NAKAPAGTALA ang Bureu of Immigration (BI) ng 66 na mga takas na banyaga na wanted sa iba’t-ibang uri ng sex crimes ang naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) na nagtatago sa Pilipinas ngayong taong 2012
Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David Jr., ang mga foreign fugitves ay naaresto ng mga tauhan ng BI Fugitive Search Unit (FSU) sa iba’t-ibang mga lugar sa bansa.
Karamihan sa mga naaresto ng mga awtoridad na mga ay ipinabalik na sa kani-kanilang mga bansa na nahaharap na sa kanilang sentensiya sa loob ng kulungan.
Nakalagay na rin umano ang pangalan ng mga ito sa blacklist ng BI upang hindi na muling makabalik pa ng Pilipinas.
Nanguna sa listahan ng mga naarestong dayuhan ay mga American nationals na umaabot sa bilang na 21, sinundan ng pitong Koreano at limang mga Chinese nationals.
Sinabi pa ni David, karamihan sa mga nahuli ng BI ay wanted sa sex crimes gaya ng rape, sexual assault, child molestation at child pornography.