Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

SSS: Pensioners can withdraw P1,000 additional benefit

$
0
0

The state-run Social Security System (SSS) on Thursday said it has already released some P2 billion to its pensioners for the month of January 2017 as part of the recently approved P1,000 additional benefit for its pensioners.

SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc said more than 2.04 million pensioners will be able to receive the additional P1,000 benefit on Friday, March 3.

“We are pleased to announce to our pensioners that the P1,000 additional benefit is now ready for withdrawal in their respective bank accounts while the remaining retroactive amount will be received in the next two Fridays of March (10 and 17).” Dooc said.

“The SSS will continue to find ways to make our pension fund viable so it can continuously serve its current and future members in perpetuity,” Dooc added.
Based on the program re-run conducted by the pension fund’s Information and Systems Department, more than P2.04 billion were already deposited in the pensioners’ bank accounts which are ready for withdrawal on the announced date.

The P1,000 additional benefit for SSS pensioners was approved by President Rodrigo Duterte last Jan 10 while the order authorizing the release was signed last Feb 22.

All retirees, survivors and permanent disability pensioners will receive the P1,000 additional benefit, which also covers all future SSS pensioners.

SSS earlier estimated that around P6.9 billion is allotted for the release of the additional P1,000 benefit for the first quarter alone. This is on top of the P7.4 billion released per month since January 2017 for regular benefits.

More than 2 million SSS pensioners are expected to receive the initial additional benefit. The number of pensioners is expected to increase by about 350,000 next year.


Noynoy binisita si De Lima sa kulungan

$
0
0

BINISITA ni dating Pangulong Benigno Aquino III si Sen. Leila de Lima sa Philippine National Police (PNP)-Custodial Center kaninang Huwebes ng umaga.

Sinabi ni PNP spokesperson S/Supt. Dionardo Carlos na dumating si Aquino dakong 1:45 p.m.

Wala aniyang mga miyembro ng media ang pinayagan ng PNP na makalapit sa Custodial Center.

Sumuko si De Lima sa awtoridad nitong nakaraang linggo, isang araw matapos ipinalabas ni Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 Judge Juanita Gregorio ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay sa proliperasyon ng illegal drugs sa New Bilibid Prison (NBP). BOBBY TICZON

Globe and Mabuhay Miles give free sims to PAL passengers

$
0
0

THE International Business Group of Globe Telecom partnered with Mabuhay Miles to make it easier for balikbayans, OFWs, and travelers to get in touch with their loved ones when they reach the Philippines via free Traveler sim cards distributed to passengers on PAL’s international flights to Manila.

“We continuously strive to serve the needs of our dear OFWs, balikbayans and tourists. Through the partnership with Mabuhay Miles, we have created an avenue where our customers are able to enjoy their homecoming by means of instant communication as soon as they land,” said Nikko Acosta, Senior Vice President of the International Business Group of Globe Telecom.

Since December 14, 2016, the Traveler sim has been distributed to passengers on PAL international flights for free. As a bonus, customers can avail of unlimited calls to Globe and TM mobiles, 20 all-net SMS and 15MB mobile data valid for one day.

“Through this partnership with Globe, we are very happy to give our Mabuhay Miles customers a more enriching in-flight experience by making them feel we are making their trip to the Philippines more rewarding,” said Kevin Hartigan-Go, PAL VP for Ancillary Business Unit. “As of today, we have supplied hundreds of thousands of PAL passengers with free sim cards and we cannot wait to give to more!” Hartigan-Go added.

Mabuhay Miles will give 500 bonus miles when Traveler Sim customers register or update their membership information.

New members need to enroll at www.mabuhaymiles.com and text their Mabuhay Miles number using the Traveler sim to 3456. Existing members can update their profile by texting their Mabuhay Miles number, name and email address to 3456. Passengers can buy prepaid load at the Globe booths at NAIA 2 (PAL terminal), other international airports nationwide, and at over 800,000 Globe retailers around the country.

Pulis na sabit sa Maguindanao massacre, tiklo

$
0
0

MALUBHANG nasugatan ang isang pulis na sabit sa Maguindanao massacre nang kumasa sa mga pulis na huhuli sa kanya sa probinsya ng Cotabato kaninang Miyerkules ng umaga.

