Image may be NSFW.
Clik here to view.TODAS ang isang empleyado ng Liberal Party sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur nang barilin ng hindi pa nakikilalang armadong lalaki bandang alas-8:45 kaninang umaga sa Purok Tinangkong Uno, Brgy. Balintawak.
Kinilala ang biktima na si Nelson Escario, driver ni Tyrone Singco, dating chief of staff ni ex-Governor Aurora Ceriles.
Naniniwala naman ang liderato ng Liberal Party sa lugar na posibleng may kinalaman sa plunder charges na inihain ni Singco sa mag-asawang Aurora at Antonio Cerilles kung saan ang biktima ang isa sa mga tumayong testigo, at kasalukuyang affiliation ng biktima.