Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pangamba ng publiko sa PCOS papawiin ng Comelec

$
0
0

NAGPAHAYAG ng pag-asa si Commission on Elections (Comelec) chairman Sixto Brillantes Jr. na mapayapa nang isasagawa ang final testing at sealing ng mga precinct count optical scan (PCOS) machines sa Mayo 6, para pawiin ang pangamba ng publiko hinggil sa kakayahan ng mga makinang gagamitin sa nalalapit na May 13 midterm elections.

Ayon kay Brillantes, kasama sa final testing and sealing, na isasagawa sa lahat ng voting precincts sa buong bansa, ang paggamit ng 10 balota kada PCOS machine.

Ang mga naturang balota ay bibilangin ng mga PCOS machines, saka bibilangin din ng manu-mano upang makita ang “accuracy” ng makina.

Kaugnay nito, tiniyak rin ni Brillantes na hindi na mauulit pa ang mga nangyari noon na nagpalit ang Comelec ng compact flash (CF) cards ng PCOS, dalawang linggo na lang bago ang May 10 presidential elections.

Natuklasan kasi noon na hindi maayos ang pagkaka-program ng CF cards kaya’t kinailangan itong palitan sa huling sandali.

Gayunman, hindi na aniya magaganap ang naturang insidente sa gaganaping eleksiyon sa susunod na buwan.

Siniguro rin naman ni Brillantes na kung sakali mang may maganap na hindi inaasahang pangyayari ay may mga back up naman silang CF cards na maaaring gamitin ngunit tumanggi naman itong ihayag kung saan itinago ang mga nasabing memory card.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>