TODAS ang isang German national makaraan atakehin sa puso sa Barangay Pagdalan Norte sa San Fernando, La Union.
Kinilala ang biktima na si Helmoc Alex, 69, ng naturang lugar.
Nabatid na nagpasaklolo ang biktima sa asawa nitong si Evangeline Alex, tubong Atabay, Bugias, dahil sa paninikip ng dibdib nito.
Humingi naman ng tulong si Evangeline sa mga kapitbahay at nakatawag naman ng doctor ang mga ito ngunit hindi rin pinalad na mabuhay pa.
Isasailalim naman sa awtopsiya ang bangkay upang malaman ang totoong ikinamatay nito.