Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pekeng pulis lamog sa taumbayan

$
0
0

BUGBOG  sarado sa taumbayan ang isang  nagpanggap na pulis matapos mangholdap ng pasahero sa Tondo, Maynila.

Arestado ang suspek na si Rommel Sebastian, 41, ng 1319 Masinop Street Tondo Maynila dahil sa reklamo ng biktimang si Winifredo Torres, 39,  ng 139  Halcon Street Laloma, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Edgar Julian ng MPD ANCAR, alas-12:00 ng madaling-araw kanina nang isagawa ng suspek ang insidente sa Wagas  at Lakandula Street Tondo, Maynila.

Nauna rito,  naging pasahero ng biktima ang suspek nang sumakay sa Blumentritt at nagpahatid sa area ng Tondo.

Nang may madaanang  tindahan ay inutusan ng suspek ang biktima na bumili ng sigarilyo ngunit pagbalik nito  ay  wala na ang kanyang minamanehong tricycle  na Honda Motorcycle  na may plakang (1170-TA) kaya inireport ito sa pulisya.

Ganap na ala-1:00 kaninang madaling araw  ay namataan ng biktima ang kanyang  tricycle sa  Blumentritt na nakaparada kaya humingi ng  tulong  kay Antonio Villaruel, tanod ng Barangay 33, Zone 3 .

Nang makita ang suspek ay nagkaroon ng habulan hanggang sa makarating sa Tondo, na naging dahilan upang makorner ng taong bayan at nabugbog ang pekeng pulis.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>