Isinugod sa Cotabato Provincial Hospital sa Brgy. Amas, Kidapawan City sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktmang si PO1 Jonathan Inged, ng Datu Piang, Maguindanao, pero pansamantalang naninirahan sa Brgy. Batulawan sa bayan ng Pikit sa North Cotabato.

Ayon kay Pikit chief of police, C/Insp. Donald Cabigas, naganap ang insidente dakong 8:25 a.m. sa isang bisinidad ng Brgy. Batulawan sa Pikit.

Huhulihin aniya ng si Inged ng mga tauhan ng PNP Region-12 intelligence unit at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Cotabato) sa nasabing barangay ngunit imbes sumuko ay nanlaban kaya pinagbabaril.

Ayon kay Cabigas, may warrant of arrest ang suspek mula sa sala ni Quezon City Branch 221 Judge Jocelyn Solis Reyes matapos masangkot sa masaker sa Sitio Masalay, Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009 kung saan umabot sa 58 katao ang nasawi kabilang na ang 32 media practitioners.

Sa kasalukuyan, pinipiga na ng pulisya ang suspek para mahuli pa ang mga kasamahan nitong mga pulis din. BOBBY TICZON

Fire Prevention Month sa Navotas

$
0
0

“BUHAY AT ARI-ARIAN AY PAHALAGAHAN, IBAYONG PAG-IINGAT SA SUNOG AY SA SARILING PAMAMAHAY SIMULAN”…

ITO ang tema ng Fire Prevention month kung saan nagsagawa ng mahabang parada ang Bureau of Fire Protection, Navotas Fire Volunteers, Local Disaster Risk Reduction Management Council at Navotas PNP sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit (LGU) ng Navotas sa pangunguna ni City Mayor John Rey Tiangco at ng lokal na pamahalaan.

Nagsimula ang parada pasado ala-una ng hapon sa Centennial Park, umikot sa buong siyudad dumaan sa M. Naval St., hanggang Tangos, lumiko ng Gov. Pascual at dumiretso ng C-4 at R-10, kumaliwa ng C-3 papuntang San Rafael Village at muling bumalik ng Centennial Park dumaan sa North Bay Blvd. at Lapu-Lapu habang nagbibigay impormasyon sa publiko sa pag-iingat at paano maiiwasan ang sunog.

Pinayuhan ni Mayor Tiangco ang mga residente na tiyaking nasa tama ang linya ng kuryente at regular na patingnan sa dalubhasa upang maiwasan ang electrical malfunction o faulty electrical wiring na kalimitang nagiging sanhi ng sunog.

Ayon naman kay P.I.O. BFP chief C/I.Ian Manalo, alisin sa plug ang mga de kuryenteng hindi ginagamit, mainam na may exit plan ang bahay, huwag magtago sa palikuran at pwede ka mamatay sa suffocation.

I-turn off ang circuit breaker kung magbakasyon, pag- aralan ang Drop, Cover, Roll bilang strategy, ilayo ang mga nakasusunog na bagay sa mga bata at regular na patingnan sa eksperto ang linya ng kuryente minsan o dalawang beses kada taon.

Waiter pinaslang sa harap ng ka-live-in

$
0
0

PATAY ang isang 27-anyos na waiter matapos pagbabarilin sa harap ng kanyang live-in partner ng hindi pa nakikilalang salarin kahapon, Martes, sa Malabon City.

Si Oliver Mendoza, ng Blk. 2 Kadima St., Brgy. Tonsuya ay isinugod ng kanyang ka-live-in na si Leslie Jagacijas sa Pagamutang Bayan ng Malabon subalit hindi na rin umabot nang buhay sanhi ng tama ng bala sa katawan at ulo habang mabilis namang nakatakas ang suspek patungong Damata Plaza sa Brgy. Tonsuya.

Ayon kay Malabon police homicide investigator PO2 Aaron Blanco, naglalakad pauwi si Mendoza at kanyang asawa sa Blk. 1 Damata pasado 5:15 ng hapon nang biglang sinabayan ng suspek at walang sabi-sabing malapitang pinutukan sa ulo ang biktima na agaran nitong ikinamatay.

