputy Speaker dahil sa pagtutol nito sa panukalang bitay.
 
Sa mga nag-no vote na siguradong tatanggalan o papalitan na ng chairmanship ay sina Anak Mindanao Rep. Sitti Djalia Turabin-Hataman (Muslim Affairs Committee), Akbayan Partyslist Rep. kaka Bag-ao,  People’s Participation, ACT Partylist Rep. Antonio Tinio (Public Information), Bayan Muna Rep. Isagani Zarate (Environment and Natural Resources), Santos-Recto (Civil Service), Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato na miembro ng Commission on Appointments.
 
Kabilang din sa bomoto ng “no” sa HB 4727 ay sina 1-SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta, BUhay Partylist Rep. Lito Atienza, Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago, Cebu Rep. Raul del Mar, Samar Rep. Raul Daza, Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Albay Rep. Edcel Lagman at ang lahat ng kabilang sa Independent Minority bloc. MELIZA MALUNTAG

Mighty Corp. owner kakasuhan ng Economic sabotage

$
0
0
POSIBLENG maharap sa habambuhay na pagkabilanggo ang may-ari ng Mighty Corporation na nakatakdang ipagharap ng economic sabotage ng pamahalaan dahil sa paggamit ng mga pekeng selyo sa buwis sa kanilang produkto.
 
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, kailangan lamang na mabigyan ng leksyon ang nagmamay-ari ng Mighty Corp.
 
 “Yes, economic sabotage.  Hindi bailable ang economic sabotage  na tinatawag merong as a matter of rights; merong as a matter of discretion. Iyong kanya it’s a matter of discretion. So magpo-pruba ang prosecution na malakas ng ebidensiya para tanggihan ang kanyang bail,” aniya pa rin.
 
Tinatayang P2.5 billion ang atraso o hindi nabayarang buwis  ng Mighty Corp sa gobyerno dahil tatlong warehouse ang pinaglagayan nito ng kanyang produkto na may pekeng stamps.
 
Nauna nang tinukoy ni Sec. Panelo na ang Mighty Corporation ang nagtangkang manuhol umano kay Pangulong Duterte.
 
“During [the] Cabinet meeting last night, President Duterte said [the] owner of Mighty Cigarettes attempted to bribe him ‘with millions,'” ayon kay Panelo.
 
Idinagdag niya na nagbigay ng direktiba si Duterte na arestuhin ang may-ari ng naturang kompanya ng sigarilyo dahil sa pananabotahe umano sa ekonomiya.
 
Inatasan umano ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay ang mga tauhan na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa paggamit umano ng kompanya ng sigarilyo ng mga pekeng selyo.
 
Sa panayam ng mga mamamahayag, kinumpirma ni Duterte ang kaniyang utos na dakpin ang may-ari ng Mighty.
 
“Yes, yes I ordered his arrest,” anang pangulo. “”He’s the one behind it… Fake cigarette [tax] stamps… It’s not a matter of BIR eh. Tax laws. It’s falsification. KRIS JOSE

Rigodon sa Kamara itutuloy dahil sa ‘nag No’ vote sa death penalty

$
0
0
IPINAUBAYA na ni House Speaker Pantaleon Alvarez kay House Majority Leader Rodolfo Farinas ang isyu ng tanggalan ng chairmanship.
 
Kinumpirma ito ni Farinas matapos niyang ihirit ang isyung ito kay Alvarez na ipaubaya sa kaniya ang pagpapalit ng chairmanship para sa mga bomoto ng “no” sa panukalang ibalik ang death penalty.
 
“No replacements in the leadership positions will happen, yet I made a plea to the Speaker that he will allow me to handle the matter, which he has kindly granted while saying ”only because I trust your judgement,” ani Farinas.
 
Binigyang diin pa ng kongresista na siya ang Majority Leader at pangunahing gampanin niya ang atupagin ang para sa kapakanan ng mayorya.
 
