Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Walang cabinet revamp – Malakanyang

$
0
0

WALANG malalagas na miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III bago at pagkatapos ng eleksyon sa bansa.

Tiniyak ni Pangulong Aquino na kontento siya sa magandang performance ng kanyang cabinet members bagama’t sa una aniya ay nangangapa pa ang mga ito sa kanilang trabaho.

“You start with a premise that you are all imperfect beings and you can always improve, ano. So kung may ganoon… May… ‘Yung constant ‘non e. For instance, kanina pinag-usapan natin ‘yung statistics para bang hindi ba natin pwedeng malaman in a shorter timeframe? Parang ang tagal ng reporting procedure.‘Yung what happened this quarter will be reported two quarters down the line. Tapos I keep emphasizing: ‘pag dumating ‘yung data useful pa o hindi na? And you name it, ano, any other issue can we do it…,” ani Pangulong Aquino.

Bukod dito, kapuri-puri aniya ang ilan sa miyembro ng kanyang gabinete na ginagawa ang lahat para sa ikatatagumpay ng kanilang liderato.

“DPWH is one that I keep on harping on. I asked Secretary (Rogelio) Singson, nakaka-impress naman kayo. ‘Yung bid price, ano, parati ninyong napapasok lower cost—ang dalas napapasok ninyo lower cost. Sabi ko, darating ba—mali ba ‘yung pag-estimate natin? Agriculture, ‘yung parang… Besides sa production at saka marketing domestically, there are marketing—ensuring the supply that you will enable us to be able to really expand ‘yung export aspect not just for rice,” anito sabay sabing “Meron pang isang commodity na hindi ko na muna babanggitin na sinabing sabay na raw tayo sa self-sufficiency at mas marami pang pwedeng i-export than rice, and then others that we’re developing like ‘yung goat meat, ‘yung various shell fish and so on.”

At ang bottom line aniya ay bukas ang pamahalaan sa pagpapa-improve ng lahat ng proseso sabay sabing “economist ako by training e. So maximum utility of each input is the mantra.”

Magugunitang, napaulat na may naghihintay na posisyon kina Senador Panfilo Lacson at Senador Francis Pangilinan matapos ang termino ng mga ito ngayong Mayo.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>