PATAY ang isang binata matapos lamunin ng dagat at malunod sa isinagawang outing kasama ang kanyang mga kaibigan sa Sariaya, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Jay-ar Andresa, 22, ng Laguna.
Sa imbestigasyon, nagkayayaang mag-swimming ng magkakaibigan sa Tagisgis Beach Resort nang bigla na lamang tangayin ng malakas na agos ng tubig si Andresa.
Sinubukan pang isiugod sa pagamutan ang biktima pero hindi na umabot nang buhay.