“The Speaker is the Head of the House of Representatives and wants to run the House through his Majority and Minority Leaders. I serve at the pleasure of the speaker and I am responsible and accountable to him with respect to the members of the majority,” pahayag pa ni Farinas.
 
Ang mga kongresista na bomoto ng “no” sa death penalty na may chairmanship ay sina Reps. Henedina Abad (Batanes)-chairman ng House Committee Government Reorganization; Arlene “kaka” Bag-ao (Dinagat)-People’s Participation; Kit Belmonte (Quezon City)-Land Use; Emmi de Jesus (Gabriela)-Poverty Alleviation; Evie Escudero (Sorsogon)-Basic Education; Vilma Santos-Recto (Lipa City)-Civil Service and Professional Regulation.
 
ACT Rep. Antonio Tinio, na chairman ng House Committee on Public Information; Anak Mindanao Rep. Sitti Djalia Turabin-Hataman – Muslim Affairs; Buhay Partylist Mariano Velarde – Overseas Workers Affairs at Bayan Muna Rep. Isagani Zarate – Environment and Natural Resources; Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato na miembro ng Commission on Appointments.
 
Naunang sinabi ni Alvarez na tuloy ang pagpapalit ng mga committee chairmanship para sa mga tutol sa death penalty.
 
 Sa botong 217 pabor sa death penalty ay naipasa ito sa huli at ikatlong pagbasa samantalang 54 ang tutol at isa ang nag-abstain. MELIZA MALUNTAG

Simbahan nagdadalamhati sa pagpasa ng death penalty sa Kamara

$
0
0
NAGDADALAMHATI ngayon ang mga lider ng Simbahang Katolika matapos na tuluyan nang ipasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang pagbuhay sa parusang bitay sa bansa.
Sa botong 217-54, ipinasa ng Kamara ang death penalty bill, na ang layunin ay muling ipatupad ang parusang kamatayan sa mga karumal-dumal na drug-related crimes.
Kaugnay nito, sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng maimpluwensiyang
Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBPC), na labis silang nalulungkot sa pagbibigay ng Kongreso ng pahintulot sa estado upang pumatay.
Sa kabila naman nito, tiniyak ni Villegas na hindi sila mananahimik at patuloy na lalaban kontra sa parusang bitay.
Nagpahayag rin ito ng kumpiyansa na sa bandang huli ay magtatagumpay pa rin ang buhay.
Paglilinaw pa ni Villegas na ang pagkakapanalo ng mga taong pabor sa parusang kamatayan ay hindi naman nangangahulugan na sila ang tama.
“We, your bishops, are overcome with grief but we are not defeated nor shall we be silenced,” ani Villegas.
“In the midst of Lent we prepare to celebrate the triumph of life over death, and while we grieve that the lower House has voted for death, our faith assures us that life will triumph.”
Nanawagan rin naman si Villegas sa mga Pinoy na patuloy na manindigan para sa buhay at tutulan ang parusang bitay.
Partikular siyang nanawagan sa mga Catholic lawyers, judges at jurists na payagan ang kahinuhan ng Ebanghelyo ng buhay o “Gospel of Life” upang maliwanagan ang kanilang pagbasa at aplikasyon ng batas.
“It is indeed that we may have life to the full that the Lord came into our midst. They may have won but it does not mean that they are right,” aniya pa.
Samantala, namimighati naman si Rodolfo Diamante, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, dahil mas inuna aniya ng mga mambabatas ang kanilang personal na interes, kaysa sa common good o ikabubuti ng lahat.
“They are even willing to sacrifice their consciences and principles in pursuit of their interests,” aniya pa.
 “The problem indeed in our country is the lack of true servant leaders who will sacrifice their interests for the greater good.”
Bunsod nang pagkakapasa sa kamara ng parusang bitay, nasa kamay na ng Senado kung tuluyan ba itong maisasabatas.  MACS BORJA

LRT-2 may libreng pasakay sa mga babae ngayong araw para sa Int’l Women’s Day

$
0
0

MAGBIBIGAY ng libreng pasakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) para sa mga kababaihan ngayong araw ng Miyerkules, March 8, bilang pagdiriwang sa International Women’s Day.