Nakarekober sa pinangyarihan ang dalawang empty shells at deformed na bala ng kalibre .45 at ibinigay sa PNP Crime Laboratory para sa ballistic examination.

Ayon kay Malabon police C/Insp. Lucio Simangan, agad niyang inatasan ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng follow-up operation para makilala ang salarin habang inaalam pa ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

Nakipag ugnayan naman ang mga awtoridad sa may-ari ng establisyimento kung saan nakakabit ang closed circuit television (CCTV) camera malapit sa pinangyarihan. ROGER PANIZAL

Rep. Atienza pinasarinan si Sen. Pacquiao dahil sa magkaibang na prinsipyo

$
0
0
“HUWAG makalimot sa iyong pinanggalingan.”
Ito ang payo ni  Buhay Partylist Rep. Lito Atienza  kay Senator Manny Pacquiao kaugnay sa mga isyu sa bansa ngayon na kanilang ipinaglalaban.
 
Sa ginanap na pulong balitan ng Brewed caster sa Maynila, sinabi ni Rep. Atienza na mula nang mawala sa pagiging Katoliko si Pacquiao ay kung saan-saan na napupunta ang kaniyang pananaw.
 
Ginawa ng kongresista ang kanyang pasaring sa pambansang kamao dahil na sa hindi nila pagkakatugma ng pananaw sa death penalty.
 
Si Atienza ay isa sa pangunahing kritiko ng death penalty  bill sa Kamara habang si Sen. Pacquiao naman ang tagapagsulong nito sa Senado.
 
Magkaiba rin ang pananaw ng dalawa sa usapin ng form of government ng Pilipinas kung saan isinusulong ni Atienza ang Presidential Parliamentary sa pamamagitan ng constitutional convention habang si Pacquiao naman ay pro-Federalism sa pamamagitan ng constitutional assembly.
 
Payo ni Atienza kay Pacquiao na huwag gagayahin ang uso at magdesisyon ng tama.
 
Dapat na rin aniyang  bumalik na sa kanyang pananampalataya upang hindi siya maligaw ng direksiyon.
 
Matatandaan na si Atienza ay kilalang masugid na taga-suporta ni Pacquiao noong panahong nagsisimula pa lamang  ito sa larangan ng pagboboksing kung saan itinuring nitong adopted son ng Maynila si Pacquiao . JOCELYN DOMENDEN-TABANGCURA

Sec. Andanar mananatili sa gabinete ni Pang. Duterte

$
0
0
ITINANGGI ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar na siya na ang susunod na kakalusin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula sa kanyang gabinete.
 
Aniya, nakatakdang mang ibalik ni Pangulong Duterte ang pangalang Office of the Press Secretary (OPS) kapalit ng PCOO ay hindi aniya nangangahulugan iyon na sibak na siya sa puwesto.
 
“Itong reorganization na salita, it happens in any organization. Nagre-reorg tayo and it happens also in government. Ire-reorganisa ang PCOO at hindi ako ang ire-reorganisa,” ani Sec. Andanar.
 
Ang totoo aniya ay kinausap niya noong nakaraang linggo si Special Assistant to the President Bong Go ukol sa bagay na ito at kinausap din niya PCO Undersecretary Ernie Abella at doon aniya ay inilatag niya ang kanyang mga plano sa PCOO.
 
“I plan to reorganize Presidential Communications Operations Office, kasi sa lahat ng mga undersecretary ng PCOO, si Spokesperson Abella lang ang Undersecretary  doon na wala masyadong—masyasdong tao sa ilalim. Kumbaga, ang kanyang responbilidad ay iyong magsalita sa Pangulo; pero wala masyadong administrative work involved,” anito.
 
At upang mas maging kapaki-pakinabang aniya ang posisyon ni Usec. Abella ay itinalaga niya rito ang Content and Messaging Division.
 
