LOVE ng mga Pinoy ang kumain lalong-lalo na ng mga street foods na available everywhere.
Nandyan ang ihaw-ihaw gaya ng barbeque, isaw, betamax, paa at iba pa. Nagkalat din sa lansangan ang mga nagtitinda ng tusok-tusok gaya ng fishballs, one day old, kikiam at maraming iba pa.
Ngayong tag-init, pinayuhan at pinaaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat sa pagbili at pagkain ng mga street foods.
Ayon sa DOH, tuwing mainit ang panahon ay dumarami ang bilang ng mga nadadale ng diarrhea dahil lapitin ng mikrobyo ang mga pagkain.
Sinabi ni Dr. Lyndon Lee Suy, na dapat mag-ingat dahil ang mga pagkain sa kalye ay naka-expose sa lahat ng carrier tulad ng mga insekto gaya ng langaw, na may dalang germs.
Hindi lang ang mga mahihilig kumain ang pinayuhan ng DOH kundi lalong-lalo na ang mga vendor. Ayon sa DOH, dapat na magdoble-ingat sa paghahanda at pagluluto ang mga vendor para matiyak na malinis ang mga pagkaing itinitinda at ipinagbibili nila..
Importante rin ayon kay Suy na maging malinis sa katawan ang mga nagtitinda ng pagkain upang tangkilikin ito ng mga maimili at sure na ligtas ang mga ito sa anomang sakit.