Ayon kay LRT-2 spokesperson Hernando Cabrera, magsisimula ang libreng pasakay sa mga kababaihan mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga, at alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng gabi.

 Bukas ang nasabing libreng sakay sa lahat ng istasyon ng LRT-2, mula sa Recto Avenue station hanggang Santolan station. 

Ex-FG Mike Arroyo, muling humirit sa Sandiganbayan na makapag-abroad

$
0
0

MULING humiril si dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo sa Sandiganbayan 7th division para  makabiyahe sa Hong Kong at Japan.

Sa inihain niyang motion for leave to travel abroad, sinabi ni Arroyo na nais niyang umalis sa bansa sa Abril 6 hanggang 16.

 Mula Abril 6 hanggang 12 ay mananatili siya sa Ana Intercontinental sa Tokyo, Japan.

 Mula Abril 12 hanggang 16 naman ay nasa Holiday Inn Golden Mile sa Tsim She Tsui, Hong Kong siya manunuluyan.

 Ipinunto sa mosyon na na-arraign na si Arroyo at nakapaglagak ng piyansa.

 Higit sa lahat, tuwing may biyahe-abroad si Arroyo ay bumabalik siya sa Pilipinas, at hindi rin maituturing na flight risk.

Si Arroyo ay nahaharap sa kasong graft kaugnay ng pagbenta ng dalawang helicopter ng Philippine National Police o PNP na pinalabas umanong bago. JOHNNY ARASGA

Dahil sa ‘No-vote sa death penalty lawmakers nanganganib ang chairmanship

$
0
0

HINDI lang si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang napipintong maalis sa pagiging House Deputy Speaker ngayong 17th Congress dahil sa pagbotong ‘no’ sa Death Penalty bill.

Batay sa listahan, hindi bababa sa sampung kongresista ang maaalis sa kani-kanilang pinamumunang komite sa Mababang Kapulungan, dahil sa kanilang botong kontra sa panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan.

 Kabilang sa mga mambabatas na may committee chairmanship pero bumotong ‘no’ ay sina:

 1. Act PL Rep. Antonio Tinio – House Committee on Public Informatiom

2. Bayan Muna PL Rep. Carlos Zarate – House Committee on Natural Resources

3. Gabriela PL Rep. Emmi De Jesus – House Committee on Poverty Alleviation

4. Batangas Rep. Vilma Santos-Recton– House Committee on Civil Service and Professional Regulation

5. Sorsogon Rep. Evelyn Escudero – House Committee on Basic Education

6. Batanes Rep. Henedina Abad – House Committee on Government Reorganization

7. Quezon City Rep. Kit Belmonte – House Committee on Housing and Urban Development

8. Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-Ao – House Committee on People’s Participation

9. Buhay Rep. Michael Velarde Jr. – House Committee on Overseas Worker’s Affairs

10. Amin Rep. Sitti Djalia Hataman – House Committee on Muslim Affairs

11. Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato – member ng Commission On Appointments

 Si Arroyo ay mula’t sapul na anti-death penalty kaya hindi na sorpresa ang kanyang no-vote sa House Bill 4727.

 Sa botohan plenaryo para sa ikatlo at huling pagbasa kahapon, 217 ang yes, 54 ang no at 1 ang abstention, kaya lusot na ang kontrobersyal na panukala.

 Matatandang nagbanta si House Speaker Pantaleon Alvarez na aalisin sa Deputy Speaker status at committee chairmanship ang mga kongresistang bobotong tutol sa Death Penalty bill.