“Kasi nga ang laki ng ahensiya, ang laki ng departamento. Meron kang PIA, meron kang PNA, meron kang APO, meron kang NPO, PTV, Radyo ng Bayan, IBC, BCS, News and Information Bureau. Napakadami at may content pa at lahat ng ito ay ako iyong nasa itaas, ako iyong nagpapatakbo. Tapos meron tayong Usec for Finance and Admin, may Usec tayo for legal affairs, meron tayong Usec for GOCCs and agencies at meron tayong Usec for…si Spokesperson Abella, the Spokeperson. Kaya sabi ko kay…ito iyong plano ko.  At pumayag naman si SAP Bong Go at pumayag din naman si Undersecretary Abella. Kaya iyon, kaya naglabas ako ng Department Order na magkaroon ng reorganization nung February 27. Iyon po ang klaro doon,” lahad nito.
 
 Malinaw na malinaw aniya na walang mangyayaring sibakan ngayon. KRIS JOSE


Road rage suspek nagtatago sa Boracay, tinutugis na ng QCPD.

$
0
0
 
KINUMPIRMA ngayon ng Quezon City Police District na nasa Boracay ang road rage suspek na si Fredison Atienza na tinuturong bumaril at nakapatay sa motorcycle rider na si Anthony Mendoza noong Sabado ng hapon, Feb. 25,2017.
 
Ayon kay QCPD Director  P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar matapos ang insidente nitong nakalipas na Sabado, agad na nagtungo si Atienza  sa Boracay para magtago.
 
Inaasahan kanina na  babalik ng Metro Manila ang suspek pero hindi siya nagpakita sa tanggapan ni Eleazar para sumuko kung saan nagpadala na ang QCPD ng mga tauhan sa Boracay para hanapin siya.
 
Inantabayanan ngayon araw at  nakipag-ugnayan na ang mga tauhan ng QCPD sa PNP Boracay para matunton at madakip ang road  rage suspek  para  mailuwas sa Quezon City upang maisampa na ang kasong kanyang kinakaharap.
 
Nanawagan naman ang QCPD sa mga residente sa Boracay  na tulungan silang mahagilap ang suspek upang mabigyan na ng hustisya ang biktimang si Mendoza. SANTI CELARIO

Angel Manalo at 26 iba pa, dinampot sa pamamaril

$
0
0
SASAMPAHAN ng kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang 27 na tiniwalag na miyembro ng Iglesia ni Crito (INC) na kabilang na si  Felix Nathaniel ” Angel”  Manalo at kapatid nitong si Lolita na inaresto dahil sa pagpapaputok ng baril sa loob ng kanilang compound na ikinasugat ng dalawang pulis sa Tandang Sora, Quezon City kamakalawa ng hapon .
Ayon sa ulat ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU)  inihahanda na nila ang kasong illegal possession of firearms at frustrated murder laban sa grupo ni Manalo matapos na makuhanan ang mga ito ng mga armas at makasugat sa dalawang pulis na sina PO2 Henry Hular at PO3 Joemarie Oandasan.
Habang  narekober sa lugar  ang mga armas tulad ng isang M16, 1 Shotgun; dalawang carbin; isang rifle grenade at isang caliber 40 pistol.
Nag-ugat ang  insidente sa pag-aresto sa 32 katao habang naghahain ng search warrant  ang mga operatiba ng QCPD-SWAT team sa tahanan ni Manalo subalit pinaputukan ang mga awtoridad  kung kaya’t  pansalamantalang naantala ang operasyon.
Makalipas ang ilang oras  ay nagpasya ang QCPD SWAT team na pasukin ang compound sa pamamagitan ng pagdaan sa backdoor ng gusali, subalit habang papasok ay pinaputukan sila ng suspek na si Jonathan Ledesma na naging sanhi para tamaan sina PO2 Hular at  PO3 Oadasan.
Sa kasalukuyan, ang grupo ni Manalo ay kasalukuyan nakadetine sa District Public Safety Batallion (DPSB) habang inihahanda ang kaso habang ang tatlong  menor de edad ay itinurn over na sa pangangalaga ng Women and Children Protection Desk (WCPD). SANTI CELARIO

Palasyo kay Sen. de Lima: Tigilan na ang panloloko sa sarili

$
0
0
PINAYUHAN ng Malakanyang ang detinadong si Sen. Leila de Lima na sulatan ang sarili at sabihan ito na tigilan na ang panloloko sa kanyang sarili at sa taumbayan.
 
