HANDS OFF ang Malakanyang sa sinasabing pagbalimbing ni Albay Governor Joey Salceda, LP chairman para sa Region V nang i-endorso nito ang ilang kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA).
Sa katunayan ay ipinaubaya na ng Malakanyang kay Senador Franklin Drilon, campaign manager ng Liberal Party (LP) ang pananabon kay Governor Salceda.
“Alam nyo ho, hindi ho kami involved sa campaign so we will leave it with Senator Frank Drilon. We will leave it with Frank Drilon and the LP to discuss it with Joey—Governor Salceda. Hindi kasi kami involved e. So we would like to put a distance. Bahala na po ang LP at saka si Senator Frank Drilon,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.
Sinabi ni Sec. Lacierda na kailangan na ang isang taga-LP sa oras na manumpa bilang miyembro ng partido ay hindi nararapat na namamangka sa dalawang ilog.
“We know our position but we are not involved in the day-to-day operations. But we expect LP people to endorse LP candidates. You are a sworn member of the LP (Liberal Party) and we expect you to endorse the candidates—the national candidates of the Liberal Party,” diing pahayag ni Sec. Lacierda.
Sa ulat, sinabi ni Salceda na bagama’t nasa LP siya ay patuloy niyang ie-endorso sina San Juan Representative Joseph Victor Estrada at Juan Miguel Zubiri, kapwa ng UNA.
Ang lalawigan ng Albay ang nagbigay kay Pangulong Aquino ng masasabing isa sa “biggest leads” sa 2010 elections.