 At kahapon, kinumpirma ni Alvarez na mayroon na silang listahan ng mga posibleng pumalit sa mga kongresistang maaalis sa pwesto.   JOHNNY ARASGA


Kababaihan tinuturing na bayani ni Pang. Duterte

$
0
0
TINAWAG na bayani ni Pangulong Duterte ang mga kababaihan lalo na ang mga Filipina na nagdiriwang ngayon ng Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan o International Women’s Day.
 
Para sa Chief Executive, kakaiba ang papel ng mga kababaihan sa lipunan na dapat lamang na bigyang halaga at importansiya.
 
“Generations have been witness to the amazing ways by which women have transformed societies by playing the role of mothers, workers, intellectuals, educators, caregivers, soldiers, activists, artists and leaders,” ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Duterte sabay sabing “Indeed, women are heroes.”
 
Ang buong mundo aniya ay  saludo sa mga kababaihan dahil sa pagiging malikhain ng mga ito, matapang na hinaharap ang buhay, may self-sacrifice at mapagkawanggawa.
 
 “We are fortunate, as we are grateful, that the Philippines has been a fertile ground for outstanding women in various sectors. The Philippines ranks high in the Asia Pacific region and in the world in terms of gender equality. My administration shall strive to maintain this distinction as well as continue to recognize their invaluable contributions in sports, science, governance, education, public service and the arts,”  litaniya nito.
 
Sa ulat, nagdaos naman ng  iba’t-ibang aktibidad ang iba’t ibang grupo ng kababaihan para sa  International Women’s Day 2017.
Ang  tema para sa taong ito ay “Be Bold For change”  kung saan bawat bansa ay may mga iba’t-ibang paraan ng pagdiriwang na isinasagawa.
Habang may  mga bansa naman ang nagsagawa ng kilos protesta ng mga kababaihan bilang panawagan sa tamang pasahod sa kanila ay equality.
May naglagay ng  mga rosas ang mga tangkeng pang-gyera sa bansang Syria.
 
Sa Pilipinas may ibang grupo ang nagsagawa ng ibang aktibidad gaya ng pagbibigay ng libreng gupit at beauty make-over sa mga kababaihan habang magbibigay ng libreng sakay ang LRT sa mga kababaihan.
 
Sinasabing, nagsimula ang Women’s day noong 1908 kung saan mahigit na 15,000 na mga kababaihan ang nagprotesta sa New York City na nanawagan ng karapatang bumoto, tamang pabayad at ang pagpapaikli ng oras ng kanilang trabaho.
 
Samantala, taong 1913 ng pormal ng kinilala ang araw na ito bilang International Women’s KRIS JOSE

Pagkaabswelto ni dating Pang. Aquino sa isyu ng DAP pinalagan

$
0
0
PINALAGAN ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pagkaka-abswelto ng Ombudsman kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP).
 
Naniniwala ang kongresista na bitin ang desisyon ng Ombudsman dahil dapat aniyang kasama ang dating pangulo at hindi lamang si dating Budget Secretary Florencio “Butch” Abad.  
 
“It is highly unacceptable why Aquino was spared when his very signature appears on the DAP memo. His pronouncements and defense of the DAP clearly points to his authorship of the DAP,” ani Zarate.
 
Ayon sa mambabatas, ang finding ng Ombudsman ay maituturing pa ring kabiguan kahit pa nakasuhan si Abad dahil inabswelto naman nito ang si PNoy.
 
“Bitin ang decision ng Ombudsman dahil dapat kasama si Pres.Aquino sa dapat kasuhan. We are urging the Ombudsman to restudy the case and include Pres. Aquino for those to be held accountable for the DAP.”
 
Kwestyon pa ni Zarate ay bakit ang alter ego ang parurusahan ngunit iniligtas naman ang leeg ng nagbasbas dito.
 
