Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

PNoy RH president – Obispo

$
0
0

BINANSAGANG Reproductive Health President (RH) ng ilang Obispo ng Simbahang Katolika si Pangulong Benigno Aquino III dahil sa paglagda sa kontrobersyal na RH bill.

Ayon kay Catholic Vote Philippines spokesman Dr. Ricardo Boncan, gagawin nila ang lahat ng legal na pamamaraan upang maideklarang unconstitutional ang RH law.

Kaugnay nito, naghahanda na rin ang Simbahang Katolika sa susunod nilang hakbang para kuwestiyunin sa korte ang kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) Law.

“We find the non-publicized signing of the RH bill into law by President Aquino to be highly dishonorable and unprincipled matter because he did it right after stating that he was in no hurry to sign the bill before Christmas,” .

“We will exhaust all legal remedies to fight this unjust, unethical and anti-poor and anti-life law,” pahayag ni Boncan.

Sinabi naman ni Jaro, Iloilo Archbishop at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Angel Lagdameo na ang Korte Suprema ang huli nilang takbuhan para hilingin na maibasura ang nasaying batas .

Ayon naman kay CBCP-Episcopal Commission on Family and Life executive secretary Fr. Melvin Castro, tuloy ang gagawin nilang adbokasiya at pakikipaglaban sa RH law sa harap ng panawagan ng Malacañang ng pagkakaisa.

Habang tinawag naman ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes si Pangulong Aquinon na RH president.

Ang ginawa aniya ng Pangulo na pagpirma noong Disyembre 21 sa RH bill ay para na rin umanong nagtanim ng time-bomb.

“Indeed, PNoy will be known as the RH president, which is not a title of honor. His conscience will be bothering him day and night because he has planted a moral time bomb in our Catholic country,” ani Bastes. “Our opposition to that immoral law will persist,” sabi ni Bishop Bastes.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>