ILILIBING na bukas, Sabado si Mary Cherrie Inzon, graduating student ng Siena College na napatay sa isang aksidente na kinasasangkutan ng isang cement mixer truck at pampasaherong jeep sa Quezon City, nitong Martes sa Himlayang Pilipino sa Quezon City.
Bago ang libing, magdaraos muna ng misa at necrological service sa Immaculate Heart of Mary parish dakong alas-9:00 ng umaga, dagdag pa ng ulat.
Kasabay nito, pinalabas na nitong Miyerkules ng gabi sa QCPD detention cell ang drayber ng mixer truck na si Reynald Garte matapos patawarin ng pamilya ng biktima.
Humingi ng kapatawaran si Guarte sa pamilya Inzon at idinepende na ang insidente ay isang aksidente. Mismong ang nanay ni Cherrie na si Salvacion ang nagsabing pinatawad na ito ng kanyang pamilya.