Dahil dito, maghahain ng Motion for Reconsideration ang Bayan Muna sa sandaling makatanggap na sila ng kopya ng desisyon ng Ombudsman. MELIZA MALUNTAG

Sen. Cayetano napipisil na kapalit ni Sec. Yasay sa DFA

$
0
0
POSIBLENG hintayin na lamang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na matapos ang one-year ban o dumating ang buwan ng Hunyo para maitalaga o maibigay  ang posisyon na  Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary kay  Senador Allan Peter Cayetano.
Ito’y matapos na tuluyang ibasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay.
“From what I’ve heard during the announcement of the President.. then, would be Senator Allan cayetano,” ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
Si Senador Cayetano ay tumakbo bilang bise-presidente noong nakaraang halalan subalit natalo ni Vice-President Leni Robredo.
Sa kabilang dako, posibleng DFA Undersecretary naman ani Sec. Panelo ang tumayong OIC sa iiwanang posisyon ni Sec. Yasay.
 
Nagkibit-balikat lang si Sec. Panelo nang tanungin dito kung isang malaking kawalan si Sec. Yasay sakali at tuluyang mawala na ito sa gabinete ni Pangulong Duterte.
Nauna rito, sa pamamagitan ng unanimous na 15-0 votes ay tuluyan nang tinanggihan ng CA na makumpirma bilang DFA Sec. si Sec. Yasay.
Ito ay matapos aminin ni Yasay na naging U.S Citizen siya noong 1986 pero ito ay kanya ring binawi.
Sinabi ni Yasay sa naunang confirmation hearing ng C.A noong February 22 na hindi siya naging Amerikano kailanman pero ito ay kanyang binawi sa nakaraang pagdinig noong nakalipas na linggo.
Si Sen. Ping Lacson na pininuno ng Foreign Affairs Committee ng C.A ang nag-moved para sa pagbasura ng appointment ni Yasay.
“The Commission has gone over the qualifications and issues besetting the appointee. After careful deliberations of the foregoing circumstances, and upon a unanimous vote of 15 of its members present in a caucus held this morning, this representation as chair of the foreign affairs, hereby, moves to reject the ad interim appointment of Atty. Perfecto Rivas Yasay Jr. as Secretary of Foreign Affairs. I so move,” ani Senador Lacson.
At bago pa ang desisyon ay nagkaroon pa muna ng ilang minutong executive session ang komite na sinundan naman ng paglabas sa Senado ni Sec. Yasay. KRIS JOSE

Church-owned schools napipintong buwisan ng gobyerno

$
0
0
AMINADO ang mga obispo ng Simbahang Katolika na prerogatiba ng pamahalaan kung nais nitong patawan ng buwis ang mga Catholic schools sa bansa, ngunit umaapela sila sa gobyerno na pag-aralan muna itong mabuti bago tuluyang ipatupad.
Ito’y bilang reaksiyon sa pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na dapat nang buwisan ang church-owned schools upang madagdagan ang revenue collection ng pamahalaan. 
Ayon kay Caloocan Bishop Pablo David, hindi na kakailanganin ng mga simbahan na magpatakbo ng mga paaralan kung nakapagbibigay lamang ng sapat na de kalidad na edukasyon ang pamahalaan, partikular na sa elementary at high school.
“The fact is, it cannot,” ani David. “We always thought that we in the Church were doing the government a favor by making quality education available wherever the state is unable to do it adequately.”
Sinabi ng obispo na kitang-kita naman ang mga kakulangan ng mga public schools, kung saan maraming estudyante ang nagsisiksikan sa mga paaralan, kulang ang mga guro at mga gamit sa paaralan, kaya’t bumababa ang kalidad ng edukasyon.
Dahil dito, napipilitan aniya ang simbahan na magtayo ng mga Catholic schools upang tulungan ang pamahalaan na mabigyan ng magandang pundasyon ng edukasyon ang mga kabataan.
“We merely augment the lack when the government cannot adequately provide it,” aniya pa.  
“We do not even rely on public funds to run our schools. Should they not treat us as their partners and allies rather than as adversaries?”
Ngayon nga aniya ay marami nang Catholic schools ang napipilitang magsara dahil sa kakulangan ng resources at patuloy na pagtaas ng sahod ng mga guro.
Nauubusan na rin aniya ito ng mga guro na mas pinipiling magturo sa pampublikong paaralan, kung saan mas mataas ang sweldo.
Sinegundahan naman ni San Jose Bishop Roberto Mallari ang pahayag ni David at sinabing dapat munang alamin ng mga mambabatas ang kontribusyon ng mga Catholic school sa lipunan.
Ayon kay Mallari, sa halip na buwisan, ang dapat pa nga ay tulungan nila ang mga Catholic schools upang ma-maximize ang tulong na naibibigay nila sa bansa.
Iginiit pa ng mga Obispo na hindi naman tunay na libre ang pag-aaral sa mga public schools dahil pinalalakad naman ito ng pera ng mga taxpayers. MACS BORJA