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kailangang tanggapin ni Senador de Lima ang katotohanan na siya mismo ang gumawa ng kanyang sariling kumunoy na kinasadlakan nito ngayon.
 
Bukod dito, nagdudumilat aniya sa survey na kalahating milyon ang nais na manatili siya sa kulungan habang 5,000 lamang ang gusto na siya ay makalaya.
 
“She is paying a karmic debt,” ayon kay Sec. Panelo.
 
Sa isang pahinang handwritten letter ni  Senador de Lima kay Pangulong Duterte, sa Philippine National Police (PNP) at sa mga presidential defenders ay hayagang kinastigo nito ang lantarang pagtanggi na ang nangyayaring pagpatay sa mga pinaghihinalaang drug offenders ay kagagawan ng gobyerno.
“Stop insulting our intelligence… Stop fooling our people and the rest of the world. As I keep on saying — truth has become the first major casualty in their so-called war on drugs,” anito.
Ang liham ni  Senador de Lima ay inilabas matapos na ipalabas naman ng New York-based Human Rights Watch ang kanilang report ukol sa giyera ng pamahalaan sa illegal na droga.
Ang ulat ng international human rights group na nagbibigay ng maling ebidensiya ang kapulisan upang mabigyan ng katarungan ang labag sa batas na pagpatay ng mga ito na may kinalaman sa giyera sa illegal na droga na nagresulta ng pagkamatay ng 7,000 katao. KRIS JOSE
 

Drug den sa Cubao sinalakay ng PDEA

$
0
0
AABOT sa 200,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos salakayin ang isang drug den sa Cubao,Quezon City kahapon.
 
Ayon sa PDEA, aabot sa 15 katao ang nadakip ng mga otoridad na hinihinalang gumagamit ng bawal na gamot  matapos salakayin ang isang lugar  sa St. Martin De Porres, Cubao, QC dakong 2:00 ng hapon.
 
Sinabi ng PDEA na target ng naturang operasyon ang isang alyas Jasmin sa lugar.
 
Kabilang sa mga dinakip ang mga kalalakihan na umano’y gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
 
Nabatid sa ulat na ang naturang lugar ay ginagamit na drug den ng mga nagnanais na gumamit ng illegal drugs.
 
Aalamin ang mga dinakip kung may dating record sa illegal drugs o dati nang nahuli sa mga drug operation na inilunsad ng mga otoridad. SANTI CELARIO
 

100-katao dinampot sa ikinasang ‘Oplan Rody’ sa Paranaque

$
0
0

TIMBOG ang halos 103 katao sa ikinasang ‘Oplan Rody’ o ‘Rid the streets of Drinkers and Youth’ sa Paranaque City kagabi.

 Ayon kay Paranaque City chief of police Senior Supt. Jemar Modequilo, inaresto nila ang mga lumabag sa City Ordinance sa Brgy. San Dionisio at Brgy. San Isidro.

 Kabilang sa mga hinuli ay 46 menor de edad na lumabag sa curfew, 31 dahil sa paginom ng alak sa pampublikong lugar, 15 half-naked at 11 na may warrant of arrest.

Pinag-push up ang mga nahuling walang damit pang-itaas, pinagalitan at pinasundo naman sa kanilang mga magulang ang mga menor de edad na lumabag sa curfew.

Aabot naman sa 24 na motorsiklo ang nahuling walang kaukulang papeles o rehistro.

Ayon kay Modequilo, layuin ng Oplan Rody na mabawasan ang krimen lalo na sa gabi at madisiplina ang mga residente lalo na ang mga kabataang nasa lansangan sa dis-oras ng gabi.

Sibakan sa puwesto, asahan: may susunod kay Laviña-Pang. Digong

$
0
0
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ilang opisyal pa ng pamahalaan ang siguradong malalagas sa puwesto dahil nasasangkot sa katiwalian.
Anito, uunahin niyang sibakin sa puwesto  ang kanyang mga itinalaga sa gobyerno.

Matatandaang idinaan sa speech ni Pa­ngulong Duterte noong Feb. 24 sa Davao City ang anunsyo nito na may isang taga-Davao ang kanyang sinibak dahil sa alingas­ngas na nasangkot ito sa corruption pero hindi niya pinangalanan.

