INUGA ng magnitude 4.1 na lindol ang ilang bahagi ng hilagang Luzon nitong araw ng Linggo lamang.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ito kaninang ala-1:14 ng madaling-araw.
Natukoy ang epicenter nito sa 12 kilometro hilagang silangan ng Pasuquin, Ilocos Norte.
May lalim iyon na 50 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang naitalang nasaktan dahil sa lindol.