NAALARMA ang mga kongresistang kasapi sa minorya sa balitang maraming mag-aaral ng pamilyang umaasa sa industriya ng niyog ang hindi makapgpapatuloy ng kanilang pag-aaral ngayong Hunyo.
Dahil dito, inudyukan ni Incoming Minority Leader Danilo Suarez si Pangulong Aquino na gamitin ang malakas na impluwensya para maisulong ang coconut industry ng bansa matapos na mapabilang sa “100 most influential people of 2013.”
Partikular dito ang naluluging mga coconut farmer dahil mas naipo-promote pa ang palm oil mula sa indonesia at malaysia kumpara sa coconut oil sa bansa.
Ayon kay Romualdez, makakatulong ang malakas na impluwensya ng Pangulong Aquino para maisulong sa labas ng bansa ang coconut oil upang matulungan sa kabuhayan ang mga magsasaka ng niyog sa bansa.
Sa ngayon aniya ay tanging ang mga mayayaman na dayuhan ang lalong nabebenepisyuhan dahil tinatangkilik ng mga tao ngayon ang palm oil kesa sa sariling gawa na coconut oil.
Ngunit sinabi pa ni Romualdez na mangangailangan ng pondo para sa international na pagsusulong ng coconut industry sa bansa.