Matobato, pinalaya na ng MPD

$
0
0

PINALAYA na ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) si Edgardo Motobato kasunod ng kautusan ng Manila Regional Trial Court Branch 48 sa sala ni Judge Silverio Castillo.

Pasado alas-4:00 ng hapon nang ipalabas na ang release order sa kasong frutrated murder kaugnay sa criminal case no. 77(17) kung saan isa lamang siya sa akusado sa tangkang pagpatay sa isang Atty. Abeto Salcedo, Jr., isang dating Agrarian Reform Adjudicator noong Oktubre 23, 2014, sa Digos, Davao del Sur.

Si Matobato ay inimbitahan at dinala sa headquarters ng nga tauhan ng MPD sa utos na rin ni MPD Dir. Joel Coronel habang nagbabayad ng piyansa sa ang kanyang abogado na si Atty.Jude Sabio sa Manila City Hall kaninang pasado alas-2:00 ng hapon.

Nangamba naman si Sabio habang sila’y bumibiyahe patungong MPD headquarters, gayunman, nakampante lamang ito nang malaman na si Coronel ang nag-utos na sila at dalhin sa MPD kung saan sinabi aniya ni Coronel na doon na lamang hintayin ang paglabas ng release order mula sa korte para na rin matiyak ang seguridad ni Matobato. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Magkaibigan tumba sa vigilante

$
0
0

NASAWI ang magkaibigan na magkaangkas sa motorsiklo makaraang tambangan at pagbabarilin ng riding-in–tandem na hinihinalang vigilantes sa Quezon City kaninang madaling-araw, Marso 9, Huwebes.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing si Efren Romero, 26, ng 39 Nawasa Rd., Brgy. Holy Spirit, QC, at kaibigan na si Haldy Daime, 30, alyas Muslim, ng nasabing ring lugar.

Si Romero at Daime ay kapwa duguang tumimbuwang sa lugar dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) station 3-Talipapa, dakong 12:30 ng madaling-araw, binabaybay ng mga biktima ang Luzon Ave. sa may Sacred Garden, Brgy. Culiat nang biglang sumulpot sa kanilang likuran ang mga suspek sakay ng motorsiklo at pinagbabaril sila.

Inamin naman umano ng ama ng isa sa mga biktima na gumagamit ang kanyang anak ng droga subalit hindi alam kung nagtutulak rin ito.

Agad namang inatasan ni QCPD Director P/C Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ang kanyang mga tauhan na tugisin ang mga salarin para mabigyan ng hustisya ang magkaibigan. SANTI CELARIO

Donasyon sa panahon ng kalamidad, pinalilibre sa tax

$
0
0

DAHIL sa byurukrasya sa pamamahagi ng donasyon sa panahon ng kalamidad, naghain si dating pangulo at House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ng panukalang ilibre sa buwis ang mga donasyon.

Ito’y para sa mga lugar na apektado ng kalamidad.

Binigyang-diin ni CGMA sa House Bill No. 4373 na mabagal ang pamamahagi ng relief goods at iba pang donasyon sa panahon ng kalamidad dahil sa samu’t saring burukrasya o red tape ukol sa pagbubuwis.