Makalipas ang ilang araw ay nagsumite naman ng kanyang resignation letter si  National Irrigation Administration (NIA) Chief Peter Tiu Laviña, dating campaign spokesman ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi na makayanang paninira sa kanya ng ilang tao at pag-aakusa na nanghihingi ng pera o 40% komisyon sa mga contractor ng NIA.

Binigyang diin ni Laviña na walang katotohanan ang mga paratang sa kanya  at sa katunayan ay ginagawa niya ang lahat para isulong ang reporma sa ahensiya na magbibigay ng malaking pakinabang sa mga magsasaka sa bansa.

Ang pagbibitiw niya sa puwesto ay upang iiwas at hindi madamay sa kahihiyan  si Pangulong Duterte at ang NIA dahil sa mga alegasyon sa kanya.

Pinasalamatan naman  ni Laviña si Pangulong Duterte dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya nito.

Nobyembre noong nakaraang taon ay itinalaga ni Pangulong Duterte si Laviña bilang NIA chief. KRIS JOSE

Pag-alis sa kasong Plunder sa death penalty bill, oks lang sa Palasyo

$
0
0

HINDI tutol si Pangulong  Duterte sa ipinasang Death Penalty Bill ng Kongreso kung saan tinanggal ang kasong plunder sa sasaklawin ng panukalang batas.

Ang katwiran ng pangulo ay wala naman kasi siyang balak pumatay ng mga plunderers o mga magnanakaw sa pera ng bayan sa kabila ng pangakong tapusin ang korapsyon sa bansa.

Matatandaang tanging mga drug-related cases na lamang ang natitirang papatawan ng parusang kamatayan matapos alisin ang ibang heinous crimes gaya ng rape.

Sa kabilang dako, aalamin naman ni Pangulong Duterte kung bakit inalis ng mga kongresista ang kasong rape sa saklaw ng death penalty bill.

Ang kasong rape ay krimen na hayagang lumalabag sa dignidad ng isang tao.

Pero ipapaubaya na raw ng pangulo sa mga kongresista ang papasya at game plan dahil sila naman daw ang kinatawan ng mga mamamayan. KRIS JOSE


10 miyembro ng ASG patay sa bakbakan sa Sulu

$
0
0

LAGAS ang 10 bandidong Abu Sayyaf, habang 17 pitong sundalo naman ang sugatan sa panibagong bakbakan na naganap sa Sulu kahapon.

 Ito na ang ikalawang engkwentrong naganap sa pagitan ng bandidong grupo at pwersa ng pamahalaan mula noong Linggo, kung kailan pinugutan ng Abu Sayyaf ang banyagang bihag nilang si Jurgen Kantner.

 Kabilang sa mga napatay na miyembro ng ASG ay dalawang apo ng kanilang leader na si Radulan Sahiron.

 Ayon kay Maj. Gen. Carlito Galvez na pinuno ng Western Mindanao Command, naganap ang ikalawang engkwentro sa Brgy. Kanagi sa bayan ng Patikul sa Jolo Island, ilang oras lang bago dumating doon si Pangulong Rodrigo Duterte.

 Ang mga nasugatang sundalo sa naturang engkwentro ang binisita ni Pangulong Duterte nang pumunta siya doon.

 Sa sagupaan naman noong Miyerkules, 11 sundalo ang nasugatan, habang limang miyembro naman ng Abu Sayyaf ang napatay. JOHNNY ARASGA

Ilan sa SSS pensioners hindi agad makatatanggap ng umento sa pension

$
0
0

NILINAW ng SSS o Social Security System ang  reklamo ng ilang pensioner na hindi nila natanggap ang ipinangakong P1,000.00 dagdag sa kanilang pension, Marso 3.

 Ayon kay SSS President Amado Valdez, posibleng na-delay lamang o di kaya ay napa-aga lamang ang pag-check ng ilang pensioner sa kanilang mga ATM.

Tiniyak naman ni Valdez na ngayong Sabado ay mapapasakamay na ng mga hindi pa nakakakuhang pensioner ang kanilang dagdag na pensyon.

Tinatayang nasa P6.9-B ang inilaan ng pamahalaan para sa first quarter release ng dagdag na pensyon ng mahigit 2.2 milyong mga retirado.

