Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

UPDATE: Family feud ugat ng ambush sa Lanao

$
0
0

KINUMPIRMA ni Nunungan re-electionist Mayor Abdulmalik Manamparan na away pamilya o rido ang motibo sa pananambang sa kanila sa Lanao del Norte nitong Huwebes ng gabi (Abril 26).

Umabot sa 12 katao ang namatay kabilang ang anak niya na si Adnani habang siyam naman ang sugatan kabilang na ang alkalde sa nangyaring pananambang sa convoy ni Manamparan sa bayan ng Nunungan.

Sa testimonya ni Manamparan sa PNP, nakilala nila ang mga lalaking nagpaulan ng bala sa may bahagi ng Barangay Malaig.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni Lanao del Norte police provincial director S/Supt. Gerardo Rosales ang mayor na sampahan ng pormal na reklamo ang mga taong responsable sa insidente.

Aminado si Rosales na mahigpit na tinututukan ngayon ng PNP ang dalawang prominenteng pamilya sa lugar dahil sa posibleng magkaroon ng paghihiganti.

Sa ngayon stable na ang kondisyon ni Mayor Manamparan at kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital sa Lanao del Norte.

Si Manamparan ay muling tumatakbong mayor sa ilalim ng partidong Nationalist People’s Coalition (NPC).

Iniutos na rin ni Lanao del Norte Gov. Khalid Dimaporo na siguraduhing ligtas sa panganib ang iba pang mga biktima.

Samantala, inilunsad na rin ang malawakang pursuit operation ng militar at pulisya laban sa mga responsable sa krimen.

Ito na ang pangalawang beses na mayroong nangyaring convoy ambush sa Hilagang Mindanao na kabilang sa kinasangkutan ang misis ni dating Vice President Teofisto Guingona Jr na si Gingoog City Mayor Ruthie de Lara Guingona na sugatan, habang patay naman ang dalawang civilian escorts nito nang inatake ng grupo ng New People’s Army (NPA) sa Misamis Oriental noong nakaraang linggo.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>