Ang donasyon kung exempted man sa buwis ay kinakailangan pa itong dumaan sa pagdodokumento ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

“The display of camaraderie and empathy by ordinary citizens who risked their lives to save strangers was a common scene (during times of calamities). Even hard-earned savings were given freely to charitable organizations to augment relief operations and to serve more of those affected.”

Bahagi ng isinusulong ni CGMA na ilibre sa buwis ang mga donasyong ipapamahagi sa mga lugar na isinasailalim sa state of calamity.

“This display of heroism and gallantry, however, also brought into the limelight a few bureaucratic glitches that impeded the steady flow of donations.”

Isinulong din ng kongresista na ang real property tax sa mga apektadong lugar ay hindi kokolektahin sa dalawang magkasunod na taon. MELIZA MALUNTAG


No bail, inirekomenda kay Ka Angel Manalo

$
0
0

WALANG inirekomendang piyansa ang Quezon City Prosecutors Office para kina Felix Nathaniel Manalo alyas Ka Angel at Victor Erano “Jem” Manalo Hemedez na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms.

Hindi rin nagrekomenda ng piyansa ang piskal sa kasamahan nina Manalo na sina Jonathan Ledesma na kinasuhan naman ng direct assault with frustrated murder.

Si Ka Angel ay kapatid ni Iglesia Ni Cristo (INC) Executive Minister Eduardo Manalo.

Samantala, sinabi ni Quezon City Police District Director (QCPD) Guillermo Eleazar, ang iba pang akusado ay inerekomenda na isailalim pa sa karagdagang imbestigasyon.

Matatandaang sinampahan ng kaso ng QCPD harap ni Quezon City Asst. City Prosecutor (ACP) Nilo Peñaflor ang magkaanak na Manalo at mga kasamahan nito dahil sa pagpapaputok ng baril at pagkasugat sa dalawang miyembro ng raiding team ng QCPD na nagsilbi ng search warrant sa bahay nito sa Tandang Sora Ave. sa Quezon City noong nakaraang linggo. JOHNNY ARASGA

3 tauhan ng Mighty Corp. huli sa pagdispatsa ng sigarilyo

$
0
0

ARESTADO ang tatlong empleyado ng kumpanyang Mighty Corp. makaraang mahuling nagtatapon ng kahon-kahong sigarilyo sa Parañaque City.

Kinilala ng Parañaque City Environment Office (CENRO) ang tatlong sina Elmer Tendero, Junmar Luna at John Ray Linatoc.

Sakay ng isang van ang tatlo na nagmula pa sa Muntinlupa nang itapon ng mga ito ang mga produkto sa tambakan ng basura sa Brgy. San Dionisio.

Nagtagumpay ang tatlo sa unang pagtatapon ngunit hindi na sila pinalampas ng mga tauhan ng CENRO sa ikalawa dahil tanging mga taga-Parañaque lamang ang pinapayagang magtapon sa naturang basurahan. JOHNNY ARASGA

Pagpatol kay Trillanes, aksaya sa panahon – Usec. Abella

$
0
0

PARA kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, pag-aaksaya lang ng panahon ang pagpatol sa sinabi ni Sen. Antonio Trillanes na mai-impeach si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa darating na Mayo dahil sa isyu ng pagpatay noong alkalde pa lamang siya ng Davao City.

“Mr. Trillanes is prone to make such statements. Let’s go on to other things. Thank you,” ani Usec. Abella, sabay tawa nito.

Sa ulat, sinabi ni Sen. Trillanes na hindi naman siya fortune teller subalit malakas ang kanyang pakiramdam na ang Lascañas testimony ang magmumulat sa sambayanang Filipino para suportahan ang napipintong paghahain ng impeachment complaint laban sa Punong Ehekutibo.