Samantala, kasalukuyan pang pinag-aaralan ng SSS kung kailan naman ipatutupad ang dagdag na singil sa kontribusyon ng mga miyembro nito. JOHNNY ARASGA

Bagong batch na may kasong pulis, dumating na sa Basilan

$
0
0

DUMATING  na sa Basilan ang panibagong batch ng mga pulis na may kinakaharap na kaso, hapon ng Sabado.

 Kasunod ito ng paglinis ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang hanay sa kabila ng mga alegasyon sa ilang mga pulis na sangkot sa mga illegal na gawain.

 Nasa 51 mga pulis ang dumating ngayong weekend sa lalawigan ng Basilan.

 Pagdating ng mga naturang pulis ay agad silang dinala sa provincial police office para sa orientation at sumailalim ang mga ito sa drug testing at medical exam.

 Ayon kay Police Senior Supt. Nickson Muksan, ang mga nasabing pulis ay idedestino sa ibat ibang istasyon sa probinsya.

 Matatandaang na noong February 21, nasa 53 na mga pulis ang una ng dumating kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.  JOHNNY ARASGA

Ulo ng pinugutang German, natagpuan na

$
0
0
SINABI ni Presidential spokesperson  Ernesto Abella na nakapanghihina at nakalulungkot na natagpuan na ang pugot na ulo ng German national na si Jurgen Kantner sa Talibang, Brgy. Buanza, Indanan sa Sulu.
Si Kantner ay pinugutan ng ulo ng bandidong Abu Sayyaf matapos na mabigong magbayad ang kanyang pamilya ng P30 milyon bilang ransom  kapalit ng kanyang kalayaan.
Subalit sa kabilang banda ayon kay Usec. Abella ay parang nabunutan naman ng tinik ang kanilang pakiramdam dahil nalutas na rin ang  matagal nang paghahanap sa nawawalang ulo ni Kantner.
Aniya, makailang ulit nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang terorismo ay itinuturing nitong “twin scourge” ng narco-politics.
Tiniyak nito na hindi tatantanan ng pamahalaan ang kasamaan ng extremism at plain banditry.
“We reiterate our sincere sympathies to the family of Mr. Kantner, as well as to  the rest of the German people, for this modern-day cruelty. Rest assured these mindless acts will not go unpunished,” ayon kay Usec. Abella.
Sa ulat, sinabi ni Joint Task Group Sulu (JTF-SULU) Commander Col. Cirilito Sobejana na natagpuan na ang bangkay ni Kantner.
Nagsasagawa aniya ang JTF-SULU ng combat, search and retrieval operations nang matagpuan ang bangkay ng biktima.
Agad namang niyang hiniling sa Scene of the Crime Operatives  (SOCO) na i-preserba ang crime scene at agad na magsagawa ng post mortem examination sa katawan ni Kantner.
Posible umanong idiniretso sa morge ng Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital ang labi ni Kantner  habang kinu-kumpleto ang mga papeles nito para i-byahe. KRIS JOSE

Pumatay sa miyembro ng Masculados, tiklo

$
0
0

NAKUWELYUHAN ng pulisya ang mga pumaslang kay Marcelo “Ozu” Ong, miyembro ng Masculados Dos entertainment group sa Quezon City kaninang Linggo ng umaga.

Hindi na nakapalag pa ang mga suspek na si Kristopher Ernie at mga kasamahang sina Joselito Pangilinan at Reedlani Eclarenal nang palibutan ng mga pulis ang bahay nito sa Atherton St., Brgy. Sta. Lucia, North Fairview Subd., Q.C.

Nakatakas naman ang isa pang kasama nilang si Dennis Franco.

Nabatid na noong nakaraang Nobyembre pa inilabas ang arrest warrant kay Ernie kaugnay ng carjacking incident na ikinamatay ni Ong at seaman na si John Agbayani sa Angono, Rizal noon namang Agosto 2015.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .45 na baril, isang fan knife, anim na sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at dalawang sasakyan.

Ayon sa pulisya, nauna nang naaresto ang grupo ni Ernie noong 2015 dahil sa droga, pero nakalaya rin. BOBBY TICZON

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>