Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pag-iiwan ng ‘holitrash’ sa Rizal Park, iwasan

$
0
0

KASUNOD nang pagsalubong sa Taong 2013 ng mga Pinoy mamayang hatinggabi, umapela ang waste and pollution watchdog na EcoWaste Coalition sa publiko na iwasan o limitahan ang kanilang holiday trash o ‘holitrash.’

Partikular na umapela ang grupo sa mga mamamayan na magtutungo sa Rizal Park upang doon salubungin ang Bagong Taon, na huwag naming mag-iwan ng kalat sa parke.

Nabatid na ang panawagan ng grupo ay kasunod ng ulat ng National Parks Development Committee (NPDC) na tone-toneladang basura ang iniwan sa makasaysayang Rizal Park ng may 750,000 hanggang 800,000 taong doon nagdiwang ng bisperas (Dec. 24) at araw ng Pasko (Dec. 25).

Ayon kay NPDC Spokesperson Kenneth Montegrande, may 50 truckloads ng basura, na karamihan ay mga plastic bags at Styrofoam containers, ang kanilang nakolekta sa lugar.

Sinabi naman ni Commissioner Romy Hidalgo, NGO representative ng National Solid Waste Management Commission at miyembro ng Steering Committee ng EcoWaste, na kaisa sila ng NPDC sa pagpapaalala sa mga tao na planong magtipon sa New Year’s countdown na respetuhin at huwag magkalat sa lugar.

“Things you bring to the park need to come back with you for proper recycling or disposal and should never be left behind,” aniya pa. “Let us not turn the sprawling green space of Rizal Park into a carpet of garbage such as discarded plastic bags, food containers and wrappers, and meal leftovers.”

Samantala, umapela rin ang EcoWaste Coalition sa park management at maging sa publiko na istriktong obserbahan at sundin ang “no smoking, no littering” policy ng parke, dahil ang naturang lugar ay lugar para sa pahingahan at recreation na dapat ay walang cigarette smoke at litter.

Nagpaalala pa ang grupo na ang sinumang mahuhuling nagkakalat o naninigarilyo sa park premises ay pagmumultahin ng P500 o di kaya’y magbibigay ng walong oras na community service para sa unang paglabag, multang P1,000-5,000 o 16-hour community service sa ikalawang paglabag at P5,000-10,000 multa para sa ikatlong paglabag.

Binigyang-diin pa ni Hidalgo na ang pagdiriwang ay hindi dahilan upang mag-iwan ng basura sa Rizal Park, lalo na’t ginunita pa lamang nitong Linggo ang Rizal Day.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>