UMABOT sa 13 katao ang namatay nang sumiklab ang riot ng inmates sa Estado ng San Luis Potosi jail sa Mexico City kaninang umaga.
Batay sa impormasyon, gumamit ng homemade knives ang grupo ng mga preso sa pag-atake sa kanilang kaaway na grupo.
Inabot din ng ilang oras bago nagawang kontrolin ng awtoridad ang madugong insidente.
Nabatid na karaniwan na ang mga karahasan sa mga overcrowded na bilangguan sa Mexico dahil sa magkakaaway na drug gangs.
Maliban sa mga namatay, may ilang preso rin ang naitalang sugatan sa naturang riot.