PATAY ang 43-anyos na suma-sideline sa pedicab matapos barilin ng kanyang pasahero sa Tondo, Maynila.
Namatay noon din si Ronnie Bruta, may live-in partner, isang helper sa isang Cargo Trucking ng 220 Int., 60 Rodriguez St., Balut, Tondo. Sanhi ng tama ng bala sa tenga.
Inaalam na ang pagkakakilanlan sa dalawang suspek na agad tumakas sakay ng isang motrosiklo.
Sa report, alas-2:00 ng hapon nang naganap ang insidente sa harapan ng San Rafael Church sa Rodriguez St., Balut, Tondo.
Nauna rito, sumakay ang mga suspek sa pedicab ng driver sa kanto ng Honorio Lopez at Rodriguez Ave., at nagpahatid sa loob ng subdivision ng San Rafael subalit pagsapit sa harapan ng nasabing simbahan ay pinagbabaril ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.
Ayon sa live-in partner ng biktima, wala siyang alam na kagalit ang kanyang mister na bukod sa pagiging helper sa isang trucking company ay suma-sideline din bilang pedicab driver.