Idinaan na rin ni Usec. Abella sa tawa ang pinalutang ni Trillanes na may 12 government officials ang diumano’y affiliated sa Communist group na gagamitin ang kanilang pondo para patalsikin sa puwesto si Pangulong Duterte.

“You know, some of these statements tend to become rather colorful, so it should be avoided,” anito.

Hindi naman aniya binitbit ni Pangulong Duterte sa cabinet meeting ang personal na pag-atake ni Sen. Trillanes sa kanyang kapatid na si Jocelyn Duterte.

“As far as I know, I haven’t heard him make any comments regarding the matter. Wala po siyang binabanggit, wala siyang sinasabi unless maybe it’s done privately. But Cabinet wise and even during political — during public interactions, he has not made any comment, as far as I know, as far as I know,” pahayag pa ni Usec. Abella.

Iwas-pusoy naman si Usec. Abella sa pagbibigay ng komento sa kung paano niya ilarawan si Senador Trillanes bilang senador ng bansa.

“We should leave that alone. You know, it’s not really within my purview to be making comments or giving opinions. I’ll try to keep it within official statements. Thank you,” lahad nito. KRIS JOSE

2 helper rinatrat

$
0
0

SUGATAN ang dalawang helper nang pagbabarilin ng ‘di kilalang suspek habang sakay ng isang tricycle sa harapan ng isang health center sa Port Area, Maynila kagabi.

Ginagamot ngayon sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang mga biktimang sina Billy Boy Queremit, 23, at Andrew Curado, 19, kapwa helper sa Divisoria, at taga-Blk. 1, Baseco Cmpd., Port Area, Manila.

Sa report ni Police Supt. Emerey Abating, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 5, nabatid na dakong 10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng Baseco Health Center, sa Baseco Compound.

Nauna rito, papasok na ng trabaho ang mga biktima ngunit pagsakay nila ng tricycle ay nakarinig na sila ng dalawang putok ng baril at nang tingnan ay may dugo nang umaagos sa kanilang mga braso.

Nakita rin naman umano ng tricycle driver na si Jesus Ortega, kaya’t sa halip na sa Divisoria ay sa Gat Andres Bonifacio Hospital na sila nito isinugod upang malapatan ng lunas.

Inaalam naman ng pulisya kung ang mga biktima ang talagang target ng pamamaril ng ‘di nakilalang suspek, o kung tinamaan lamang sila ng ligaw na bala.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Dineros Named Interim PhilHealth President and CEO

$
0
0

DR. HILDEGARDES C. DINEROS is the interim President and CEO (PCEO) of the Philippine Health  Insurance Corporation (PhilHealth). He was named interim PCEO in today’s meeting of the
PhilHealth Board of Directors held in Pasig City.

A graduate of the University of Santo Tomas, Dineros is a surgeon by profession. He performs
basic and advanced laparoscopic procedures, surgical endoscopy and general surgical procedures,
and is also into bariatric, metabolic, general and cancer surgery. His scope of interests
includes complex wound care, aesthetic and plastic surgery, bariatric medicine, spirituality,
health and medicine, as well as stress and energy management.

He is a Fellow of the American College of Surgeons, the Philippine College of Surgeons and the
Philippine Society of General Surgeons. He is a Diplomate of the Philippine Board of Surgery and
is a Fellow of various Philippine , Asian and American societies of bariatric and metabolic
surgery, wound care, laparoscopy and endoscopy surgeons. He has lectured on obesity and bariatric
surgery before local and international audiences, and has granted various tri-media interviews
here and abroad.

He is actively involved in community initiatives as President of the Nuestra Senora de Salvacion
Charity Hospital Foundation Inc. which holds medical missions in Northern Samar. He is the
Founder of Smile Forever Program and is the Past President of Sagip Bayan Foundation of St.
Luke’s Medical Center in Quezon City. He is also a member of the Aloha Medical Mission of
Hawaii, USA, Tzu Chi Foundation of Taiwan and the Good Samaritan Foundation of media personality Ramon Tulfo.

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>