Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Teachers sa eleksyon umapela sa Comelec

$
0
0

UMAPELA ang grupo ng mga guro sa Commission on Elections (Comelec) na taasan ang kanilang honorarium para sa gagawin nilang pagsisilbi sa May 13 midterm elections bilang Board of Election Inspectors (BEIs).

Nagtungo ang grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila upang ipaabot ang kanilang panawagan.

Ayon kay ACT chairperson Benjie Valbuena, nais nilang mula sa P3,000 ay itaas ang honorarium ng BEI sa P6,000 lalo na’t “by clustered” na ang mga presinto ngayon.

Aniya, ilang araw na lang ang eleksiyon pero wala pa ring sinasabi si Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. kung madadagdagan ang kanilang kumpensasyon.

“Yung totoo, nabawasan pa. Dating P4,300 ay naging P4,000 na lang,” ani Valbuena.

Hindi rin aniya nagbigay ng anumang paliwanag si Brillantes kung bakit nabawasan ang kanilang honorarium.

Sakali naman aniyang hindi talaga kayanin, kahit man lang aniya ibalik na lamang ng poll body ang inalis nitong P300 sa honorarium ng mga BEI noong 2010 elections.

Nabatid na dati rati ay may kabuuang P4,300 na allowance ang mga guro ngunit ngayon ay kabuuang P4,000 lamang ang kanilang matatanggap.

Sa panig naman ni Brillantes, sinabi nito na walang pagbabawas ng allowance ng mga guro.

Ipinaliwanag nito na ang mga gurong nagsilbi noong 2010 polls ay tumanggap ng P3,000 honoraria; P500 para sa inspection, verification at sealing of Book of Voters; P500 para sa Final Testing at Sealing ng mga PCOS machines at P300 para sa one-time transportation allowance ng mga ito o kabuuang P4,300.

Ngayong 2013, inaasahang makakatanggap sila ng P3,000 na honoraria, P500 para sa Final Testing at Sealing ng mga PCOS machines at tinaasan pa ang one-time transportation allowance at ginawang P500 o kabuuang P4,000.

Nabawasan lamang aniya ang bayad sa mga guro dahil nabawasan rin ang kanilang trabaho.

Dati aniya kasi ay binibigyan sila ng karagdagang P500 para sa inspection, verification at sealing ng Book of Voters, na hindi naman bahagi ng kanilang tungkulin bilang BEI para sa May 13 midterm elections.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>