UMABOT sa 100 bahay ang natupok ng apoy makaraang magkaroon ng sunog sa isang depressed area sa Bacolod City kaninang hapon.
Ayon kay Chief Inspector Bartolome Biliran, Bacolod City fire marshal, nakatanggap sila ng tawag na may sunog sa Barangay Banago bandang alas-12:08 ng hapon kung saan idineklarang under control bandang alas-1:45 ng hapon.
Ayon pa kay Biliran maaari pang tumaas ang 100 bahay na naiulat na natupok.
Pansamantalang tutuloy ang mga apektadong pamilya sa Domingo Lacson National High School.