SA halip na makatulong, kulungan pa ang napuntahan ng isang matanda matapos kasuhan ng frustrated homicide sa Catanuan, Quezon makaraang umawat sa away ng isang magkapatid.
Kinilala ang suspek na si Artemio Batario, 63.
Nabatid na nag-iinuman ang suspek at ang biktima na si Joel Martinez kasama ang kapatid nito na si Randy nang magkairingan ang magkapatid.
Pero nang awatin ni Batario ay sinalya siya ni Joel dahilan para masaktan.
Sa galit ay kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak sa tiyan ang suspek.